NAGISING si Mackenzie ng alas siyete ng gabi ng maramdaman niyang biglang lumamig ang temperatura. Napaupo siya sa pagkakahiga sa kama at kinusot kusot ang mga medyo namamaga pang mga mata
Hindi pa pala siya nakakapagbihis
Tumayo siya at hinalungkat ang isang traveling bag na nakapwesto na sa gilid ng kanyang kama. Kung tutuusin ay pwede sa pangdalawahang tao ang room niya, medyo malaki laki din naman kasi itong napili ni Giovanni para sa kanya
Gawa sa kawayan ang dingding at may maliliit na siwang, may bintana din pero sakto lang iyon para makakita siya sa labas. Kompleto ang mga kagamitan sa loob at may kalakasan ang ilaw
Napangiti siya at bahagyang itinaas ang napiling damit
Isa iyong Adriana dress na kulay maroon. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi suotin ang nakuhang damit; above the knee lang naman ito at medyo simple kaya ayos na din
Nang matapos siyang makapagbihis ay lumabas na siya sa kanyang cabin at hinanap ang mga kasamahan. Nandoon pala ang mga kasamahan niya sa tabing dagat malapit sa punong acacia at pinapalibutan ang bonfire na makakaagaw talaga ng atensiyon ng mga tao mula sa malayo
Nagkakantahan ang mga ito ng isang kanta na pamilyar na pamilyar sa kanya. Si Charles pala ang nagsisilbi nilang gitarista sa gabing ito
She looks so perfect standing there
My American apparel underwear,
And I know now, that I'm so down—
Napangiti na lang si Mackenzie ng mapagtanto niyang kanta pala iyon ng bandang Five Seconds of Summer na She Looks So Perfect
Her lipstick stain is a work of art
I've got your name tattooed in an arrow heart. And I know now, that I'm so down hey ey hey!
Napahinto sa paglalakad si Mackenzie ng tumingin sa kanya si Charles. Akala niya ay hindi siya nito nakita iyon pala ay nagkakamali siya dahil kanina pa ito titig na titig sa kanya na para siyang isang anghel na bumaba galing sa langit
Napahinto naman ang lahat sa ginawang pagpalakpak ng kanilang mga kamay at dahan-dahang sinundan kung saan nakatingin si Charles. Halos mabali na ang mga leeg nito kakaikot matingnan lang siya
At naturang natahimik ang lahat sa ginawang pagkanta ng ang mga ito ay tuluyan na talagang napako ang mga tingin sa kanya. Tanging ang maririnig lang sa islang ito ay ang mga kuliglig na patuloy na nag-iingay sa kanilang kapaligiran
"Magandang gabi sa inyo—" basag niya sa katahimikan at umupo katabi ni Giovanni
"M-magandang gabi din." Si Robbie ang sumagot at kumuha ng isang boteng beer sa sisidlan nito
Tumango lang siya at isinandal ang ulo sa balikat ni Giovanni—nakatitig lang siya sa bonfire habang pinapakiramdam ang mga ito
Hindi na din natuloy ang kanilang mga kanta dahil sa biglaan niyang pagdating
"Magsisimula na ang photoshoot natin bukas at bukas na bukas din ay makakarating na dito si Luke, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo kanina na hindi siya nakasama sa biyahe natin dahil nagkasakit ang Mama niya, umuwi siya sa Illinois dahil nandoon ang kanyang pamilya at walang magbabantay sa Mama niya"
"As of now, ay naging mabuti naman ang pakiramdam ni Mrs Illot. Kaya pwede ng humabol sa atin si Luke. Naiintindihan niyo?" Pang-iimporma nito sa kanila na ikinatango tango nilang lahat
Ramdam niyang nakatitig pa din sa kanya si Charles at hindi niya ito kayang tingnan. Nahihiya siya at parang anytime ay lulubog siya sa mga tingin nitong hindi niya mabasa
"Mackenzie, ready ka na bang sumabak sa photoshoot bukas?" Tanong ni Robbie sa kanya na katabi lang ni Charles
"Oo naman! Kailan pa ako hindi naging ready," sagot niya at nginitian ito ng pagkatamis tamis
Umiwas naman kaagad ng tingin si Robbie at nag-iba ng usapin. Hula niya ay may feelings pa ang dating nobyo niya sa kanya hanggang ngayon. Kahit siya ay may feelings pa din para dito pero hindi na matatawag pang mahal niya pa din ito hanggang ngayon
Parang infantuation na lang kung maihahalintulad ang kanyang nararamdaman para dito. Minsan nawawala at minsan din bumabalik, pero parang nawala lang ng kusa ng dumating sa buhay niya si Charles
"Babe, para sa'yo—beer." Abot sa kanya ni Giovanni na kaagad naman niyang tinanggap
Ramdam na naman niyang hindi sumang-ayon si Charles sa galaw ni Giovanni. Kapwa nagmamasid lang ito sa kanilang dalawa at inaabangan kung ano ang kanilang magagawang kamalian
"Cheers! Dahil sa successful ang unang photoshoot natin." Ani Robbie na nakataas ang bote ng beer
"Cheers! Dahil sa nagustuhan ng editor ang aesthetic shots ni Charles" anas naman ng isang staff na medyo may tama na
"And cheers! Dahil sa last na itong gagawin natin at mukhang sa susunod na namang taon tayo magkakasama." Malungkot niyang anunsiyo at itinaas din ang sariling bote
Nakakalungkot isipin na huling photoshoot na pala bukas ang kanilang gagawin. At hindi na sila magkikita pang muli
Kahit papa'no ay may pinagsamahan din naman silang lahat. Aaminin niyang masayang kasama ang mga staff ni Robbie at kahit na sinusungitan at sinusupladahan niya ang mga ito ay mabuti pa din ang pakikitungo ng mga ito sa kanya
Kaya nga nagpapakabait na siya kasi para sa kanya ay hindi sa lahat ng oras at panahon ay makakasalamuha siya ng mga taong hinihigitan ang pagpapakumbaba sa isang tao. Dito niya mismo natutunang maging mapagpahalaga at mapagpakumbaba na din kung dati ay hindi siya nakikinig at hindi nagpapasabi dahil sa isa siyang dakilang perfectionist ay iniiwasan na niya
We're not perfect, at naisa-isip na din niyang kahit minsan ay itatak iyon sa kanyang kukote para palagi niya iyong matandaan
Uminom si Mackenzie ng kunti sa beer na binigay sa kanya ni Giovanni. Nakatitig pa din siya sa bonfire na ngayon ay unti-unti ng lumalaki dahil sa dami ng kahoy na nakapaligid dito
"Babe, alam mo bang kanina pa nakatitig si Charles sa'yo? Titigan mo din kaya pabalik—" bulong sa kanya ni Giovanni na ikinagalaw ng mata niya para tingnan si Charles
At tama nga ang sinabi ni Giovanni, nakatitig pa din ito sa kanya na parang hindi nagsasawang titigan siya
"Baliw ka ba?! Ayoko nga! Baka—" bulong din niya pabalik
"Baka ano?"
"B-basta! Ayoko!" Anas niya kasi hindi naman niya alam kung anong gagawin
Kahit na nakakailang na masyado ay pilit niyang inaaliw ang sarili sa mga kasamahan niyang nagkukwentuhan. Nadala naman siya sa mga sinasabi nito at medyo nakakalimutan na niya si Charles
"Babe, saglit lang ah? Magbabanyo lang ako." Tugon sa kanya ni Giovanni at tumayo na sa pagkakaupo sa white sand
"Okay," sagot niya at sinundan ito ng tingin
"Alam ko na! Para masaya ang gabi natin. Maglaro kaya tayo ng truth or dare? Siguradong may mapapaamin dito—" nakangising suhestiyon ni Kent
Sumang-ayon naman ang lahat sa suhestiyon nito at nagsilapitan sa mga kasamahan niya. Siya lang ang hindi lumapit sa mga ito dahil hinihintay niya si Giovanni kung kailan ito babalik—halos lumampas na ang thirty minutes kakahintay niya dito dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ito nakakabalik. Baka nakatulog na ito sa banyo habang naglalabas ng singaw
"Mackenzie, why you didn't join to them—" ani Charles na hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya
"I'm waiting for Giovanni to come back in here," sagot niya at tinatanaw pa din ang daan kung saan ito lumiko
"Look, para hindi ka mabagot kakahintay diyan sa nobyo mo. Sumali ka na lang sa truth or dare na nilaro nila; masaya naman 'yun eh at paniguradong hindi ka maiinip kakahintay kay Giovanni" biglaang himotok nito na ikinaangat niya ng tingin
Nakatayo ito sa harapan niya habang bitbit pa din ang bote ng beer, naaamoy na din niya ang beer na parang kumapit na sa katawan nito
"Okay." Sagot niya at kusang tumayo at nilampasan ito