NAGTATAWANANG sabay na lumabas sina Mackenzie at Giovanni sa restaurant na kinainan habang magkaakbay pa ang mga ito. Sobrang saya nilang dalawa dahil sa mga ala-alang bigla na lang nilang napag-usapan kanina habang sila ay kumakain
"Walang hiya ka talaga Giovanni, sa edad na kinse anyos umiihi ka pa sa hinihigaan mo—" napapailing na anas ni Mackenzie habang hindi mapigilang pisilin ang batok nito
"Natural lang 'yun ano! At saka hindi lang ako nagwiwi sa kama ko. Hindi sana 'yun mangyayari kong hindi ko napanaginipang nagbanyo ako." Depensa naman ni Giovanni at tumawa ng sobrang lakas
"Ikaw din naman ah, nagwiwi din." Dagdag pa nito na ikinalaki ng kanyang dalawang mata
"Hoy, ten years old pa lang ako—hindi na ako nagwiwiwi sa kama ko!" Bulalas niya at tumingin sa unahan
Natigil sila sa paglalakad ng pagtingin nila sa kanilang unahan ay nandoon pala si Charles kasama ang napagkamalang girlfriend nito na si Aqueela
Parang nastar struck silang apat ng magkaharap harap sila sa iisang daan papasok at palabas ng restaurant. Kapwang nagtitigan ng iilang segundo sina Charles at Mackenzie—walang anumang salita ang lumalabas sa kanilang bibig, parang naglaho ang lahat at tanging ang kanilang mga sarili lang ang kanilang nakikita
Napakurap kurap si Mackenzie ng maramdaman niyang inakbayan siya ni Giovanni
"Hey, Charles. It's been a long time—" bati ng kanyang manager sa lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ng sobrang bilis
Alam niyang hindi na normal iyon dahil ibang-iba ito sa mga nararamdaman niya dati no'ng sila pa ni Robbie
Hindi sumagot si Charles sa bungad ni Giovanni sa halip ay ibinalik lang nito ang tingin sa kanya
"Kumusta ka na?" Tanong nito sa kanya na parang inaasahan talaga ang kanyang isasagot
"O-okay naman ako—" kinakabahan niyang tugon at napatungo na lamang
"Let's go babe—" ani Giovanni at pinalakad na siya habang nakaakbay pa din ito sa kanya
Shit! Nagseselos siya base sa kanyang nakita. Ayos na sana 'yung naki-usyoso lang siya no'ng nakaraang araw pero ngayong nakasalubong niya pa ang mga ito? Fuck! Parang sinaksak ng sampung beses ang kanyang puso
Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, basta paggising niya lang ay si Charles na ang tinitibok ng kanyang marupok na puso. Hindi na niya ito kayang itanggi dahil kitang kita na sa kanyang mga kilos, maging sa kanyang mga mata kaya hindi niya matitigan ng ganoon katagal si Charles
Kusang pumihit ang ulo ni Mackenzie patalikod para tingnan ng huling beses si Charles pero sinaktan niya lang ang sarili ng ang makita niya ay kung gaano ito kasweet sa isa't-isa; nakalingkis ang isang braso nito sa bewang ni Aqueela. How she wish that it was her—
"Mackenzie, huwag mo na sila habulin ng tingin. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo" bulong nito sa kanya at pina-una siyang pinapasok sa puting van na sinakyan nila kanina
"KUYA Charles, are you okay?" Malumanay na tanong ni Aqueela sa kanya
Natauhan naman si Charles ng marinig ang boses ng babaeng kapatid. Napansin na siguro nito na parang wala siya sa tamang katinuan dahil kanina pa siya nakatingin sa mesa at hindi man lang kumurap ng isang beses
"I'm okay—" sagot naman niya at nagpakawala ng buntong hininga
Ramdam niyang hinawakan ni Mackenzie ang kanyang kaliwang kamay na nakapatong sa mesa
"Is this all about her Kuya?" Tanong na naman nito na ikinailing niya
Alam ng Diyos na ayaw niyang magsinungaling sa kanyang nakababatang kapatid pero anong magagawa niya? Aqueela is so naive when it comes to this
"Kilala ko siya Kuya Charles, she's Mackenzie right? Artista siya kagaya mo kaya nahihirapan kang abutin siya. I understand you, it's just—naaawa lang ako sa'yo. Kuya, look. You've given all your feelings away; I know na pinaramdam mo na sa kanya ang lahat—kitang kita ko sa mga galaw mo at nababasa ko sa mga mata mo kung gaano mo siya kagusto." Anas nito
Gumanti naman ng hawak si Charles sa kamay nito at pinisil iyon. Nagpapasalamat siya dahil naiintindihan siya ni Aqueela, hindi siya nito hinuhusgahan at palagi itong nasa tabi niya kung malungkot siya
Mas kilala pa siya nito kesa sa kanyang mga kapatid at magulang nila.
"Thanks for your understanding Aqueela, ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kapatid na marunong umintindi at hindi ako hinuhusgahan. Palaging nandiyan sa tabi ko kapag may problema ako—" pagpapasalamat niya sa kanyang kapatid
Nginitian naman siya ni Aqueela at lumipat ng upuan para tumabi sa kanya. Inilingkis nito ang kanang braso sa kanyang kaliwang braso at ipinatong ang ulo nito sa kanyang balikat
Dinadamayan lang siya nito dahil alam nito kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi nga niya lubos akalain na may boyfriend na pala ang babaeng gusto niya; palagi na lang siyang out of the box sa mga oras na ito
"It's okay Kuya, I can feel you. I know it hurts and I adore you because you're so strong the time you faced her in front of me and her boyfriend." Malungkot na pahabol pa nito at hinagod hagod ang kanyang likuran
Gusto niyang maiyak sa kung paano siya nito icomfort, sa likod ng baliw at maluwag ang turnilyo sa utak na si Aqueela ay may ganito din pala itong side: for him, Aqueela is so good for being an advice corner and a comforter
"Hindi ko alam kung anong uri ng pasasalamat ang ibibigay ko sa'yo Aqueela. Sobra sobra na itong pinaramdam mo sa'kin" at nagpakawala ng isang magaang tawa
"Nah, no worries Kuya Charles. Basta tulungan mo lang ako sa mga projects ko" anas nito at bumitaw na sa kanyang pagkakayakap
Kailan kaya siya makakakuha ng sapat na panahon at sapat na lakas ng loob para umamin kay Mackenzie. His feelings towards her wasn't just a plain love; it's eros, which means erotic and passionate love. Iyon ang nararamdaman niya para kay Mackenzie
Bukas na bukas din ay photoshoot na nila sa El Nedo Palawan. Gusto sana ni Robbie sa Maldives pero hindi na nito itinuloy ang desisyon na mag out of town sila dahil sa lalong malalakihan lang sila sa gastos
Kilala si Robbie bilang isang masinop na tao, palagi nitong iniisip kung anong magandang maidudulot ng sarili nitong kompanya. Hindi nito hinahayaang bumagsak ang kompanya dahil sa isang pagkakamali; palagi itong bumabawi
Kaya hindi niya maiwasang mapa-isip kung ano kaya ang magiging takbo ng kompanya nito sa hinaharap.
"Aqueela, semester break na naman niyo bukas hindi ba? Why not—sumama ka na lang sa'kin sa El Nedo Palawan; I'm sure mag-eenjoy ka do'n. We'll do the snorkeling na matagal mo ng pinapangarap" tugon niya kay Aqueela
Alam niyang ito lang ang mabibigay niya sa kapatid bilang pambawi, pangarap kasi nitong mag snorkeling dahil hindi pa daw nito nararanasang maglibot libot sa ilalim ng tubig dagat
Bumadha naman ang saya sa mukha ni Aqueela pero bigla din itong nawala
"I'm so sorry Kuya, pero mukhang hindi ako makakasama sa'yo. It's because may thesis pa akong gagawin and you know na hindi ko naman basta basta maiiwan sila Mom and Dad 'di ba?" Tutol nito sa kanyang sinabi
Somehow, ay naiintindihan niya si Aqueela
Ayaw din nitong malayo sa kanyang Mom at Dad. Sa edad na twenty years old ay hindi pa nito binubuklod ang sarili sa kanyang mga magulang, it's because natatakot ito sa kung ano ang mangyayari sa sarili nito
Aqueela is not a laggard, feeling nga niya ay wala itong sense of direction dahil sa hindi ito mahilig mamasyal mag-isa—gusto nitong kasama ang friends nito o hindi kaya ay siya
May mga times pa nga na sinubukan nitong magtour sa ibang bansa, sa Michigan at muntik na itong mawala sa bansang America
"I understand, mas prefer mo talagang ilunod ang sarili sa studies ano? Ayaw mo bang mastress free kahit paminsan minsan?" Tanong niya
Umiling iling naman ito
"I mean, oo, gusto ko pong mastress free pero hindi ko naman pwedeng basta basta na lang na pabayaan ang studies ko Kuya 'di ba? One year left and I would be the alumna of our family—ayaw mo ba akong pagtapusin ng pag-aaral Kuya?" Naglalambing na asik nito at tiningnan siya ng napakainosente
"Gusto, kaya nga I want to help you thru offering you a vacation with me. Sa El Nedo lang naman at huwag kang mag-aalala hindi kita pababayaan do'n. Kasama mo naman ako kasi may photoshoot din akong gagawin do'n." Nakangiti niyang pagpapaliwanag at ginulo ang buhok nito
"Kuya!" Pasigaw na anas nito at pabirong tinampal ang kanyang braso
Tumawa lang siya at inakbayan ito at mas lalo pang ginulo ang buhok nito