Baixar aplicativo
33.33% Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession) / Chapter 11: Obsession 7

Capítulo 11: Obsession 7

NAPAPAILING na paulit-ulit na tiningnan ni Robbie ang mga kuha niyang litrato sa desktop nito. Inizoom in and out pa ito ni Robbie habang may ngiti sa mga labi nitong tiningnan ang mga litrato ni Mackenzie

"Hindi nga talaga ako nagkamali ng pagpili sa'yo dude, masyado kang magaling sa photography." Bulalas nito at iniwang naka-on ang desktop bago siya tingnan

"Good job dude, ang galing mo talaga sa photography." Tapik nito sa kanyang balikat at isinukbit ang tuxedo sa balikat nito bago siya tinanguan

"Next time ulit," paalam nito sa kanya at nauna ng lumabas sa kanya sa studio

Siya naman ay paisa-isang tiningnan ang mga litratong kuha niya kay Mackenzie. Maganda naman talaga si Mackenzie kaya nga nakuha ito bilang isang artista at modelo. Meron itong malakas na alindog na parang lahat yata ng kalalakihan sa mundong ito kasama siya ay pagpapantasyahan itong si Mackenzie

Nag-angat siya ng tingin ng makita niyang lumabas si Mackenzie sa lady's room habang hinuhubad ang suot nitong earrings sa tenga

Napangisi na naman siya ng nakakaloko at may naisip na isang kabulastugan. Agad niyang nilapitan si Mackenzie at kaagad na inakbayan

Naramdaman niyang napaigtad pa ito sa gulat at hindi nakagalaw ng ilang segundo ng mapagtanto nitong siya pala iyon

"Hoy, ano bang ginagawa mo! Alisin mo nga ang braso mong nakaakbay sa akin—ang bigat nakakangalay ng batok!" Asik nito at mabilis na inalis ang kanyang maskuladong braso

"You know what babe, ang ganda mo sa photoshoot kanina. Gusto mo ba makahingi ng copies mula sa'kin?" Panimula niyang pang-aasar dito na sinimulan niya sa pagtawag ng babe

Napasinghap pa ito at hindi makapaniwalang tiningnan siya

"Hoy! Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Anong babe, babe ang sinasabi mo diyan?!" Bakas sa tono ng pananalita nito na nagulantang ito sa narinig

"Come on babe, huwag ka na kasing pakipot. Pilitin mo akong kunin ang mga iilang pictures mo sa'kin, malay mo magustuhan ko ang pag-arte mo at pumasa sa taste ko ang preferred genre mo." At kinindatan pa niya ito

"Urrgh! Kahit kailan nakakainis ka talaga De Witt!" Tugon nito at tinalikuran siya

Hinawakan naman niya ang kamay nito at hinila dahilan para mapasubsob ito sa matigas at malaki niyang dibdib

"Ano, mabango ba?" Nakangisi ng nakakaloko na tinanong niya ito at bahagyang iniyuko ang ulo para makita ang reaksiyon nito

"Ang kapal din ng mukha mo eh 'no? At ang tigas ng mukha mo kasing tigas ng bato!" Sagot naman nito

"Bitawan mo nga ako De Witt!" Pagpupumiglas nito na mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa maliit nitong bewang

"Kiss muna—" halos humagalpak ng tawa si Charles ng makita niya ang naging reaksiyon ni Mackenzie

"Urrgh! Ang kapal kapal talaga ng mukha mo De Witt! Nakakaimbeyerna ka!" At nagpupumiglas ulit

"What happened to my name? Bakit naging formal ka na sa'kin? Hindi ba't first name basis na tayo—" pang-aasar niya

Nageenjoy siyang makitang napipikon si Mackenzie. Halos magkulay kamatis na ang ilong at dalawang tenga nito kakapigil ng galit sa kanya

"Bitawan mo ako?!" Pagbabanta nito

"Sabihin mo muna ang pangalan ko—"

"Ang sabi ko bitawan mo ako?!"

"Pangalan ko muna—" nang mapagod siguro sa kakakulit niya ay ito na mismo ang sumuko

"Okay," bumuntong hininga muna ito at ipinikit ang mga mata bago siya pinaki-usapan

"Charles, pwede bitawan mo na ako? Naiihi na kasi ako eh?" Pagpapacute nito sa kanya na ikinalambot ng ekspresiyon niya

Honestly, may ganito bang side si Mackenzie? Kasi kung tama ang hinala niya; hihilingin niya sa buwan at mga bituin na maging ganito na lang palagi si Mackenzie pagdating sa kanya

"Ano okay na? Happy?!" Sarkastikong untag nito na ikinabalik niya sa reyalidad

Natawa siyang muli sa pagsusungit nito sa kanya

"Okay na sana 'yun babe, pero natawa ako sa sinabi mong naiihi ka? Really, sa lahat lahat ng lines na napag-aralan at nasabi mo sa harap ng camera ay ito pa talaga ang gagawin mong excuse sa'kin? You're so funny babe" nagpipigil ng tawang sagot niya kaagad bago niya ito binitiwan

"Heh! Ewan ko sa'yong lalaki ka!" Sagot nito at tumakbo papalayo sa kanya

At sa gabing ito, siya ang nagwagi sa asarang naganap sa kanilang dalawa—

PASALAMPAK na ihiniga ni Mackenzie ang sarili sa malaking kama ng makapasok siya sariling condo. Pagod na pagod siya sa photoshoot at parang binugbog ang kanyang katawan dahil sa sobrang kapaguran at pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng muscle pain

Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga braso niya at mga paa, kahit na masakit ay pinilit niya pa ding iginalaw ang mga iyon

Nakakainis din naman kasi si Charles, halos lahat yata ng shots niya kanina ay nakatayo. Hindi ba ito naaawa sa kanya? Ito ba ang sinasabi ni Robbie na gentleman? Kahit na sanay na siyang magsuot ng high heels ay nangangalay pa din siya

At hindi niya inasahan ang senaryong pumasok sa kanyang isipan. Kaagad nagbalik sa kanyang ala-ala ang ginawang pang-aasar sa kanya ni Charles, at tinawag pa talaga siya nitong babe! Kikiligin na ba siya? Oh, well. She will never allow Charles to stimulate her sympathetic nervous system

Hindi niya hahayaang pati ang marupok niyang puso ay kukuhanin ang sariling tibok niyon, she can't let that happen!

"Urggh!" Itinago ni Mackenzie ang mukha sa ilalim ng kanyang mga palad at nagpapadyak sa kama

Kakasabi niya lang sa kanyang sarili na hindi niya ito hahayaang kunin ang tibok ng kanyang puso pero trinaydor siya ng sariling damdamin. Nakisali na din ang utak niyang parang gusto naman ang tinitibok ng kanyang marupok at malanding puso

"Tumigil ka na!" Impit niyang sigaw habang paulit-ulit pa ding nagpapadyak sa kama

Kaagad niyang naramdaman na nag-iinit ang kanyang dalawang pisnge at alam niyang namumula iyon. She experience this a lot of times pero ito ang mas matindi—si Charles lang ang nakakagawa nito sa kanya

"Damn it!" Hindi niya mapigilang asik at umupo sa kama

Kung hindi iyon ginawa ni Charles sa kanya kanina hindi sana siya magkakaganito. Hindi siya kikiligin at makakatulog siya ng matiwasay sa gabing ito

Pero mukhang malabo na naman iyon dahil nasundan na naman ang kanyang problema sa pagtulog dahil kay Charles. Kailangan na siguro niyang magtake ng sleeping pills para makatulog na siya at maalis sa isipan niya si Charles na walang ibang magawa kundi ang asarin siya ng asarin

Sana bukas o sa makalawa ay tapos na ang proyekto niya sa photoshoot na inoffer sa kanya ni Robbie, kung hindi lang naman kasi niya kailangan ng pera ay hindi niya tatanggapin ang offer nito. Pero mukhang malas siya sa buwanang ito kasi palagi na lang siyang nagigipit.

Una, naiwala niya ang wallet niya sa taxing sinakyan niya no'ng nakaraang araw; limang libo ang laman no'n at sobrang importante ang perang 'yun sa kanya. Nanawagan na nga siya sa studiong alam niya at ishinout out pa niya ang taxing nasakyan niya na pakibalik ang nawawalang wallet niyang naiwan sa loob niyon at pakidala na lang sa ahensiyang pinagtatrabahohan niya: hanggang sa umabot na lang ang tatlong araw na pinakahihintay niya ay walang dumating na may edad na lalaki para magsa-uli ng wallet na galing sa taxi.

Pangalawa, na snatch ang bag niyang may lamang twenty thousand. May laman pa iyong importanteng bagay na ginagamit niya sa pang-araw araw niyang ginagawa maging sa condo at sa taping—nagreklamo na siya tungkol do'n at paulit-ulit na idinetalye sa mga pulis na nasnatch ang mamahaling bag niya at nandoon ang lahat ng kailangan niya. Nangako pa ang mga ito sa kanya na iimpormahan na lang siya kapag nahuli na ang snatcher, pero kagaya no'ng inasahan niya no'ng unang pangyayari ay walang tawag na nakarating sa kanya mahigit isang linggo na ang lumipas

At ang pangatlo, naubos na ang perang ibinangko niya ng nakaraang buwan. Dahil sa matinding pangangailangan ay halos sa isang linggo ay nakakatatlong balik siya sa money bank para mag withdraw

At alangan namang manghingi pa siya ng pera sa kanyang mga pinakamamahal na magulang para makabili ng mga gusto niya. Nahihiya na nga siyang magsabi sa mga ito na naghihirap na siya at may tsansang maging kabilang sa taong matindi ang pangangailangan at higit sa lahat ay ang pera

"Titiisin ko na lang itong pang-aasar sa'kin ni Charles hanggang sa matapos na ang proyektong 'to. At pagkatapos no'n I'm back to normal again! No Charleston De Witt na manggugulo at mang-aasar sa buhay ko; period." Bulalas niya at tumayong muli para magtungo sa banyo at maghilamos


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C11
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login