3rd Person's POV
Maagang pumasok sa trabaho ang magkaibigan. 5 am palang ay pumapasok na sila dahil 6:30 ng umaga ito nagbubukas.
Pagdating nila sa Cafe, agad bumungad sa kanila ang mga katrabaho na nagsisipaglinis at nagsisipag ayos ng mga table at chairs doon.
"Joh-eun achim! (Good morning!)" Sabay na bati ng magkaibigan sa kanila.
"Good morning din!" salubong ni Kat sa kanila sa counter.
Ngumiti at kumaway naman ang iba nilang co-barista sa kanila.
Dumiretso na agad ang dalawa sa locker room upang magbihis ng uniform nila sa Cafe.
Matapos magbihis, dumiretso sila sa kanya-kanya nilang nakatokang trabaho.
Pumasok si Charm sa loob ng kitchen para magpunas ng mga cups, plates at iba pang gamit doon habang si Selene naman ay nakatoka sa papupunas ng bintana sa labas ng Cafe.
Isinara muna nila ang second floor dahil sa party na gaganapin doon mamayang gabi.
Maya-maya pa ay lumabas na mula sa office nya si Gen at lumapit sa bell na nakasabit sa may pinto ng cafe at binatingting ito.
"We're open!" nakangiting sigaw nito na narinig naman nilang lahat kaya agad silang pumuwesto sa mga designated area nila upang maghintay ng mga customer na papasok.
Sikat ang Star Bean Cafe sa Seoul kaya naman tuwing nagbubukas sila, agad itong dinadagsa ng mga tao.
Kadalasan nilang customer sa umaga ay mga business man, company employees at university students sa kalapit na unibersidad.
Kapag pagabi naman, senior citizens, mag nobyo, o kaya naman ay mga employee na may company dinner ang kumakain sa kanila.
9:30 ng gabi sila nagsasara, mula lunes hanggang sabado. At pagdating ng linggo, sarado na ito maghapon.
Mabilis dumami ang customers kaya naman naging abala na ang lahat sa pagtatrabaho.
Ganito ang araw-araw na eksena sa Cafe dahil sa sobrang patok nito sa mga tao.
~~~
At Black Label Ent.
Euwan's POV
As soon as I parked my car behind the building, I immediately went inside the back entrance.
I went directly to my manager's office at the 4th floor. Doon ako tumatambay kapag wala akong schedule.
I just finished my Japan tour that's why my schedules for now is not that tight maliban nalang sa mga singit na photoshoots or CFs. Commercial films yon FYI.
When I entered Cleeone's office, naupo ako sa couch and rested my feet under the coffee table. I switched on the TV as I relax my head at the back of the couch. This is peace. -,-
I turned the channel and a news pops out. What a good timing! -,- Lemint' company is being discussed by a reporter.
I immediately switched that thing off. Nawala ako sa mood tch -_-
I rested my head in the couch when I heard someone's pressing the door code. It's Cleeone.
Pagbukas nito ng pinto, I saw her surprised face.
"Ow! Nandito ka na pala! Kanina ka pa? " tanong niya while hanging her coat on the rack.
"Nope. I arrived just a lil' earlier than you." I replied.
"Ahh okay. So did you get enough rest or baka naman kung saan-saan ka naman nagpunta? " she asked while leaning on her desk facing me.
"Don't worry. After buying foods at the grocery, I just slept all day."
"Very good then!" nakangiti nyang sabi then sitted on her desk chair. "Wala ka namang schedule ngayon until tomorrow so you can go wherever you want WITH a mask on. Don't forget that!" pagduduro nya sakin. Tsk. It's really a must. I can't go outside without it. -,-
"Ofcourse." sagot ko nalang habang nag iinat sa couch. I think I have to go to practice room para ma-stretch ako. I hate this lazy feeling >< "Gotta go. Magpa-practice lang ako sa PR." PR is Practice Room.
Tatayo na ako nang pigilan nya ako.
"Wait, Euwan!" I stopped at the door and looked at her.
"I think you forgot that you owe me a treat for helping you moving into your new villa." Sabay kindat niya pa sakin. Yeah I forgot that. -,- Eto talagang si Cleeone. Sobrang matandain pagdating sa pagkain. -.-
"Haha sorry. Sure I'll treat you. Saan mo ba gusto?" Napipilitan kong tanong.
"Meet me at Star Bean Cafe later, 7pm. Let's have coffee there. You know, my brother's coffee is the best in the city, right?" Sa Star Bean? Sabagay, matagal-tagal narin akong hindi nakakapunta doon.
"Sure. Near at my old apartment?" Tanong ko. Madami kasing Star Bean dito sa Seoul. Ang isa ay malapit sa tinitirahan kong apartment dati. Yun lang din ang alam kong pinaka malapit dito sa BlackLabel.
"Nope. There's also a branch near at your new villa." Oh really? Meron din doon? Nice!
"Oh really? That's nice. Okay, see you later." pag sang ayon ko.
"See you!" she smiled at me.
I left her office and went up to the fifth floor using the stairs.
As I reached the floor, nakasalubong ko ang isang girl group with 6 of their members who were artist here also.
Isa-isa itong nag bow sa akin and I did the same.
As I walked passing them, I heard them giggling and whispering my name. Tsss -,- Hindi pa ba sila nagsasawa sa mukha ko? Kasi ako sawang sawa na sa pagmumukha nila eh.-_-
When I reached the door of the PR, I peeked inside and found no one. Siguro kayayari lang mag practice nung mga yun. I came inside and turned on the speakers so I can connect my phone via bluetooth.
When my song started to play, I already positioned myself and started to dance along.
3rd Person's POV
Busy sa pag-dedesign ng damit si Cleeone gamit ang iPad nang biglang mag vibrate ang phone nya sa ibabaw ng desk. Nakita nya ang caller ID ng kuya nya dito. Agad naman niya itong sinagot.
"Hello, bro."
"Sis. 'Sup?" - Byul
"Good. I'm customizing some of my old designs. Why?"
"Well.... I just wanna know what time mag-uumpisa ang party ni Euwan." - Byul
"Diba sinabi ko na sayo? Nasabi ko na rin sa mga staff mo doon. I'll go there myself later to smooth things up. But it'll start at maybe... 7pm basta kapag dumating na si Euwan? Why?" pag uusisa nya.
"Can I come? I'm an artist in BlackLabel too. And also, I want to meet Euwan. Matagal-tagal narin kaming hindi nagkikita simula noong nagsunud-sunod na ang out of the country schedules nya. Plus, this is my second visit there. Lagi akong nasa SB Daegu kaya di ko napupuntahan ang branch namin doon. I want to check my branch there too." Mahabang paliwanag nito.
"Ikaw bahala. Tutal ikaw naman ang may-ari ng cafe na yon so why asking for permission? Hahaha! " natawang sabi nito sa kapatid.
"Sinabihan kita for you to reserve a seat for me. Okay, see you later!" Sabay baba nito sa tawag.
"Seriously?" Pagtataka naman ni Cleeone habang nakatingin sa screen ng cellphone nya. Natawa nalang sya at pinagpatuloy na nya ang ginagawa.
~~~
Kasalukuyang nagpapapirma ng documents ang secretary ni France sa kanya nang biglang mag vibrate ang cellphone nya sa ibabaw ng desk. Huminto muna sya sa pagpirma at sinagot ito.
"Hello, Byul."
"Francesco, 7pm later ah." Bungad nito sa kanya. "You already know the location. Just go there. I already notified my sister that I'll come to the party and also to do a quick check there pero syempre.. ikaw ang pupunta instead of me. Just tell her na may emergency dinner meeting akong pinuntahan, okay? And after that, do your business."
"Okay I got it. Thanks bro! "
"Ikamusta mo nalang ako kay Euwan ahh. Hindi man lang kami nagpapang-abot sa BlackLabel. I miss that ghost already."
"Hahaha sure! But don't expect too much coz you know.." Natatawang sabi nito.
"Yeaaah I know! Okay. Good luck nalang later bro. Bye!"
"Bye!" At binaba na nito ang cellphone.
"Secretary Han, may schedule ba ako ng 7pm mamaya?" usisa nya sa secretary.
"Sa pagkakaalam ko... wala naman po. Wae, hoejangnim? (Why, Chairman?) " tanong nito sa kanya..
"Amugeotdo. (Nothing.) " tipid lang nyang sagot dito at tinuloy na ang pagpirma sa mga documents. Nagtataka namang nakatingin sa kanya ang secretary nya.
Matapos niyang pirmahan ito, kinuha ito ni Secretary Han at lumabas na sa kanyang office.
Iniunat nya ang likod niya sa rotating chair. Nang mapahinga na nya ang mga mata, binuksan niya ang drawer sa may desk nya para kunin ang iba pang documents nang madaanan ng paningin nya ang isang maliit na pulang kahon na nakasuksok sa gilid doon. Saglit siyang natigilan nang makita ito. Kinuha nya ito at binuksan.
Pagbukas nya, lumantad ang isang diamond ring sa loob nito.
Ang proposal ring na ibibigay niya sana noon sa nobyang si Marcellane.
Lungkot ang sumilay sa kanyang mga mata habang tinititigan ang singsing.
~~~
Kumagat na ang dilim at unti-unti nang naghahanda para sa gaganaping party ngayong gabi ang mga barista sa Star Bean Cafe.
Maaga silang nagsara ngayong araw upang makapag ayos ng iba pang kakailanganin sa party.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang ibang mga guest na kapwa mga sikat sa entertainment industry at malalapit na kaibigan ni Euwan at Cleeone.
Masaya silang sinalubong nila Charm kasama si Kat sa pangunguna ng head barista nilang si Genesis. Habang si Selene naman ay abala sa kusina at inihahanda ang surprise cake para kay Euwan Lee.
Isa-isa na itong umakyat sa second floor ng Cafe. Madami-dami din ang bisita kaya naman abalang-abala ang lahat ng staff sa pag aasikaso sa mga ito.
~~~
London.
6:35 in the morning, Saturday.
"Marcellane! You have a special visitor! Come out!"
Tawag sa kanya ng kaibigang makeup artist nya ngunit nakatulala lang ito sa harap ng salamin at tila walang naririnig. Kaya nilapitan na sya nito.
"Hey, Marcee! Are you okay?" Bahagyang nagulat si Marcellane nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. "What is it you're thinking? Something's wrong?"
Ngumiti naman si Marcellane dito.
"No. Nothing. I'm fine. Is it time?"
"No. 10 minutes more before the shoot. But you have a special visitor outside waiting so you have to go outside first and meet him. "
"Who?" Pagtatakang tanong nya.
"A really handsome guy! Just go out and you'll see." pasurpresang tugon nito.
Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ni Marcellane.
Di kaya iyon na ang taong matagal na niyang hinihintay?
Mabilis nyang inayos ang sarili sa harap ng salamin at nagmamadaling lumabas ng dressing room.
Paglabas niya, agad niyang hinanap ang sinasabi ng kaibigan ngunit wala siyang naabutan doon.
Iginala niya ang paningin sa paligid nang bigla na lamang may yumakap sa kanya mula sa likuran at bumungad ang hawak nitong boquet of pink roses sa harapan nya. Ito ang paborito niyang bulaklak.
Nabigla siya at madaling hinarap ito.
"Fran---" naputol ang sasabihin niya nang makita niya kung sino ito.
"Hi, babe! Did I surprise you?" Nakangiting bungad sa kanya ng sikat na french fashion designer na kamakailan lang niya nakilala sa isang fashion runway show. Ito rin ang napapabalitang dine-date nya at ngayon ay nobyo na niya.
Hindi maitago ni Marcellane ang pagka dismaya ngunit pilit nalang niya itong tinakpan ng isang matamis na ngiti.
Ang buong akala niya ay si France na ito.
Ang nobyo na minahal niya sa loob ng dalawang taon at hanggang ngayon ay hindi nya maitatangging mahal na mahal nya parin.
Yumakap ito sa kanya at ganun din sya dito.
"Thank you! But.. who told you that pink rose is my favorite flower?" pagtataka niyang tanong dito.
Eto din ang madalas na binibigay ni France sa kanya noong nasa Korea pa sya.
"That's a secret. I have my own resources.. you know. " tugon nito sabay kindat sa kanya.
Nagkatawanan silang dalawa.
"Excuse me! Marcellane... the shoot will start in 5 minutes. You have to prepare now." paalala ng isang staff doon.
"Okay. I'll go." tugon ni Marcellane sa kanya. "Babe, I have to go. I'll just meet you later at your studio. "
"No need, babe. I'll just fetch you here after the shoot. I have a schedule this morning so I'll come here after. Wait me here, okay? "
"Okay." Nakangiting tugon nya dito. "Bye then!" Yumakap siya muli dito at nagpaalam na sila sa isa't isa.
Pumasok na si Marcellane sa loob ng dressing room. Inamoy nya muna ang mga roses na bigay sa kanya ng nobyo. Napangiti sya ng bahagya sa mga ito ngunit bakas parin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Hindi ito katulad ng mga rosas na binibigay sa kanya ni France.
Bagama't pareho ang uri ng bulaklak, ngunit magkaiba ang binibigay sa kanyang kasiyahan nito.
Inilapag niya ito sa ibabaw ng couch doon at nagsimula nang mag-ayos ng sarili para sa photoshoot.
~~~
Dumating na si Cleeone sa Cafe.
"Good evening, Ma'am! Welcome to Star Bean Cafe!" salubong sa kanya ni Charm.
"Good evening din." nakangiting tugon naman niya.
"Second floor, Ma'am." sabay turo ni Kat sa hagdan paakyat sa second floor.
"Thanks!" at umakyat na ito.
Masaya siyang sinalubong ng mga katrabaho at kaibigan sa BlackLabel.
"Thanks for gracing this event with your presence!" nakangiting sabi nya sa mga ito. "And since my young brother, Byul owns this Cafe, he will be joining us too later. We all know he just came out from military and until now, hindi pa sya ganoong ka-active sa showbiz because of his business kaya naman it's a good thing na dito natin ginanap itong celebration party for Euwan so he can join us too."
Pumalakpak naman sila nang marinig ito.
"So... just enjoy the night while waiting for Euwan. Siguradong papunta na yun dito may dinaanan lang daw sya. So prepare yourselves, guys! We will give him a blast this evening!"
Lalo silang nagkaingay sa loob ng Cafe matapos magbigay ng opening speech ni Cleeone.
Nagpaalam siyang bumaba muna saglit para i-assist ang mga barista doon.
Pagbaba niya, sinalubong siya ni Gen.
"Hey Cleeone, noona!! Jal jinae?! (Kamusta?!) "
"GEN!!! "
Nagyakapan silang dalawa dahil sa sobrang pagka-miss sa isa't isa.
"Oh my gosh! Look at you! Lalo kang pumogi dyan sa barista uniform mo ah! It fits perfectly on you!" pagpuri nya dito.
"Syempre naman! Ikaw kasi di ka pumapasyal dito kaya di tayo nagkikita. Magtatampo na ako sayo nyan sige ka!" sabay pout nito sa kanya.
"You know how busy I am kay Euwan noh! Pasalamat ka nga hindi ka naging artist like him eh kundi.. malamang lagi ka ring wala dito sa Korea at pasayaw-sayaw sa ibang bansa."
Natawa naman ito sa kanya.
"Hahaha excited na nga akong ma-meet si Euwan eh! Matagal narin kaming hindi nagkikita. Baka ma-kiss ko talaga yon mamaya. " biro nito.
"Hahaha! I know. Okay na ba lahat?"
"Ofcourse! Kumpleto na! Si Euwan nalang ang kulang."
"Oo nga pala. Byul will visit here too later. Kaya galingan nyo ahh. Ayoko na masermonan kayo nun. Aawayin ko talaga yun kapag pinagalitan kayo."
"Haha don't worry. That will never happen. We promote excellent service here kaya wala kaming magiging problema dyan." pagmamalaki nya.
"Dapat lang noh! Mataas din naman ang expectation ni Byul sayo. Kung alam mo lang kung paano ka niya pinagyayabang sakin. It made me feel guilty in insisting you to train with Euwan before."
"Hahaha! Okay lang yon. I'm here naman na eh. And Euwan really did a great job too!"
"Yeah I'm so proud for the both of you! Excited na talaga ako na magkita kayo! Nasaan na ba si Byul? Katagal niya naman! Sabi ko dapat mauna siyang dumating kay Euwan eh! Kahit kailan talaga yun! "
"Baka na-traffic lang yun. Sige ahh. Tutulungan ko lang sila sa loob ng kitchen. I'll see you later upstairs, noona. " paalam niya dito.
"Ohh okay. Maybe I'll just go outside to wait for him. Parating narin siguro yun. "
"Okay! " Pumasok na ito sa loob ng kitchen.
Pagpasok ni Gen, naabutan niyang abala sa pagluluto ang mga chef kasama ang ibang barista na inaasikaso naman ang mga beverages. Nakita niyang wala si Selene na pinagbilinan niya sa pagpupunas ng mga wine glass.
"Where's Selene?" tanong niya sa mga ito.
"She went outside to buy. Naubusan kasi tayo ng dishwashing liquid kaya siya na yung pinabili ko." sagot ni Kat sa kaniya.
"Ahh okay. Prepared na ba yung surprise cake and wine? Yun kasi ang unang ilalabas pagdating ng celebrant."
"Yup! All set, chief. " - Kat
"Okay, very good! " nakangiting sabi nito.
Palabas na ng entrance si Cleeone para maghintay sa kapatid nang masilip niya sa labas ang isang pamilyar na kotse na pumarada sa harap ng Cafe.
"Wait... F-France?" pagkabigla nya.
Bumaba si France sa kotse nito at tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng Cafe. Nanlalaki naman ang mga mata ni Cleeone sa gulat habang nakatingin sa kanya.
"Oh! Cleeone, noona! 'Sup? Nag-start na ba kayo? Nandito na ba si Euwan?" sunud-sunod niyang tanong dito. Di naman ito sumasagot sa kanya at nakatitig lang ito sa kanya. "Why?" pagtataka niyang tanong dito.
"A-Anong ginagawa mo dito, France? Where's Byul?" tanong niya dito.
"Ahh.. naku sorry, noona. Your brother can't go because of an emergency dinner meeting. Kaya ako nalang ang pinag proxy niya dito sa party ni Euwan." paliwanag nito.
"Aww! Si Byul talaga! Hindi nya ba naisip na kapag nalaman ni Euwan na nandito ka, baka hindi na yon pumunta dito?!" pag aalalang sabi ni Cleeone.
"I know, noona. Don't worry. I'll stay out of his sight. Actually, your brother gave me a task to check this branch so hindi talaga ako magjo-join sa party ninyo. I'm contented to just see Euwan kahit na hindi kami magkausap."
Napabuntong hininga nalang si Cleeone.
"Okay okay. But promise me France ah! Wag ka munang magpapakita kay Euwan kundi alam mo na ang mangyayari."
"Yeah I know. Promise." itinaas pa nito ang kanang kamay para mangako dito.
Ilang sandali pa, may humintong taxi sa tapat ng Cafe. Kapwa sila napalingon sa dito.
Nagulat sila nang makita nilang si Euwan ang nakasakay na ngayon ay kabababa lang at naglalakad na papasok.
Hindi na nakakilos pa sila Cleeone at France dahil sa biglaang pagdating nito sa Cafe.
Pagbukas ni Euwan sa glass door ng cafe, nanlaki ang mga mata niya sa taong bumungad sa kanya.
"E-Euwan?" gulat na sabi ni France.
Hindi naman makapaniwala si Cleeone sa nangyayari ngayon.
Nakatayo lang sa entrance si Euwan at hindi kumikilos habang nakatingin lang sa direksyon nila.
"What are you doing here?" tanong ni Euwan sa pinsan na hindi nya inaasahang makikita nya doon.
Naglalakad na pabalik sa Cafe si Selene galing sa grocery na malapit lang sa Star Bean nang bigla siyang makarinig ng sigaw malapit sa direksyon ng Cafe.
Napatigil siya sa paglalakad nang marinig niyang tila nanggaling iyon mismo sa Cafe na pinagtatrabauhan nya.
Binilisan niya ang paglalakad upang makarating agad doon nang mapahinto siya sa nakita niyang lalaki na tumatakbo papalapit sa direksyon nya. Kung di sya nagkakamali, galing iyon sa loob mismo ng Cafe nila.
Napahinto sya habang nakatingin lang dito na papalapit na sa kinatatayuan nya.
Nakaramdam siya ng kaba na hindi nya mapaliwanag nang makita niyang malapit na ito sa kanya.
Ngunit nang mapatingin sa kanya ang lalaki, napatigil ito sa mismong harapan nya.
"You?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Medyo madilim kasi sa daan na iyon kaya hindi maaninag ni Selene ang lalaki.
Hanggang sa nailawan ng headlight ng padaan na sasakyan ang mukha nito at doon nya ito namukhaan.
"I-Ikaw?! " Gulat niyang sabi dito.
"EUWAN!!!! COME BACK HERE!!! "
Kapwa silang napalingon sa sumigaw.
Maya-maya pa, bumaling muli kay Selene ang lalaki.
"Can you run?" Tanong nito sa kanya. Nagtaka naman naman si Selene.
"H-huh? Ahh... o-oo. B-baki---"
"Then run with me."
Hindi na pinatapos ni Euwan ang pagsasalita niya at hinatak na niya ito sa braso at isinama sa pagtakbo nya palayo doon.
~~~