Maaga akong nagising upang magluto ng agahan, 7am pa lang naman at alam kong tulog pa si best friend Veil. Nagluto ako ng egg, hotdog at pure foods corned beef. Nag sangag na rin ako ng kanin para mas masarap ang magiging agahan namin.
Madalas ko itong gawin lalo na at hindi pa sya masyadong marunong magluto. Kaya nga kapag may oras ako ay susubukan ko ulit na tulungan sya, para naman kapag wala ako ay makaka kain pa rin sya.
Nang matapos ay inihanda ko muna ang pagkain bago dumeretso sa tapat ng pinto nya at binuksan ang password doon.
081920
Ibinaba ko muna ang mga niluto ko bago sya pasukin sa kwarto nya upang gisingin. Hinampas ko sya ng unan na ikinagulat nya.
"Nagluto ako ng almusal para sa'tin. Bumangon kana dyan," Sambit ko habang nakatingin sa kanya.
"Alright," Inaantok pa na sabi nya bago tumayo at dumeretso sa banyo ng naka boxers lang.
Sanay na ako ng ganoon ang suot nya at hindi naman gaano nakaka ilang. Nasanay na din siguro at hindi rin namin binibigyan ng malisya iyon.
Napatingin ako sa phone nya ng tumatawag ang girlfriend nya. Kinuha ko iyon at tinitigan, maganda sya ngunit mas maganda ako. Joke lang
Saktong paglabas nya ay kinuha nya sa akin ang phone nya at sinagot iyon bago lumabas ng kwarto nya.
Napairap na lamang ako at ako na din ang nag ayos sa magulong higaan nya. Matapos ay lumabas na din ako at naabutan ko syang may kausap pa rin sa phone habang kumukuha sya ng pagkain na niluto ko.
"Yes, Babe. I will fetch you later. Take care," Yun lamang ang narinig ko bago kumuha ng pagkain.
"Let's pray," Sambit ko at nagsimula na kaming magdasal. Matapos ay kumain na rin kami ng tahimik. The silence was so loud kaya naman ako na ang sumira ng katahimikan.
"Date?" Tanong ko sa kanya habang kumakain at napatingin naman ito sa akin.
"I guess, we talked about it later," Subo lang sya ng subo ng kanin at ulam ngunit sinabihan ko na din na magdahan dahan para hindi naman sya mabulunan.
"Do you trust her?" Sa huli ko na pinagsisihan kung bakit ko naitanong iyon.
I have some trust issues with someone that's why I don't want to have a responsibilities to others except Veil.
"I am, thanks for the food. I'll take a shower now." Pagka sabi nya non ay umalis na sya at pumunta ng kwarto upang maligo.
Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin bago ako dumeretso sa unit ko at naligo na din. Magkikita pa kami ni Clark, na pinsan ko at I me- meet ko naman ang bagong dating ng dalawa ko pang kapatid.
"Hay nako, Xyria. Kanina pa ako naghihintay at bakit ngayon ka lang dumating?" Reklamo sakin ni Clark habang naka sandal sa kotse nya.
"Let's go," Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nya.
Our routine is finally done at unti unti ko nang natutunan ang pag d drive.
Mabilis kaming natapos at inihatid din ako ni Clark sa Aiport. Umalis din sya kaagad dahil magkikita pa sila nung girl na nakita ko noon sa resto.
When Drake and Axel arrived. I automatically hugged them tightly.
"How's Japan?" I asked.
"It's good, And I miss Japan already!" Sabay unat ni Kuya Drake kaya naman napasimangot ako.
"Why? Did you have a plan to go back there?" Seryosong sambit ko na ikinatawa naman ni Kuya Axel.
"Of course, baby. Nandoon ang girlfriend ni Kuya Drake," Pilit ako na ngumiti sa kanila bago sila inaya na umuwi ng bahay.
Nagulat ako sa pagsabog ng confetti, ng mag welcome sila sa dalawa ko pang Kuya. Kuya Sean show himself totally pangalawa sya sa amin at ako ang pinaka younger.
"Welcome home, my two handsome sons." Pagyakap ni mommy sa dalawa kong kapatid.
Lumabas na muna ako ng walang paalam bago I check ang kanina pang nag v vibrate na phone ko.
'Best friend is calling..'
"What's up?" Bungad ko sa kanya, nagtataka kung bakit sya tumawag sa akin.
"Where are you?" Tanong nito na ikinanuot ng noo ko. Tumingin muna ako sa likuran ko at nakikita ko pang nagkakasiyahan sila, tumingin din ako sa wrist watch ko bago ko sya sagutin.
"Home,"
"Do you have plans, today?"
"I don't have plans, now. Because my two brothers are came back today!" Masayang sabi ko ngunit nangunot ang noo ko ng marinig ang boses ng girlfriend nya.
"Pwede bang kumain na muna tayo bago ka mag cellphone?" Rinig ko sa kabilang linya ang boses nito.
I heard Veil sighed bago nya binaba ang tawag ng walang paalam sa akin.
I wanted to be sad to him, ngunit mas lamang ang kasiyahan ko. And his girlfriend is right! It's just out of respect, dapat ay time nila iyon! Pero hindi ko naman sya masisisi though, dapat ay nag text na lang sya.
"Xy, Come in and let's eat!" Rinig ko na sigaw ni Kuya Sean kaya naman pinatay ko na lang ang phone ko.
"Coming!"