"What happened at umiiyak ka dyan?" Tanong ko nang yakapin nya ako. Halatang umiyak ito dahil namumula ang gilid sa mga mata nito.
"She's cold, and I waited to her reply but she's out of reach when I call her," Napabuntong hininga na lang ako, bakit pa kase hindi na lang ako ang ginirlfriend nya?! Syempre joke lang yon.
"Give her time and space," Sagot ko sa kanya habang kawak ko ang magka bilang balikat nya.
"I love her,"
"Alam ko, pero ano kaba naman. Ang aga aga umiiyak ka dyan, alam mo dapat kasi ay masanay kana sa girlfriend mo. Wala na din namang bago at parang nagpapakabulag kana lang doon." Irap ko sa kanya. "Kumain kana ba?"
"Mahal ko sya, Xyria."
"Mahal kaba?" Straight to the point kong tanong ngunit hindi sya naka sagot.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o maaawa. Maiinis dahil nagpapakabulag sya sa girlfriend nyang hindi naman yata seryoso sa kanya, at maaawa dahil kapag nagmahal ka ay mabubulag ka, dahil mahal mo yung tao na iyon.
"Kumain kana ba?" Ulit ko pa nang hindi sya sumagot sa kaninang tanong ko.
"I am," Ani nya at nakatingin sa malayo, edi tiningnan ko rin, pero panay ibon lang ang nakikita ko habang lumilipad sa himpapawid.
"Choose your happiness, sabi nga ng iba," Paninimula ko at ramdam kong lumingon sya sakin. "Pero hindi rin pwede na palagi mong pipiliin para lang maging masaya ka, at hindi mo din dapat pinipili ang puso mo, kung alam mong masasaktan ka lang din." Tapik ko sa balikat nya kaya nang mag tama ang mata namin. "Utak at puso ang kalaban mo dyan, kaya naman kung alam mong nasasaktan kana at napapagod, minsan ay piliin mo din ipahinga itong puso mo." Turo ko sa dibdib nya. "At sundin mo din minsan ang sinasabi ng utak mo." Turo ko naman doon.
Gusto ko lang sya bigyan ng advice para naman hindi sya magpaka t*nga roon sa babae na iyon.
Umalis ako don at kinuha ang shoulder bag ko sa sofa at nagpa deliver nalang dahil nagugutom nako at naiwan pa ang pagkain ko doon kina Clark at sa Mia na akala ko ay mahiyain.
To: Clark
'Pasensya kana, nagkaroon lang ako ng emergency.'
Sinend ko iyon pero wala syang reply. Siguro ay busy doon sa Mia at nag date na yung dalawa doon at hinintay na lang ang in-order ko.
***
Nang dumating yung order ay ako na rin ang kumuha dahil tulala pa din ang lolo nyo. Isang bucket ng fried chicken at marami na iyon, nagsaing na rin ako ng kanin para sa kanya, para hindi na din sya magugutom kapag gabi.
Habang pinapapak ko ang manok dahil tapos na ako kumain ay nagsimula akong mag kwento habang pinapanood nya ako papakin yung manok. "Alam mo bang gusto nila ako bigyan ng responsibilidad. Partida at gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Ka stress." Nag panggap pa akong nagpupunas nang pawis ko pero wala man lang syang reaksyon kaya pinagpatuloy ko ang pag ku-kuwento.
"Hindi pa naman kasi ako handa sa ganoon, ayoko pa ng responsibilities na ganoon. Ewan ko din ba sa mga parents ko, I'm just 21 yr old at ayoko namang magpakasal sa hindi ko naman mahal." I just shrugged my shoulders, alam ko namang nakikinig sya kahit tulala.
"You're right, If I am in your situation. I will decline that too, by the way, what happen to the other boy?" Sabay salita nya at kumuha na din ng manok.
Ang pinupunto nya ay yung unang lalaki na nakipag engaged sakin na si Mike bago iyong bago ngayon. Kinuwento ko naman sa kanya dahil nahuli nila Mommy na may kahalikang ibang babae. Nagalit si Mommy pag uwi at nakipag usap sa magulang ni Mike ng maayos bago hindi itinuloy ang kontrata.
Hindi naman ganoon kadali upang tanggihan ko ang offer na iyon, kung ganoon lamang kadali edi sana tinanggihan ko na agad. May girlfriend na ang isang Kuya ko habang ang dalawa ay wala pa. Nililigawan meron, pero dahil lalaki ang anak ng bestfriend ng Mommy ko ay malamang ako ang nakita.
Habang ngumunguya ay pumasok sya sa isip ko. Kung iisipin ko pa lang na sya ang ikakasal sakin ay baka magdalawang isip pa ako.
"Siguro kung ikaw yung ipapakasal sakin, ay baka mag dalawang isip pa ako," Muntik na syang masamid sa kinakain nang bigla akong mag salita, hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ko pa ulit.
"I mean, gwapo ka naman at maraming nagkaka gusto sayo." Hindi rin naman malabong magka gusto ako sa kanya, pero sasaluhin ba nya ako if ever na mangyari yon? I don't think so at ayoko I risk yung pagkakaibigan namin.
"Because I'm a heart throb and greatest handsome when I was in High School," Napangiwi naman ako sa sagot nya, mukhang ok na sya dahil mahangin na ang datingan nya.
"Iyo na yang matitira para may pagkain ka, tapat lang naman tayo ng pintuan at pwede kang kumatok anytime."
Yes, we have a condo unit at tapat lang talaga kami ng door, hindi rin kami madalas magkasama dahil may girlfriend naman sya, habang ako ay nag iisip ng plano kung paano tatakasan ang lalaking darating anytime soon.