Baixar aplicativo
73.17% Saki's One Shot Stories / Chapter 30: Chapter 30: Thank You For Watching

Capítulo 30: Chapter 30: Thank You For Watching

"HI guys! Welcome back to my vlog! It's me Marjelou Pepe Sastrellas at nandito na naman ako para patawanin kayo" Panimula ni Marjelou sa kanyang panlimang vlog

Baguhan siya at gusto niyang maging Social Influencer. At mukhang binigyan siya ng blessing mula sa taas dahil hindi siya naimpluwensiyahan ni katamaran sa araw na ito.

"So ayon nga guys, naisipan kung iprank 'yung Mama ko and ang naisip ko ay! Tada! Ibibigay ko sa kanya itong tatlong itlog. Ang dalawa dito is luto na at ang isa ay hilaw pa. So yeah, sana successful—" Magiliw na sabi niya pa at ipinause ang video

Ang sunod niyang ginawa ay inihanda ang tatlong itlog. Mahilig kasi sa pinakuluang itlog ang Mama niya at alam niyo ba kung paano magbukas ng itlog ang Mama niya? Naturang ihahampas nito sa noo ang itlog bago niya babalatan—at natatatawa siya kapag nakikita niya ang Mama niyang ganoon magbukas ng shell ng itlog

"Yari ka ngayon Ma." Natatawang usal niya at bumaba na sa kanyang kwarto dala dala ang camera

Pigil na pigil ang tawa niya habang pasekretong pinapanood ang Mama niyang nanonood ng T.V, bago siya lumabas ay pinanatili muna niya ang sarili na maging seryoso

"So guys, nandito na tayo. Kita niyo ba 'yung babaeng nakaupo na nanonood ng telebisyon? Siya ang Mama ko—kinakabahan ako sa kung anong kalalabasan nito." Pabulong niyang sabi at bahagyang itinago ang camera sa kanyang gilid

"Ma, pinakuluang itlog po para sa inyo." Sabay lapag ng plato na may tatlong itlog at saucer na may asin

"Ikaw ang nagpakulo nito? Himala ah, hindi ka yata inatake ng katamaran mo..." Bulalas naman ng kanyang ina at kumuha ng isang itlog

At nakagat niya ang pang-ibabang labi na ang hilaw na itlog ang nakuha nito

At tama nga ang hula niya na diretso sa noo na naman ang pagbabalat nito

"Marjelou!!" Gulat na usal nito ng tumulo ang egg yolk mula sa noo patungong mukha nito

"S-sorry Mom, it's a prank!!" Sabay labas ng camera at isinentro ito sa Mama niya

Tawang tawa siya habang pinapanood ang Mama niyang iniiwas ang kamay sa malagkit nitong mukha

"Ang galing ko talaga!" Hindi niya mapigilang mapareact ng pinanood niya ang videong ini upload niya sa kanyang YouTube channel

Napaayos naman ng upo si Marjelou ng may nagchat sa kanya sa Facebook

"Pwede ka bang magvlog about anime movies?" Mensahe sa kanya ng isang hindi niya kilalang netizen

Hindi maiwasang iangat ni Marjelou ang isang kilay

Anime? Ba't ito pa? Pwede namang iba na lang kasi hindi niya hilig ang manood ng mga animated movies kasi nababagot siya

"Anong klaseng anime?" Reply niya dito at hinintay ang ilang segundo bago mabasa ang reply ng netizen

Bigla siyang nakyuryos sa isenend nitong link, at nagulat na lang siya ng makita ang video. It's a corpse party—at hindi niya nagustuhan ang nakikita

At kahit napipilitan siya still, ginawan niya pa din ito ng vlog

"Hi guys, nandito na naman ako—si Marjelou Pepe Sastrellas na gugulo sa buong sistema niyo charr!" Hirit niya at nanood ng anime movies

Para siyang nagpapa watch party dahil nakatutok ang mukha niya sa camera pero nakasentro naman ang atensiyon niya sa palabas at sasabihin niya lang kung anong nangyayari

Pero umabot yata ng isang oras na kakapanood ay hindi pa siya nakakapagbigay komento tungkol sa anime na pinapanood

"Ling, halika nga dito tingnan mo 'tong inupload ni Madame Marjelou. Watching Corpse Party Anime, pero sa hanggang natapos na lang 'yung video ay hindi pa siya nagbibigay ng mga feedback about do'n sa pinapanood niya" Litanya ng isang manonood sa mga daily vlogs ni Marjelou

"Ay talaga? Baka na starstruck lang siguro siya kaya hindi nakakapagbigay ng comments about do'n sa movie—" Sagot naman ni Ling

Hindi na lang sumagot si Ling sa reaksiyon ni Jaira sa halip ay ipinagpapatuloy na lang niya ang panonood sa mga nakaraang video ni Marjelou

"Pwedeng request?" Pagmemesage na naman ng isang netizen kay Marjelou

Naturang nagusot ang mukha niya ng mabasa na naman niya ang unknown person na nagcha chat sa kanya at may request na naman ito

Ayaw na sanang ientertain ni Marjelou ang netizen pero natatakot siya na baka ireport ang mga accounts niya or worst siraan siya sa mga nakakarami

"Anong request?" Sagot na naman niya sa mensahe nito

Hindi naman niya ito mastalk dahil nakaprivate ang account nito at wala siyang makita ni isang detalye man lang tungkol sa pagkatao ng netizen, wala ngang profile picture eh.

Walang message na naisend sa kanya kundi isang link—link na parang may hinala siya na mas malala pa sa pinapanood niya noong nagdaang araw

"Kapag natapos mo ng panuorin ang videong ito, gawin mo ito sa mga pamilya mo—" Habol pa nito na mas ikinataka niya pa

At ng clinick niya ang link ay naturang nagdive siya sa isang website at hindi niya alam kung anong klaseng web ang napasukan niya

Processing....

Loading....

At nagulat siya sa tumambad na video sa kanyang laptop, dumagundong ng sobrang bilis ang puso niya na parang hinahabol siya ng sampung kabayo dahil sa sobrang bilis ng tibok niyon, nanginginig ang mga kamay niya at naluluha siya

It's all about murderer—

Nabaling ang atensiyon ni Marjelou sa kanyang cellphone ng tumunog ang messenger niya at nag pop up sa screen niya ang unknown person na kasalukuyang chinachat siya

"Natapos mo na bang panoorin? Kung hindi pa ay tapusin mo at h'wag mong ialis ang mga mata mo sa video. If you finished watching the video, do that to your family not just your Mom and Dad murdered all of your relatives who are close to you." Utos nito sa kanya

"Ayoko! Hindi pa ako baliw para gawin iyang inuutos mo sa'kin!" Pagalit na isend niya ang mensahe sa kachat niya

"Kung ayaw mong sundin ang nais kung gawin mo. Ikaw ang papatayin ko, at mabilis ka lang naman puntahan sa kung saan ka ngayon dahil alam ko kung saan ka nakatira kahit lumipat ka pa." Pang bablack mail nito sa kanya

At siya naman, hindi siya maangas para hindi matakot sa mensahe nito at wala siyang ibang magawa kundi sundin ito

"Oh, Marjelou nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap ah?" Bungad sa kanya ng kanyang ina pagkababa na pagkababa niya sa hagdanan

At parang may sariling buhay ang kanyang mga mata na nagsibagsakan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan

"M-ma, s-sorry—" At hinampas niya ito ng martilyo sa ulo

Patuloy pa din siya sa pagsosorry sa kanyang ina na hanggang ngayon ay wala pang malay at hanggang sa matapos siya sa paggapos nito ay nagsosorry pa din siya habang umiiyak

"Ma, s-sorry. Ginagawa ko lang talaga ito para mabuhay ako." Umiiyak na tugon niya at pinaluhod ang Mama niya sa pagkakahiga ganoon din ang kanyang tiyahin at tiyuhin at ang tatlong anak nito

Hinintay niya ang mga itong magising bago siya nagsimula

Lumapit siya sa camera at inayos ang mukha na parang wala siyang tulog pagkatapos ay pinalitan ang emosyong palaging nakikita ng mga manonood niya sa video

"Hi guys! Welcome back to my vlog! Kita niyo ba 'tong mga taong 'to?" Sabay alis sa harap ng camera at iniisa isang ipinakita ang mga taong ngayon ay gising na sa pagkakahimlay

They're my families—" At sinimulan niyang pagsaksakin ang mga taong nakaluhod sa harap niya

Hindi tumigil si Marjelou sa ginagawa, patuloy lang siya sa pagbaon at hugot ng kutsilyo sa mga katawan ng kanyang mga malalapit sa buhay

Umiiyak siya na may kasamang tawa para siyang nasisiraan ng bait. Nang matapos niya ang kanyang ginagawa ay kinuha niya ang camera at ihinarap sa kanyang duguang mukha

"So iyon lang ang maipapakita ko sa inyo. Hindi ko alam kung kailan ako makakapag upload ng panibagong video, pero as soon as possible gagawa ako para sa inyo—" Huling sabi niya bago ito tinapos pagkatapos ay inupload na niya ito sa kanyang channel at tanging ang videong iyona lang nakapagpadami ng subscribers niya

Pero sa kasamaang palad ay hindi niya siya ulit nakapag vlog dahil hinuli siya ng mga awtoridad at dinala sa kung saan siya maalagaan dahil lumalabas daw na siya at isang baliw

"Kumusta na ang pakiramdam niyo ma'am?" Tanong ng isang nurse kay Marjelou na ngayon ay may dalang gamot para ipanom sa kanya

"Ms Nurse ikaw pala 'yan. Halika umupo ka muna dito—" Pagmamagandang loob ni Marjelou sa nurse

Sinunod naman ng nurse ang sinabi niya at umupo nga ito sa tabi niya,

"Tingin ka dito sa camera Ms Nurse—" Sabi niya pa at inakbayan ito

"Hi guys! It's me again your Madame Marjelou! At nandito ako ngayon kasama si Ate Nurse! At ngayon may gagawin kaming task, ang tawag dito ay How to Whacked" Panimula ni Marjelou

"How to Whacked Ms Nurse?" Tingin niya dito

Hindi sumagot ang nurse sa halip ay nagkibit balikat lang ito

"Ganito Ms Nurse oh," Sagot naman niya at tinusok ang kanang mata nito na ikinasigaw nito

Tiningnan niya lang ang nurse na nagsisigaw habang tinatakpan ang isang mata, tumayo pa ito at nagtatakbo takbo

"That's how to play HOW TO WHACKED, salamat sa inyong matagalang paghintay by the way Thanks For Watching—" Matapos makapag video ng tatlong minuto ay nilapitan niya ang nurse na ngayon ay nangangapa na dahil sa hindi na makakita ang isa nitong mata

Napapailing siyang tinulungan ito sa pagtayo at iniuntog ang ulo nito sa haligi ng kanyang inuukupahang kwarto

"Ano ba 'yan! Ang dali mo namang makatulog Ms Nurse! Nakakainis kang kalaro," Palatak niya pa bago hinila ang dalawang kamay nito papasok sa ilalim ng kama


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C30
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login