"Mas malayo sa'kin!"
Para kaming mga bata dito ni Clyde dahil pinag-aawayan namin kung sino ang may pinakamalayong nababato. Iniwan muna namin si Calvin sa may cottage na nakita namin, syempre naroon din 'yung gamit namin. Gamit rin ni Calvin 'yung cellphone ko kaya hindi siya roon maboboring.
"Fine," Clyde chuckled before he placed his arm on my shoulder. Nakaharap kami sa may falls kaya kitang-kita namin ang pagbagsak nito.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lamang na pakiramdaman ang malamig na hangin. Buti na lang nag-jacket ako kaya hindi ako masyadong nilalamig.
"Kuya!" Napalingon kami bigla kay Calvin nang bigla itong sumigaw. Tumakbo agad papalapit sa kanya si Clyde at mabilis din akong sumunod.
Nakita kong may hinahampas si Clyde sa may gilid kaya lumapit ako kay Calvin. "Shh, it's okay."
Umiyak sa balikat ko si Calvin habang mahigpit ang yakap niya sa leeg ko. Nakatingin lang ako kay Clyde na may hinahampas-hampas pa rin. Lumingon siya sa amin pagkatapos niya roon.
"Ano 'yon?" Tanong ko habang hinahagod ang likod ni Calvin para tumigil siya sa pag-iyak.
"Gagamba," sagot niya at dinaluhan ang kapatid na umiiyak. "Calvin, hey, don't worry. Kuya's here,"
Naramdaman kong pinupunasan ni Clyde ang luha ni Calvin pero mas lalo lang umiyak ang kapatid niya. Mas lalo ko tuloy pinatahan si Calvin kasi naaawa na 'ko sa lakas ng iyak niya.
"Baby, hey," umiyak lang sa balikat ko si Calvin habang ako ay patuloy lang na bumubulong sa tenga niya, pilit na pinatatahan siya.
Nakita ko rin ang itsura ni Clyde na hindi mapakali kaya inabot ko ang kamay niya at pinisil 'yon. I smiled at him to assured him that everything's okay.
"It's big. I don't wanna see it," sabi ni Calvin nang kumalma na siya. Nilayo ko siya ng kaunti sa'kin para makita ko ang mukha niya.
"Wala na, Cal. Inalis na ni Kuya Clyde mo," sabi ko sa mahinang boses at ngumiti sa kanya. "Don't worry na, wala na 'yung spider."
Tumango siya sa'kin kaya binigay ko na siya kay Clyde at maka-usap na 'to. Agad siyang yumakap sa leeg ng kuya niya at mahinang nag-sorry sa kanya si Clyde.
"I'm sorry," nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata ni Clyde kaya agad akong lumapit sa kanya. Oh shit, why?
"Clyde," mahina kong tawag sa kanya pero hindi siya tumingin sa'kin at patuloy lang na humingi ng tawad kay Calvin.
"Hey, don't be sorry, it's not your fault." Pinunasan ko 'yung mga luhang pumapatak sa mata ni Clyde.
Ang tagal rin nila sa ganong posisyon kaya tumahimik na lang ako sa tabi nilang magkapatid. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganon na lang si Clyde pero ayoko naman siyang pilitin na sabihin niya kung ayaw niya.
"Okay ka na?" Tanong ko pagkatapos niyang bitawan si Calvin. Hawak-hawak na niya 'yung kamay nito at pakiramdam ko ay mahigpit 'yon.
Tumingin siya sa'kin bago bumuntong hininga, hindi nagsasalita. Ngumiti lang naman ako ng tipid, ayaw siyang pilitin magsalita. Baka kasi may nangyari noon kay Calvin kaya sobra siyang nag-alala kanina. Pero sana huwag niyang sisihin ang sarili niya dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari.
"Tara na," hinawakan niya rin ang kamay ko at hinila na paalis roon. Hawak ko na rin naman na 'yung gamit ko pati na rin 'yung binili niyang pagkain na hindi man lang nabawasan kasi hindi lang rin kami nagtagal.
"Uuwi na tayo?" Lumingon siya sa'kin at tumango. I pouted a little at hindi pinakita sa kanya 'yon, baka kasi maguilty siya o kung ano pa naman. "Buhatin ko na lang si Calvin,"
Hindi niya binitawan 'yung kamay ko habang nilalapitan ko si Calvin. Gamit ang isang kamay ay binuhat ko siya at kaagad naman siyang yumakap sa leeg ko.
"You can sleep, Calvin." Alam kong napagod 'to sa kakaiyak kanina kaya pinatutulog ko na lang. Hindi na rin kasi siya masyadong nagsasalita dahil sa nangyari.
Walang nagsasalita sa amin habang pabalik kami. Inaalalayan pa rin naman ako ni Clyde pero wala talaga siyang imik. I squeezed his hand kaya napatingin siya sa'kin.
"Smile na," he smiled a little after I said that.
Pinagbuksan niya 'ko ng pinto pagkarating namin sa kotse niya. Kinuha niya rin 'yung dala kong paper bag at nilagay ulit sa back seat. Tulog na sa balikat ko si Calvin kaya dahan-dahan akong sumakay sa shotgun seat para hindi siya magising. Before closing the door, Clyde kissed his brother's head.
"Sa inyo muna tayo?" He asked while starting the engine.
"Ikaw," sagot ko kaya napatingin siya sa'kin. "I mean, ikaw bahala,"
Tumawa siya nang mahina kaya napangiti ako. Ito ang gusto ko, 'yung Clyde na tumatawa. He sighed before looking at me pero agad din niyang binalik sa daan ang tingin.
"Calvin was 2 years old when he was bitten by a beetle. Nasa picnic kami noon nang iwan ko siyang mag-isa sa may tabi ng puno kasi may kailangan lang akong kunin saglit pero hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong umiyak siya habang hawak-hawak niya 'yung braso niya. Kaya ganon na lang ako kanina sa kanya kasi akala ko nangyari na naman 'yung ganon."
I reached for his hands na nakahawak sa gear. I squeed it a little for him to feel that I'm always here, ready to listen.
"I don't want to happen the same mistake I did before," he said after a few seconds.
Natahimik ako sa sinabi niya, hindi alam ang sasabihin. Hawak ko pa rin ang kamay niya habang tulog pa rin si Calvin sa balikat ko. Kahit gusto ko pang magsalita ay nararamdaman kong pumipikit na ang mga mata ko. Nakakapagod ang araw na 'to kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Babe," I felt that someone was shaking me which made me opened my eyes. I looked at Clyde and smiled a little. Bukas na ang pinto sa gilid ko at may tumatama pa rin na init sa mukha ko kaya medyo napapikit ulit ako.
"I'll hold him," kinuha niya si Calvin na tulog pa rin kaya nag-unat ako bago ko kinuha 'yung gamit ko. Nandito na kami sa bahay kaya kaagad kong binuksan ang gate namin at pinapasok si Clyde.
"You can take him to my room,," I said when we're already inside. Sumama sa'kin si Clyde paakyat para madala niya roon si Calvin at maihiga niya sa kama ko. Dito ko na lang din siguro sila pakakainin ng dinner dahil maya maya lang rin siguro ay magluluto na si Yaya.
"Sila Tito?" Tanong niya nang ibaba na niya si Calvin at inaayos na lang ang comforter. Medyo nilakasan ko ang aircon ko para hindi mainitan ang bata.
"Work," maikling sagot ko.
Lumapit siya sa'kin kaya binitawan ko na ang remote ng aircon para hilahin na siya palabas sa kwarto ko. Medyo nahihiya kasi ako sa kanya dahil hindi ganoon kaayos 'yung kwarto ko. Maganda naman 'yung kwarto ko, puti ang pintura at karamihan sa gamit ay pastel color. Mayroon rin akong side table roon na may nakalagay na calendar at maliit na lamp sa gilid.
"I'll wait for them, sasabihin ko nililigawan na kita." Napahinto ako sa paghila sa kanya at lumingon sa likod. Tinaasan niya 'ko ng kilay at marahang hinila na pababa sa hagdan. "I'm serious,"
"Okay," mahinang sagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila Daddy dito. Wala pa naman kasi akong nakukwento sa kanila na tungkol kay Clyde at ang alam lang ni Daddy ay kakakilala lang namin ni Clyde noong birthday ni Kyle.
Hindi nila alam, maharot ang anak nila at kilala na nito si Clyde.
Take me Lord! Take me please!
"Yaya, anong oras po kaya uuwi sila Daddy?" I asked Yaya Helen nang makarating kami sa kusina. Binati ni Clyde si Yaya at umupo ulit sa mataas na upuan bago niya ipatong ang braso sa breakfast table.
"Maaga yata sila ngayon, iha." Sagot ni Yaya. Tumango na lamang ako at kumuha ng baso para salinan ng tubig.
Pagkataposnkong uminom ay kinuha ni Clyde ang baso ko at sinenyasan niya 'kong lagyan rin 'yon ng tubig. Umirap ako at nilagyan 'yon ng tubig. Lumayo pa 'ko dahil naalala ko 'yung ginawa niya kahapon. Tinago niya ang ngiti niya habang nainom kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Binaba niya ang baso at marahang tumawa. Hinila niya ako papalapit sa kanya kaya ang pwesto namin ngayon ay nakatayo ako sa pagitan ng hita niya at nakayakap siya sa bewang ko habang nakatalikod ako sa kanya.
"You sure about waiting for my parents?" I asked.
He nodded before placing his chin on my shoulder. "I just want to formally ask your parents about courting you,"
Umirap ako, may naalala. "Buti pa parents ko, tatanungin mo. Ako na liligawan mo, hindi man lang nagawa."
Tumawa siya nang malakas kaya tinakpan ko ang bibig niya, nahihiya na tuloy ako.
"Hindi ako sa magaling sa salita, alam mo 'yan. Kaya nga sa actions ko na lang pinararamdam sa'yo." I smiled a little. Well, it's true.
"Oo na,"
We stayed like that for a couple of minutes before I decided to take a bath. Sabi ko sa kanya ay hintayin niya na lamang ako sa living room at manuod na lang doon para hindi siya mabored maghintay sa'kin. Sumunod naman siya kaya mabilis akong pumunta sa kwarto ko para manguha ng susuotin ko.
Pagpasok ko sa shower ay kaagad akong naligo. Hindi ko na rin naman na tinagalan ang pagligo ko kasi baka mabored na roon si Clyde. Kaya nang ipalupot ko sa ulo ko 'yung towel ay lumabas na rin ako sa shower at nakitang tulog pa rin si Calvin. Pagod na pagod ang baby.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa maliit na bag na dala ko kanina bago lumabas sa kwarto ko. Bumaba muna ako at tumabi kay Clyde na busy na sa cellphone niya pero nakabukas ang T.V. kaya napatawa ako.
Binuksan ko ang instagram ko at nagulat sa dami ng notification.
danaelisha: My driver for today.
evanjimenez: Oh shit, new driver mo?
zylia: Ang gwapo naman ng driver mo. Hahaha!
jeanreyel: May kasama pa kayong baby! Sana all!
chelsea: Sabi na nga ba, tama lang 'yung desisyon namin.
unarye: Okay, mister driver huwag mo na ibalik kaibigan namin
Natawa ako sa mga sinabi nila at tinignan rin ang mga replies nila sa story ko. Lahat sila ay cute na cute kay Calvin kahit nakatalikod ito at hindi kita ang mukha.
"Your friends are funny," komento ni Clyde. Binaba ko ang cellphone ko at tinignan ang ginagawa niya ngayon, bukas rin ang instagram niya habang binabasa ang comments nila sa post ko.
"May sira lang talaga 'yan sila," natatawa kong sabi.
"No, look," pinakita niya sa'kin 'yung mga reply ng kaibigan ko sa story niya. At nastalk na talaga nila ha?
unarye: THEY ARE SO CUTE
chelsea: KEEP THEM PLS
ellavia: SANA ALL 'MY BABIES'
zylia: HUWAG MO NA IBALIK SA AMIN YAN SI DANA
Isa-isa ko silang nireplyan gamit ang account ni Clyde. Mga sira ulo talaga!
"Magluluto na 'ko dinner, Dana." Napatingin ako kay Yaya Helen bago tumango sa kanya. Tinignan ko ang oras at nakitang malapit na pala mag-6 PM.
"Pakidagdagan po, Ya." I smiled at her.
Nanuod na lang kami ni Clyde ng movie na nakita ko. Ganoon lang ang ginawa namin hanggang sa marinig na namin ang tunog ng sasakyan ni Daddy. Dali-dali akong tumayo para sumilip sa labas. Nakita kong pinagbuksan ni Daddy si Mommy ng pinto at sabay silang naglakad papasok sa bahay.
"Daddy," bati ko at humalik sa pisngi niya. "Mommy," ganoon rin ang ginawa ko.
"Tito, Tita," nagulat ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Clyde at ganoon rin sila Daddy.
"Oh, Clyde? What brings you here?" Clyde kissed my Mommy's cheeks while he smiled at my Dad.
"Ah, kasama ko po kanina si Dana," sagot niya.
"Ganoon ba?" Mommy eyed me kaya napayuko ako. Sinasabi ko na nga ba.
"Kumain na ba kayo?" Daddy asked.
Umiling ako kaagad. "No, we wait for you two."
"Okay, tara na." Pumasok na sila sa loob at inalis na nila ang coat nila pareho. Napatingin ako kay Clyde, kinakabahan ako! He gave me a small smile to assured me.
"Daddy, Calvin's also here. Nasa kwarto ko siya ngayon dahil tulog,"
"Oh," sagot na lamang ni Daddy. "Can you wake him up so we can eat dinner?"
Tumango ako bago mabilis na umakyat sa kwarto ko. Naiwan roon si Clyde na kasama sila Daddy kaya kinakabahan na talaga ako ng todo. Malambing kong ginising si Calvin at maya maya lang rin ay nagising na siya. I cooed at him nang kusutin niya ang mga mata niya. Mabilis ko siyang binuhat at sinabi sa kanya na kakain na ng dinner.
"Tito Gerald! Tita Dani!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Calvin at kumawala sa pagkakabuhat ko. Lumapit siya kila Daddy at humalik sa pisngi nila.
"Little boy, how are you?" Sumigla na si Calvin pagkatapos niyang makita ang Daddy at Mommy. Ganoon rin sila Daddy kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
"Did you already explain to them?" Bulong ko kay Clyde habang kinakausap nila Mommy ang bata.
"Yeah," he smiled. "Eat."
Maayos ang naging dinner namin. Si Clyde ang nasa tapat ni Mommy habang ako ang nasa tabi Clyde at katabi ko naman si Calvin na minsan ay sinusubuan ko. Pagkatapos ay kaagad na inayos ang aming pinagkainan at naiwan kaming apat doon sa hapag, nasa living room na si Calvin kasama si Yaya Helen.
"Tito, Tita, nandito po ako para magpaalam na nililigawan ko na po si Dana." Kung umiinom ako ay baka nabuga ko na 'yon. Paano ba naman kasi 'tong si Clyde ay dineretso niya agad sila Mommy!
Hindi ko nakitaan ng kahit na anong reaksyon sila Daddy kaya bumalik 'yung kaba ko. Magsalita po kayo please, baka mamatay na ako dito sa kaba hindi ko pa rin alam kung masaya ba kayo o hindi.
"You sure?" Si Daddy ang nagsimula. Si Mommy naman ay nainom lang ng tubig habang nakatingin lang sa aming dalawa ni Clyde.
"Yes po, Tito," mariing sagot ni Clyde.
"Kakayanin mo ang anak namin?" Napatingin ako kay Mommy nang siya na ang magsalita.
"Opo, Tita," seryosong sagot naman ni Clyde, hindi nagpapatalo kila Daddy.
"Are you happy, Dana?" Bumaling naman sa akin si Mommy kaya napatango ako. Yes, Mom. I'm happy.
Maya maya ay ngumiti si Mommy. "If my daughter is happy, then I'm also happy,"
Tinapik ni Daddy ang balikat ni Clyde kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na lumapit kay Mommy. Akala ko hindi siya papayag! Para sa'kin kasi, siya ang mas inaabangan ko ang reaksyon kasi siya 'yung maraming limit sa'kin at base sa nakikita ko kay Daddy kanina ay payag lamang siya kay Clyde.
"Thank you! Thank you!" Masaya kong sabi kila Mommy at Daddy. Hindi ko na mapaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko.
Pagkatapos noon ay tumayo na rin sila agad para makapag-ayos na sila ng sarili nila. Naiwan na tuloy kami ni Clyde sa dining kaya mabilis ko siyang niyakap. Tumawa siya nang mahina at niyakap rin ako pabalik. Pagkayapos ay lumabas na kami sa kusina para maka-uwi na sila Clyde. Hinatid ko pa sila sa labas at hinalikan muna sa pisngi si Calvin bago ako magpaalam.
Kinabukasan, maaga akong nagising kaya nag-ayos kaagad ako ng sarili. Hindi ko na naabutan pa sila Daddy kasi sabi ni Yaya Helen ay maaga silang umalis. Ngumiti na lang ako at mabilis na kumain para makapasok na ako.
Surprisingly, pagpasok ko sa room ay nandoon na si Jean. Kausap niya 'yung isang kaklase namin pero agad din na umalis. Medyo naaasar pa 'yung mukha niya kaya nilapitan ko na siya.
"Umagang-umaga, naka-simangot ka," umupo ako sa tabi niya.
"Syempre, nahiya ako sa'yo na maganda ang gising e," natawa ako sa sinabi niya.
"Well," nagyayabang ko na sabi. Nawala na ang pagkaasar niya at tumawa na lang sa sinabi ko.
Dumating ang lunch at nakita kong naghihintay na sa labas ng room si Clyde. Impit na sumigaw si Jean bago niya ako sundutin ang tagiliran ko. Tinapik ko ang kamay niya at mahinang tumawa.
"Nakita ko post mo at story niya," kinikilig na sabi niya. "Ang goals niyo, sana all!"
Balik sa dati ang nangyari buong araw. Hindi na rin ako nagpapasundo pa kay Manong dahil 'yun ang sabi sa'kin ni Clyde. Siya na raw ang maghahatid sa'kin araw-araw kaya hindi na lang ako tumanggi. Bago pa ako bumaba sa kotse niya hinawakan niya ang kamay ko na aalisin na sana ang seatbelt.
"Bakit?"
"Nothing," sabi niya at binitawan na ang kamay ko. Kumunot ang noo ko at inalis na ang seatbelt pero bago pa ako bumaba ay humarap ulit ako sa kanya.
"Wala talaga?" Curious talaga akong malaman!
Natawa siya bago niya ako hilahin papalapit sa kanya. He kissed my forehead before leaning on my ears.
"I like you so much,"
________________________________________________________________________________________________________________
.