Baixar aplicativo
31.7% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 13: Chapter 12

Capítulo 13: Chapter 12

CHAPTER TWELVE

The dream

"NAGBIBIRO ka ba, Aikoze?" Isang mala-demonyong pagtawa ang narinig sa buong kwarto ni Aixoneze na nanggaling mismo sa kanya.

Nanliit lamang ang mga mata ni Aikoze na nakatingin sa kanyang kambal na tumatawa na tila isang nakakatawa ang mga binitawan nyang salita dito. Noong hindi pa tumigil sa pagtawa ay tumayo na si Aikoze at naglakad papalabas ng kwarto, ngunit napahinto ito dahil nagsalita si Aixoneze matapos ang kanyang pagtawa.

"Sa tingin mo, mapipigilan mo ako? Kahit ikaw pa na mismong kambal ko ang makakalaban ko para lang pabagsakin ang City na 'yan, walang problema sa akin." Nagtiim ang bagang ni Aikoze at mahinang napailing na lamang bago nagtungo pababa sa ika-unang palapag ng Mansion.

Bumungad naman sa kanya ang isang tauhan ni Aixoneze na si Yuoan, yumuko ito sa kanya bilang paggalang ngunit agad naman na sinaway iyon ni Aikoze.

"Hindi ba kayo tinuran ni Aixoneze na sa kanya lamang kayo magbibigay puri? Tigilan mo 'yan dahil hindi ko gustong makita ang kahit na sino ang yuyuko sa harapan ko." Seryosong saad ni Aikoze bago naglakad papalabas ng Mansion.

Napakunot naman ang noo ni Yuoan ngunit kalauna'y napailing na lamang dahil sa inasta ng isa pang Master nya bukod kay Aixoneze.

Master, sana lamang ay magawa nyong pigilan ang nalalapit na giyera sa pagitan ng dalawang makapangyarihan.

-

NAPATINGIN si Xiyue kay Cuin nang iwinagayway nito ang kanyang palad sa harapan mismo ni Xiyue. Tinaasan sya ng isang kilay ni Xiyue upang itanong kung anong problema.

Sinubo ni Xiyue ang French fries na nasa plato na nito ngayon, bumuntong hininga naman si Cuin bago binaba ang kanyang kinakaing pagkain.

"May problema ka ba, Xiyue? Pwede mo namang sabihin sa amin, hindi yung nagiging tulala ka d'yan." Nakanguso nitong saad kay Xiyue kaya naman agad na umiling si Xiyue.

Wala naman akong Problema, sa tingin ko.

"Wala ba talaga? Napansin ko lang, simula nang dumalaw ka kay Raiko, nagka-ganyan ka na. May nangyari ba?" Umiwas agad ng tingin si Xiyue, at ibinaba ang tingin sa pagkaing nasa kanyang harapan. Tila iniiwasan ang tanong na iton ni Cuin.

Buntong hininga lamang ang naging sagot ni Xiyue sa tanong ni Cuin.

Ganon na ba kahalata? Pero wala namang nangyaring kakaiba sa amin ni Raiko. Sinabihan lang naman n'ya akong huwag na akong lalapit at iwasan ko na s'ya, hindi n'ya sinabi ang dahilan pero mukhang seryoso s'ya.

Hindi na sumagot pa si Xiyue, dahil ayaw na nitong madagdagan pa ang mga tanong  na hindi naman nya kayang sagutin.

Nag-ring ang bell ng Academy, hudyat na sa limang minuto ay magsisimula na ulit ang klase. For the first time, laking pasasalamat ni Xiyue sa bell. Dahil kahit papaano ay nailigtas nito si Xiyue sa mga tanong ni Cuin tungkol sa kanilang dalawa ni Raiko.

Dahil kung magtatanong pa si Cuin tungkol sa dalawa, ay hindi na alam ni Xiyue ang isasagot nito. Hindi na alam ni Xiyue.

Ngayon ko palang nakita at nakilala si Raiko, sa tingin ko. Pero nakakaramdam ako ng kakaiba tuwing nakikita at nakakasama ko s'ya. 'Yung tila ba napaka-kumportable ko sa kan'ya, 'yung tipong parang ang tagal ko na s'yang kilala.

-

"Bakit ka nandito? Sinabi kong babalik ako, hindi ako mawawala, pangako 'yan."

"Huwag ka nalang tumuloy, delikado."

"I'll be back, promise. Hindi ako mamamatay kung 'yan ang kinababahala mo. No one can beat me."

"Plea---"

Napadilat si Xiyue nang wala sa oras, habol habol ang paghinga. Napahawak ito sa kanyang dibdib at pilit na pinikalma ang puso na sobrang lakas tumibok. Tila hinabol si Xiyue at tumakbo  ng tumakbo dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso nito.

Ano ba kasing meron sa panaginip ko na 'yon? Bakit lagi ko na lamang naririnig sa panaginip ko ang boses na 'yon?

"Xiyue, ayos ka lang?" Hindi agad  nakasagot si Xiyue sa tanong ni Hera. Tinignan lamang nya ito at nakita ang pag-aalala ni Hera sa mga mata nito.

Katabi nito sila Pei at Cuin na pawang ganoon din ang emosyong makikita sa mga mata ng mga ito.

"Bad dream. Lagi ko nalang naririnig 'yung boses na 'yon." Sagot ni Xiyue at saka hinilamos ang magkabilang palad sa kanyang buong mukha.

Lagi nalang, t'wing nananaginip ito ay naririnig nito ang boses ng misteryosong lalaki sa panaginip nito. Hindi na maiwasang hindi magtaka ni Xiyue sa mga napapanaginipan nito.

Sino ba talaga ako? Ako ba talaga si Xiyue Sy? Kung parte iyon ng nakaraan ko, bakit hindi ko maalala? Bakit wala akong maalala na mayroong nagsabi sa akin ng mga ganoon? Bakit?

Alam ni Xiyue na sya ang kausap  ng misteryosong lalaki sa panaginip nito. Boses ni Xiyue mismo ang kanyang naririnig. Boses nito ang kumaka-usap sa misteryosong lalaki sa kanyang panaginip.

"Oh. Bad dream pala, hayaan mo na nalang. Minsan talaga, ganon. Normal lang 'yon." Sagot ni Pei at saka ngumiti. Bumuntong hininga muna si Xiyue bago tumango sa kay Pei.

Tama. Normal lang naman siguro ang magkaroon ng mga wirdong panaginip, diba?

Sabi nila, kung hindi mo daw kilala ang taong nasa panaginip mo, maaari daw na makilala mo ito sa hinaharap. Tama. 'Yun na lamang ang iisipin ko at tatanggalin ko sa isipan ko ang mga napanaginipan ko na naka-usap at nakasama ko ang lalaking 'yon.

"Tara, lunch na tayo. Nagugutom na ako." Hyper na saad ni Pei habang naglalakad ang mga ito pababa sa floor kung saan nakapwesto ang kanilang kwarto.

Sinulyapan lamang ni Xiyue ito, hindi nagsalita. Tumingin tingin na lamang sa paligid upang matanggal sa kanyang isipan ang mga panaginip nito.

"Hindi muna ako sasama sa inyo, Pei. Kayo-kayo na lang muna." Napahinto ang lahat kaya naman huminto rin si Xiyue.

Tumingin ang mga ito kay Xiyue na nakakunot ang mga noo, lahat  ay nakatingin lamang sa kanya.

"Sigurado ka? Hindi ka kakain?" Umiling si Xiyue bilang sagot.

Iniisip nito na hindi rin naman nua makakain ang bibilhin nito dahil wala itong ganang kumain. Noong isang araw pa ni Xiyue nararamdaman ang pagkawala ng ganang kumain. Kahit hindi pa ito kumain kaninang umaga ay hindi parin ito nakakaramdam ng gutom kahit ngayon.

O sadyang wala lang talaga akong ganang kumain.

Nang nagtaas ng tingin sa tatlo si Xiyue, nakita nito ang mga masasamang tingin ng tatlo sa kanya. Napataas naman ang kilay ni Xiyue sa tatlo upang tanungin kung ano ang problema nila at kung bakit masama silang lahat makatingin sa kanya.

"And weird mo na. Simula nang nagka-usap kayo ni Raiko, ang weird mo na. Ano ba kasing pinag-usapan n'yo at naging gan'yan ka?" Umiwas ng tingin si Xiyue sa tatlo.

Bumuntong hininga si Xiyue dahil akala nito ay nakaligtas na sya mula sa mga tanong tungkol sa pinag-usapan nilang dalawa ni Raiko, ngunit hindi pa pala at  hangga't hindi nito sinasagot ang mga katanungan nila ay hindi sya titigilan ng mga kaibigan.

"Wala. Sinabi lang n'ya na umiwas ako sa kan'ya. Sige na, kita nalang tayo mamaya." Tamad na kumaway si Xiyue sa tatlo bago iwanan ang mga ito.

Iniwan ni Xiyue ang tatlo na nakatingin lamang sa kanya, tingin ng tila hindi sila makapaniwala sa naging sagot ni Xiyue.

Ano ba naman kasi ang hindi kapani-paniwala?

Nagtungo si Xiyue sa rooftop gamit ang hagdan. Hindi ito sumakay sa elevator. Pakiramdam kasi nito ay kapag sumakay ito sa kahit na anong elevator ay mamamatay sya ng maaga. Hindi man alam ni Xiyue ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nyang sumasakay ng elevator ay nakasanayan na lamang nito ang hindi pagsakay sa elevator.

Huminga ng malalim na hangin si Xiyue nang makarating na ito  sa rooftop ng building. Mula rito ay tanaw ang ganda ng City Academy. Lalo pa't palubog na ang araw dahil mag-a-alas singko na sa hapon. Naglakad lakad si Xiyue sa rooftop at humanap ng bakanteng mau-upuan.

Nagpunta sa rooftop si Xiyue para makapag-isip isip, at para na rin mawala sa kanyang isipan kahit pansamantala man lang ang mga panaginip at mga sinabi sa kanya ni Raiko.

Tama nga sila, naging gan'to lang ako simula nang nag-usap kami ni Raiko at sinabihan n'ya akong lumayo sa kan'ya.

Bumuntong hininga ito at tumingin sa kanyang kaliwa. At sakto, may nag-iisang upuan. Kaso may naka-upong isang bulto ng lalaki at sa unang tingin pa lamang ni Xiyue sa bulto na iyon ay kilala na nya kung sino iyon.

Sa aura pa lamang ng lalaki ay kilala ko na agad ni Xiyue ito. Nagdalawang isip si Xiyue kung lalapit at uupo ba ito sa tabi ni Raiko at babalewalain na lamang ito, o susundin na lamang ni Xiyue ang sinabi ni Raiko at umiwas na lamang dito?

Napa-iling si Xiyue at tila nagkaroon ng sariling utak ang kanyang mga paa. Naglakad ito papalapit at huminto lamang nang nasa harapan na sya ni Raiko. Nagtaas ng tingin si Raiko kay Xiyue, tumama nanaman ang mga mata n'yang walang ka-emo-emosyon sa mga mata ni Xiyue.

Nag-iba ang aura ni Raiko dahil sa nakita nitong nasa kanyang harapan si Xiyue. Tumingin na lamang sa ibang direksyon si Raiko at pinagmasda ang papalubog na araw.

Napanguso naman si Xiyue at dahan dahang umupo sa tabi ni Raiko. Hindi sobrang lapit, at hindi rin sobrang layo mula kay Raiko. Umupo lamang si Xiyue sa pinaka-dulo, habang si Raiko naman ay nasa bandang gitna ng mahabang upuan.

Hindi kumibo si Xiyue sa kay Raiko. Hindi rin naman  nagsalita si Raiko. Pareho lamang ang dalawa na nakatingin at pinagmamasdan ang ganda ng buong City Academy.

Ngunit sadyang hindi nakatiis si Xiyue, palihim itong sumulyap sa gawi ni Raiko. Nakita ni Xiyue na tumatama ang araw sa mukha ni Raiko na naging dahilan ng lalong paglitaw ng tunay na kulay ng mga mata nito.

Naramdaman naman ni Raiko ang pagtitig sa kanya ni Xiyue kaya binalingan nya ito nf tingin. Agad namang nag-iwas ng tingin si Xiyue at nagpanggap na may ginagawa sa kanyng palad nang nahuli sya ni Raiko na nakatingin sa kanya.

Ngumunguso-nguso lamang si Xiyue habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Pinilit niton maging kalmado, pero ang totoo...naghuhurumintado na ang puso ko.

"Saang parte ng 'Stay away from me' ang hindi mo naintindihan huh, Xiyue?" Napakurap kurap ng ilang beses si Xiyue nang basagin ni Raiko ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.

Bumuntong hininga si Xiyue bago nag-angat ng tingin, hindi kay Raiko kundi sa buong City Academy.

"Lahat. Lahat, Raiko." Mahinang sagot ni Xiyue kay Raiko bago nilipat ang tingin kay Raiko.

Nakatingin parin si Raiko kay Xiyue at hindi man lamang ito kumukurap, napa-awang ng bahagya ang labi nito marahil sa naging sagot ni Xiyue sa kanya kaya naman maliit na ngumiti si Xiyue bago muling nagsalita.

"Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo akong lumayo sa'yo. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi mong huwag ko ng gawing mahirap, para sa'yo." Dagdag pa ni Xiyue habang nakatingin parin sa mga walang emosyong mga mata ni Raiko.

Inaantay at inaasahan ni Xiyue magpapakita ito ng kahit anong emosyon, kahit inis, galit man lang ang makita ni Xiyue ay ayos na ito sa kanya.

Kesa naman Makita ko ang mga walang emosyon n'yang mga mata na 'tila patay na ang kalooban n'ya.

"Hindi ko maintindihan, Raiko. I-Ipaliwanag mo naman sa akin." Tumingin si Xiyue sa ibang direksyon.

Inaantay kung anong sasabihin ng lalaking nasa kanyang tabi, ngunit lumipas na 'ata ang mahigit isang minuto ay hindi parin nagsasalita si Raiko.

Pumikit si Xiyue at yumuko.

Bakit ba parang galit s'ya sa akin? Bakit ba parang ang laki ng kasalanan ko at ganito ang pinapakita n'ya sa akin? Niligtas n'ya ako ng ilang beses, oo. At nagpapasalamat na ako sa kan'ya pero anong ginawa ko para sabihin n'yang layuan ko s'ya? Anong ginawa ko?

"Kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan," Hinarap ni Xiyue si Raiko at ang ngiti ay halos umabot na sa kanyang magkabilang tainga.

Naktingin lamang si Raiko  sa kanya at palihim na binabasa ang nasa isipan ni Xiyue.

"...Hindi ako lalayo sa'yo. At hindi mo ako magagawang palayuin sa'yo." Buong lakas na saad nito kay Raiko.

Akala ni Xiyue ay magsasalita at sasagot na si Raiko sa kanya at maririnig nito ang malalim na boses ni Raiko, ngunit nagkamali ito.

Tanging 'Tsk' lang ang narinig na sagot ni Xiyue mula kay Raiko. Pero kahit na ganoon, masaya parin si Xiyue dahil hindi naman sya sinabihan ni Raiko na lumayo sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin non, wala naman talaga s'yang dahilan kung bakit gusto n'ya akong palayuin sa kan'ya.

Napangiti si Xiyue habang pinagmamasdan parin si Raiko na nakatingin sa buong City Academy. Nakahinga ng maluwag si Xiyue kahit papaano.

Sa di malamang dahilan, sobrang saya ni Xiyue.

Hindi ko alam kung bakit, basta naramdaman ko na lamang bigla ang pagiging Masaya. Kakaibang saya.

-

NANGINGIBABAW ang kaba sa bawat mortal na tao. Parami ng parami ang mga nawawala na tila bula, at bukod pa doon ay nangangamba silang lahat dahil sa isang video na nag-play sa bawat TV.

Maski ang President ng bawat bansa ay nababahala na dahil mabilis ang takot na naging dala noon sa bawat tao.

"Mr. President, hindi talaga naman ma-trace kung saan naka-locate ang video na 'yon." Pala-isipan parin sa lahat kung saan at sino ang nag-play ng video na iyon kung at bakit pati personal na Tv ng mga tao ay nai-play iyon.

"Just keep finding! Hindi natin to pwedeng palampasin dahil imposibleng troll lang 'to. This is a warning," saad ng Presidente habang nakatingin sa nagpapa-ulit ulit ng video sa malaking screen sa labas ng building.

Hindi parin iyon tumitigil at kahit na anong gawin ng mga may kontrol doon ay hindi nila magawang patayin ang paulit ulit na nag-p-play na video.

"A warning? Para saan naman?" Tanong ng Vice President habang nakatingin rin sa malaking screen.

"In 168 hours, everyone will be surprised."

Ma-ikli lamang iyon at hindi tatagal ng limang segundo. Nagtiim ang bagang ng Presidente bago binalingan ang mga tauhan nito na nakapalibot parin.

"Sa loob ng isang linggo, may mangyayari. At sigurado akong hindi 'yon magiging maganda kaya maging alerto kayong lahat." Saad ng Presidente na ikinatango naman ng bawat taong nandoon.

This is bad. Really bad.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C13
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login