Cedric's POV:
"Welcome to Alpha Section."
Pagkasabi ni Mr. Cruz ng mga katagang ito ay kunot-noo kong pinasadahan ng tingin ang kaharap kong guro at ang babaeng dinala ko rito sa clinic na napag-alaman ko kaninang isa palang bulag.
Tiningnan ko sila na para bang nasisiraan na sila ng bait.
"Nagbibiro lang kayo, 'di ba?" nag-aalangan kong saad sabay tawa ng pagak.
"Mukha ba akong nagbibiro, Mr. Magbanua?" balik-tanong ni Mr. Cruz sa'kin sa isang seryosong tono.
"No. It can't be!" 'Di makapaniwala kong sabi.
Lalapitan sana ako ni Mr. Cruz kaso agad akong humakbang paatras.
"Nagkakamali kayo! Hindi ako matalino para mapabilang sa section niyo. Ni hindi nga ako ang top 1 sa section namin." dagdag ko pa.
"Alpha Section is not just about wits Mr. Magbanua..." ani ni Mr. Cruz
"But it's about that 'something special' that you possess, as what Elise here said a while ago." dagdag paliwanag pa niya.
Napailing ako ng ilang beses sabay lungo ng aking ulo. Kahit sinasabi niya 'yan sa'kin ngayon, still hindi pa rin ako kumbinsido na maging parte ng Alpha Section.
Iniisip ko pa rin na nagkakamali lang sila ng pinili, na hindi talaga para sa'kin ang last spot na 'yan. Iniisip kong isang masamang biro lang ang lahat ng ito.
Hindi ko na nakayanan at bigla ko na lang binuksan ang pinto sa'king gilid at walang sabi-sabing lumabas sa clinic na 'yon.
***
Napamulat agad ako ng aking mga mata nang maramdaman kong may tumatapik ng aking magkabilang pisngi. Nang tuluyan na akong magising ay natagpuan ko ang aking sarili na nasa kwarto namin at kasalukuyan akong nakahiga sa'king kama.
S-So panaginip lang ang lahat ng iyon?
"Hay salamat naman at nagising ka na rin!" rinig kong sabi ni Andrew. Pansin ko naman ang hawak-hawak niyang isang basong tubig sa kanyang kanang kamay.
"Whoa! Para sa'n 'yang baso na 'yan ha?" natataranta kong sabi sabay turo do'n sa baso.
"Ahh ito? Ibubuhos ko lang naman sana sa'yo 'to in case na hindi ka pa magising. KANINA PA KAYA KITA GINIGISING!" pahayag niya naman sabay turo sa wall clock na nakasabit kaharap ng hinihigaan namin.
Kinuha ko naman ang glasses ko sa gilid ng aking unan at no'ng sinuot ko ito ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Sh*t! Lagpas seven na pala ng umaga! Male-late na naman ako sa aking first period!
Sa puntong ito ay bumaba na sa'ming double deck itong si Andrew kaya nagmadali naman akong bumangon at bumaba na rin sa'king higaan para makapag-ayos. Pansin ko ngang naka-uniporme na itong kaibigan ko pero ang alam ko eh 8:00 am pa ang klase nito. Psh, early bird talaga as usual.
***
Nagmistulan naman akong si Flash sa kakatakbo sa kahabaan ng aming hallway. Hay naku, masisinghalan na naman ako nito ng matandang dalaga naming adviser sabay sabing hindi na ako aangat ng section kahit na kailan. Paulit-ulit niya na lang akong sinasabihan ng gano'n ma nasanay na rin ako at namemorize ko na ang kanyang dialogue.
Nang makarating na rin ako sa aming classroom sa wakas ay nagmamadali ko namang binuksan ang pinto tsaka pumasok ng dahan-dahan. Bumungad agad sa'kin si Ms. Santos na nakatayo na pala malapit sa board at naglelecture. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa aking direksyon. But this time, himalang hindi na niya ako pinagtaasan ng kilay.
Pero may mali sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ngayon. It's as if tinitingnan niya ako na para bang... nagkamali ako ng classroom na pinasukan.
"Mr. Magbanua, tila nagkamali ka yata ng classroom na pinasukan?" nagtatakang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko ng 'di oras.
"Ha? Eh 'di ba estudyante niyo naman ako?" nagtataka ko ring tanong. Ang iba ko namang mga kaklase ay nakapako ang tingin sa'kin.
"Ahh... baka ang ibig mong sabihin ay former student? Nagpunta na rito kanina si Mr. Cruz at inabisuhan niya na ako tungkol sa iyong paglipat sa Alpha Section starting today." nakangiti niyang sabi. Mas gusto ko na lang siyang sumimangot, ang creepy niya kasing ngumiti eh.
"Ha?" ang tanging nasabi ko na lang tas nanatiling nakaawang lang ang aking bibig. Tinapik niya lang ako sa'king balikat.
"Good job Mr. Magbanua. Now go to your designated room. Nasa fourth floor 'yun, room 409." Huli niyang sinabi habang sinenyasan niya na akong lumabas na ng classroom.
Nang makalabas na ako at masarado ang pinto ng classroom ay wala sa sarili naman akong napatitig sa doorknob.
"At 'yan si Mr. Magbanua na dapat niyong tularan. Kaya mag-aral lang kayo ng mabuti at kayo'y aangat din." rinig ko pang sabi ng aking adviser... or should I say former adviser.
No way... Totoo pala ang lahat ng mga nangyari kahapon sa clinic? So totoo ngang ililipat ako sa Alpha Section?
***
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang nabanggit na classroom para sa Alpha Section. Nakaukit sa itaas na bahagi ng pinto, in golden plates, ang mga numerong: 409.
"Okay. Ito na nga siguro iyon." I muttered to myself before reaching for the doorknob.
Pinihit ko na ito at dahan-dahan itong binuksan. Nang tuluyan ko na nga itong mabuksan ay kabado kong hinakbang ang isang paa ko sa loob. Ang lahat naman ng estudyante na nasa kani-kanilang mga upuan ay tumigil sa kani-kanilang mga ginagawa at napagawi ang tingin sa'king direksyon. Binilang ko sila sa'king isipan, at napag-alaman kong siyam pala silang naririto.
Which means ako ang pang-sampu.
Kahit na nag-aalinlangan ay nagtungo ako sa nag-iisang bakanteng silya sa silid na ito which is nasa 2nd row sa pinakadulong bahagi sa may kaliwa. Inilagay ko na ang aking bag at umupo na roon.
"Hi! Kamusta? Ako nga pala si Mitch. And you are?"
Napalingon naman ako sa'king kanan at napaface-to-face ako sa isang lalaking nakangiti sa'kin ng todo. Ang kulay brown niyang buhok ay bahagyang tinatakpan ang kanyang noo.
Mitch? Hmmm... I supposed siya itong kaklase dati ni Andrew. Pero akala ko ba babae iyon?!
"Mitchelle Joey Navarro ang full name ko pero you can call me Mitch na lang for short." dagdag pa niya nang mapansin niya siguro ang pagtataka sa'king mukha.
"H-hi. I'm Cedric Magbanua." nag-aalangan ko pang pagpapakilala.
"Hi Cedric! Nice meeting you!" Halos mapatalon naman ako sa gulat ng humarap sa'king direksyon ang babaeng nakaupo sa'king harapan. Nakatali sa isang ribbon ang kanyang mahabang kulay brown ding buhok at tulad ko ay nakasuot din siya ng glasses.
"Ako nga pala si Kylie Sullivan." nakangiti rin niyang sabi. Napatango lang ako in response.
"So itong loser lang pala ang dahilan kung bakit hindi pa nagsisimula ang ating klase simula 1st grading?"
Lahat naman ay napatingin sa lalaking nagsalita no'n na siyang nakaupo rin sa 2nd row pero nasa kabilang dulo. Nang makita ko ang kanyang pagmumukha ay hindi na ako nagulat pa kung makikita ko rito ang mayabang na nakaalitan namin ni Andrew no'ng isang araw.
Kita ko namang tinaasan ako ng kilay ng babaeng katabi niya na kulay brunette ang mahaba nitong buhok, at palihim namang natawa ang malapit sa kanilang kambal na lalaki.
Bigla ko naman naramdaman ang namuong tensyon no'ng mapansin kong ang lahat ng mga naririto'y nakatingin sa'kin.
"Good morning class. Sorry kung nahuli ako ng dating dahil may inasikaso pa ako."
Nabasag naman ang tensyon na 'yon sa pagpasok ng adviser ng section na ito na si Mr. Cruz. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa mesang nasa harapan niya nang makapunta na ito ng tuluyan sa kanyang designated place at humarap sa'min.
"Para sa bagong lipat sa section na'to, please come forward and introduce yourself." sabi niya, at nagtama naman ang aming tingin. Nahihiya pa akong tumayo at nakayukong naglakad papunta sa unahan.
"Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, isang freshman student. Nanggaling ako sa section 6." nakayuko ko pa ring sabi. I heard someone sneered.
"Itong galing sa last section lang ang hinihintay natin para makumpleto ang Alpha Section? Seriously?" It was that jerk who suddenly spoke up.
"Warren! 'Wag kang magsalita ng ganyan! Kinakitaan siya ni Elise ng kakaiba sa kanya kaya tulad niyo ay napapabilang din siya sa Alpha Section." depensa naman sa'kin ni Mr. Cruz.
Bahagya naman akong napaangat ng tingin at muli kong nakita ang babaeng binuhat ko kahapon papunta sa clinic na nasa unahan nakaupo. So Elise pala ang kanyang pangalan.
"Yeah right. Trust that blind's instincts!" pabalang na sabi no'ng tinawag na Warren tsaka padabog na sumandal ulit sa kanyang upuan.
Napailing na lang si Mr. Cruz sa kanyang kinaroroonan at piniling 'wag na lang pansinin 'yung Warren.
"Again, welcome to Alpha Section Mr. Magbanua. Ang iyong bagong badge at ID ay nasa ilalim na ng iyong desk. Pwede ka na ulit maupo." pahayag ni Mr. Cruz tsaka ako bumalik sa'king upuan.
Surely, pagkapa ko sa ilalim ng aking desk ay natagpuan ko 'yung nabanggit niyang bago kong badge at ID. Maya-maya pa ay narinig na naming muling magsalita ang aming guro.
"Since kumpleto na kayo rito, let's officially begin our class."
Ang ating bida ay officially enrolled na for Alpha Section! Anu-ano kaya ang magbabago as he starts to be an Alpha Student? Abangan!
Ang pangalan ni Mitch ay hango sa name ng officemate ko dati hahaha! This one is for you Mitch!