Baixar aplicativo
67.74% When You Love Too Much / Chapter 21: Chapter 20

Capítulo 21: Chapter 20

Carlhei Andrew POV

December 25, Christmas Day.

Ganoon parin ang naging set up. Busy parin ang girlfriend ko sa trabaho niya at naiintindihan ko iyon. Mas naging abala rin naman ako sa pag gawa ng plano para sa Engineering Firm na itatayo ko. Blueprint palang iyon pero natutuwa na ako. Mas lalo siguro kapag nakatayo na iyon.

"Why don't you invite Karen for dinner? Sasabihan ko ang Papa mo." Saad ni Mama

Abala na ito sa pag luluto. Hindi na rin mag kandamayaw sa kakaparoon at parito niya sa kusina.

"Yes, Ma. Nasa plano ko na siya. Since maaga naman ang uwi ni Papa ay isasabay nalang niya si Karen. I'm so excited to give my gift to her. Hindi ako nakapunta sa aparment niya kahapon dahil mag papahinga siya." Paliwanag ko

Tumango tango si Mama at ngumiti. Tuwing saktong pag sapit kasi kami ng pasko nag bibigayan ng regalo. Naka-video call ko naman ito kagabi. Nakatulugan na niya ang pag kausap sa akin pero ayos lang iyon. Naiintindihan ko iyon.

Tinulungan kong mag luto si Mama dahil may iba rin namang ginagawa ang kapatid ko. Siya kasi ang taga-bigay tuwing may kakatok sa bahay na mga bata. Ayaw niya raw mag luto.

Nang matapos sa kare-kare ay nag pahinga muna ako. Binusak ko ang cellphone ko at nakitang may chat si Karen.

Paraluman ♡

Sabi ng Papa mo sasabay daw ako sa kaniya?

Handsome ♡

Yep. Dito ka mag dinner ha? Time out ka muna sa work. You deserve to rest.

Paraluman ♡

Sige. Excited na akong makita ka.

Todo ngiti akong nag type dahil finally ay makikita ko na rin ito. Pakiramdam ko ay nababakla na naman ako sa kilig.

Handsome ♡

I'll wait for you. Take care.

Nang maisara ang phone ko ay nakangiti parin ako. Iiling iling pa akong tinignan ni Mama dahil marahil mukha na naman akong nasisiraan ng bait.

"Mag bihis ka na doon. Mayamaya ay dadating na sila. Amoy sibuyas at bawang ka." Saad ni Mama at tumawa pa

Agad ko rin namang sinunod si Mama dahil totoo ang sinabi nito. Kakaluto namin ni Mama ay amoy sibuyas at bawang na ako. Napadesisyunan kong maligo para matanggal ang hindi kaaya-ayang amoy sa katawan ko. Matapos kong maligo ay isinuot ko ang bigay ni Mama na longsleeve na polo. Kulay prussian blue ito at tinernohan ko ng itim na slacks. Nag suot rin ako ng leather na top sider shoes.

Kinuha ko na ang isang sunflower at pati na rin ang regalo ko kay Karen. Sigurado akonv matutuwa ito katulad noong monthsary namin.

Nang makalabas ako ay sakto namang lumabas rin ng kwarto ang kapatid ko. Nag takip na naman ito ng ilong dahil sa pabango ko.

"Nawalan na ako ng gana mag dinner kuya. Nakakasulasok ang amoy mo." Inis na sabi nito

Pinantayan ko lang siya ng pag lakakad pababa ng hagdan.

"Dadating kasi ang girlfriend ko. Gusto niya kaya ang amoy ko." Pag mamayabang ko pa

Bahagya itong tumawa at umiling iling pa.

"Kung ganiyan pala ang pag-ibig ay ayaw ko na ng pag-ibig. Nakakailang bote ka ba ng Clive Christian C perfume sa isang buwan? Dami mong ipon ah." Saad nito

Nag kibit balikat ako dito bilang tugon. Nang makarating kami sa dinning area ay kaagad na natuwa ang puso ko. Nandito na pala ang girlfriend ko.

"Ang gwapo mo." Bati kaagad ni Karen

Iniabot ko dito ang regalo at bulaklak niya at halos kuminang na naman ang mata nito sa mangha. Inilapag niya rin iyong bulaklak at regalo niya sa gilid. Inilabas niya ang isang kahon at ibinigay iyon sa akin. Sa sobrang excited ay binuksan ko agad iyon. Tuwang tuwa ako ng makita na relo iyon. Nakakatuwa dahil ang relo na iyon ay may design na mathematical symbols.

"Thank you." Nakangiti kong sabi

"Ikaw pa ba? Malakas ka sakin." Saad ni Karen. Inilabas rin nito ang tag iisang paper bag kay Mama, Papa at Neomi. "Salamat po sa pag tanggap sa'kin. Maligayang Pasko po sainyo. Sana po magustuhan niyo."

Napatayo si Mama sa kinauupuan niya ay inakap si Karen. Kung hindi pa ako naunahan ni Mama ay ako na ang gagawa noon.

Matapos ang dinner ay nag tungo kami sa rooftop ng bahay. Dito kasi kami madalas mag celebrate till mag twenty six na. Nanonood kami dito ng movie dahil nag seset si Papa ng projector.

"Ang cute ng family niyo mag diwang ng Pasko." Nakangiting sabi ni Karen

Naialis ko tuloy sa movie ang atensyon ko at inilipat iyon kay Karen.

"Mas cute siguro kung dito ka na lagi mag ispend ng Christmas. Hindi na naman tayo mag hihiwalay kaya alam konh mangyayari 'yun." Nakangiti kong sabi

Ginulo nito ang buhok ko at natawa rin ng bahagya, "Salamat pala doon sa dress. Nakakatuwa ang design. Alam mo talaga na mahilig ako sa bulaklak." Nakangiti niyang sabi

Noong una talaga ay hindi ko alam kung anong bibilhin ko. Binili ko nalang iyong hindi ko naman talaga nakikita na sinusuot niya. Pumapasok kasi ito sa trabaho niya ng naka-blouse at slacks lang.

"Suotin mo sa New Years Eve ha? Dito ka naman mag sasalubong ng Bagong Taon." Saad ko

Tumango tango ito sa akin at ngumiti pa. Muli ay itinuon ko ang atensyon sa movie dahil ganoon rin ang ginawa niya.

Sa kalagitnaan ng panonood ay tumunog ang cellphone niya. Titignan ko sana kung sino ang caller pero kaagad niya na iyong nasagot. Sumenyas ito na aalis saglit kaya naman tumango ako. Iniisip ko na baka sa trabaho iyon kaya naman ganoon nalang ang pag kataranta niya.

Mahigit kinse minutos ang kinain na oras bago ulit ito nakabalik. Balisa pa ito at mukhang nag mamadali talaga.

"Kailangan ko nang umuwi sa apartment. H-hinahanap ako ng landlady." Saad ni Karen

Humalik ito sa pisngi ko at bahagyang ngumiti.

"Ihahatid na kita." Pag alok ko

Kaagad itong umiling at ngumiti, "Kahit h-hindi na. Enjoy ka nalang dito."

Hahabol sana ako ng kumaway na ito sa akin. Tinanaw ko nalang ito mula sa taas at tinignan kung gaano niya kabilis naabot ang baba. Hindi na halos nasara nito ang gate ng bahay at nag madali ring humahap ng masasakyan.

Hindi ko maiwasang mag taka kung bakit ito hinahanap ng landlady niya gayong pasko naman at malamang nag diriwang rin sila ng pasko.

"Bakit hindi mo sundan?" Tanong ni Neomi

Halos mapapitlag pa ako dahil sa biglang pag sulpot nito.

"Sabi niya dito nalang daw ako eh. Mukhang importante iyon kaya ayaw ko nang mag kulit pa na sumama." Sagot ko

Iiling iling akong tinignan nito at ngumiwi pa, "Sa susunod na may tanong sa isip mo, kumpirmahin mo na. Kailangan mo nang magising sa katotohanan."

Kunot noo ko itong natignan dahil hindi ko na naman gusto ang tono nito.

"Paskong pasko ay kung ano ano ang sinasabi mo. May pa-katotohanan ka pang nalalaman." Saad ko

"Sinasabi ko lang naman eh. Nasayo pa rin kung susundin mo ako o hindi. Maraming tissue sa kwarto ko, pwede kang kumuha just in case." Saad ni Neomi at tumawa pa

Hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy ng kapatid ko. Pero mukhang ipinipilit parin nito ang nabalitaan niya. Hindi kayang baliin noon ang tiwala ko sa girlfriend ko. Pitong buwan at kalahati ko na itong kilala. Alam kong nag bago na siya ng pamumuhay. Nangako rin siya na mag babago pa siya. Pinang hahawakan ko ang lahat ng sinabi niya noong araw na naging kami. Hindi niya ako sasaktan kahit kailan.

Napailing iling ako dahil sa mga naiisip. Hindi mag eeffort si Karen ng ganito para lang saktan ako sa dulo. Busy lang ito sa trabaho kaya madalas kaming hindi mag kausap.

Kaagad akong nag chat kay Karen para kamustahin ang lagay nito.

Handsome ♡

Nakauwi ka na ng ayos? Anong sabi ng landlady?

Paraluman ♡

May Christmas Party lang na naganap kaya niya ako hinanap. Nalimutan ko rin kasi.

Handsome ♡

Oh, I see. Enjoy ka dyan. Goodnight!

Paraluman ♡

Sige.

Nag antay pa ako ng ilang minuto kung may maidadagdag pa ang reply niya pero wala na. Malamang ay nag eenjoy na ito sa Christmas Party nila sa building.

Napangiti ako dahil alam kong mali ang kapatid ko sa mga sinasabi nito. Inilagay ko sa isip ko na kailanman ay hindi ako magagawang saktan ng girlfriend ko.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C21
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login