Baixar aplicativo
64.28% There is US not You and I / Chapter 99: Hindi Ito Ang Dapat Sanang Nangyari.

Capítulo 99: Hindi Ito Ang Dapat Sanang Nangyari.

Hindi inaasahan ni Gen. Pasahuay at Sen. Reyes na darating si Jaime, pero ganunpaman, hindi sila gaanong nagaalala dahil kita ang pagkabalisa sa mukha ni Jaime.

Halatang wala itong tulog at parang tuliro. Hindi masagot ang karamihan sa mga tanong.

Pasimpleng nagkatinginan si Gen. Pasahuay at Sen. Reyes. Nakangisi sila pareho.

"Gen. Santiago, pwede bang ayusin mo naman ang pagsagot!"

Napipikong sabi ng isang senator sa kanya.

"Gen. Santiago, pag ganito ka ng ganito baka mahatulan ka naming agad na guilty nyan!"

"You look tense Gen. Santiago, narito ka pero lumilipad ang utak mo! Bakit ba ganyan ka?"

"Pasensya na po!"

Dismayado ang lahat sa ipinapakita ni Jaime pero hindi sya nangatwiran.

Hangggang sa....

"Tungkol ba ito sa anak mong nawawala?"

Nagulat ang ibang senador, halatang walang alam sa pangyayari.

'Kaya pala sya ganyan!'

At naalerto naman bigla si Sen. Reyes at Gen. Pasahuay sa tanong na iyon.

"Nawawala ang anak mo? Sino? Yung bang nagpost recently sa social media?"

Tanong ng pinaka head ng committee.

"Yes your honor, sya nga po. Si Katherine Marie."

"Teka, ano naman ang kinalalaman ng anak nyang nawawala sa kasong ito?"

Biglang tanong ni Sen. Reyes.

"Well, for your information Sen. Reyes, may possibility na may kinalalaman ito sa kaso na inimbestigahan natin ngayon dahil nangyari ito after nya magpost!"

Paliwanag ni Sen. Bathan ang head ng committee.

"Pero ... sigurado ka bang nawawala ang anak mo Gen. Santiago? Wala pa namang 24 hours na hindi nagpapakita yung anak mo kaya paano masasabing nawawala?"

Tanong agad ni Sen. Reyes.

Sasagot na sana si Jaime pero naunahan syang magsalita ni Sen. Bathan.

"Sen. Reyes, paano mo naman nalaman na wala pang 24 hours na nawawala yung anak ni Gen. Santiago?"

Tanong ulit ni Sen. Bathan.

Hindi ito sinasadyang itanong ni Sen. Bathan. Maging sya ay napipikon na rin sa kawalan ng interes ni Jaime pero napapaisip sya sa ikinikilos ni Sen. Reyes ngayon.

'Bakit parang naalarma sya bigla?'

Napatahimik si Sen Reyes, iniisip ang mga huling sinabi nya.

'Naloko na! It's too soon, hindi sya dapat nag react ng ganun. Tyak na mahahalata sya.'

Nagaalalang napatingin si Gen. Pasahuay kay Sen. Reyes.

At si Jaime tumahimik na lang at pinanood ang palitan ng salita ng mga senador.

"Teka Sen Bathan, bakit parang may halong pagdududa ang tanong mo kay Sen. Reyes?"

Ang kaibigan ni Sen. Reyes ang nagsalita.

"Well, nagtatanong lang ako. Bakit ikaw Sen. Senteno aware ka din ba na nawawala ang anak ni Gen. Santiago?"

Napaisip na rin si Sen. Senteno ang kaibigan ni Sen. Reyes.

"Hindi!"

"Well, obviously walang nakakaalam, even me, kung hindi lang sinabi sa akin nitong assistant ko, ngayon. Kaya napatanong ako kasi, nakapag tataka na parang aware si Sen. Reyes dito."

'Patay na! Sabi ko na may makakahalata!'

Nagaalalang napatingin si Gen. Pasahuay kay Sen. Reyes

"Pasensya, Sen. Bathan, inassume ko lang naman. Kasi, diba, nag post sya kahapon, so expected ko na wala pa itong 24 hours."

Simpleng paliwanag ni Sen. Reyes.

May katwiran naman si Sen. Reyes.

Saka maganda ang reputasyon nito, hindi ito palaaway at mabuti itong senador sa mata ng marami lalo na ng mga kasamahan nya sa senado.

Pero yan ang akala nilang lahat.

Hindi nila akalain na nakakubli sa malaanghel nitong mukha ay isang walang pusong pinuno ng isang sindikato.

"Well actually, may 24 hours na yung post nya."

Paglilinaw ni Sen. Bathan.

"Am I right Gen. Santiago?"

Nagulat si Jaime ng bigla syang tinawag.

"Yes po your honor. Pero wala pa pong 24 hours simula ng maireport namin syang missing ay may possibility of abduction."

"Possibility of abduction?"

"Kailan nyo ba ito nireport?"

"Kagabi po, pagkatapos nyang magtext."

Napatingin bigla si Sen. Reyes kay Gen. Pasahuay nagtatanong ang mga tingin.

'Paano nila pinagdudahan ang isang text message?'

Napailing na lang si Gen. Pasahuay.

Parang sinusuway sya sa ginagawa nitong pagtingin sa kanya.

'Huwag kang magpahalata Eddie Boy!'

At hindi ito nakalagpas sa paningin ni Sen. Bathan.

'Parang may something sa dalawang ito?'

'Close pala sila?'

Kaya nagtanong ulit si Sen. Bathan kay Jaime.

"You mean pagkatapos mag text ng anak mo na realize nyo agad that there is something wrong?"

Muling tumingin si Sen. Reyes, parang naghahagilap ng sagot kay Gen. Pasahuay.

"Yes po! Pero hindi po kumilos ang mga pulis kaya kami na lang po ang personal na nagpaimbestiga."

Sagot ni Jaime.

"Text message? How did you know na may posibilidad na nangyaring masama sa anak mo dahil lang sa isang text message? Saka, sino ang inutusan mong magiimbestiga? Huwag mong sabihin ang mga tauhan mo?"

May malisyang tanong ni Sen. Senteno ang kaibigan ni Sen. Reyes.

"Sir, for your information, may sarili pong private investigation ang family namin. Sa kanila po ako humingi ng tulong. Hindi po ako abusadong sundalo, you can check my records. Naglingkod po ako ng maayos sa bayan.

Normal ang tono ni Jaime hindi galit pero sa kalooban nya naiinis ito sa ibig ipahiwatig ng Sen. Senteno na ito.

Ang tinutukoy ni Jaime ay ang Security and Private Invesigation na business ni Joel na ipinaman ng tatay nya sa kanya.

Kilala ito sa mga senador at ibang celebrity dahil karamihan sa kanila kay Joel kumukuha ng personal bodyguard kaya nakakainis nga naman ang tanong ni Sen. Senteno.

Napikon si Sen. Senteno pero hindi nya pinahalata dahil nakita nya ang mukha ng mga kasamahan nyang senador. Feeling nya tuloy may nakasulat na 'stupid' sa noo nya.

'Kilos kilos din kasi pag may time para di lumaki ang tyan at gumana ang utak!'

Ito ang gustong sabihin ng mga kasamahan nya.

"Gen. Santiago, curious lang ako, ano ba ang nakalagay sa text message ng anak mo?"

Curious na tanong ni Sen. Bathan.

Lihim itong nangingiti dahil pakiramdam nya ay may magandang mangyayari sa Senate hearing na ito.

"Hindi daw po sya makakauwi dahil nagkainiuman daw sila. Pagod na syang magbyahe. Makikitulog na lang daw sya sa condo ng kasamahan nya malapit sa work nya."

Napakunot ang noo ni Sen. Reyes at muli, napatingin ito kay Gen. Pasahuay.

Inayos nya ang sarili bago nagtanong.

"Anong problema sa content ng text Gen. Santiago? Bakit kayo nagduda agad sa nilalaman nito?"

"Kasi Sen. Reyes, hindi umiinom ang anak ko, may allergy sya sa alcohol at saka.... pregnant sya!"

Matalim ang mga tingin ni Jaime kay Sen. Reyes parang sinasabing,

'alam kong may kinalalaman ka dito!'

Napansin din ito ni Sen. Bathan.

'Bakit ba ganito sila magtinginan?'

'Pakiramdam ko tuloy, may nangyari behind all this?'

'Mukhang interesting ito!'

"So kamusta naman ang pagiimbestiga nyo, Gen. Santiago?"

Tanong ni Sen Bathan.

"We find out po na nagmula sa isang tower sa norte ang text message. May limang oras po ang layo sa work nya kaya naisip po namin na may posibilidad na dinukot sya!"

Muling napatingin si Sen. Reyes kay Gen. Pasahuay, dismayado.

'Mukhang pumalpak kayo!'

Unang araw pa lang ng Senate hearing bumaligtad na agad ang sitwasyon.

Pumabor kay Jaime sitwasyon.

Naging interesado ang mga senador sa kung bakit nawala si Kate, kaya bumuo sila ng magiimbestiga sa pangyayaring ito at naalarma si Sen. Reyes at Gen. Pasahuay. Hindi ito ang gusto nilang mangyari.

Hindi ito ang dapat sanang nangyari.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C99
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login