Baixar aplicativo
27.27% To Love Is To Die (Tagalog) / Chapter 3: Chapter Two: Ego

Capítulo 3: Chapter Two: Ego

Sean Kirby's POV

Halos hindi ako makatulog. Maya't maya kong tinitignan ang cellphone ko sa hindi malamang dahilan.

Bumalikwas ako ng upo dito saaking kama't kinuha ang cellphone ko't hindi na nakatiis.. Agad agad kong kinontak ang numero ng ignoranteng babaeng yun.

Bwiset, Hindi ako makatulog ng dahil sa ginawa niya kanina. Ewan ko ba kung bakit binibig-deal ko ang bagay na 'yon. Marahil ay masyado niyang naapakan ang ego ko ng gawin niya yun. Tsk tsk tsk, Damn that girl. Ang sakit niya sa ulo!

*RING RING*

Kaagad namang nagring ang kabilang linya at maya maya lang ay sinagot niya na ito.

"Hello" Panimula ko

"Hi, Who's this?" Takang sabi ng kung sino, Napakunot ang noo ko ng hindi ko marinig ang boses ni Alexa

Wait, Sinong nasa kabilang linya kung ganoon?

"Excuse me, Who's this? Bakit hawak hawak mo ang phone ng secretary ko?" Takang sabi ko

"A-Ahh, Mr. Ongsee is that you?" Tanong ng kung sino

"Mmmm" Maikling tugon ko

"Kanina p-po kasi Mr. Ongsee ng umalis siya'y tulala siyang lumapit sa front desk at bigla niya nalang inilapag ang keypad niyang cellphone doon" Sabi niya dahilan upang mapatanga ako sa kawalan

"W-What?" Takang sabi ko "Can you please explain it to me more?"

"Sure, Mr. Ongsee" Magalang na aniya "May kausap siya kanina sa telepono.. Habang kausap niya yun ay narinig kong sinabi niyang 'Bakit mo ko iniwan, Sir?'. Then after awhile, Bigla nalang siyang natulala't mistulang may nasabing hindi maganda yung kausap niya.. Dun po siya nagsimulang lumapit sa front desk at ilapag roon ang cellphone niya't tuluyan ng lumakad papalayo"

*BLINK BLINK*

Saglit pa kong napakurap-kurap sa kawalan bago nakarecover.

"O-Okay. Thanks for the info" Sabi ko't ibinaba na ang linya

*TUT TUT TUT*

Damn. Damn. Damn.

Nababaliw na ba ang babaeng yun?

I fired her because she deserves it. I fired her because she's making my head cracked.. For freaking fucking real.

Ano ba talaga? Kinokonsensiya ba niya ko?

Alexa Rainne's POV

K I N A B U K A S A N

Nang magising ako dito sa apartment na inuukupa ko'y agad akong napabalikwas ng upo sa kama'ng kinahihigaan ko ng maalala ko ang aking nagawa.

'Bakit ko iniwan yun dun?!' Anang boses mula saaking isipan at kasunod nun ang pagkamot ko sa aking ulo

"Ano ba kasing naisip ko't inilapag ko iyon sa front desk- Teka! Sisante na 'ko sa trabaho?" Mabilis kong natutop ang aking bibig "Hindi pwede 'yun. Kailangan ko ng trabaho"

*SIGHS*

I took a deep breath before I stood up and walked towards my bathroom and take a bath.

Habang bumabagsak saakin ang malamig na tubig ay unti-unti ko ng natatanggap saaking sarili na sisante na ako. Naaalala ko rin kasi kung gaano kasama ang ipinakita niyang ugali saakin kahapon.

Kung paano siya magsalita, Kung paano siya gumalaw, at Kung paano niya walang awang sinisante ang mga empleyado niya. Bigla akong napaisip, Nagsisisi kaya siya sa mga nagawa niya?

But I'm just a piece of shit for him and I know that. Who the hell I am to pay an attention and Who I am to make any one regret for letting me go.

I'm just a poor college graduate girl from Cavite, Ang parehong magulang ko'y mag-uuling ang trabaho sa aming bayan.

Kaya ko din naisip na lumuwas ng maynila matapos kong makagraduate ng kolehiyo dahil naisip kong giginhawa ang aming buhay once na lumuwas ako dito.. But I was wrong of thinking that way. Akala ko marami at maganda ang oportunidad dito sa maynila yun pala ay hindi.

Bukod sa maliit ang tiyansa na matanggap ka sa trabaho ay napakahirap ring kumayod para sa sarili mo. Unti-unti tuloy akong nanlumo habang naliligo.. Pero agad na napawi ang panlulumong nararamdaman ko ng maalala kung gaano nahihirapan ang aking mga magulang.

Noon hanggang ngayon, Naghihirap parin sila. Kitang kita iyon ng mga mata ko. Yung pagod at pagsasakripisyo nila upang buhayin kami.

Maswerte ang ibang mga bata dahil umuuwi ang kanilang mga magulang ng may maayos na mukha samantalang ang mga magulang ko'y marurungis pagkauwi na pagkauwi sa bahay. Minsan, Naisipan kong panoodin sila sa pagtatrabaho upang matuto ako kung paano gawin iyon ngunit mali yata ang aking naisip dahil parang paulit-ulit na sinasaksak ang loob ko habang nakikita sila kung paano magtrabaho.

Kung paano sumabog ang usok sakanilang mga mukha.

Kung paano nila pabagain ang isang bagay upang makagawa ng uling.

at Kung gaano kahirap ang ginagawa nila.

Kaya naman ng matapos ako sa aking pagligo ay mabilis akong nagtapis gamit ang aking tuwalya't naghanap ng maisusuot saaking cabinet. Maya maya lang ay nakahanap na rin ako kung kaya't dali-dali akong nagbihis at nang makapagbihis ako'y lumabas na ko sa apartment na inuukupa ko rito.

Pagkalabas na pagkalabas ko'y agad kong tinungo ang hagdanan upang makababa, Hassle kasi kung magi-elevator pa ko.

Nang makababa ako ay kaagad namang may dumaan na taxi sa harapan ko kung kaya't bahagya ko pang iwinagayway ang kamay ko sa kawalan upang makuha ang atensiyon ng driver. Maya maya lang ay huminto sa mismong harapan ko ang taxi'ng aking pinara, Kaagad kong binuksan ang backseat door at mabilis na pumasok tsaka naupo roon.

Nang makapasok ako doon ay sinabi ko ang address ng hotel kung saan ko naiwan- I mean iniwanan ang phone ko.

'Aish! Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukote ko't sukat ko ba namang iniwanan yun dun! Regalo pa naman sakin yun ni Papa'

Maya maya lang...

Maya maya lang ay nakarating na ang taxi'ng sinasakyan ko sa main door ng hotel kung kaya't binayaran ko na si Manong driver at tsaka bumaba na sakanyang sasakyan.

Pagkababa ko'y saglit pa kong napabuntong hininga bago lumakad papasok ng hotel. Nagtataka kong inilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng lobby, Wala kasing masyadong tao.. Hindi gaya ng kahapon.

Ano kayang meron?

Ahh. Baka naman busy lang talaga ang mga tao rito. Ipinilig ko nalang ang aking ulo at masuyong tinungo ang elevator, Pagkapasok ko sa elevator ay priness ko na ang button.. Button na natatandaan kong pinindot ni Sir Sean kahapon.

*TING TING*

Mabilis ko namang narating ang floor na iyon, Tumunog ang elevator at kasunod niyon ang marahang pagbukas nito. Nang bumukas ito ay lumabas na ko sa elevator at matamang napatingin sa kabuuan nito.. Nakakamangha talaga ang tema..

*SIGHS*

Bumuntong hininga ako't marahang lumakad papalapit sa front desk. Napakunot ang noo ko ng walang taong maabutan dun kung kaya't sinipat ko nalang ng mabuti ang mesa- Ngunit walang cellphone dun ang nakalagay..

Agad akong ginapangan ng kaba, Nasaan na kaya yun? Nako! Hindi ko na makokontak ang pamilya't mga kaibigan ko.

"Searching for something?" Anang baritonong boses ng kung sino, Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar na boses na yun..

Nagtindigan ang mga balahibo ko ng marinig ang mabibigat at papalapit niyang yabag, Hanggang sa ipinatong niya ang kanyang kamay sa front desk at bumulong mismo saaking tenga.

Kasalukuyan na pala siyang nasa likod ko na talaga namang nakakapagpakaba saakin.

"Welcome in hell, Alexa" Bulong niya dahilan upang manginig ang mga tuhod ko't manlambot ang kabuuan ko

Matapos niyang sabihin ang katagang yun ay narinig ko ang paglakad niya papalayo. Napabuga naman ako ng malalim ng makita ang walang emosyon niyang bulto na tinungo ang elevator.

Nang mapabaling ako sa mesa ay laking gulat ko ng makita ang thirty-two-ten kong cellphone. Dali-dali ko iyong kinuha at ichineck kung may mensahe bang isinend ang aking pamilya.

Mama;

Anak, Kamusta ka na riyan sa maynila? May trabaho ka na ba?

Saglit akong napangiti ng mabasa ang mensahe ng aking Ina ngunit napawi din ng kalaunan ng mabasa ang tanong ni Inang 'May trabaho ka na ba?'. Dapat sana'y oo ang isasagot ko't naglululundag parin ako ngayon sa saya kaya lang.. Sinisante na ko ng boss ko kahapon matapos ang ilang oras kong pagkakatanggap sa trabaho.

Ngunit teka. Ano iyong ibinulong niya sakin kanina? 'Welcome in hell, Alexa'? Ano ang ibigsabihin nun? Hell, Impyerno?

Teka. Impyerno bang matatawag ang lugar na ito? Ang lugar na punong puno ng mga building na nagpapataasan?

Maya maya lang ay napagdisisyunan ko ng lumakad patungo sa elevator, Pagkapasok na pagkapasok ko sa elevator ay agad kong priness ang 'G' which means Ground Floor.

*TING TING*

Tumunog na nga ang elevator at kasunod nun ang marahan nitong pagbukas. Pagkabukas na pagkabukas niyon ay kaagad akong lumabas, Nakakapagtaka.. Bakit walang tao sa lobby ngayon, Tanging doorman lang ang naroon upang pagbuksan ang mga papasok.

*SIGHS*

Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang aking cellphone, Ititext ko kasi sila Mama upang sabihin na okay lang ako.. kahit wala pa kong trabaho.

Nagsimula na nga kong magtipa sa keypad kong cellphone, Nang maitipa ko na lahat ng gusto kong sabihin ay isinend ko na iyon at agad naman iyong nagsend. Hay, salamat. Hindi pa expired ang load ko.

Ako;

Okay lang po ako rito, Mama. Kayo ho riyan, Ayos lang po ba kayo? Pasensiya na po't hindi pa ko nakakapagpadala, Wala pa po kasi akong sahod eh. Hayys, Miss na miss ko na po kayo.. Mag-iingat po sana kayo palagi jan, Wag pong papagurin ang mga sarili ng husto sa pagtatrabaho.. Mahal na mahal ko po kayo ni Papa.

At dahil nakatitig ako sa aking cellphone ay hindi ko na namalayan ang aking dinaraanan kung kaya naman..

*TUK TUK*

Namalayan ko nalang na malakas akong nauntog sa glass door ng main door. Marahan kong ipinilig ang aking ulo't minasahe ito. Napalingon naman ako sa doorman na tatawa-tawa akong pinagbuksan ng pintuan.

Hindi ko nalang siya pinansin, Kasalanan ko naman eh. Isinilid ko nalang ang aking cellphone sa aking bulsa at itinuon nalang ang atensiyon sa daraanan.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalakad papalayo ng may biglang sumulpot na kung sino saaking tabi.

"Are you okay, Miss?" Takang sabi niya kaya naman nilingon ko siya, Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang isang lalaking ubod ng gwapo

His hair was dark black messy under cut hair, His eyes was color black, His lips was pink and too kissable, and His nose was too perfect.. Dang!

"Miss, Are you okay?" Pag-uulit niya dahilan upang mabalik ako sa reyalidad

"A-Ahh, Opo opo! Okay na okay po ako" Sabi ko at naiilang na napatitig sakanya, Napatango naman siya

"I see" Aniya at ngumiti dahilan upang manlambot ang mga tuhod ko-- Jusko naman, Alexa! Bat ang rupok!!! "You sure that you're okay?"

I nodded, Mapakla siyang ngumiti dahilan upang mapakunot ang noo ko.

"Your forehead is bleeding yet you're still okay? What a girl" Naiiling na aniya, Nagulat naman ako ng hawakan niya ko sa pulsuhan at higitin patungo sa kung saan

"B-Bitawan niyo po ko" Sabi ko ngunit hindi siya natinag hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo na sakanyang sasakyan

Tinangka kong buksan ang pintuan upang lumabas ngunit ayaw niyon mabuksan isa pa, Nakaseatbelt na rin pala ako. Teka, Paano nangyare yun???

"Don't try to" Aniya at nagsimulang magmaneho "Masyadong malakas ang paraan ng pagkakauntog mo sa glass door, Kailangan mong magpatingin sa doctor kaya sasamahan kita. Mamaya kung ano pang mangyare sayo"

"Sir, Wala ho akong pera--" Sabi ko't kinagat ang aking pang-ibabang labi. Nilingon niya ako at tipid na nginitian

"Don't worry, I got you" Sabi niya at muling bumaling sa kalsada

*BRIZK BRIZK*

Nagvibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kung kaya't kinuha ko iyon, Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagtext si Sir Sean.

Sir Sean;

Bakit ka sumama sa lalaking yan?! Kilala mo ba yan, Ha? Tss. So stupid, Bumaba ka sa kotse niya't magtungo sa opisina ko.. Ngayon na.

*BLINK BLINK*

Napakurap-kurap ako sa kawalan ng dahil sa nabasa. Ano bang ipinupunto niya? Hindi ba't sinisante niya na ko kahapon?

Hala. Anyare?

"Hindi ko alam na may gumagamit parin ng keypad at thirty-two-ten nokia now a days. I thought, Nilamon na ng touchscreen ang buong mundo. Tss" Sabi ng gwapong lalaking nagmamaneho kung kaya't napabaling ako sakanya

"A-Ahh" Sabi ko at tipid na ngumiti "Regalo ho kasi sakin 'to ng tatay ko kaya iniingatan ko, Isa pa hindi ko naman kailangang makisabay base sa uso"

Hindi siya sumagot bagkus ay ngumiti nalang.

~To be continued~


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login