Baixar aplicativo

Capítulo 7: CHAPTER FIVE

ISANG pares ng mga mata ang nakatunghay sa mga nagaganap sa mundo ng mga mortal. Kung saan unti-unting umaayon ang lahat sa dapat na naitakda DATI pa.

"MASAYA kana ba Grimmo na pati ang anak mo ay kailangan mong isali sa mga plano mo?"maanghang na sabi ni Cloefee.

Marahan lang siyang binalingan nito, wala ni katiting na emosyon ang mababanaag rito.

"Mahal kong Reyna alam mo namang hindi lang ito basta plano..."makahulugang sabi nito.

Kumibot-dili ang labi ni Cloefee ngunit sa huli'y nanatili na lamang itong hindi umiimik. Isang makahulugang tingin ang iniwan nito sa kanyang hari bago tuluyan itong lumabas ng silid na kinaroroonan.

Kahit anong pagtutol ang gawin niya'y wala rin mangyayari. Dahil sa mundong kanilang ginagalawan iisa lamang ang masusunod.

Ang sino mang sumaway at gumawa ng maling gawa ay papatawan ng kaparusahan habang-buhay...

NANATILI lamang nakatitig sa berding kapaligiran si Eleezhia buhat sa labas.

Katulad ng dati muling naibalik ang ganda ng paligid mula sa pagkawasak. Isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi nito kasabay ng pagbabalik ng ilang mga alaala sa isipan nito.

Hindi niya inaakala sa ilang daan taon na nagdaan ay muli silang magtatagpo ni Vermous. Ang bampirang minahal niya noong unang panahon sa mundo ng Acceria.

Hindi niya alam kung ikatutuwa niya iyon. Iisa lamang ang nasisiguro niya, magbibigay iyon ng hindi matatawarang pighati ang pagkakatapon niya rito sa mundo ng mga mortal.

Mabilis niyang pinalis ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan niya ng maramdaman niya ang presensiya ni Zain.

Naramdaman niya ang mabining pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Hinayaan niyang madama ang masuyong hatid ng matitipunong dibdib ni Zain.

Dahan-dahan siyang humarap sa binata, marahang idinantay ni Eleezhia ang palad sa magkabilang pisngi ng binata.

Nanatili namang nakatitig ng buong pagsuyo ito sa kanya.

Sa pagdating niya sa buhay ng mga ito ay alam niyang umpisa na iyon ng paniningil ng kapalaran sa mga ito.

"Kahit paano'y unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat Eleezhia."masayang sambit ni Zain.

Mula sa pagkakahugpong ng kanilang mga mata ay mabilis na iniiwas ni Eleezhia ang mga mata. Maski ang sarili'y bahagya niyang inilayo rito.

"Ano ba ang alam mo Zain? Wala pa sa kalahati ng nasa isipan mo ang totoong magaganap sa kasalukuyan. Nakahanda ka ba sakali?"puno ng kalamigan na saad niya sa binata.

Gusto niyang magalit ito sa kanya, para hindi siya mahirapan sa pagtupad sa layuning nakaatang sa kanya.

Mabilis na inilihis ni Zain ang paningin, napatutok ang pansin nito sa labas. Mababanaag sa mata ng binata ang lungkot. Aminin man niya o hindi ay naroon ang pangamba sa nakaamba sa kanilang buhay. Nais niyang magalit sa sarili kung bakit hinahayaan niyang matangay ng sariling emosyon para sa dalaga.

Mas nangingibabaw ang nararamdaman niya rito. Kung totoo man ang mga pangitain niya rito na noon pa man unang panahon sa mundo ng Acerria'y konektado na sila nito. Sa ngayon ay malabo pa ang lahat sa kanya. Muli ay natuon ang atensyon ni Zain sa sumunod na sinabi ng kaharap.

"Alam kong napaghandaan mo na ang magaganap na eklipse, pero paano naman sina Halls at Oreo. Nakahanda ba sila?"

Biglang nakaramdam ng kalituhan si Zain, tama ito handa siya sa mangyayari sakali. Para na rin matapos ang lahat at maging mapayapa na ang mundo ng mga mortal.

Hinding-hindi sila makakapayag na maski ang mundong ginagalawan nila'y mawasak. Hindi nila sasayangin ang ipinagkalaban ng kanilang ama' t ina. Kung kailangan nilang isakripisyo ang kani-kanilang buhay gagawin nila iyon. Tutal iyon naman ang nararapat, dahil na rin sa kagagawan ng mga naunang lahi nila.

Pero paano, kung unti-unti'y nahuhulog ang mga kapatid niya kina Hailey at Oleene. Biglang nabaling ang atensiyon ng dalawa ng may biglang kumatok mula sa pintuan.

Dahan-dahan nagbukas iyon at iniluwa niyon si Hailey, agad ang pagtutok ng mga mata nito kay Zain. Isang pinasinglang ngiti ang ipinaskil ni Zain.

"Oh Hailey, may kailangan ka?"takang-tanong ng binata.

"Wala naman Zain, gusto ko lang sanang magpaalam sa'yo ng personal. Baka kasi matagalan akong bumalik ulit dito. Alam mo naman busy na sa ganitong buwan sa campus."nakangiting paliwanag ni Hailey, kasabay nang tuluyan nitong pagpasok sa silid na kinaroroonan nila.

Agad itong naupo sa isa sa mga sofa na naroon. Tahimik lamang na sinundan lang ng tingin ni Eleezhia ito.

"Mukhang seryuso yata ang pinag-usapan niyo."biglang nanulas sa bibig ni Hailey ng dumaan ang mahabang patlang sa pagitan nilang tatlo.

"Hindi naman Hailey, tinatanong ko lang kay Eleezhia kung okay naman ang pananatili niya sa aming mansyon."naisagot nalang ni Zain. Ngunit halatang hindi ito kumportable sa biglang binuksang paksa ni Hailey sa pagitan nilang tatlo.

"Ah ganoon ba,"mataman munang nag-isip si Hailey, ngunit kalaunan ay tuluyan na itong napatayo mula sa kinauupuan.

"Sige mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako."pamamaalam ng huli sa kanilang dalawa.

Nagalakad na ito papunta sa pinto ng biglang umimik si Eleezhia.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi. Mag-usap nalang tayo sa ibang araw,"makahulugang bigkas ni Eleezhia.

Isang ngisi ang namutawi sa labi ni Hailey bago tuluyan itong lumabas ng pinto.

Agad na napadako ang pansin ni Eleezhia sa labas kung saan kitang-kita niya ang paglalakad ni Hailey paalis sa bakuran ng mansyon nina Zain.

Kitang-kita niya ang pangungulit ni Halls rito.

"May problema Eleezhia?"Takang-tanong ni Zain rito.

Nanatili lamang nakatingin ito sa labas kahit na wala na roon so Hailey.

"Si Hailey, matagal niyo na ba siyang kakilala?"tanong ng dalaga kay Zain.

Sasagot na sana si Zain ng biglang lumitaw sa kanilang silid si Halls.

"Oo naman Eleezhia, magmula pagkabata'y kasa-kasama na namin siya nina Oreo. B-bakit mo naitanong?"tanong ni Halls rito pagkatapos nitong sagutin ang tanong niya.

"Mukhang nagkakilala na kami dati nito."anas ni Eleezhia.

"Paano naman mangyayari iyon kung ngayon nga lang kayo nagkita."naiiling na sagot ni Halls.

Nanatili namang tahimik at nakikinig lamang si Zain sa mga lumipas na sandali.

"Siguradong nagkita na kami Halls. Hindi sa panahon niyo, kung 'di sa unang panahon sa mundo ng Acerria."

Biglang nangunot ang noo ni Halls, hindi niya mawari kong ano ang nais tumbukin nito.

"Ano ka ba Eleezhia, maski si Hailey ba naman pagdududahan mo pa?"naiiling na bigkas ni Halls.

Bigla'y nawalan ito ng gana sa mga kaharap. Mabilis siyang naglaho sa harapan ng mga ito. Nanatiling tahimik ang dalawa tila nagpapakiramdaman. Nakakatiyak itong natumbok na ni Zain ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Bigla ang pagabaling ni Zain sa kasama ng muli itong umusal ng mga salita.

"Hindi ako maaring magkamali, pero nasisiguro kong siya si Yalena, Zain. Isa sa mga naunang may purong dugo ng bampira sa mundo ng Acerria. Kung ano man ang pakay niya sa inyo ay hindi ako nakakatiyak, Pero kung isa siya sa magiging hadlang sakali. Ipagpatawad niyo ngunit wala akong magagawa kung 'di kitlin ang buhay niya..."malamig na tugon ni Eleezhia, agad ang pag-iwas ng tingin ni Zain kasabay ng mahigpit na pagkuyom ng palad nito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login