Baixar aplicativo
94.68% No More Promises / Chapter 267: Chapter 25: Let go

Capítulo 267: Chapter 25: Let go

Ang buong akala ko. Umalis na sila pagkatapos kong sabihin na ayoko na silang makita. Ang sakit naman kasi. Oo. Andun na ako sa pinupunto nilang paghatid kay Kuya Ryle at sa iba pa nilang priority subalit hindi man lang ba naisip na may isa pang tao na naghihintay sa pagdating nila? Hindi ba nila Makita na may isa pa silang anak na sabik sa kanila? Bakit hindi nila iyon makita pagdating sa akin? Am I invisible? Naiintindihan ko naman ang sentimyento nila. Naiintindihan ko sila sa lahat ng aspeto. Ang tangi lang hindi ko makuha ay ang kung paano nila ako ibilang sa kanila? Kailangan ko na bang gayahin sila para lang malaman nila ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon? Ang hirap sa totoo lang. Yung sakit na idinulot ng nakaraan sa akin ay andito pa rin. Hindi ko alam kung paano ito pahihilumin at kung paano ito basta nalang kalilimutan.

"Anong kailangan naming gawin para mapatawad mo kami anak?." here he is. Papa is talking for the sake of their family. I know Papa. Ayaw nya ring may ganito sa pagitan ng pamilya. He's so sick of this. And yet. Here I am. Hardheaded. Wanting to find the answers I really wanted.

Ang tanong. Mahahanap ko ba talaga ang sagot?. I feel like, I never will. For now.

Nasa closed receiving area kami ng bahay ng mga Eugenio. They let us in here para ayusin na ang dapat ayusin. Before us, going back to other continent. Mark is here with Bamby. Jaden is busy with his phone calls. About Business I guess.

"Hindi ko alam.." this time. I let my heart out. "Sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan dapat tayo magsimula. Siguro. Kung hindi man ngayon maayos ang lahat. Marami pa namang panahon.." And I guess. Wag na dapat ipilit ang ayaw. Ayoko din namang sabihin sa kanila na kulang ako sa kanila ng atensyon at pag-aaruga. Kaso, naisip ko. It's so childish and unmature.

"Hindi kami papayag na aalis kang may bigat ng damdamin sa amin anak. Kung anuman ang naging pagkukulang at kasalanan namin sa'yo.. nawa'y mapatawad mo kami.. patawarin mo kami. Naruto na kami sa nakaraan.. kay Denise.. ayaw naming may isa pa sa inyo ang mawala.. magulang kami. Mas lalong masakit saming makita kayong ganito. Magulo ang isip at hindi alam ang gusto.. tama ka nga siguro ng iniisip. Wala kaming kwenta. O di kaya ay, pabaya. Pero kahit ganun. Ang puso namin sa inyong mga anak namin ay natutunaw sa tuwing kayo ay may pinagdadaanan na mabigat na pagsubok. Hindi man kami pisikal na nakasuporta sa inyo palagi. Gusto ko lang malaman nyo na mayroon kaming mga magulang nyo na lagi lang naghihintay sa pagbabalik ninyo."

Napabuntong hininga ako. "Kahit gaano pa katigas ang mga ulo nyo. Tuwing gabi. Nananalangin kaming lagi kayong ligtas at malayo sa anumang masama.. pero yung nangyayaring ganito anak?. Unti unti nitong dinudurog ang puso ko. Ito.." basag ang boses nyang pinupukpok ang bandang dibdib nya. "Habang tumatagal.. nadudurog ito ng pinung-pino sa bawat araw na nakikita ko kayong nagkakaroon ng kanya kanyang mundo. I know that's even inevitable. Sino ako para pigilan kayo s amga gusto ninyo?. Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko ang pagtalikod nyo sa pamilya natin, parang hindi nyo na naiisip pa ang bumalik.." humagulgol sya. Kuya Rozen is frozen while staring at him. Nakayuko si Papa at dun ibinuhos ang lahat ng luha. "Kayo.. hindi nyo alam ang hirap naming mga magulang ninyo.. we sacrificed alot.. hindi namin kailanman ginusto na ibigay ka sa iba.. hindi namin naisip kailanman na lumayo ka sa amin.. hindi namin gustong magalit ka sa amin.. pero huli na yata ang lahat?. Dahil heto ka na at galit.. na hindi ko na alam kung paano ka pakakalmahin."

"Ang pagtratong meron ako sa'yo.." si Mama na ito. Huminto sya't saglit nakipagtitigan sa akin. "Ay paraan ko para mas mapalapit ka sa pamilyang meron ka."

"Bakit po?."

"Dahil iyon ang kaisa-isang hiling ng Mommy mo sa akin noon."

"Si Mommy.." I asked myself. Si Mom na walang ginawa kundi ibigay ang lahat sa akin. Walang labis. Walang kulang.

"I can't phantom te see her cry in grief anak.. it's not even my choice to give you.." umiyak na rin si Mama. "Kung alam ko lang na hahantong ang lahat sa ganito.. hindi ko nalang ginawa ang mga bagay na nagawa ko noon."

Ika nga nila. Nasa huli lagi ang pagsisisi.

One long span of silence ate us. Tanging ang langitngit lang ng pintuan ng silid ang maingay. Kanina pa labas masok sina Mark at Bamby. Mukhang di rin alam ang sunod na gagawin or either gustong basagin ang nagyelong katahimikan ngunit iniisip nila na wala sila sa posisyon para gawin iyon.

Until. Kinalabit ako ni Bamby. "Tumawag si Kuya Lance. He's worried. Nakainom ka na ba ng gamot mo?. Yung check up daw bukas. He did call me for that to remind you.."

"Tapos na akong uminom ng gamot.. tell him that I am okay.." tango ko sa kanya. She look at me doubtful.

"And he added.. he's going to Japan para sunduin si Daniel.."

Namilog ang mga mata ko. What about his clinical practice?

"Kailan daw ang alis nya? Ask him kung wala ba syang pasok.."

"Mag-aabsent nalang daw sya.."

"What?." no way! Malapit na syang matapos. Hindi pwedeng may absent sya.

Natapos ang usapan ng mga oras na yun. I talk first to Lance at kinumbinsi ito na wag nang tumungong Japan dahil malapit naman na ang uwi nila Daniel. Baka magkasabay pa kaming makarating duon by this weekend. And lastly. I talk to my family. Lumabas kami at sa garden na maupo.

Basta ko nalang nilapitan si Kuya Rozen at niyakap ito. "Kuya, I miss you.." napaluha ako ng sambitin ko ang mga katagang ito. "Sorry sa lahat. Sa katigasan ng ulo ko at sa pagiging pasaway ko.. I'm sorry.." hinintay ko ang pagbalik yakap nya sakin. Ang akala ko. Wala na! Meaning galit talaga sya sakin. Pero hinde! Dumating din ang tapik ng palad nya sa likod ko.

"Tsk!... namiss din kita ng sobra pa sa sobra! Ikaw na bata ka!... Hmmp!.." mas humigpit pa ang yakap nito sakin. Nagtawanan kaming dalawa. "I love you Kuya.."

"Mas mahal kita kulit.." piningot pa ang ilong ko. Bagay na lagi nyang ginagawa noon kapag nag-aasaran kami.

Bumitaw din ako at kay Papa lumapit. Yumakap ako sa kanya. "Sorry Papa.." agad din syang yumakap sakin at gaya ng sabi ko. Humingi din ito ng tawag ng paulit-ulit.

Pagkatapos kay Mama ako humarap at yumakap.

"Sorry sa lahat Mama.. sorry din po kay Mommy.. binigyan ko kayo ng sakit ng ulo.."

"Ssshhhh.. tama na.. hindi ikaw ang hihingi ng tawad. Ako dapat. Ako na Nanay mo. Ako na nagluwal sa'yo at ako bilang tunay na magulang mo.. mula sa puso ko anak.. patawarin mo ako. Mahal kita pati ng mga kapatid.."

"Mahal din po kita Mama.."

"Can we let go of things na hindi na maganda? Can we start over?." tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Wala e. Puno kasi ng luha at sipon ang buong mukha ko. Nakakahiya!

Sometimes letting go is the easiest way to move forward. And also, Faith don't make it easy, faith makes it possible.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C267
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login