Baixar aplicativo
75.88% No More Promises / Chapter 214: Chapter 13: She's here

Capítulo 214: Chapter 13: She's here

"Hoy!. Maligo ka ng matagal. Papunta na kami dyan." ewan ko ba kung bakit ganito kadumi ang utak ko ngayon. Alam ko namang hindi double meaning yung chat ni Bamby kaso hi di ko talaga mapigilan ang sarili kong mag-isip ng mag-isip.

Parang nabudburan ng asin ang pwet ko kakahintay sa pagdating nila. Tumakbo ako palabas ng school after my whole class. Tsaka pumara ng taxi at dumiretso ng airport. Dumidilim na at halos mag-ala sais na ng gabi.

"I'm excited to see you mahal." bulong ko sa sarili nang sa wakas ay nasa airport na ako. Tumayo ako sa may entrance kung saan parang tangang nakatingala sa ceiling ng magarang airport. Marami ang dumadaam sakin pero wala ni isa sa kanila ang tinapunan ko ng tingin. Bakit sino ba sila?.

After an hour. Natanaw ko na ang malaking bulto ni Jaden. Buhat nito ang anak na natutulog sa kanyang balikat. "Kuya!." malayo palang. Dinig ko na ang boses nya. Daldal!.

Naglakad ako palapit sa kanila. Sinalubong ko agad ng yakap ang asawa ko imbes na unahin ang nakaabang na braso ng aming bunso. Sorry Bamblebiee!. Sya kasi muna priority ko.

"Finally.." parang gumaan ang dala dala kong sagot bato nang sa wakas ay mayakap ko ang asawa ko.

"Oa!." dinig kong bulong ng kapatid ko. Di ko sya pinansin at inatupag ang taong kayakap ko.

"I miss you.." inayos ko ang buhok nya't binigyan ng halik ang noo nya. She just mouthed I miss you too dahil mukha syang naiilang sa mga taong kasama namin.

Nakahalukipkip ang Bamby habang masama ang tingin sakin. "I miss you lil sis.." akma ko sana syang yayakapin kaso mabilis itong tumalikod sakin.

"Let's go Jaden. Gutom na ako." anya at nauna nang maglakad samin. Nagkibit balikat lang ang asawa nya ng tignan saka umiling.

"Just PMS bro. hahahahahaha.." dinig kong saad ni Jaden bago ako lampasan.

Gusto ko sanang tumawa kaso, "Napahiya kasi sya kanina." Ani Joyce na ikinawit ang braso nya sa braso ko saka ako inakay sa paglalakad. Nakasunod kami sa likod nina Jaden. "Magsorry ka mamaya ha?."

"Bat ako magsosorry?." nguso ko dito.

"Kasi nga mali yung ginawa mo. Kita mo ng nakaabang ang mga kamay nya for you tapos binasted mo pa. Tsk.. Loko ka din.."

Pang-asar ko lang sana yun kaso mukhang wala sa tamang hulog yung isa. Hays... Babae nga naman.

"Oo na. Magsosorry ako mamaya.." tinawanan nya lang ako. Sutil daw kasi ako. Kaya ayan tuloy. Beast mode yung isa.

May sasakyan na kasali sa trip nila kaya dun na kami sumakay. Sa isang hotel din sila tutuloy. At ang sabi ko. Sakin nalang muna si Joyce para di sya istorbo sa kanila. "Sows! Nagpalusot pa.." Dinig kong bulong nung taong bad mood. Di ko nalang pinansin baka umiyak bigla e.

We ate dinner sa isang restaurant at eksaktong nagising na si Knoa. "Tito Daddy!.." masayang bati nito. Mabilis syang bumaba sa kandungan ni Jaden saka tumalon sa binti ko. Aray naku! Bakla!

"Hey little boy!." niyakap ko din sya kahit pilit iniinda ang sakit ng pagkakatalon nya kanina.

"I miss you Tito Daddy. Kailan ka po uuwi?."

"Maybe soon. Why?."

"Kasi si Mommy ko. Ayaw nya akong pakainin ng junk food.." ibinulong nya na lamang ito. Baka marinig kasi nung isa dyan.

"I heard you young boy.." si Bamby. Kahit di naman halos marinig ang boses ng anak nya ng bumulong ito sakin.

"Bamby naman.. bata pa rin yung bata.." giit ko naman.

"Bata pa nga sya Lance. Dapat yung masustansya muna kainin nya." singit naman ni Joyce.

"Kahit na. Minsan naman. Let him be. Ipagkakait nyo ba sa kanya ang pagiging bata nya?."

"Hindi iyon ganun." ang kapatid ko. "Gusto ko kasi araw araw eh. Iyon na ang hindi pwede.."

Tumingin ako sa batang tahimik na nakaupo sa kandungan ko. Nagpuppy eyes pa. "Knoa. Junk food is not good for your young body. One is enough for a week but when your Mommy told you, enough for this week, request more.. hahaha.."

"Ah–aray!.." ako na nagrereklamo sa pambabatok ng asawa ko.

"Ahahahahahaha!." tawa ni Jaden. Nagreklamo din kalaunan sa pagkurot sa kanya ni Bamby.

"Not funny bruh!." galit nyang saad.

"Oh, why you look angry?." tanong ko sa taong masamang masama ang tingin na sa akin. Kulang nalang saksakin ako gamit ang hawak nyang kubyertos. "Am I right Jaden?." natatawa namang tumango yung isa. Hanggang sa nagreklamo sa harassment nito.

"Alam nyo. Minsan lang maging bata. Hayaan nyo rin sya sana."

"Ikaw nalang kaya magpalaki sa kanya?." nguso ng isa sakin.

"Why not?. Ang tanong. Payag ka ba boy Jaden?." mabilis naman umiling yung isa. "Payag ka rin bang pagbawalan na maging bata ang bata?." umiling ulit sya.

"Jaden?." may diin na pigil sa kanya ng kanyang asawa. He look at her. Galit na galit naman ito. Hinawakan ni Joyce yung braso ko.

"Mahilig ka talagang asarin si Bamby noh?." bulong nya.

"Mabilis mapikon eh. Kita mo sya ngayon?. Hahahahahaha. "

"Loko.." pinalo nya ang braso ko saka kinausap ang kaibigan. Tuloy. Imbes si Jaden ang pagdiskitahan nya ng inis. Sakin napunta lahat iyon. Umabot iyon hanggang sa ihatid namin sila sa kanilang hotel.

"Shot muna tayo bro.." pigil sakin ni Jaden. Bale ang nangyari. Hindi kami umuwi. Dun na kami natulog lahat sa room nila. Malawak naman. Family size ang suite nila kaya kasya kaming lahat.

"Good night mahal.." Joyce kiss me passionately. Gumanti din naman ako. Saglit lang iyon dahil nakakahiya sa mga kasama. Baka isipin ng isa dito na ito lang ang gusto ko. Hindi nga ba?.

"Good night mahal ko.." sambit ko bago hinalikan ang kanyang noo. Pinatay ko ang lampshade sa gilid saka na natulog.

I'm happy that she's here, beside me. Para itong panaginip na ako'y gising na gising. Kung pwede lang. Wag nang mag-umaga at ganito nalang kami lagi. Pero syempre. Walang ganun. Wala kami sa fantasy o TV. Kahit pa sa pantasya. Malamang may ngayon at bukas. May kahapon at may susunod pang umaga. May palubog na araw at hindi mawawalang papasikat na araw. Marami pang darating na umaga at hindi lang iyon natatapos sa isang ngayon.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C214
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login