Ang hirap huminga. Ang hirap ng buhay na meron ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari lahat ng to. Mula kay Mommy at Daddy. Naghiwalay sila. Nagkaroon ng ibang babae si Daddy. Bumagsak ang negosyo hanggang sa nalaman ko ang totoo. Hindi ko pala sila biological parents. Sa tuwing naiisip ko ang mga oras na iyon na kasama ko pa sila, lalo na si Mommy. Humahagulgol talaga ako. Walang pagsadhan ang sakit na nadarama ko. Nalulunod ako sa lungkot. Nasasaktan ako hindi dahil sa nalaman ko, kundi dahil sa katotoohanan na nawasak bigla ang dating masaya. Nalukot agad ang dating nagbibigay sa akin ng ligaya. Nawala nalang ng parang kisap mata.
Noong una. Sinisi ko talaga si Daddy dahil iniwan nya kami ng walang wala. Tapos nagkasakit pa si Mommy hanggang sa bunigay na rin ang katawan nya. Subalit nang makausap ko si Daddy. He said na nagmahal lang daw sya. Mahal nya raw si Mommy lalo na ako subalit mas mahal nya raw yung kinakasama nya.
Masakit pakinggan at kung tutuusin mahirap talagang tanggapin ang dahilan nya subalit umabot na ako sa kawalan na ng maisasagot sa kanya kundi isang tango lang. Pumili sya at ang pinili nya ay ang mga taong tunay na nagbibigay sa kanya ng saya. Kakaiba ang dating kapag inintindi ko ang rason nya pero may kung ano sa akin ang nagsasabing, magparaya ka na para matahimik ka. Siguro iyon nga. Ang magpaubaya ang syang daan upang malagay sa katahimikan ang buong sistema ko. Malapit na talaga akong mabaliw sa totoo lang. Tapos heto pa't dumagdag si Papa. Sabi ko. Kung iyon talaga ang desisyon nya. E di sige. Umalis na sya. Iwan na nya ako. Ganun din naman lahat ginagawa nila. Simula kila kuya Ryle at kuya Rozen hanggang umabot na sa kanya. Ano bang mali sa akin?. Bakit lagi akong naiiwan na luhaan?.
Kinabukasan nga. Hindi ako lumabas ng silid ko. Ni hindi ako kumain ng hapunan kagabi, alamusal ngayon maging ng tanghalian. Anong saysay mabuhay hindi ba?.
Lumuluha pa rin ako kahit bagong gising ko. Maya maya. May kumatok sa pintuan.
"Anak.." mahina ngunit malumanay akong tinawag ni Papa. Papa. Kahit kinamumuhian ko sya ngayon, hindi pa rin mawala sa akin ang bansagan syang Papa kahit man lang sa isip ko.
"Hindi ka ba talaga lalabas?. Ali is waiting downstairs.." he said pero hindi ako gumalaw. Lalo lang ako iiyak kapag ginawa ko pa ang gusto ng bata.
"I'm leaving. I love you anak.. Always remember that." gumaralgal ang boses nito mula sa labas. "Take good care of yourself okay?. Just call me if you need help or anything..anak.."
No! Just leave!
"I love you.. babye.." paalam nya habang pumipiyok. Sumisinok na ako sa sobrang pagpipigil ng tunog ng aking pagluha. I wonder kung andito ba sila Mama o wala. But who cares now?. Wala nga silang pakialam sa akin?. Ano pa tong naiisip ko?. Hay! Baliw ka na nga talaga Joyce!
Narinig ko nga ang mga yabag nila pababa. Maging ang pagtawag pa sa akin ni Ali habang umiiyak. "Ate Joy, where is she?. I want ate Joy.." hiyaw nito habang papalayo na ang boses nya. Doon ko na hindi napigilan pa ang ibuhos lahat ng nararamdaman ko. Lahat ng sakit, hinanakit, poot at galit sa kanila. Kingina silang lahat!
Hindi lang isa ang binitawan kong mura kundi lagpas pa sa daliri ng kamay at paa. Magsama kayong lahat sa hukay!
Sa galit ko ay hindi ko na alam kung paano sila tratuhin. Ni wala na sa iaip ko ang kumain, bumaba o maligo na umabot pa ng isang linggo. Nagkulong ako ng kwarto. Binalewala ang lahat. Wala akong pakialam kung sino na ang maghanap sa akin. Who cares!
"Damn! Baby, hello. What are fucking doing?."
"Lance naman. Stop cursing.." Suddenly. I heard someone from the outside. "And stay calm please. Mas matatakot sya eh.." boses lalaki.
Napamulat ako. Sinong andyan?. Tanong ng isip ko ngunit wala akong lakas para sambitin ito. Nanghihina talaga ako.
"How will I be calm Win?. How?. If she's still not answering us huh?.."
Now I know who are they. Lance and Winly. Wait. Paano nila nalaman?
"Jesus. Joyce, yuhoo! Can you please open the door.." ani Win mula labas.
"Stay away. I can handle this.." sabat pa ni Lance.
"Ano ba tong nangyayari?. Nakakainis na.."
"Sshhh.. she might hear you.. Babe, please. Ilang araw ka nang andyan, kailan mo balak lumabas ha?. Nag-aalala na kami sa'yo.."
"Yes. We are so worried Joyce.." dinig kong ani Karen.
Among ginagawa nila rito?.
Pumikit ako't nakayuko nang nilapitan at binuksan ang pintuan.
"Oh my gosh!." si Winly ito na agad tinakpan pa ang sariling labi. Napasinghap lang din si Karen. Nagulat at natulala din si Lance ng makita akong bumagsak na sa sahig. Madali silang gumalaw at tinulungan akong tumayo but Lance is so eager. Kinuha nya ako sa parehong braso nina Winly at Karen saka binuhat na pababa. Doon ko lang naipikit ang mahapdi at kumikirot kong mga mata. Hula ko'y namamaga pa ang mga ito.
"Guys, marunong ba kayong magluto?." after nya akong ilapag sa medyo may kahabaang sofa ay tumayo sya sa gilid ko't umiiling na tumingin sakin. Nag-init na naman ang gilid ng mata ko saka nanlalabo. Mainit na luha na naman ang bumagsak.
"Oh damn it!!.." malutong na mura ang isinigaw nya. Nagulat pa yata sina Winly dahil napatili si Karen. Tumalikod sakin si Lance. Kuyom ang magkabilang palad. Nagpaikot ikot sya. Tumingala tapos tatalikod muli sa akin. Kaharap ang dalawa. I can see how he is trying so hard to not to cry infront of me. But damn baby!
"She doesn't deserve all of this. She doesn't deserve this Win.." he said angrily. Lumapit sa kanya si Winly at kinausap. Pinunasan ko ang luha saking pisngi bago pinilit na umupo. Agad tumakbo sa tabi ko si Karen para umalalay.
"I know. Alam ko.. kumalma ka pogi." ani Winly sa kanya tapos may ibinulong.
"Girl, I just want to say that you're not alone okay?. Andito lang kami lagi.." Karen said. Inayos nya ang buhok ko't tinali. "You'll be okay." niyakap nya ako patagilid.
Matapos ang ilang minuto. Humarap na samin si Lance. Pulang pula ang mukha. Hindi pa nga makatingin sakin ng diretso dahil alam kong nahihiya pa sya.
Nilapitan ako ni Winly. Hinawakan sa kamay. Kumibot ang labi nya ngunit wala itong ibang sinabi kundi isang matamis na ngiti lang. Isang napakagandang ngiti. "I'm just here but later I'm in there. Magluluto lang ako." biro pa nya.
Sinuklian ko iyon ng ngiti at tango. I know he is trying to make me laugh. Thanks to him for doing bthat. "Kumain ka mamaya ha tapos ligo rin pag may time.."
"Salamat Win.." sinsero kong saad. Tinapik nito ang kamay kong hawak pa rin nya.
"No worries. All for my best friend.." nagpaalam sya na maghahanap ng mailuluto bago raw maglinis. Doon ako biglang nakaramdam. Nahihiya ako dahil heto at sila ang gumagawa ng mga bagay na ako dapat ang gumagawa.
Pinanood ko nalang rin sila ni Karen dahil wala naman akong magawa. Nanghihina ako. Ni hindi ko maitayo ang sarili ko. Bagsak talaga, habang tumabi naman si Lance. He grabbed my hand. At talaga nga namang nanginginig ito. "Guys, pakiinit nalang yung sopas asap. Salamat.." utos nito sa dalawa. Nagtanguan naman yung nasa kusina.
Wala ring ibang sinabi si Lance sakin. Tanging ang presensya nya ang nagbigay sakin ng kalmadong pakiramdam. Para syang dagat na kaysarap pagmasdan. Nakakapagpahinga ako sa tuwing sya ang kasama ko.