Baixar aplicativo
53.9% No More Promises / Chapter 152: Chapter 1: Restart

Capítulo 152: Chapter 1: Restart

Noong una, itinatak ko na talaga sa isip ko na wag nang lapitan pa ang taong nanggago sa akin. Ang taong pinangakuan ako pero di naman tumupad. Ang taong dahilan kung bakit nagalit ako sa sarili ko. Ang taong kahit anong gawin ko ay hindi ko sya magawang kalimutan. Kahit na sinaktan pa ako. Kahit pa sagad sa buto ang sakit na naidulot nya sakin. HINDI SYA MAWALA SA ISIP KO!

Simula nang iniwan nya ako ng walang paalam. Nagalit na ako sa kanya. Di lang basta galit kundi hinanakit na. I didn't imagine na magagawa nyang iwan ako sa ere matapos naming gawin ang bagay na hindi pa dapat. Oo. Aaminin ko. Ginusto ko rin naman iyon dahil kung hinde, itutulak ko sya't tatakbo palayo, palabas ng building. Pero hinde e, hindi ako nagdalawang isip na gawin iyon dahil alam kong tutupad naman sya sa ipinangako nya. Kumapit ako. Ay mali! Naniwala pala. Ngunit pagkatapos ng araw na iyon. Di na sya tumawag. I tried to contact his number pero can't be reach na. I feel so low that time. Inisip na baka iyon lang ang gusto nya sakin. Na baka talagang di nya ako gusto at gaya rin sya ng ibang lalaki na hindi marunong manindigan sa mga pangako. It feels so sick to think na ganun pala sya. Na yung taong pinagkatiwalaan ko. Ganun lang pala. That day made me realize everything about trust. Na di dapat agad magtiwala at bumigay sa matatamis na pangako nila. Also, it made me feel sorry for Bamby. Para kasing bumalik sakin yung ginawa ko noon sa kanila ni Jaden. Di ko man sadya na saktan sya o sila. I mean. Di ko naman ginusto yung nangyari about me, Denise and her with Jaden. Nasaktan ko pa rin sya. Ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi nyang tiwala sa isang tao. Sa kaibigan man o sa taong minamahal mo.

Now that everything is going well about my family. Siguro, oras na rin para sa akin.

Four years is a very tough for us. Not just for me but also for all the people who knew me. Simula nang umalis si Lance. Ilang linggo lamang ang pagitan ay dumating na ang hindi inaasahang balita. I was pregnant. I was blown away. Umiyak ako. Tumawa tapos iiyak ulit knowing na nagbunga agad ang isang gabing iyon. Akalain mo yun?. Bullseye!! (Haha) Lol! Para na akong baliw noon. I don't know should I think and what would I do next that time. Para na akong sira na hindi mapakali sa lahat. It took me weeks to accept that good news too. Not totally accept pa ha. Dahil sa mga araw na pinipilit ko ang sarili ko na tanggapin ang katotohanan. Lagi akong luhaan. Walang mapagsabihan. Walang masasandalan. I was so terrible.

But then.

Kuya Rozen felt me. He noticed everything about my mood swings and all about pregnancy thing. Because it's my first time. At wala pang nakakaalam na eksperto. I was too blind to see what's going on. Sya pa yung nagpabukas sa mata ko na I am that months pregnant.

"What the hell Joyce!!." itong linyang to ay parang sirang plaka sa pandinig ko. Di ko na mabilang kung ilang ulit nya ito sinabi sa harapan ko after telling and knowing that I carry his precious niece. "You are pregnant, for Pete's sake! With damn Lance!?." I don't know how should I react to what he just say. Sa loob ko ay natatawa ako about how he address Lance's name. Meron ding nalulungkot dahil yung mata nya. Puno na ng luha.

"My ghad! What did you do ha!?.." he cried and cried in front of me. It's my first time seeing him this way. I'm stunned and speechless at the same time. Anong sasabihin ko?. It's rude naman to defend myself to him dahil heto na nga. May bunga na ang mali kong desisyon. Baka sumbatan nya lang ako.

Tahimik lang akong tumitig sa kanya. Habang nakayuko. Pinagsalikop ko ang dalawang palad dahil nanginginig na rin. After a span of seconds. Tumulo na ang luha ko, kasabay ng kanya. Ang akala ko. Pagagalitan nga pa ako ng mahaba, kaso mali ako ng akala. Imbes, nilapitan nya ako't niyakap ng mahigpit. He congratulated me at sinabi nyang masaya raw sya para sakin kahit na humagulgol pa rin sya. I hugged him too while sobbing. That made me complete. He fill in the comfort of someone who's been missing in action. Long minutes. We talked at sinabi kong, walang alam si Lance.

Isang mura na naman ang binitawan nya. As usual. His favorite line, as of now. He's frustrated knowing that baka niloko nga lang ako.

Hindi nagtagal. Ipinaalam na nga kay papa. Yes. Si papa ang unang nakaalam dahil mas open minded si papa kaysa kay mama. Nasa Cagayan sya kasama ng bunso naming kapatid.

Of course! Papa is speechless! Syempre nagalit rin sya at malamang masaya rin. It's a double feeling like what I have. But kuya Rozen is there to explain my side. At duon na napunta lahat ng galit nila kay Lance. Di ko iyon ginusto. It's really inevitable.

Umuwi ako ng Cagayan Valley with Kuya Rozen. At duon na rin nagtaka si Ryle. Nag-away pa nga sila dahil di sinasabi ni kuya Rozen sa kanya ang problema. He asked my opinion first before talking to my other kuya.

Kuya Ryle is also damn speechless!

Nagalit sya! Galit na galit sya sakin! Galit na di ko malunok. Aba! Dapat lang dahil biglaan Joyce! Dapat alam mo nang ganyan reaksyon nila.

Weeks muna ang lumipas bago nya natanggap ang lahat. Humingi sya ng tawad sakin at masaya raw sya para sa amin ng magiging anak ko.

Ganunpaman. Boys is very willing to protect and support me. Kabaligtaran noon ay sina Mama at Denise. Kinamuhian nila ako at parang tinakwil na rin. Pinagtawanan pa nga ako ni Denise dahil ang sabi nya, karma ko raw dahil sa ginawa ko sa bestfriend ko. Di ko iyon matanggap at malunok! Doon ako nagbreak down!

Then, Daddy came. Sya yung talagang sumuporta sa mga gastos ko kahit nasa poder ako ni Papa. Noong nalaman rin nya. Nagalit rin sya. Normal na iyon sakin dahil nakakagalit rin naman talaga kung ako ang nasa posisyon nila. Pero, sandali lamang iyon at mas nanaig na sa kanya ang awa para sakin.

Kahit ganun. Di pa rin naging sapat ang lahat dahil sa kila mama. "Anong klase kang babae!.." yan ang tumatak sa isip ko sa lahat ng masasakit na sinabi nya.

Bakit? Anong klase ba ako?

I wanted to ask back that question pero pinigilan ako ng mga luhang nauna nang nagbabaan.

Kahit ilang ulit nang pinaintindi sa kanila nina kuya ang lahat ay sarado pa rin ang isip nila. They didn't look at me the same way again. Tuluyan na nga silang naghiwalay ni Papa. Di ko alam bat ganun nalang sila kabilis na nagdesisyon. Baka dahil sakin?. I guess so. Maybe. Maybe not! Naghiwalay sila. Mama is with Denise. Papa is with me, Kuya Rozen and Ali. Kuya Ryle is on the middle. Gusto ko ring pumagitan pero nakakapagod ipagpilitan ang sarili sa taong di ka tanggap mula ulo hanggang paa.

Hanggang sa nawala ang lahat sa akin. Gumuho ang mundo ko ng oras na iyon. Ang sabi sakin. Mahina raw ang kapit nung bata. Napasugod si Daddy sa ospital kung saan ako dinala. Kahit mahigit bainte kwatro oras ang byahe ay pinilit pa rin nitong puntahan ako. I cried on his shoulders like a baby. Lahat yata ng nasa loob ng silid ay umiyak para sakin. Para sa amin. I lost my baby. I lost my angel! I lost my life! Now, I don't know how to live again!

At sa oras palang na iyon ang pagdating nya. When it's too late!

Malaki ang galit ko noon sa sarili ko kung kaya't natuon sa kanya. Napabayaan ko ang sarili ko kaya naiwala ko ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa. Actually nang ilang linggo na nasa sinapupunan ko pa sya. Naibsan noon ang galit ko sa daddy nya. Nabawasan ng kaunti. Kaya noong sinabi sakin ni Kuya Rozen na parating sya to check me up. Kinabahan ako. Kaba na di ko maintindihan!

At ngayong kaharap ko naman papa nya! Kinakabahan ako na may halong takot! Kabado ako sa kung anong sasabihin nya at mas lalong natatakot ako sa kung anong tumatakbo sa isip nya tungkol sa akin.

"It's been a while hija.." he greeted me before the party started. Nagmano ako sa kanya at nginitian.

"It's been awhile din po Tito.." nakangiti kong sagot sa kanya. Tinanguan nya lang ako saka kinausap na ang iba pang dumating.

Kakaiba ang pakiramdam ko kanina nung binati nya ako. Para bang may gusto pa sana syang sabihin kaso di na nya tinuloy pa dahil maraming bisita.

"So?.." matapos umupo. Sinabi nya ito kasabay ng isang buntong hininga. Nagulat pa ako dahil kanina ko pa di sya tinitignan sa mata. Nahihiya ako!!

"Son, may gusto ka bang sabihin?.." he said. Napaupo ako ng maayos ng higpitan lalo ni Lance ang kamay nya sa taas ng kamao ko.

Lance, cleared his throat. "Pa, I know po na masyadong mabilis po ang pangyayaring ito but.." Lance paused just to breathe.

"But what?.." Hindi strikto. Di rin pagalit. Sinabi nya ito ng malumanay.

"But we want to start over again po.." magalang at mahinang sambit ni Lance. Mabilis nag-init ang pisngi ko sa narinig. Gosh!

Tito is speechless and emotionless!

Natatakot ako!


Capítulo 153: Chapter 2: Favor

Tito just stared at me kahit ilang minuto na ang lumipas. Nakatuko ang kamay nya sa kanyang baba at ang siko nya ay nakatuko rin sa kanyang mesa kung saan duon rin nakalagay ang kanan nitong kamay na para bang nagtatype sa sunod sunod na pagtambol nito sa malinis na mesa. Gustuhin ko mang lumunok o huminga ng normal ay di ko magawa dahil sa takot.

Ano kayang tumatakbo sa kanyang isip at ganyan sya makatingin sakin?. Ayaw nya ba sakin o pangit ba ako?. O baka naman, galit sya sakin dahil sa nalaman tungkol samin ng anak nya?. Gosh! Ano ba!? Natatakot na ako!

Napabuntong hininga ako ng wala sa oras nang biglang higpitan ni Lance ang hawak sa kamay ko.

"Pa.." he said like he's just requesting a thing na mabilis lang pagdisisyunan. Napalingon ako kay Lance nang sambitin nya ito. Para syang bata habang tinitignan ko ngayon. Dinig ko ang buntong hininga ni tito kaya nalipat sa kanya ang paningin ko. He's fixing his hair like some teenager. Di ko alam. Baka traits nya ito pag nafrufrustrate.

After fixing his hair. Sumandal sya sa upuan nya't isinayaw ito.

"Matanong ko lang. Para saan pa't andito kayong dalawa?.."

What?. I don't get kung anong ibig nyang sabihin.

Umiling si Lance. "I don't get your point Pa.." si Lance na ang nagsabi ng nasa isip ko.

Mahinang humalakhak ito habang sa malayo nakatingin. "I mean diba. You know?." tinuro nya pa kami. Still! I don't get it!

Tulala akong naghihintay lang sa kasunod ng sinabi nya. "Ah! Forget it!. I mean. Why do you have to ask me for my permission for you guys to be together again kung sa una naman ay kayo lang dalawa ang involved dito.." he explained.

Di ko alam bat biglang nag-init pisngi ko. Ngayon ko lang natanto yung gusto nyang sabihin kanina. Kasi naman! Ang slow rin nung taong katabi ko. Kainis! Or, baka naman ayaw nyang magsalita dahil baka nahihiya syang pag-usapan ito?. Grrr!! Di ko na alam!

Lance scratched his back. Lihim na natawa. "I am here to formally inform you po.."

"From what?. Matagal ko naman nang alam ang sa inyo.."

"Kahit na po. Gusto ko lang din po gawin to dahil noong una, di ko nagawa kasi natatakot ako.."

"Hahahaha.." tawa ni Tito.

"Pa naman. Why are you laughing?.."

"So gay Lance ha? hahahaha.." pati ako ay natawa sa binansag nya.

"Psh! Ito na nga ba sinasabi ko e.." nguso pa nya sa tatay nya. Sarap kagatin ng labi nya! Grrrr! Focus!

Magtigil ka nga Joyce! Ayan ka na naman!

"Bakit ka naman takot noon, at ngayon ay hindi na?.. what took you so long to be a man hmmm?."

"Nakakatawa man aminin to. Pero kailangan." he said. Natawa na naman si Tito. "Wala po talaga akong lakas ng loob noon. Baka po kasi husgahan nyo ako lalo na't, sya si Joyce. Sila ni Bamblebie.." he just whispered the last part where he said his sister's name. Di rin sya nakatingin sa mata ng papa nya. "Baka sabihan nyo po akong naglalaro lang.. o mas malala pa duon.."

"Ganun ba kami sa tingin mo?.." tito asked. Umiling si Lance habang nakayuko.

"Never namin kayong hinusgahan anak. Kami ng mama nyo, gusto lang namin ay ang maganda para sa inyo, para sa future nyo. Maiintindihan naman kita kung sakin ka unang nagsabi. Walang problema kasi napagdaanan ko na rin yang proseso na pinagdadaanan mo. I know how you feel. Alam ko yan at base sa nakikita ko ngayon. Pareho naman kayong gusto na magkabalikan kaya walang problema sakin." he smiled at me. Nginitian ko rin sya pabalik. "May isa lang akong favor.." he continued.

Tinanguan sya ni Lance. "Ano po yun?.."

"Can you please tell it to my Bamblebie."

Natigilan ako!

Tell it to my Bamblebie!

Tell it to my Bamblebie!

Tell it to my Bamblebie!

Nagpaulit ulit pa ito saking pandinig bago ko ito naintindihan. Bigla akong nanlamig nang wala sa oras. Yung preskong pakiramdam kanina dahil sa aircon sa kwarto. Napalitan ng lapot ng pawis dahil sa narinig. That made me crashed! Para akong tinapunan ng bomba tapos biglang sumabog kahit ang totoo naman ay hinde.

"You know what guys. Ilang ulit na nyang nabanggit sakin kayong dalawa. Lagi nya kayong tinatanong. Kung kailan daw kayo magkakasundo na dalawa. Little does she know. Higit pa sa iniisip nya ang nangyari na. Kawawa sya sa totoo lang. Kapatid ka nya Lance at best friend ka naman nya. She needs to know about you. Di ko pinupwersa na gawin nyo ang gusto ko. It's just that. Diba mas masarap mabuhay kapag lahat ay kasama?." tumango ako sa kanya dahil tinuro nya ako. "Masarap magmahal kapag kumpleto pa diba?.." he turn naman kay Lance. "Pag-isipan nyo ang sinabi ko. It's not too late. Kausapin nyo na sya habang maaga. Hindi yung saka nalang nya malalaman kapag huli na.."

"I'll try Pa.." Lance answered it.

"You should Lance. I know her. Maiintindihan ka nun. Kahit aso't pusa kayo lagi, maiintindihan ka pa rin nun.."

"Paano pag hindi Pa?.." sumimangot si tito sa kanya.

"E di problema mo na yun.."

"What the--!?.."

"Ahahaahaha.. kidding aside.. kung di ka man nya maintindihan sa ngayon. E di just go with the flow nalang. Hintayin mong maintindihan nya ang lahat.."

"Maghihintay pa kami?.." reklamo pa nito sa ama.

"Of course! It all takes time hijo. If you want her to accept you two. Then, wait! Time will come. She'll come to you with open arms.."

Di nakapagsalita si Lance. "Tsk! Kayo nang bahala. Basta pag-isipan nyo yung favor ko. Sige na. Labas na kayo. Baka hinahanap ka na hija.." tumayo sya't dumaan sa mismong gilid ko. Ginulo ang buhok naming dalawa ng anak nya na parang mga bata. Lance gripped tightly my hand while standing. Napasabay na din ako sa kanya.

"We're going na po.."

"Hmmm..." Ani tito. Lumabas na kami pero yung favor nya pa rin ang bukambibig nya. Nakalimutan na nga rin yata ni Lance ang totoong dahilan bat kami napunta duon. Gusto nya raw akong ipakilala nang pormal sa papa nya. At yun. Ibang usapan ang napag-usapan. Saka nalang siguro. May next time pa naman.

Tsaka. Ramdam ko kung gaano nya kagustong gawin namin yung favor ng papa nya. Naisip ko rin na tama sya. May parte sa isip ko na nagsasabing, gawin na sa ngayon para maliwanagan na rin Bamby pero lamang pa rin sa akin ang wag muna. Ewan ko ba bakit wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang bagay na to. Dahil ba dun sa nakaraan?. O dahil sa kapatid nya ang minahal ko?. Either of the two. I don't know. O baka may iba pa akong dahilan na di ko matukoy kung ano dahil sa tibok ng puso kong iisa ang isinisigaw ngayon. Ang taong katabi ko. Hawak pa ang kamay ko!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C152
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank 200+ Ranking de Potência
Stone 0 Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login

tip Comentário de parágrafo

O comentário de parágrafo agora está disponível na Web! Passe o mouse sobre qualquer parágrafo e clique no ícone para adicionar seu comentário.

Além disso, você sempre pode desativá-lo/ativá-lo em Configurações.

Entendi