Sa syudad kami tumuloy. Kung saan may maliit silang apartment roon.
"Dito na muna tayo.. malayo pa ang sa amin.." Ryle declared. I had no choice but to nod. I have to accept the fact na ganun nga kahirap ang makita sya ngayon. Kahit gigil na gigil na akong makarating sa kung saang lupalop nila sya tinago. Wala akong ibang magawa kundi antayin ang pahintulot ng mga kapatid nya. Ayoko silang pangunahan na para bang nababastusan na sila sakin. I respect how they want me to be at this point. Naiintindihan ko ito sapagkat may valid reason naman sila. And behind that is me, causing problem to their sister.
"Maupo ka na muna dyan.. bibili lang ako ng makakain.."
Let's order nalang.. Gusto ko sana itong isuggest pero biglang nahiya ang noses ko't nagtago nalang basta sa likuran ko. Tsk! Bakla ka nga Lance!!!
After a minute. Hinintay ko lang sya sa may maliit na sala nila. Ang sofa bed na kinauupuan ko ay kasya ang tatlong tao. Tama lang sa kanilang tatlong magkakapatid. May mesa sa gilid nito na pinapatungan ng halamang buhay. Di ko alam ang pangalan. Siguro kung si Bamby ang kasama ko, malamang kinalabit na ako't inutusan na humingi nitong klase ng halaman. May center table na maliit. At ang kinakaharap ko ngayon ay isang flat screen tv na walang buhay tulad ko. Pagod akong sumandal saka ipinatong sa head ng sofa ang leeg ko saka ko tiningala ang ceiling na simpleng kahoy lang na pininturahan ng kulay asul. May ilaw sa medyo gitna. Nakaon na yun ngayon.
Maya maya. Bumukas na ang pinto at iniluwa sya. Hawak sa mga kamay ang pagkaing binili nya.
Tinignan ko lang sya. Tinignan nya rin lang ako. Walang namutawing salita. Sobrang awkward ang paligid man! Nakakabingi! Katahimikang ayokong marinig. Masyadong tahimik at nakakakaba!
"Let's eat.." mabuti pa ang naisipan nyang yayain na ako. Akala ko. Magiging malamig na naman sya sakin. Nag-iba yata pagtrato nya? I wonder why.
Sabay na kaming kumain. Nagpapanggap akong walang gustong itanong pero kingina! Ang hirap! Di ako mapakali. Na kahit ang lunukin ang nasa loob ng bibig ko ay di ko magawa nang basta kung di pa itutulak ng tubig na nilagok ko.
"Ryle, pwede ko na bang malaman kung anong nangyari?.." I don't even know. Bigla nalang akong nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin sya ng ganito kabilis at harapan pa!
Nakayuko syang kumain. Nung narinig ang tanong ko. Bahagya syang tumigil. Tumuwid ng upo. Tinignan ako sa mata. Ngumuya ng napakabagal saka tamad na sumandal sa upuan at humalukipkip na para bang ang sama nang sinabi ko. Ano bang masama?. Nagtatanong lang naman ako. Mabuti pa nga at nagtatanong ako, di yung andito nga ako pero wala naman talagang pakialam sa kapatid nya. It's useless!
"Anong gusto mong malaman?. Ang kung paano ba sya nangulila sayo't umaasa sa pagbalik mo?." di ko malaman kung sarkastiko ba ang tunog nya o galit ba. Nalilito ako dahil sa di ko matukoy na dahilan.
"Hindi iyon ang punto ko.." paliwanag ko bigla. Gusto pang magdagdag sana kaso baka isipin nyang nagmamagaling ako. At ayoko ng ganun!
"Ano kung ganun?.." hindi ko sya sinagot. Imbes hinayaan ko lang syang samaan ako ng tingin. "Alam mo naman na siguro ang history ng aming pamilya, tama?.." tinanguan ko lang sya. Pigil ang labing magsalita. "Naghiwalay parents nya.. namatay ang mama nya.. nakita mo naman iyon hindi ba?.." tumango na naman ako. Pinipiling makinig na muna. "Nalaman nya ang tunay na pamilya nya at naging kumplikado pa.. andun ka pa diba?.." wala akong magagawa kundi umoo sa mga tanong nya. Para akong alipin na kailangan sumunod sa lahat ng sinasabi nya. "Tapos dumating ka.. nabuo ang anak nya.. umalis ka.. mali ba ako?.." kabaligtaran ng tanong nya ang gusto nyang iparating sakin. Mabuti nalang at gising pa rin ang diwa ko kaya nakuha ko kung anong punto nya. "Tama ka.." malungkot at napayuko kong sagot sa kanya. Matunog syang ngumisi saka nagpatuloy. "Sa dami ng nangyari, di na nya alam kung sino pa ang lalapitan.. she trusted you na di mo raw sya iiwan pero iniwan mo pa rin sya.."
"I didn't mean to do that.." depensa ko. "Our flight is so sudden.. magpapaalam naman talaga ako sa kanya nang huling araw na namin dito subalit may biglang dumating na emergency sa office nila papa kaya biglang naurong ang flight namin. Napaaga sa naunang plano.." matinding paliwanag ko. Mataman nya lang akong pinanood. Kunot ang noo na para bang hindi pa kumbinsido. "I texted her pero huli na.. Her line is off at di ko na sya mahagilap kahit sa social media accounts nya.."
"Alam mong ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan nya nitong huli.. tapos...tsk. tsk.. di ko magawang magalit sa'yo kahit anong galit pa ang nararamdaman ko.. Alam kong may mali rin akong nagawa sa kanya.. nagsisisi na ako't pinagsisisihan ko talaga iyon pero nakakagalit lang ang nangyayari sakanya ngayon.."
Di ko naintindihan ang ibang sinabi nya. Sinisisi nya ako. Ayos lang. Sinusumbatan nya ako. Okay lang rin. Tama lang siguro na maging ganito sya sa harapan ko ngayon. Para malaman lahat nang maling desisyon ko noon.
"Nasa malapit syang ospital ngayon.. kasama ni papa at Ali.." kwento nya makalipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. "Nang nalaman namin ang tungkol sa pagbubuntis nya.. huli na.. itinago nya kasi samin ito.. dala daw ng stress, kaya nawala nya ito.."
Tumango akong nakayuko. Iniintindi ang bawat salitang sinasambit nya.
Sa haba ng mga paliwanag nya. Wala noon ang sagot na gusto kong marinig mula sa kanya. "So, how is she now?.."
"She's not okay.. yun ang masasabi ko. she's always been smiling at us sa tuwing kinukumusta namin sya.. that's after we buried your child.. and that's not good for her health, lalo na sa kanyang pag-iisip.."
"Kaya kahit alam naming mahirap para sa inyong dalawa ang magkita ngayon.. this is the easiest way for you to get in touch.. to talk about things that 'can' heal you both.." mapait syang ngumiti. Di ko kayang tularan sya kaya tinignan ko nalang sya. "Sana, pareho nyong makita kung anong tamang gawin para sa lahat.. I don't want to warn you but I am warning you now.. get ready of yourself.. coz the girl who you'd loved, lost herself."