Hinatid din ako matapos nga naming libutin ang kabuuan ng syudad ng Tuguegarao. Manonood pa sana kami ng sine subalit kumontra na ako dahil kailangan ko nang tapusin ang mga araling naiwan ko kaninang umaga pa.
"Gurl, nasabi mo ba?.." ganito ang salubong sakin ng kasama ko sa silid. Oo nga pala. Nakalimutan ko! Kinamot ko ang ulo. Suminghap sya't humalukipkip.
"Saka nalang.. nakalimutan ko. pasensya na.." hingi ko subalit tinalikuran na nya nalang ako't basta bumalik ng pwesto saka humiga. Tumalukbong nang kama at natulog na.yata.
Bumuntong hininga ako ng mahina. Bakit kaya di nya muna pakinggan paliwanag ko?. Nagalit agad?. Grabe naman!
Umupo nalang ako't. Nilabas lahat ng nasa bag. Binalikan kong muli ang di ko pa natatapos.
Maya maya. Nagvibrate yung cellphone ko. Nakaconnect na iyon sa wifi ng building. Pinaayos kanina nila kuya nang ako'y ihatid nila. Basta ko nalang iyon kinuha at pinindot ang green botton kahit na di ko pa tinitignan ang nagvideo-call.
"Hello?.." bati ko agad. Di pa rin kilalal kung sinong nasa kabilang linya.
Kagat ko ang takip ng ballpen kasabay ng mabilisang pagsusulat. Mamaya ko nalang babasahin. Kinukuha ko lang .ga keys points sa bawat lecture para mas mabilis.
Ngunit, ganun na lamang ang paglaki ng inaantok ko nang mata nang damputin ko ang aking cellphone at dungawan ang taong walang kibo sa kabilang linya.
Umawang ang labi ko. Nanginig at pinagpawisan bigla.
Wala akong ibang marinig kundi ang kalabog nitong puso kong, bihag pa rin nya... hanggang ngayon..
Damn it! Si Lance!!!
Muntik ko nang mahulog ang hawak na cellphone nang maglinis sya ng lalamunan. Linis pa lamang iyon ha?. Paano nalang kapag nagsalita na talaga sya?!..
Inilayo ko nang bahagya ang cellphone sakin para makakuha nang hangin na bigla yatang naging mailap ngayon sakin. Di ako makahinga ng maayos dala ng sobrang kaba. Tinatabunan nito ang aking pandinig. Na kahit bumukas na ang kanyang bibig ay wala pa rin akong marinig. Wala akong maintindihan.
"Gurl, wag naman maingay please.." inaantok na sambit ng aking kasama.
Natakpan ko ang aking labi. Saka tumayo at dahan dahang lumabas. Sa may veranda ako pumunta, kung saan may sapat na hangin para ako'y makahinga man lang.
"Are you okay there?.." matigas nyang sabi. His usual traits. Malamig at matigas na English.
Isang tango lang ang naisagot ko dahil bigla yatang nahiya ang tinig ko't nagtago nalang bigla.
"I miss you.." di ko alam kung tinangay lang ba ng hangin ang salitang narinig ko galing mismo sa kanya. Nalito ako't kinagat ang mga kuko ng mga daliri.
"I miss you, baby.." ulit nya na sigurado kong sa kanya na talaga galing iyon.
O my gosh!! Talaga ba?. Pero teka lang! Preno! Ganun na lang ba iyon?. Paano yung sa Mitch na yun?.
"Ah.. Lance.." ehem! Dammmmmmnn it!. Bakit may bumara pa eh! Bakit!?.
"Bakit ka pala napatawag?.." kahit kinakapos na ako ng hangin ay pinilit ko pa ring sabihin iyon
Ano nga dapat ang sabihin ko?. Sumbatan sya?. Sisihin?. Dedmahin o balewalain?. Lahat nang iyon ay naramdaman ko nang mga panahong nangyari ang lahat. Isang araw lang ay pinaramdam nya sakin ang mga pakiramdam na hindi ko sukat akalain na mararamdam ko pala ng sabay sabay.. nang dahil iyon sa kanya.
Subalit..
Kahit ano yatang galit ko sa ginawa nya't bagay na nakalipas na ay mas lamang pa rin ang kagustuhan kong, ibigin sya.
"Sorry.." suminghap sya. Ako'y umupo sa gilid. Tabi ng sinarado kong pintuan. Di nagsalita. May idadagdag pa yata sya. "Hazlee is my best friend.." kwento nya. Sumandal ako. Lalong nakinig sa kanya.
Di ko na mapigilan eh. Di ko kayang patayin nalang basta ang tawag nya. Takot akong, baka di na maulit muli.
"Hazlee, Mitch and I are best of friends.. but one day.. nagtapat si Hazlee sa kay Mitch.. not knowing that I'm slowly falling for her.."
Nakinig lamang ako.
"To cut the story short.. niligawan nya si Mitch.. pero dahil gago yata ako.." mapait syang tumawa. "Ginawa ko ang lahat para mahulog sakin si Mitch.." huminga sya ng malalim. Pilit inaalala ang lahat. "Nagkagulo kami't di na muling nagkausap hanggang sa huli nyang hininga.."
What!?.
"Naglumo ako't sinisi ang sarili.. pero si Mitch, nagpatuloy pa rin sya sakin kahit sinabi ko nang tapos na kami, simula nang nangyari kay Hazlee.."
Lumunok ako. So si Mitch ang lumalapit lagi sa kanya kahit ayaw na nya?. Ganun ba?.
"Pinipilit nya pa rin ang sarili sakin kahit.." pinutol nito ang sarili bago tumitig sa screen. Nag-iwas ako ng tingin sa camera ko. "Kahit sinabi ko na sa kanyang may nagugustuhan na akong iba."
"I tried to explained it to her na kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya subalit masyado syang makulit.."
"Bakit mo sinasabi ito?.."
"Gusto kong ipaliwanag sa'yo ang lahat simula umpisa baby." anya. Pinaloob ko ang labi upang doon basain. Anong baby?.
"Ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Mitch sa'yo.."
"Wala akong pakialam sa kanya Lance.." tungkol sa'yo ang gusto kong marinig. dugtong ko sana subalit pinangunahan na naman ako ng takot.
"Naging duwag ako.. di ko nasabi sa'yo ito ng harapan.. gusto kitang kausapin noon ngunit, naging mahina ako't natakot na baka lalo kang masaktan sa maaaring gawin nya.. I.. I don't even know na mas masasaktan pala kita kapag di ako naging totoo sa'yo.."
"Kumapit ako sa ipinangako mo Lance.." natigilan sya nang ako'y magsalita. "Pero, anong nangyari?.. naghintay ako ng paliwanag mo kung alam mo lang.. mukha na nga akong tanga kakasunod sa inyo pero hinde ka pa rin nagsalita.. naging pipi ka't bingi sa kailangan ko.. binalewala mo ako.."
Tulala sya. O damn! Connection status is poor! Darn it! Nanigas ang linya nya.
"I'm sorry.." sambit nya nang bumalik na ang signal. "I'm so sorry.."
"Magpahinga ka na Lance.. kailangan ko nang pumasok.." kasabay nang matagal nyang pagango ay ang pagpatay ko sa tawag nya.
Tama na muna ang mga sinabi nya. Kailangan kong mag-aral. Marami pa akong tatapusin.
Anuman sa mga sinabi nya ang totoo. Bahala na ang tadhanang humusga.
Darating rin naman ang oras. At kapag dumating na ito. Di mo na ito maiiwaasan pa, kahit ang umalis ay di mo na ito mapipigilan pa.
Doon nalang ako kakapit... ngayon.