Hinihiling ko na sana panaginip lamang ang lahat ng ito. Na sana pagkagising ko bukas ay hindi ito ang nangyayari. Sana!
Mabibigat ang ginawa ko sa bawat paghakbang. Wala naman akong bitbit pero pakiramdam ko ngayon, karga ko ang mundo. Sobrang bigat nito dahilan para manikip ang dibdib ko't nahihirapan akong huminga. Kahit basa na ang sapatos at medyas sa lakas ng ulan. Wala pa rin akong maramdaman. Namanhid bigla ang katawan ko sa lahat. Kahit ang paningin kong nabigyan ng iba't ibang kulay kanina ni Lance, naglaho iyon at naging isa nalang. Purong itim at abo. Walang buhay at matamlay.
Kahit ang paglunok ko. Ang hirap. Totoo ba talaga ito? Kapatid ko si Denise? Sina Kuya Rozen at Ryle?. Sina Tita at Tito ba talaga ang tunay na mga magulang ko?. Damn Joyce!! Sinabi na nga nila diba kanina?. Bat ayaw mo pang maniwala?.
Umiiling ako sa tumatakbo saking isipan. Hindi naman hindi ako naniniwala, sadyang hindie ko lang maintindihan. Naguguluhan pa rin ako.
Paano mo nga maintindihan kung ayaw mo silang pakinggan? Aber?
Tanga ka kasi!
Kinagat ko ang ibabang labi sa sariling mura. Wala naman akong sinabi na hindi ah.
"Joyce naman.. bumalik na tayo.. pag-usapan natin ito.." ang buong akala ko. Di na nila ako sinundan pa. Ngayon, heto si kuya Ryle sa likod ko't pinababalik ako.
Ngumiti ako sa kawalan. Baliw ka ba? Ang laki na nga ng problema mo, nakangiti ka pa. Tsk! Crazy!
"Joyce!." muling tawag nya sakin nang di ko sya pansinin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Itinaas ko ang kamay saka nagpeace sign at pagkatapos nun ay isang thumbs up. Alam na nya na rin siguro kung anong ibig sabihin ng ginawa ko.
Di ko kayang magsalita pa sa ngayon. Kayhirap humusga lalo't para akong nangapa bigla sa lahat. Di alam kung saan at ano ang paniniwalaan. Wala naman kasi si daddy dito na laging nagbibigay sakin ng advice. Oh hell!. Kung sino pang kinamuhiaan ko nitong nakaraan, sya pa tong kailangan ko ngayon. How ironic?
Diretso lakad lang ako. Walang direksyon. Parang naglalakad na walang muwang. Kung saan na ako dalhin ng mga paa ko. Doon na muna ako.
Sa isang punong mangga. Sa mababang sanga nito, ako umupo. At nagpakalunod sa kung anu ano. Di pa rin tumitila ang ulan. Kasabay pa ngayon ay ang nakakatakot na kidlat.
"Hindi ka ba natatakot?.." isang boses ang nagpatalon sakin sa sanga pababa sa lupa. Mababaw lang naman pero sobra ang aking kaba. Dumoble sa nararamdaman ko kanina. Tinignan ko lang sya. Nakahoodie sya. Kulay abo. Di ko sure. Nasira na yata maging ang paningin ko. Sapatos na sneakers at short na itim na hanggang tuhod nya. Lalong lumabas ang maputi nitong balat. "Malakas ang ulan. Bat andito ka?.." patuloy nya. Naglakad at sumilong din sa tabi ko. Kung saan maraming dahon. Pumikit ako at kinalma ang takot at kaba na biglang nabuhay kanina.
Hindi ako nagsalita.
Tumawa sya. "Hmm.. mukhang alam ko.. ayos lang yan.. malalagpasan mo rin yan.." Anya pa na para bang may alam sa nangyari sa akin. Di ko sya tinapunan ng tingin.
Anong malay ko kung isa rin sya sa nakakita sa naganao kanina. Sana lang hinde. Di pa naman ako handa na sagutin ang lahat oag nagtanong sya. Teka. Di talaga ako sasagot. Hell no!
"Mabuti nga at umulan eh.." bigla ay nagpatuloy na naman sya kahit di wala pa akong nasasabi. "Sobrang init kasi kanina, muntik na akong mahimatay.." kwento na nya.
Buti pa sya. Yung init lang ng problema. Ako?. Di ko na yata mabilang bilang.
Mahabang katahimikan ang bumalot samin kalaunan.
Maya maya. Dinungaw nya ako. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng magsalubong ang aming mga mata. It reminds me of someone.
"Di ka ba talaga nagsasalita?..." ang kulit nya lang!. E ano bang gusto nyang sabihin ko?. Phew!
Di ko mapigilan ang umirap at suminghap.
"I hope you okay.." naramdaman nya na rin yata na hindi talaga ako magsasalita kahit anong sabihin nya.
"Alam mo bang sobrang saya ko kapag ganitong malakas ang ulan?.." tanong nya na naman. Kakasabi nya lang kanina diba?. Dahil mainit. Tsk!. Kailangan ko na yatang maghanap ng ibang lugar. Gusto ko ng tahimik na lugar hindi yung itong may nanggugulo.
"Dahil, sa amin kasi. Pag summer sobra pa sa sobra ang init. Kulang nalang mapaso ka.."
Iyon lang ba?.
Tsk!.
Gumalaw ako't pinagpag ang skirt kahit wala namang dumi. Naglalakad na ako paalis ng magsalita ulit sya.
"Uy!. saan ka pupunta?. Pasensya na. Naistorbo yata kita.." sigaw nya. Malakas pa rin ang buhos ng ulan pero bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Basta nalang.
Gaya nung ginawa ko kay kuya Ryle kanina. Nagtaas ako ng kamay. Nagpeace sign tsaka thumbs up. Bago tuluyang lumayo sa lugar nya.
Siguro nga. Tama na naman yung lalaki kanina. Malalampasan ko din siguro tong pagsubok na to. On the right time and place. Not now. Not tommorow. But too soon.
I hope so...