Chapter XXII. Rising of a Demon
SA loob ng katawan ni Zuki Takigawa ay mayroong kakaibang nagaganap, ang bituin sa gitna ng kaniyang soulforce coil ay unti unting nagliliwanag. Dahil sa bituin na ito ay maraming soulforce ang mabilis na pumapasok sa katawan ng binata.
Sa hindi naman maipaliwanag na dahilan, ang kaniyang soulforce pathway ay kumapal. Para itong naging kasing laki ng maliit na kanal na dinadaluyan ng enerhiya papasok sa kaniyang katawan at patungo sa kaniyang soulforce coil.
Samantala sa loob naman ng isipan ng binata ay may isang dalaga ang nakatayo sa kaniyang harapan at nakatingin lamang ito sa kaniya, hindi malaman ni Zuki kung bakit s'ya tinititigan ng dalaga. Para s'yang naiilang sa mga tingin sa kaniya ng dalaga.
Ang dalagang iyun ay ang Elves na kaniyang iniibig sa nakaraan n'yang buhay, subalit bakit ngayon ay nakatingin ito sa kaniya na may parang gusting ipaalam. Hindi tama kung pati s'ya ay magmahal ng iisang babae mula sa nakaraan at kasalukuyan.
Hindi n'ya pwedeng isipin na s'ya ang dahilan kung bakit s'ya nito tinitingnan, maaaring nakikita lamang ng dalaga ang mukha ni Tsuki sa kaniya. O kaya naman ay dinadalaw lamang nito si Tsuki.
Si Tsuki ay nasa kaniya ng kalooban, ang lahat ng ala-ala nito ay nalipat sa kaniya. Ang mga kaalaman sa pamumuno ay nakuha niya mula rito. Ang tungkol sa pagiging isang emperador ng isang kontinente. Ang Twilight Continent.
Lumilipas ang ilang minuto, ay patuloy parin na nakatingin sa kaniya ang dalaga. Naiilang na s'ya sa mga tingin nito, may kung anong kirot s'yang nararamdaman sa t'wing nakikita n'ya ito sa kanyang isipan. Naaalala niya ang simula at wakas ng pagsasama ng dalaga at ng binata sa nakaraan nitong buhay.
"Ano 'to?, Bakit ganito!" tanong ng binata sa kaniyang sarili. May mga impormasyon ang mabilis na pumapasok sa kaniyang isipan, ang mga impormasyon ay naglalaman ng ibat ibang ala-ala, kaalaman, at iba pa na mula sa isipan ni Tsuki.
Napabaling ang binata sa dalaga na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kaniya, nabigla s'ya dahil ng tingnan n'ya ang dalaga ay naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Mayroon itong mga galos sa katawan at isang malaking sugat sa dibdib nito.
Nang Makita nga iyun ni Zuki ay hindi na n'ya napigilang maluha. Ang pigura ng dalaga, ang huling itsura ng babaeng pinaka-mamahal ni Tsuki, ang huling sandali nito sa mundo ang pinaka masakit na ala-ala ng binata mula sa nakaraan n'yang buhay.
Samantala ang kaniyang buong katawan ay naglalabas ng nakakakilabot na enerhiya. Ang presensya nito ay napaka bigat at ang kaniyang paligid ay mawasak na. nagkaroon ng malaki at malalim na hukay sa bahaging iyun ng palapag.
Si Grim nga ay nakaramdam ng kilabot ng maramdaman niya nakakakilabot na enerhiya ng kaniyang kalaban. Patuloy parin n'yang inaalis ang kaniyang sarili sa kaniyang pagkakabaon sa kisame.
Ang kaniyang enerhiya ay hindi na katulad ng kanina, dahil sa tindi ng kaniyang pakikipag laban ay nakaramdam siya ng pagka-pagod at pagkabawas ng enerhiya.
Subalit sa kabila ng lahat ay may sapat parin siyang lakas upang lumaban, wala s'yang balak na magpatalo sa kaniyang kalaban. Kailangan n'yang Manalo sa pagkakataong ito, ayaw n'ya magmukhang mahina sa mata ng kaniyang nakababatang kapatid.
Siya ang idolo nito, at kapag natalo s'ya sa labanang ito ay mawawala ang pagkilala sa kan'ya ng kaniyang kapatid.
Ang kayang itim na aura ay mabilis na bumalot sa kaniyang katawan, dahil sa presensya ng kaniyang aura ay nawasak ang bahagi ng kisame kung saan hindi siya maka-alis dahil sa pagkakatilapon niya.
Hindi niya akalain na tatamaan s'ya ng ganun kalakas na suntok sa buong buhay n'ya, pinag masdan niya ngayon ang binatilyo na ngayon na nababalutan ng nakakakilabot na aura. Ang aura nito ay purong itim na kaniyang ikinakatakot.
Ang lalim ng kadilimang nararamdaman n'ya mula sa aura ng binatilyo. May kung anong masakit na karanasan ang nilalaman ng purong kadiliman na bumabalot sa binata.
Lumipad si Grim palayo sa binatilyo, lumapag s'ya sa pwesto kung saan naroroon ang tatlo niyang kumandante na ngayon ay walang malay. Balak n'ya sanang gisingin ang mga ito subalit inisip niya ang kahihinat-nan pag nagising ang mga ito.
Ayaw niya mawala ang pag galang ng mga ito sa kaniya. Matagal na panahon na siya namumuno sa palapag na ito, at hindi niya hahayaan na mawala ang pinag hirapan n'yang imahe sa mata ng mga ito. Bagkus ay hinanda nalang niya ang kaniyang sarili sa ma matinding laban.
Naramdaman niya na nag simula ng kumilos ang kaniyang kalaban, ang presensya nito ay mas lumakas kesa kanina. Ang nakakakilabot na enerhiya na lumalabas sa buo nitong katawan ay mas lumakas pa, dahilan para mangamba si Grim, Ang kalidad ng enerhiya ng kaniyang kalaban ay mas malakas sa enerhiyang mayroon s'ya.
Paano nangyari na ang isang 1st level demon rank ay mas malakas pa kaysa sa kaniya, na isang aktwal na 10th level Demon rank. Hindi n'ya maunawaan.
Nagtataka siya sa pag kakakilanlan ng binatilyo, ang taglay nitong dalawang elemento sa kabila ng pagiging isang 10th level angel rank, at ngayon ay ang pag angat nito bilang aktwal na 1st level demon rank.
Sino ang binatilyong ito, at ano ang dahilan kung bakit nito pinasok ang gusaling ito. Atsi higit sa lahat bakit ito gumawa ng hukbo mula sa ikalawang palapag. Magiging isang malaking banta ito sa kanilang mga nakakulong sa gusaling ito. Siya ang heneral ng ikatlong palapag subalit nasisindak siya ng isang ito.
Samantala sa kaniya namang tabi ay ang dalagang si Chrisha ay unti-unti nang nagkakamalay, naramdaman n'ya ang paglapit ng isang indibidwal sa kaniya. Ang kaniyang buong katawan ay nakakaramdam na ng sobrang pagka pagod.
Hindi n'ya akalain na matatalo s'ya ng ganun kadali, sa kanilang tatlo nila Zellon, at Keros ay siya ang huling bumagsak. Ang mga mabibilis na atake ng kanilang kalaban ay hindi na nakayanan ni Zellon tumilapon ito at sumalpok sa pader.
At nang sila nalang ng binata ang mag kalaban ay hindi n'ya na alam ang sumunod na nangyari. Para bang sa isang kisap mata ay tinalo s'ya ng kaniyang kalaban. Hindi man lamang s'ya nakalaban ng mga sandaling siya nalang ang natitira sa kanilang tatlo.
Mababakas sa mga mata ni Chrisha ang pagkabigo ng mga sandaling iyun. Gustuhin man n'ya na gumalaw ay hindi niya magawa, sa kadahilanan na ang kaniyang lakas ay nabuhos na niya lahat kanina.
Samantala nagtaka s'ya sa biglaang pag yanig ng paligid, nakaramdam s'ya ng panganib sa kaniyang kinaroroonan. Sa hindi inaasahang sandali ay naigalaw niya ang kaniyang katawan. Dahan dahan niyang sinuportahan ang kaniyang katawan na tumayo.
Nilingon niya ang kaniyang paligid at nanlaki ang kaniyang mga mata ng Makita niya ang sira sirang paligid. Mayroong mga naglalakihang sira sa sahig ng bahaging iyun ng palapag. Nagtaka siya sa uka-ukang sahig at mga nagkalat na debri ng mga bumagsak na bato mula sa kisame at mga pader.
"Paano nangyari ito?" tanong ni Chrisha at pinagmadan ang buong paligid niya, nagpalinga linga pa siya sa paligid niya, nang biglang mayroon siyang dalawang lalake na pawing nababalutan ng itim na aura.
Ang isang lalake ay may itim na buhok at itim na mga mata, at ang isang lalake naman ay mayroong itim na buhok at pula nitong mga mata, at ang mas kapansin pasin rito ay ang itim nitong sungay at dalawang naglalakihang mga pakpak.
Nanlaki ang mata ni Chrisha ng makilala niya kung ino ang lalakeng nakikipaglaban, ito ay ang kaniyang pinuno ang kanilang heneral na si Grim Blackburn. Nagtataka siya kung sino ang lalakeng kalaban ng kanilang heneral.
Base sa nangyaring pinsala sa paligid ay malakas ang kalaban na ito ng kanilang pinuno, hindi niya akalain na magkaka ganito. Ang pag dating ng hukbo ng kalaban nila at ngayon ay nakikipag laban ng seryoso ang kanilang pinuno.
Samantala kasalukuyang pina-uulanan ng sunod sunod na atake ni Zuki si Grim, sa pamamagitan ng kaniyang mga kamao ay inaatake niya ng mag kakasunod na atake ang heneral ng ikatlong palapag.
Ang kaniyang buong katawan ay nababalutan ng purong itim na enerhiya. Ang kaniyang katawan ay nagkaroon ng pagbabago. Ang kaniyang puting buhok ay tuluyan ng naging kulay itim at ang kaniya namang mga mata ay naging kulay pula.
Napakatalim ng tingin nito sa kaniyang kalaban, ang kaniya namang katawan ay nag lalabas ng napaka bigat na aura. Samantala sa loob ng isipan ng binata ay nasa kalagitnaan siya ng madilim na silid.
Nakatayo lamang siya sa silid na iyun at malayo ang tingin, makikita sa mga mata nito ang labis labis na kalungkutan. Lungkot na matagal nang nalimot. Lungkot na daladala pa niya, lumipas man ang isang siglo.
Samantala sa isang sulok ng madilim na silid ay mayroong isang lalake at naka-ngisi at mapang-hamak na pinag-mamasdan ang binata.
"Lumipas man ang ilang Siglo!, Hindi ka pa rin nagbabago?, may kahinaan ka na sasamantalahin ng iba!" sabi ng lalakeng ito at nilapitan ang binatilyo na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kawalan.
Nang makalapit ang lalake sa binatilyo ay inilapit nito ang kaniyang ulo sa leeg nito. Nagkaroon ng mahinang liwanag ng siya ay lumapit dito, subalit hindi iyun sapat upang mabigyan ng liwanag ang buong silid.
Tangin sa ulo lamang nilang dalawa ang masisinagan ng liwanag, humarap ito sa binata at ngumiti ng pagka lapad lapad. Nang masinagan ang mukha ng lalake, ang lalakeng ito ay may itim na buhok at pulang mga mata. At higit sa lahat ay ang pinaka nakakapagtaka.
Ang mukha ng lalake at ng binata ay walang pagkaka-iba, magka-mukhang magka-mukha ang dalawang ito. Subalit ang mga ngiti ng lalakeng ito ay hindi ngiti ng isang masiyahin kundi ngiti ng isang halimaw, ngiti na puno ng malisya at kawalan ng pag-asa.
"Tsuki?, Hinintay kita ng kay tagal, sa pagkakataon na ito hindi na kita pakakawalan! Aking kaibigan!" sabi ng lalake at ang kaniyang malalaking pakpak ay bumalot sa katawan ng binata….