Baixar aplicativo
95.45% The Mythic God / Chapter 63: Chapter XX

Capítulo 63: Chapter XX

Chapter XX Brutal Combat

ANG lahat nga'y namangha sa kanilang nasaksihan, ang malaking bitak na nagawa ng suntok ni Zuki ang nagpahanga sa kaniyang mga kasama. Si Freda naman ay napanganga ng Makita ang sinapit ng kaniyang pinuno. Subalit kaagad niyang ibinalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang kalaban. Hindi siya maaari na mawala sa konsentrasyon sapagkat siya'y nasa gitna ng labanan.

Samantala si Feiya naman ay nilapitan si Clemson. Pinag-masdan niya ito at inalam ang kasalukuyan nitong kalagayan. Hinawakan niya ang pulso nito at nalawa ang kaniyang pangamba ng malaman niya na ayos lamang ang kalagayan ng binata.

Binaling niya ang kaniyang mga mata sa babaeng nababalutan ng itim na kidlat. Naging seryoso ang tingin niya rito. Ang mga tingin na ito ay makikitaan ng kaunting galit. Subalit pinilit ni Feiya na maging mahinahon sa ganitong pagkakataon.

Hindi magiging maganda ang kalalabasan kapag ipina-iral niya ang kaniyang galit. Alam ng dalaga ang kaniyang limitasyon sa bawat sandal. At ang pagiging mahinahon sa gitna ng labanan ang isa sa mga itinuro ng kaniyang ama.

Samantala si Drebon naman ay makikitaan ng pagkamangha. Namamangha siya na masakhihan ang kakaibang pwersa na taglay ng kanilang pinuno. Naalala niya ang kaniyang lakas loob na pagbibigay ng katapatan dito.

Hindi lamang malakas na indibidwal ang kanilang pinuno. May taglay rin itong kabaitan lalo na sa mga itinuturing nitong kaibigan. Natitiyak niya na hindi ordinaryong indibidwal ang kanilang pinuno. Ang biglaang pagdating nito ay isang malaking pala-isipan sa kaniya.

Pero sa kabila ng lahat ay pinili niyang sumama rito at mapabilang sa hukbong binuo nito. Dahil sa hangarin nito na makaalis sa impyernong gusali na nagkulong sa kanila ng mahabang panahon.

Nabalik siya sa wisyo ng mag simula na umatake ang kaniyang kalaban. Gamit ang Malaki nitong kalasag ay inatake siya nito. Subalit iyun ang naging pagkakamali ng lalake. Dahil ng umatake ang lalake ay kaagad inunahan ni Drebon ng isang pulidong atake ang kaniyang kalaban.

Tumarak ang kaniyang espada sa tagilirian nito. Napahinto sa paggalaw ang lalake ng maramdaman ang pagtarak ng espada ng kalaban niyang elven, napasuka s'ya ng dugo dahil rito, napatingin siya sa kaniyang kumandante at ngumiti.

"Mag wakas man ang buhay ko, Nagawa ko naman na tulungan ang pinuno ko hanggang sa huli!" bulong ng lalake at ang kaniyang espada ay nabalutan ng dilaw na aura. Maya maya pa ay nabalutan iyun ng dilaw na kidlat. Iwinasiwas niya ito kay Drebon.

Si Drebon naman ay mabilis itong nasangga gamit ang kalasag nito. Mararamdaman ang mahinang pwersa na dulot ng atake nito. Ang mga naroroon ay napatingin sa labanan ng dalawang kabalyero. Si Freda ay nagulat sa unti unting pagbagsak ng isa niyang mandirigma.

"Malark!" sigaw ng ibang mga mandirigma ni Freda. Nang Makita ng mga ito ang sinapit ng kanilang kasama ay walang alinlangan nilang sinugod ang mga Elf na naroroon. Nagkaroon ng sunod sunod na pagsabog sa paligid na iyun ng palapag.

Samantala sa pwesto naman kung saan naroon sina Zuki at Grim ay makikita ang puti at itim na aura sa kanilang paligid. Ang katawan ni Grim ay nakabaon parin sa pader subalit makikita naman na hindi nito ininda ang atake ng binata.

"Hindi ko akalain na tatamaan mo ako ng isang sipa at suntok, isang malaking kahihiyan sa angkan na aking kinabibilangan ang ginawa mo binata!" sabi ni grim at ang kaniyang katawan ay naglaban ng purong itim na enerhiya.

Sa pamamagitan ng kaniyang enerhiya ay nagawa niyang hawiin ang pader kung saan siya nakabaon. Natuklap ang bahaging iyun ng pader at nagmistulang malaking bilog na hukay iyun na gawa mismo ni Grim.

Si Zuki naman ay napaseryoso ng Makita ang ginawa ng lalakeng kaharap niya.

"Ang lalakeng ito!, ang enerhiya na kaniyang ginagamit ay?, mula sa totoong demonyo!" sabi ni Zuki at nanlaki ang kaniyang mata ng sa isang iglap ay nasa harap na niya ang kalaban.

Isang mabilis na sipa ang tumama sa kaniyang mukha. Naramdaman niya ang malakas na pwersa na dulot ng atakeng iyun. Tumalsik siya sa pader at nagkaroon muli ng pagyanig sa buong palapag. Nabalutan ng usok ang paligid ng pader kung saan tumalsik ang katawan ng binata.

Samantala sa loob ng isipan ng binata ay mayroong boses ang tumatawag sa kaniyang pangalan. Boses na nagmula sa isang babae na minsan na niyang minahal sa nakaraan niyang buhay, si Luna Hunithelrvis.

Ang pagtawag na ito ng dalaga ang nagpabalik sa wisyo ni Zuki Takigawa. Minulat ni Zuki ang kaniyang mga mata at nagulat siya ng Makita ang kasalukuyan niyang pwesto. Dalawang metro ang lalim ng pagkakabaon ng kaniyang katawan sa pader.

Napangisi na nga lang ng mapait si zuki ng mga sandaling iyun. Namimiss niyang makaramdam ng sakit sa tuwing siya'y nakikipaglaban. Ang huling indibidwal na nakapag-patumba sa kaniya ay walang iba kundi si Rena. Ang Foxkin na alagad ng kaniyang guro.

"Ang pwersa ng suntok ni Rena ay walang binatbat sa sipa ng isang 10th level demon rank!" sigaw ni zuki at ang kaniyang enerhiya ay kumalat sa kaniyang paligid. Ang puti at asul na enerhiya ay kumawala sa kaniyang katawan. Lumabas rin ang mga animo'y asul na paru-paro sa kaniyang paligid.

Inilibas ng binata ang aura ng isang "10th level Heavenly Angelic Mythical Rank" makikita sa kaniyang mga mata ang mata ng isang indibidwal na handa ng sumabak sa matinding labanan.

Mula sa makapal na usok ay lumabas ang binatilyo habang nababalutan ito ng puti at asul na enerhiya at ang asul na paru-paro na lumilipad sa palibot nito. Isang binatilyo na naglalakad sa harapan ng lalakeng naglalaban ng purong itim na enerhiya.

"SIMULAN NA!!!!" sigaw ng dalawa at sa isang iglap ay magkaharap na ang dalawa habang ang kanilang kaliwang kamao ay nababalutan ng magkaibang enerhiya.

"ARRRRRHHHHHHH" sigaw ng mga ito at isang malakas na pagsabog ang naganap ng magtagpo ang kanilang mga kamao. Ang mga gumuhong bahagi ng pader na nasa sahig ay nagsiliparan papalayo. Nagkaroon ng malakas na hangin sa palibot ng dalawa na siyang nagpayanig muli sa ikatlong palapag.

Ang ibang indibidwal sa ikatlong palapag ay napahinto sa pakikipaglaban dahil sa paglipad ng malalaking tipak ng gumuhong bahangi ng pader papunta sa kanila. Ang iba ay hindi nagawang makailag sa mga ito dahilan ng pagkawala ng mga ito sa konsentrayon na makalipad at siya namang tinangay ng malakas na hangin.

Sila Estevan at ang kaniyang mga kasama ay kaagad gumawa ng pananggalang na gawa sa kanilang enerhiya upang protektahan ang kanilang sarili mula sa mga ito at hindi sila tangayin ng malakas na hangin.

Sa lugar ng pinaggalingan pagsabog ay makikita ang dalawang lalake na walang patid sa pagpapalitan ng suntok. Ang bawat suntok ng dalawa ay laging nagtatagpo at sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga kamao ay nagkakaoon ng malakas na pwersa.

Sa kanilang kinatatayuan ay nagkakaroon ng mga bitak dahil sa kanilang binibitawang atake sa isa't isa. Si Zuki ay umatake gamit ang kaniyang kanang kamao habang sa kaniyang kaliwang palad ay may asul na enerhiya ang kaniyang inilalabas.

Nakita naman ni Grim ang asul na enerhiya na inilalabas ng kaniyang kalaban kaya naman nagpalabas din siya ng enerhiya. Ang enerhiyang ito ay purong itim at mararamdaman ang mapanganib na dulot ng enerhiyang iyon.

"tanggapin mo'to!!!" sigaw ni Grim at ang kaniyang itim na enerhiya ay itinapat niya sa binatilyo. Si Zuki naman ay napangisi nalang dahil sa agarang paggawa ng paraan ng kaniyang kalaban upang tapatan ang kaniyang gagawing atake.

At ito ang malaking pagkakamali ng kaniyang kalaban. Ang kaninang asul na enerhiya ay biglang napalitan ng purong puting enerhiya. Subalit hindi ito basta basta puting enerhiya kundi isa itong puting apoy.

"Divine Magic: God's Flame!" sabi ng binata at ang naglalagablab na puting apoy ang kaniyang itinutok sa itim na enerhiya ng heneral ng ikatlong palapag.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa kanilang paligid. Ang mga bitak sa sahig na kanilang kinatatayuan ay tuluyan ng gumuho. Nagkaroon ng malalim na hukay sa kanilang kinatatayuan. Subalit ang puti at itim na enerhiya ay patuloy parin na nagtatagisan ng taglay nitong pwersa.

Hindi naman makapaniwala si Zuki na hindi kaagad natupok ng kaniyang apoy ang nenerhiyang iyon ng kalaban. Dahil sa pangyayaring iyun ay mas lalong siyang nasabik sa pakikipag laban rito.

Ang kaniyang katawan ay naglabas ng mas malakas na enerhiya. Ang enerhiyang ito ay ang buong lakas nang isang 10th level Heavenly Angelic Mythical Rank. Ang puti at asul na enerhiya nito ay mas tumingkad pa. habang ang pinsala sa kanilang paligid ay patuloy paring nawawasak.

Si Grim naman ay nangamba at nagtaka sa lakas na mayroon ang binatilyo. Hindi ordinaryong nilalang ang binatilyong kaharap niya. Ang enerhiyang kaniyang nararamdaman ay enerhiya ng isang 1st level Demon rank subalit ang binatang ito ay nagagawa siyang sabayan sa pisikal na labanan.

Isa s'yang 10th level demon rank, paano na ang isang gaya niya ay matapatan ng isang 1st level demon rank at sa lakas na taglay nito ay posibleng mahigitan siya nito.

Ang kapangyarihan ng isang demon ranker na kinatatakutan ng isang aktwal na Divine Ranker. Ang ranggo na kinabibilangan ng mga diyos. Ang mga malalakas na nilalang na naniniraan sa divine realm.

Samantala ang labanan sa lugar kung saan naroroon sina Estevan ay nagsimula na muli ang matinding labanan ang babaeng nababalutan ng itim na kidlat ay nagpakawala nang sunod sunod na itim na enerhiya.

Naglaho ang itim na kidlat na bumabalot sa dalaga at napalitan ito ng purong itim na enerhiya. Sa lumipas na mga minuto ang buong lakas ni binibining Reiss ay Malaki na ang ipinagkaiba. Ang kaniyang kasalukuyang antas ay ang antas ng isang ganap na Demon Ranker. Ang 1st level Demon Rank….


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C63
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login