Baixar aplicativo
93.93% The Mythic God / Chapter 62: Chapter XIX

Capítulo 62: Chapter XIX

Chapter XIX. Encounter

NANG dumating si Freda sa lugar kung saan nagtungo si Reiss ay naabutan niya ang pakikipaglaban nito sa isang Elves. Namangha siya sa husay makipaglaban ni Reiss dito. Hindi siya makapaniwala na ang pinakamahina nilang miyembro ay nangunguna na ngayon sa kanila.

Napansin din ni Freda ang pamamaraan ng paglaban ng kalaban ni Reiss ay nakuha nito ang kaniyang atensyon. Ang klase ng pamamaraan nito sa larangan ng espada ay bago sa kaniyang paningin.

"Mage Twin Sword's Art" nabigkas ito ni Freda ng hindi niya sinasadya. Ang kakayahan na gumamit ng mahika at sandata ay bago sa kaniyang paningin kaya naman ang salitang ito ang lumabas sa kaniyang bibig.

Nagpatuloy ang mabibigat na palitan ng mga atake. Ang dalawang babae ay naglalabas ng magkasalungat na aura at ito puti at itim. Si Reiss ay nababalutan ng Itim na kidlat ng mga sandaling iyun. Habang ang kalaban naman nito ay nababalutan ng puting liwanag.

Kumikinang ito na parang makikita ang dalagang ito sa mga libro ng pantasya. Si Freda ay nakikiramdam sa kaniyang paligid. Tiningnan niya ang kaniyang mga mandirigma na mabilis na sumusunod sa kaniya. Ang mga ito ay lumilipad subalit hindi ito mabilis kesa sa mga mandirigma ng ibang kumandante.

Ang kaniyang mga mandirigma ay kaniya mismong sinanay sa palakasan. Hindi niya ito binibigyan ng pagsasanay para sa bilis ng pagkilos. Mas pinagsasanay niya ang mga ito ng lakas sa lakas. Dahil may nais siyang patunayan sa kaniyang pinuno.

"Ang lakas ang siyang nangunguna sa lahat ng aspeto" ito ang kaniyang paniniwala kaya naman kahit ano mang mangyari ay ang lakas ang kaniyang pina-iiral sa pakikipaglaban.

Ilang minuto ang lumipas ay walang humpay ang pag atake ng dalawa. Ang puti at itim na enerhiya ng mga ito ay mas tumitindi. Subalit biglang huminto sa pag-atake si Reiss. Nang huminto ito ay naalerto ang lahat ng naroroon at maging si Freda ay naalerto dahil sa nararamdaman niyang enerhiya ni Reiss.

"h'wag mong sabihin na itataas mo ang iyong antas sa harap ng iyong kalaban!" sabi ni Freda at ang kaniyang dalawang espada ay kaniyang hinanda. Hindi pwede na mapabagsak ang isa pa nilang malakas na miyembro.

Ang pagkawala ng ibang mga kumandante ay malaking kabawasan sa kanilang pwersa ang apat na 8th level angel rank ay isang malaking halimbawa ng lahat na ito.

Kasalukuyang nababalutan ng itim na kidlat si Reiss ang itim na Kidlat na ito ang nag-sisilbing proteksyon nito sa buo nitong katawan. Ang dalawang indibidwal naman ay kumilos nan g mga sandaling iyun.

Kaagad lumipad si Freda upang salagin ang paparating na atake ng isang beastman. Nagkaroon ng malakas na alingawngaw ng pagtama ng mga sandata. Ang lahat ay nagulat sa biglang pag litaw ng isang dalaga.

Si Drebon ay hindi na nagulat sa pag sulpot nito, dahil naramdaman nito ang enerhiya ng dalaga. Inatake niya ang babaeng ito gamit ang kaniyang espada. Siya ay may isang espada at isang kalasag. Ang kaniyang itsura ay parang isang kabalyero.

Si Drebon ay may dilaw na buhok at bedeng mga mata at matulis na tenga at makinis na kutis. Ang kaniyang katawan ay naglalabas ng puti at berdeng aura. Ang puti ay simbolo kung anong antas ng kaniyang kakayahan.

Siya ay isang 7th level Angel Rank at tinataglay niya ang element ng hangin sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman sa paggamit ng sandata ay iwinasiwas niya ang kaniyang espada sa babaeng sumalag ng atake ni Estevan.

Nagkaroon muli ng malakas na alingawngaw na senyales na may nagtama muling mga talim ng sandata. At ito ay dahil may isang lalake ang pumigil sa atake ni Drebon. Isa itong tao na may suot na makapal na baluti at mayroon itong malaking kalasag at isang espada na siyang ginamit nito upang pigilan ang atake ni Drebon.

"Hindi ko hahayaan na maabot ng mga kamay n'yo si lady Freda!" sabi nito at itinulak nito si Drebon gamit ang Malaki nitong kalasag. Napaatras si drebon dahil sa laki ng kalasag nito.

Ang laki ng kaniyang kalasag ay kalahati lamang laki ng kalasag ng kaniyang kalaban.

"Mukhang mahihirapan ako sa isang ito!" sabi ni Drebon at umatras ng tatlong metro mula sa kaniyang kalaban. Pinagmasdan niya ito at pinakiramdaman ang taglay nitong enerhiya.

Nabigla siya ng malaman niya ang taglay nitong enerhiya. At ito ay enerhiya ng isang 4th level angel rank. Napahanga siya sa taglay na katapangan ng lalake.

Ang mga ganitong uri ng tauhan ang isa sa mga pinaka inaasahan ng kanilang pinuno, saying lang sapagkat ang lalakeng ito ay kanilang kalaban.

Samantala sa pwesto naman kung nassan si Zuki takigawa ay kasalukuyan niyang ginagamot ang isa sa kaniyang mga kalaban. Ito ay si Keros. Ang dalawa nitong kasama ay wala ng mga malay. Natalo ang mga ito sa kaniya.

At para sa pinangako ni Zuki ay pinapagaling niya ito. Subalit may ginagawa siyang iba sa normal na pang-gagamot. Sapagkat may mali sa Beastman na nag ngangalang keros.

May nakitang iba si Zuki dito. Ang Enerhiya nito ay may kakaibang daloy na hindi katulad ng kaniyang mga mandirigma. May mali sa pag daloy ng enehiya sa katawan nito. Parang may kung anong lason ang inihalo sa katawan nito.

Lason na nagpapababa ng kalidad ng enerhiya nang isang adventurer. May naisip siya na dahilan kung bakit may lason na nasa loob ng katawan nito ngunit hindi niya alam kung paano ito nangyari.

Maaari kaya na sinadya itong ilagay sa katawan ni keros. May taglay itong mapanirang lakas na kayang tumapat sa natural na lakas ng isang diyablo. Kung susumain ang tantya ni Zuki sa kapasidad ng lakas ni Keros ay maihahalintulad sa isang 5th level demon rank.

Subalit dahil sa lason na ito ay hindi maibigay ni keros ang isandaang kapangyarihan na mayroon ito. Lakas ng isang natural na Beastman. Ang kalagayan naman nila Chrisha at Zellon ay maayos naman hindi naging brutal si Zuki sa mga ito.

Sapat lamang na lakas ang kaniyang ginamit upang mawalan ng mala yang mga ito. Kailangan niyang alamin kung paaano maaalis ang lason na nasa katawan ni keros.

Samantala sa isang pasilyo malapit sa lugar kung saan matatagpuan si Zuki at ang tatlong walang malay na kumandante ng ikatlong palapag, ay mayroong isang pares ng mga mata ang nakatitig kay Zuki Takigawa. Kapansin pansin sa mga mata nito ang pagtataka.

"Maaari kayang nalaman niya epekto ng isinumpang prutas!" sabi nito mula sa kaniyang isipan. Ang may ari ng mga mata nito ay walang iba kundi si Grim Blackburn. Kasalukuyan niyang pinanonood ang hakbang ng pinuno ng mga pangahas na pumasok sa kaniyang teretoryo.

Itinago niya ang kaniyang prisensya gamit ang kaniyang Concealing Armament. Kaya naman Malaya siyang nakakapagtago sa pasilyong ito. At mukha naman na hindi siya napansin ng binatilyong nagpabagsak sa tatlo niyang kumandante.

Pinag mamasdan niya lang ito na para bang ito lang ang dapat niyang pagtuunan buong araw. Lumipas ang ilang sandali ay tumayo ang binatilyo na kaniyang pinag mamasdan. Nakaramdam ng kaunting kaba si Grim sa biglaang pagtayo ng binata.

Samantala si Zuki naman ay tumayo upang pakiramdaman ang kaniyang mga kasama. Makikitaan naman ng galak sa kaniyang mukha ng maramdaman niya ang enerhiya ng kaniyang mga kasama.

"Sila Estevan at ang iba ay nandirito na!, mag-sisimula na ang totoong labanan?!" sabi ng binata at habang patapos na siya sa kaniyang pakikiramdam ay biglang nagbago ang kaniyang eskprsyon.

"Ang Enerhiyang yun?, hindi ako pwede magka mali!" sabi ng binata at sa isang iglap ay nasa likod na siya ng indibidwal na pinag mumulan ng enerhiya.

Samantala laking gulat ni Grim ng biglang maglaho ang binatilyo. Hinanap niya ito sa kung saan at nabigla siya ng maramdaman niya ang biglaang paglitaw nito. Mabilis siyang humarap dito subalit isang solidong pagtama ng sipa ng binatilyo ang tumama sa kaniyang mukha.

Tumilapon si Grim at tumama ang katawan nito sa pader, dahilan ng pagkakaroon ng mahinang pagyanig sa kaniyang paligid.

"Ikinagagalak ko? na makilala ka ng personal, 3rd Floor General!" sabi ng binatilyo na ikinangisi naman ni Grim.

"Hindi ko alam kung sino ka? Subalit ang pag pasok ninyo sa aking teretoryo ay isang malaking kahangalan, binatilyong 1st level demon rank!" sagot naman ni Grim na ikinangisi rin ng binata.

"Nagkakamali ka ng binanggit na ranggo 3rd Floor General?, dahil ang tunay kong ranggo ay hindi mararamdaman ng mababang uri na tulad mo!" sabi ng binata at sa isang kisap mata ay nasa harapan na muli siya ng Grim.

Isang mabilis na pagtama ng kamao ni Zuki ang tumama sa mukha ni Grim sa bilis nito ay halos umusok ito na naging dahilan ng pag baon ng ulo nito sa pader. Nang mga sandaling iyun ay nagkaroon ng malakas na pagyanig na naramdaman sa buong palapag.

Samantala ang mga nilalang naman sa ikaapat na palapag ay nag si alulungan. Nagambala ang kanilang mahimbing na pagkakatulog dahil sa pagyanig na kanilang naramdaman. Ang mga nilalang na ito ay may laki na sampung pulgada.

Ang mga nilalang na ito ay hindi mga ordinaryong nilalang sapagkat ang mga ito ay ang mga mababangis na Vicious Beast na ikinulong ng matagal ng panahon at tiyak na sa pag gising ng mga ito ay ang pag hahanap ng mga ito ng kanilang kakainin.

Umabot ang pagyanig maging sa ikalimang palapag. Mahina lamang iyun subalit sapat na para maalarma ang heneral mula sa palapag na iyun.

"anong nagaganap d'yan sa ikatlong palapag Grim Morelock?!" tanong ng isang babae na ngayon ay nanonood sa kaniyang bolang Kristal at sa bolang Kristal ay makikita ang mga nagaganap sa ikatlong palapag.

Samantala ang nagaganap na laban sa pwesto kung saan naroon sila Estevan ay nahinto ng maramdaman nila ang pagyanig na iyun. Ang lahat nga sa kanila ay napatingin sa lugar kung saan nagmula ang pagyanig.

Doon ay nakita nila ang malaking bitak na nilikha ng kamao ng binata sa pader at sa gitna nito ay may nakabaon na katawan ng isang indibidwal. At ito ay walang iba kundi si Grim Blackburn….


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C62
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login