Dollar's POV
"Uncle..."
Tumingin sa 'kin si Uncle habang patuloy siya sa pagmi-mix ng mga drinks sa counter. Nag-aatubili talaga akong itanong sa kanya ang tungkol sa basement.
Pero gusto ko talagang malaman. Kahit naman kasi masaya ako nitong mga nakaraang araw ay hindi ko pa din makalimutan iyong... okay, I admit...that was one great kiss! Kahit pa nga first time ko lang iyon at wala akong mapapagkomparahan.
Pero... Nakakagalit kasi ang lalakeng 'yon kung sino man siya! Kung makahalik sa 'kin 'kala mo minarkahan na niya 'ko. Parang branded na 'ko sa kanya. Because of that... that... unforgettable kiss! Ugh!
"Ano yun, hija?"
"Ahm... anong meron sa basement, Uncle?" balewala kong tanong at binuklat-buklat pa ang magazine para hindi niya mahalata na uneasy ako.
"Dating garahe iyon, ang bakal sa likod ng restaurant ang dating entrance ng basement, tambakan na lang ngayon."
"Aaah," Napatango-tango ako. "May multo ba doon?" (?_?)!
Napakunot-noo si Uncle
"Wala naman...?"
"Eh Uncle... tikbalang kaya? Kapre?"
"Wala. Ikaw talagang bata ka, kung anu-ano kasing pinapanood mo kaya ganyan ka mag-isip. Lage mo na lang tinatakot ang sarili mo."
Nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin hindi multo, hindi tikbalang at hindi rin kapre ang humalik sa 'kin.
"Eh sino ang naglilinis sa basement?"
''May hina-hire akong mga tao na naglilinis doon kada-dalawang linggo."
"Lalake?"
"Yup."
Inabot ni Uncle sa dalawang customers na nasa counter ang drinks na ginawa niya.
"Gwapo ba, Uncle?"
Nakagat ko ang dila ko. Bakit ba ang bilis gumana ng pagiging usisera 'ko?
(---__---)! Mukha yan ni Uncle.
"Tatlo silang naghahalinhinan sa paglilinis, at...gwapo nga lahat."
Nagkibit-balikat siya at tinuloy ang ginagawa. Ok. Hindi supernatural_checked. Gwapo_checked Ano pa nga ba?
"Pwede ko ba silang makilala, Uncle?"
"Hindi." mabilis niyang sagot.
"Baket naman po?"
"At bakit mo naman sila gustong makilala, aber?"
"Uhmn...wala naman po..."
"Paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa basem----Ah, wag mo ng sagutin, malikot ka nga palang bata ka."
*Grin.
"Uhm...Uncle...anong amoy nila ?"
"Amoy?! Bakit naman pati amoy nila?!"
Hindi na talaga maipinta ang mukha ni Uncle.
"Basta Uncle, sige na..."
"Hay... amoy tao naman sila."
"Eh ang address nila, cellphone number, facebook, twitter account nila?"
"Hay nakung bata ka, tigilan mo nga ako sa pangungulit mo. At tantanan mo ang basement, okay? Huwag ka na uling pupunta doon."
"O..kay..."
^^^^^^^^
Dollar's POV
Hindi naman ako nangako kay Uncle na hindi na ko pupunta sa basement, sabi ko lang ay okay. Kaya nandito ako ngayon, pababa sa madilim na hagdanan.
May dala akong flashlight at baseball bat na regalo sa'kin dati ni Moi.
Pinusod ko ang mahaba kong buhok at nagsuot ng cap. I'm on my usual printed T-shirt, miniskirt and pink leather flats. May dala din akong backpack. Tali, masking tape, paper cutter at malaking panyo ang laman ng bag ko. Magaling na ang handa. Tonight, I'm gonna go and get and beat that culprit!
Ayaw sabihin ni Uncle kung ano ang schedule ng mga naglilinis sa basement pero dahil gabi din nangyare sa'kin iyon malamang gabi din siya babalik dito. Sabihin ng kabaliwan ang ginagawa ko pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikilala kung sino man siya.
That man!
Itinapat ko ang flashlight ko sa mga dingding, wala talaga 'kong makitang switch ng ilaw.
Katulad ng hula ko dati, malawak nga ang basement. Mga 25 feet ata ang lalim nito at ang pinakakisame niya ay ang lugar kung nasaan ang kitchen ng restaurant. At ilang metro pagbaba sa hagdan ay ang rampa pataas sa solidong bakal na gate. Nakikita ko na dati ang gate na 'to kapag umuuwi ako sa bahay pero kanina ko lang nalaman na garahe pala 'to dati, at saka medyo natatakluban na ng mga damo ang gate.
Tinapat ko ang liwanag sa medyo gitna ng basement. May mga gamit na natatakluban ng tela. Lumapit ako sa isa at sinilip ang mga iyon.
A motorbike! Lumapit pa 'ko ulit sa isa pa at inalis ang nakatakip na tela. At hilera ng mga motorbike ang tumambad sa'kin. Iba't iba ng laki, modelo at kulay at maayos din ang pagkaka- maintain sa kanila.
Naglakad ako sa isang bahagi ng basement at tatlong kotse naman ang nakita kong nakaparada doon. Baket!?
Bakit ang daming sasakyan? Puro latest model sila lahat. At hindi man ako mahilig sa mga motorsiklo, alam kong napakamahal nila.
Smuggled ba sila? Pero bakit nandito sa pangangalaga ni Uncle? No. Hindi gagawin iyon ni Uncle. Baka naman collection? Pero kung collection niya 'to, bakit ang matandang pick-up truck na bakbak na ang pintura pa din ang ginagamit niya? Kasing tanda ko na yata ang pick-up na iyon pero ayaw pa din niyang palitan.O baka naman hindi sa kanya ang mga 'to?
Pero kanino? Haaaaay! Nakakabaliw mag-isip. Imbes na ang lalakeng iyon ang makita ko, itong mga kontrobersyal na mga sasakyan ang natuklasan ko.
Babalik na sana 'ko sa hagdan nang marinig kong pumihit ang pinto sa taas. (?_?)
May narinig akong mga yabag na pababa sa hagdanan kaya bumalik ako sa hilera ng mga kotse at sumandal doon.
Pakiramdam ko , hindi ako humihinga. Pero bakit nga pala ako kakabahan? Dapat handa na'kong umbagan ang lalakeng 'to. Oo, alam kong siya ang dumating kahit hindi ko siya nakikita. Wala lang, I just know.
Kinapa ko ang baseball bat na nakausli sa backpack ko. At dahil sa ginawa ko, napatodo ang pagkakasandal ko sa gilid ng kotse kaya....
*Boog...! Aray! Bumagsak ako sa backseat ng kotse. Nakababa ang roof niyon kaya dumiretso ako pahiga sa loob. Nakalawit pa ang mga binti ko sa pintuan ng backseat. At naramdaman ko pati ang pagbagsak ng isa kong flat shoe sa sahig ng basement.
Paktay!
Hindi ko alam kung gaano kalakas ang tunog ng pagkakabagsak ko pati ng sapatos ko. Hala! Anong gagawin ko? (T_T)
Aha! Inangat ko ang mga binti ko para makapasok ako nang tuluyan sa kotse. Tama! Magtatago muna 'ko dito at saka ko siya sosorpresahin kapag naramdaman kong malapit siya sa 'kin.
Anong gagawin ko sa kanya?
Paluin siya ng baseball bat...o .... Sakalin siya ng taling dala ko? I cringed. Hindi ako ganoon kasama, kakausapin ko na lang kaya siya at balian ng tatlong buto?
Pero hindi pa 'ko tapos sa plano ko nang marinig kong kumalampag pabukas at pasara ang pinto sa driver's seat ng kotseng kinaroroonan ko at nagsimulang irebolusyon ng driver ang makina ng sasakyan!
Oh my! Mayamaya ay nagsimulang umandar ang kotse palabas ng basement at umingit din pataas ang bakal na gate. Anong gagawin ko? Nandito pa din ako sa backseat! Mayamaya ay naramdaman kong mas naging patag ang dinadaanan namin, nasa highway na kami!
Nakilala ba 'ko ng lalakeng 'to? At ngayon ay hindi lang niya ko binalak na pagsamantalahan kundi pati kidnap-in?
Bigla akong natakot. Sumiksik lalo ako sa backseat. Medyo nakahiga ako kaya mga bituin lang sa langit ang nakikita ko. Pero mayamaya ay tumaas ang roof kaya wala na kong makita at nabawasan na din ang lamig.
Hindi ako kumikilos dahil baka maramdaman ng driver ang presensya ko. Isang lingon niya lang at mabubuking na 'ko!
But...come to think of it... Kung ang lalakeng 'to ay isa sa mga naglilinis sa basement...bakit niya ginamit ang isa sa mga sasakyan doon?
Mga fifteen minutes na kaming nasa biyahe at hindi ko alam kung nasaang lupalop na kami ng Pilipinas. Inaantok na din ako. Okay na din ang pagkakasiksik ko dito sa bandang likod ng driver's seat, dahil amoy na amoy ko siya.
I am sure this is the same man. He's also carrying that cool masculine fragrance na naamoy ko dati. At pamilyar sa akin ang amoy niya.
Kinapa ko ulit ang mga dala ko. Tsk! Bakit parang nakalimutan kong armado nga pala ako? Pero mamaya ko na ipapanakot sa kanya ang mga dala ko, ayoko namang magpakita sa kanya habang nagda-drive siya, wala akong balak na madisgrasya kami pareho sa kalsada.
Panakot lang naman talaga 'tong mga dala ko. At kaya rin siguro hindi ko siya hinarap agad ay dahil alam kong... safe ako? Na hindi siya masamang tao? Pero saan galing iyon? May mabuti bang tao na basta na lang naghahalik? Tsk!
Kailangan kong linawin ang isip ko. Kinapa ko ulit ang baseball bat. Pero naramdaman kong tumigil ang sinasakyan namin. Ilang minutong hindi muna bumaba ang driver. Nabuking na ba niya 'ko? Sisilipin ko na sana siya pero bumaba siya ng kotse.
Haaay! Ligtas na 'ko.
Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang isang lalake na palayong naglalakad. Naka-T –shirt siya na gray at nakapantalong maong.
Hindi talaga ako nagkamali. Siya nga iyon. Matangkad din. Binuksan ko nang marahan ang pinto sa tapat ko at lumabas.(?_!) Tinungo ko ang mga paa ko. Isa na lang ang sapatos ko! Tsk! Naiwan nga pala sa basement!
Hinubad ko na din ang isa pa. Hassle naman kung maglalakad ako ng isa lang ang sapatos sa paa. Lumingon-lingon muna 'ko. May dagat.. .At sa di kalayuan ay may mga bapor ? RORO? At iba pang shipping vessel?
Nasa port ako?! Sinundan ko ang nilakaran ng lalake. Ang hula ko, sa building na pupuntahan niya ay ang pinaka-travelers' waiting area. At nandoon na rin yata ang pinaka-opisina ng port.
Maliwanag ang lugar at napakadaming tao. Iba-ibang pasahero, madaming bagahe, at maingay din. May mga sumisigaw na mga crew ng barko, may umiiyak na mga bata, may mga nagta-tabako, may mga nagrereklamong pasahero at mga nagtatawanan.
Nakisiksik ako sa kanila. Muntikan ng mawala sa paningin ko ang likod ng lalake pero binilisan ko ang paglalakad kahit magaspang ang semento.
"Ineng, bakit wala kang sapin sa paa?"
Tanong sa'kin ng isang matandang babaeng nakasalubong ko. Gusto ko sana siyang lagpasan dahil lumiko na ang hinahabol ko.
"Ahhh...(?_?)" *Kamot ng batok.
"Nasira po kasi... kaya hinubad ko na, hehehe! Sige po, mauna na po 'ko sa inyo." Nginitian ko siya at tumakbo na 'ko.
( ?_ ?) (>_ ?) ( ?_<)
Nasaan na siya? Nawala na ang lalake!
Pumunta 'ko sa bawat sulok ng building, sa banyo at sa kabuuan ng waiting area. Pero wala!
(T_T)
Paano kung isa rin pala siya sa mga pasahero at ngayon ay nasa laot na siya?
Psh!
Pero hindi na iyon ang unang problema ko ngayon. Mas iniisip ko kung paano 'ko uuwi! Ngayon pa lang ako nakapunta dito sa pantalan. At wala din akong pera para pamasahe! Ni hindi ko din alam kung saan ako sasakay.
Lumabas ako ng building at naglakad-lakad sa gilid ng port malayo sa maraming tao.
Paano ba 'ko uuwi neto? Masakit na din ang paa ko at sigurado ako na ang itim itim na ng talampakan ko dahil sa dumi. Ipahanap kaya ako ni Uncle? Pero ang alam niya ay natutulog na 'ko.
Kung hindi sana ako nagpadala sa kuryusidad ko... Kung kinalimutan ko na sana ang linsyak na halik na iyon... Kung hindi sana 'ko sumandal sa kotse at nahulog sa backseat!
Para akong baliw na naglalakad. Ng nakapaa! I felt so helpless!
Lumingon ako sa pinanggalingan ko. Medyo malayo na pala ang nalalakad ko palayo sa port. Medyo madilim na din sa bahaging 'to. Wala na ding mga tao sa parteng 'to. Inakyat ko ang seawall at naglakad sa ibabaw nito. Sa ibaba ay malalaking bato pagkatapos ay tubig na ng dagat. Sanay naman akong magbalanse, lage kasi akong tumutulay sa bleacher.
Haaay... Hindi ko alam kung anong oras na. Sobrang lamig din. Saan ako pupunta neto?
Tama!
Babalik ako sa opisina ng port at makikiusap ako na kung pwedeng makagamit ng telepono nila. Tatawagan ko si Uncle, bahala na, saka ko na lang iintindihin ang panenermon ni Uncle.
Tama, tama. Patalon akong bumaba mula sa seawall at naglakad ako pabalik. Pero napatigil ako nang may mapansin akong nakasandal sa seawall na ilang metro ang layo sa'kin. Hindi ko maaninag ang kabuuan niya dahil medyo madilim pero....
"Unsmiling Prince!" Tumakbo ako palapit sa kanya. *Grin!
Daig ko pa ang batang nawala sa palengke pero nakita agad ang kasama ko. Lahat ng gutom, lamig at pag-aalala na hindi ako makakauwi eh nawala lahat.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya, grabe ang saya ko!
Bakit ba kapag nasa helpless na sitwasyon ako ay si Unsmiling Prince ang nakikita ko? Pero hindi ko na kailangan ng sagot, I'm just so happy!
"I should be the one asking that question, Dollar. Anong ginagawa mo dito sa oras na 'to?"
"Uhm..."
Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Na may sinusundan akong lalake na kilala ko lang base sa bango?
Pssh...
"You're so stubborn. C'mon." Napapailing siya.
"Huh? Saan?"
Hindi siya sumagot pero sumunod na din ako sa kanya, kahit naman siguro saan niya ako yayain ay sasama pa din ako. Buti na lang hindi na niya ulit tinanong kung bakit ako napadpad dito.
Life is soooooooo good! Kapag nasa ganitong sitwasyon ako, ang taong gusto ko ang sumasagip sa'kin...
^^^^^^^^
Dollar's POV
"What's the baseball bat for?"
Napatigil ako sa paghigop ng kape at nilingon siya. Nakausli nga pala ang bat sa backpack ko kaya kita ang kalahati.
''Uhm...nag... naglaro kasi kanina ni Cheiaki ng baseball, hehehe!''
Wish ko lang na hindi niya malaman na si Cheiaki ay limang taong gulang bata pa lang. !(-_-)
"I hope its purpose is not to hit someone's head. You're a war freak sometimes, you know.''
"Hahaha!" ninenerbyos kong tawa.
Iyon nga pala talaga ang balak ko kanina kung nakita ko iyong lalakeng iyon! But enough of that man! Mas gusto ko ng i-enjoy ang moment na 'to... Ikatlong beses na magkasama kaming kumain...
Pero ngayon, hindi naman talaga kami kumakain, nagkakape kami habang nakaupo sa ibabaw ng seawall, paharap sa dagat... Ng kami lang! Hehehe!
"Where are your shoes?" tanong ni Rion.
"Uhmm... nasa bag... Hehehe! Gusto ko kasing... ma-feel ang nilalakaran ko..."
Anong klaseng dahilan iyon? Hindi naman siya nag-react sa sagot ko at tahimik lang na nagkape.
Hihigop na sana ulit ako ng kape nang umihip ang hangin at ...naamoy ko ang pamilyar na bangong iyon. Nilapag ko ang paper cup at suminghot-singhot.
Sinundan ko ang direksyon niyon at nag-landing ang mukha ko malapit sa leeg ng katabi ko. At dahil walang ibang tao sa madilim na bahaging 'to kundi kaming dalawa lang...
"Hey, what are you doing?" Hinawakan ni Rion ang magkabila kong balikat at marahan akong nilayo sa kanya.
Weird. Bakit kasingbango niya ang lalake sa basement? Lumapit ulit ako sa kanya.
''S-stop it, Dollar. Hindi porque nasa madilim na lugar tayong...Ugh! What the---"
"Be still, Rion, may gusto lang akong alamin." Saway ko sa kanya.
"Through smelling me? What are you, K9 dog? I don't carry bombs."
Hindi ko siya inintindi at dahil umiwas siya, sa manggas ng T-shirt niya nag-landing ang ilong ko.
But that was enough for me to inhale his scent. Umayos ako sa pagkaka-upo ko. I am confused. Bakit magkapareho sila ng bango ng lalake sa basement ? Do they use the same musk cologne?
Pero nabasa ko sa magazine na humahalo ang pabangong ginagamit sa natural na amoy ng isang tao na nagreresulta sa bango na siya lang ang magmamay-ari. That was all about chemistry of the body's smell. Mag-iiba ang bango ng isang tao depende sa reaksyon ng katawan sa ginamit na pabango.
Pero... Sigurado ako na iyon din ang naamoy ko. Paano ko makakalimutan kung sumubsob nga ang mukha ko sa katawan ng lalakeng 'yon?
"So?" Rion gave me that questioning look. Parang tinatanong niya kung anong nalaman ko.
"Huh? Uhm... Ang bango mo."
"Well, thank you." Inubos niya ang kape niya at bumaba mula sa seawall.
"Do you always do that?"
"Ang ano?" (?_?)
"Inhale the scent of someone? You'll get into trouble in that habit."
"Sa'yo ko pa lang ginawa no! I just thought...ugh! Never mind!"
Bumaba na din ako.
"Go home." He cocked his head to one direction. Sinundan ko ang tinuro niya at nakita ko ang paparating na sasakyan ni Moi.
Paano niya nalaman na nadito ako?
''Will I see you again this vacation, Unsmiling Prince?"
"Why do you want to see me again?" Seryoso niyang tanong.
"Tss! Tinatanong pa ba yan? Syempre dahil gusto ko! One week is too long for me."
Ang totoo, nayayamot ako, bakit hindi siya ang maghatid sa'kin?
He let out a sigh and lifted my chin through his finger.
Medyo madilim sa kinatatayuan namin kaya silhoutte lang ng mukha niya ang nakikita ko. Our eyes met. I am always fascinated with those dark eyes of his. Parang mga black diamonds. So rare...
"Don't do anything stupid again, Powerpuff. And..." Tiningnan niya ang mga paa ko. "...Grab a pair of strappy sandals para hindi naaalis sa paa mo and...don't ever try to hide in the backseat... a man prefer a girl sitting in the passenger's seat... beside him. Now, go home." May inabot siya sa'kin na nakabalot sa supot na papel.
Ano daw?
"Oy, Tisay, tara na." Tawag sa'kin ni Moi na nakalapit na pala sa'min.
"Teka, Rion, anong sabi mo?"
" I said go home."
Iyon lang at tumalikod na siya.
Bakit ba kapag feeling ko na may sasabihin siyang importante sa'kin ay saka naglalabasan ang mga extraneous factor? May bumusina kasing bapor kaya hindi ko narinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung busina nga iyon pero ang lakas ng tunog.
Tiningnan ko ang nilakaran ni Rion, pero wala na siya. Ano naman kayang laman ng paperbag na 'to ?
"What-are-these?" tanong ni Moi na nakalkal na pala ang bag ko.
"Oy, wag mo ngang pakelaman yan."
"Baseball bat? Masking tape? Paper cutter? Lubid? Mas parang mangungursunada ka ng kung sino kesa maglalayas."
"Sino namang may sabi sa'yong maglalayas ako?"
"I just thought that when Rion called me to fetch you here at the port."
"Tinawagan ka ni Rion?!"
I am surprised. Bakit tatawagan ni Rion si Moi? Do they know each other that much para magtawagan sila ?
"Nalamigan lang ang ulo mo kaya kung anu-anong iniisip mo. Wala naman akong sinabing ganyan ah!"
Exagerrated siyang umiling. Hindi talaga siya magaling magsinungaling. Mas nahahalata kapag nagdadahilan.
"Tara na nga." yaya niya sa'kin.
"Hindi ka na ba galit sa'kin dahil kanina, Moi?"
"Why would I be mad to our little Duchess ? Bukod sa pagiging gwapo ay malawak din ang pang-unawa ko sa mga babae. Tsk! Mas takot akong mabatukan ni Zilv!"
Binatukan ko siya.
"Ugh! Sakay na nga!"
Sumakay na kami sa kotse niya at lumabas kami ng seaport. Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Rion kanina?
And what about the same musk smell of his? Hindi kaya...
"Moi, bakit mo nga pala nalaman na nandito ako?
"Dahil pogi ako.''
"Isa, Moi...''
"Ugh ! Eh ikaw paano ka nakarating sa pantalan ? That was a fifteen minute drive from your house? Huwag mong sabihing nagsleep-walk ka?"
Ano nga bang idadahilan ko sa kanya? Na may sinundan akong lalake?
"Okay, wag mo ng sagutin ang tanong ko, hindi na din ako magtatanong."
"And that's settled then. Kailangan na lang nating makauwi agad para hindi mapansin ni Uncle na wala ka na sa kwarto mo. Tsk! Bakit ako lage ang gumagawa nito! Ugh! Lagot ako kay Uncle kapag nalaman niya 'to. Hindi porque ako ang pinakagwapo sa'ming tatlo ay pwede na nila akong utusan sa isang tawag lang. I was in the middle of my dinner date!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Ayaw mo ba 'kong ihatid pauwi?"
"Syempre hindi! I just... ugh! Wala, wala, wala."
"You're weird"
"Whatever." Binuhay ni Moi ang car stereo at narinig sa buong sasakyan ang Keep your Head Up by Auburn.
It was a mellow music, pero naghe-headbang si Moi habang nagda-drive. Kung hindi ba naman talaga weirdo!
Naalala ko ang supot na binigay sa'kin ni Rion. Is this a gift? Pero malayo pa ang birthday ko ah, dalawang linggo pa.
Tinaktak ko ang laman niyon at bumagsak sa lap ko ang... Isa kong flat shoe!
Paanong... Inilabas ko ang isa ko pang flat na pinasok ko sa bag ko kanina.
Paanong...
Naiwan ko ito sa basement kanina 'di ba? Paanong napunta kay Rion?
May naalala ko bigla. Rion's masculine musk fragrance.... At ang lalakeng naglalakad kanina sa parking ng seaport...
Pati ang get-up ni Rion noong Halloween Festival, T-shirt and jeans... Pati ang lalakeng nabunggo ko sa backdoor noong pinagbawalan ako ni Uncle sa restaurant...
That gorgeous back of his... Si Rion?
At ngayon ko lang na-realize na pamilyar ang boses ng lalake sa basement.
Pero anong ginagawa niya sa basement?
Coincidence lang ba ? His scent...The way he carries himself...His voice...
"Aaaaaah!!!"
"What the-----" Biglang napa-preno si Moi.
"Hell ! Bakit sa putok ng baril ay hindi ako natataranta pero sa sigaw ng babae...ugh ! 'Nong problema mo?" Pinatay niya ang tugtog.
"Moi... si Rion..." I looked up at him, wide eyes.
"What?! Anong ginawa niya sa'yo? That bastard!"
"Oy, teka saan ka pupunta? Wala siyang ginagawang... masama."
Hinila ko siya pabalik.
"You sure?" nakakunot-noong tanong ni Moi.
"Yeah."
"Bakit ka sumigaw?"
"Kasi..."
Syempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nalaman ko.
"Nag-aalala kasi ako sa kanya, gabi na, baka... mapahamak siya."
Anong klaseng dahilan iyon?
"What?! Dalhin mo siya sa gitna ng desyerto, sa Amazon Jungle at kahit sa Bermuda Triangle pa. I'm bloody sure he'll survive! I'll bet my precious Harley to that. At ngayon mag-aalala ka sa lugar na gamay na gamay niya? He's a man and a trained one."
"Ano? Anong ibig mong sabihin?"
"Huh? Ano bang sinabi ko? Hay...wag ka na uling sisigaw, okay? Baka sa bangin na tayo dumiretso, sayang ang kagwapuhan ko."
"What do you mean na sanay si Rion, gaano mo ba siya kakilala?"
" Wala akong kilalang Rion." Exaggerated ulit siyang umiling. Kung hindi ba naman nagsisinungaling.
"Moi?"
"Wala akong sinasabi, wag kang makulet." Ini-start niya ulit ang sasakyan.
"How about the basement? Alam mo ba kung bakit napunta siya doon?"
Bigla na naman siyang nag-preno.
"How did you know that? I mean... How could you say that! At bakit pupunta si Rion sa basement?" Tinuloy niya ang pagda-drive.
"Tumingin ka nga sa'kin nang diretso, Moises." Seryoso kong utos sa kanya.
"I can't. Nagda-drive ako, remember?"
"May tinatago kayo sa 'kin ni Zilv, Moi. Napapansin ko ang mga titigan ninyong tatlo nila Rion kapag nagkikita kayo. It is as if you knew each other for a long time...."
"Tss! Guniguni mo lang yun."
Tiningnan ko ulit siya nang nagdududa. Malalaman ko din ang tungkol sa kanilang tatlo.
Ang problema ko ngayon ay tungkol sa natuklasan ko. Ang lalake sa basement at si Rion ay iisa! Anong gagawin ko? Matutuwa ba 'ko? Lumingon ako sa likod ng kotse, na parang nakikita ko pa din ang seaport.
Paano na kapag nag-resume ang klase sa isang linggo? Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko sa kanya? Na alam ko na siya ang lalake sa basement? That we shared a kiss that night? That will be so awkward!
Pero bakit niya binigay sa'kin ang flat shoe ko na nalaglag sa basement? At bakit nasa port din siya? Para na din siyang nagpakilala sa'kin...
Nayakap ko ang dalawa kong sapatos. Aaaaah! I yelled in my mind.
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.