Baixar aplicativo
4.47% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 3: Sweet Surrender

Capítulo 3: Sweet Surrender

Dollar's POV

Nafifi-feel ko na ang aura niya. Nasa paligid lang siya, alam ko.

"Cute me, cute me" pag-e-excuse ko sa mga Business Education students na nakaharang sa daraanan ko.

At kahit hindi ako lumingon, alam ko kung pa'no ko nila titigan.

1) Titig na may pagtataka dahil may pumasok na alien sa BusinessEd Bldg.

2) Titig na (oh I know that girls) may halong insecurities dahil sa angkin kong kagandahan. *Evil laugh

( Ok, ok ,ok I know na masyado 'kong mayabang pero sino pa ba namang mag-aangat ng sarili kong bangko kung 'di ako rin lang 'di ba?)

But enough of my kagandahan. At enough of mga linsyak na mga titig na 'yan. Nasan na ba kasi 'yong giant kamoteng 'yon? Ambilis mag-disappearing act ah! Nakita ko lang kaninang lumabas ng SSC office, nawala na agad.

Lingon. Lingon. Lingon. (>_O) (O_<) Ayun!

Nasa ilalim ng puno! May mga kausap na mga babae. Mas matatangkad kaysa sa'kin, same age ni Rion, probably his classmates, at ang masakit, mas magaganda kesa sa 'kin.

Teka, kailangan ko 'atang magsuklay.

Pero huli na, napalingon na si Unsmiling Prince. I'd look silly kung iiipit ko pa ang buhok ko sa tenga ko at hahagudin ng kamay ang buhok ko 'di ba. Tutal pumunta ako dito sa teritoryo niya nang 'di nag-iisip kaya lulubus-lubusin ko na ang di masyadong pag-e-exert ng effort. Ngisi at beautiful eyes lang 'yan.

Habang papalapit ako sa kanya ay ramdam ko na naman ang titig ng mga ka-year level niya. Titig na parang nagsasabi na "Why would a lower year student approach a high and mighty Rion ? Ewan ko sa 'nyo.

Pasensya na Euna, di ko kayang magnasa sa malayo, gusto ko nang malapitan *Grin

Uy lapit ko na sa kanya. And that questioning look in his eyes again.

I'm standing few steps from him and I'm staring at him with adoration. Ngek, mukha 'kong gaga nito. Pero ok lang 'yan, magaling na maaga pa lang ay maparating ko na sa kanya ang layunin ko. (^_^)

He crossed his arms and look at me intently.

Feeling ko nawala ang mga nakatungangang estudyante sa paligid namin. At naglaglagan ang mga dahon ng puno, and the wind blew softly at unti-unting naglapit ang mga mukha namin and then...

"Quit daydreaming."

And that broke the magic spell between the two of us.

"May sasabihin ako sa'yo." Pa-cute kong sabi. *Grin. Beautiful eyes.

And he gave his classmates a dismissal look. Talaga ang authority ng lalakeng 'to o! Dinadaan lahat sa titig. At hindi ko na kailangang makita ang mga nagbubuhol-buhol na kilay ng mga babaeng 'yon na tahimik na umalis.

"Sabi ni Stacy madami na daw akong nilabag na school rules and reg.. 'Eto oh nilista ko."

At inabot ko sa kanya ang maliit na piraso ng papel na bahagya lang niyang sinulyapan.

Wala namang sinasabi si Stacy kasi di pa niya 'ko inaabutan sa pagtakbo. Press release ko lang 'yan.

"So?" He asked. Grabe namang tipid nitong magsalita, wala ng nabuong sentence.

"So here I am, reporting to you. Pag-usapan natin ang kaso ko." And then I smiled, na para bang ang paglabag sa mga rules ay nakaka-proud na bagay.

And there he goes again, looking at me intently. Sinulyapan niya ulit ang papel na binigay ko sa kanya and, "Ang guidance office ang bahala sa kaso mo, 'di ko 'to sakop."

Huwaat?! Ba't di ko naisip? Hindi ako pwedeng magka-record sa guidance office. Lagot ako kay Uncle!

"But Ms. Robles is not around so I can give you some disciplinary actions... for now."

Grabe, tinakot pa 'ko eh. "Talaga? Ok simulan na natin!" Excited kong sabi.

Parang kahit paglinisin niya 'ko ng mga toilet ay makakaya ko basta babantayan niya ko. But on second thought... Wag naman sana niya 'kong paglinisin ng toilet. Y_Y

"Follow me."

At naglakad kami. Nilagpasan namin ang building nila at naglakad papunta sa gilid ng school malapit kung saan natatanaw ang dagat, South China Sea particularly.

Sana isang kilometro pa ang layo ng lalakarin namin. Enjoy pagnasaan ang likod niya.

Muntikan pa 'kong mabangga sa likod niya nang bigla siyang huminto. Nasa part na kami ng school kung saan may mga lumang wooden bleachers sa ilalim ng mga puno na nakatanaw sa dalampasigan. Hindi masyado matao dito dahil medyo malayo sa mga department buildings.

At tama ang iniisip nyo. Romantic dito. With the wind blowing softly at ang mga dahong naglalaglagan...

"Linisin mo."

(O_O)? Inilibot ko ang tingin ko. Ok, medyo malawak pero yakang-yaka 'yan. With him by my sid-

Nasaan na 'yon? Ang bilis naman mawala, tumalikod lang ako nang saglit.

Lilinisin ko ba 'to?


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login