Masaya akong bumalik sa room namin dahil maganda naman ang kinahinatnan ng pag-uusap namin ni Ailyn. Pagpasok ko ng room namin nakita ko si Justin na nanonood ng anime sa kanyang laptop, lumapit ako sa kanya para makipag-usap.
"Pre."
"Oh?"
"Pasensiya ka na kasi pati ikaw pinagselosan ko."
"Okay."
"Attitude ka sis? Kakausapin mo ba ako or forever ng hindi lalayag ang ship mo. Ayus-ayusin mo ang desisyon mo sa buhay?"
Dahil dakilang chismoso si Justin, tinigil niya ang panonood at humarap sa akin.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Makipagbati daw ako sayo para makabawi man lang ako sa kanya. Tapos sabi niya, sinabi ko bang ayaw kita? Ano sa tingin mo?"
"Don't assume unless otherwise stated, accounting rule. Hindi stated ang sagot niya sayo ibig sabihin 'nun hindi ka pwedeng mag-assume. Business student siya Laxamana, pinaninidigan nila ang rule na 'yan. Kailangan mong makakuha ng direct na sagot galing sa kanya. Huwag kang papatalo gamitan mo din ng pangmalakasang engineering drawing para ma-convey mo ang informationna gusto mong makuha. In short, huwag kang hanggang projections lang i-blueprint mo."
"Bakit may sense ang pinagsasabi mo ngayon? Tsaka saan mo natutunan ang mga business-related na rule na 'yan.?"
"Huwag mong bigyan ng ibang meaning ang mga pinagsasabi ko, kailangan mong makakuha ng sagot kay Ailyn, ASAP. Hindi pwedeng hindi pa lalayag ang ship ko, malapit na akong grumaduate. Namputa Nigel, huwag kang pagong."
Buong gabing ang mga pinagsasasabi ni Justin ang inisip ko, naging kampante ako sa mga indirect na sagot ni Ailyn kanina dahil masyado akong excited na maging maayos kami. Tama si Justin, mahirap mag-aasume lalo na ngayon dahil si Ailyn ay mas focus niya ang pag-aaral. Nag-decide ako na bukas ay sila Faye ang gagamitin para malaman ang sagot ni niya sa akin.
May plates kaming gagawin sa Hydro ngayon kaya pupunta ang tropa sa dorm para dito na kami gumawa. Hinihintay namin sila sa may stone table ng palabas din ng dorm na nakaporma sila Ailyn, Faye, Ace at Aira.
"Saan punta niyo bebe girls? Ayos na ayos a." si Justin na pakialamero sa buong mundo.
"Rob lang." si Aira ang sumagot sa kanya.
"Sama ako."
"Gusto mo bang makantahan ng ni Dr. Ballesteros ng hello singko, my sureball grade?" baling ko kay Justin.
Umiiling na lang na natatawa 'yung apat kay Justin, "Bilhan niyo ako pasalubong bebe girls."
"Ano kami pupuntang abroad kuya Justin? Mukha ka talagang pasalubong." Tawa ni Ailyn.
She's wearing a faded blue ripped jeans and a white cropped top tapos nakaputing sneakers siya.
Lumapit ako sa kanya tapos inakbayan ko siya, "Ingat kayo."
Tinanggal niya ang kamay ko sa kanya, lumayo siya sa akin at ngumiti lang.
"SANA ALL. MALAKING SANA ALL." si Justin na sumigaw pa.
"Oh, anong commotion ito?" si Andrew na kadadating lang, "Ay bati na kayo?"
Dumating din si Paul at Karl, si Ron naman ay naglalaba pa kaya di pa lumalabas.
"Iba na ba ang ihip ng hangin dito sa COEDs ngayon? Maganda na ang hulma ng mukha ni Nigel?" si Karl na nakangisi pa sa akin.
"Iba kapag may silay, parang nadiligan." si Paul na nakipag-high five pa kay Karl.
"Mga ulol!"
"O, nasaan na naman si Macky?" si Ron na palabas ng dorm.
"Na kay Nicole, masyadong supportive 'yung friend niyo." si Ailyn na nakangisi sa amin.
"Alis na kami mga kuya. Study well, sana walang makantahan ng hello singko, may sureball grade sa inyo." Paalam ni Faye sa amin.
Nagsimula na din kaming gumawa ng plates namin.
"Nigel, okay na kayo?" si Andrew na katatapos lang mag-solve ng problem set namin.
"Hindi niya sure. Indirect ang sagot sa kanya e." si Justin na laging nakikisapaw.
"Animal, spokesperson ka pare?" si Paul na binatukan si Justin.
"Tulungan niyo nga 'yang makakuha ng sure na sagot para lumayag na 'yung ship ko. Magpapakain ako kapag nakakuha kayo ng maayos na sagot. Kahit Cabalen pa. Deal?"
"Huwag kang scam, Yadao." Si Ron na lumapit na sa amin para makiusyoso.
"Baka isipin 'nung tao pinagpupustahan niyo naman. Okay na ako na free na ulit akong lumapit-lapit sa kanya."
Si Karl naman ang lumapit ngayon, "Alam mo Nigel, huwag kang pakampante. May nag-confess nga sa kanya sa secret files ng university. Ang daming nag-mention sa kanya."
Pinakita ni Karl ang confession, taga-CHS 'yung lalaki, binigay pa ang full name. Feeling naman niya makukuha siya ni Ailyn, manigas siya dyan. Alas tres na ng dumating si Macky sa dorm, mukhang kagigising niya lang. Gulo-gulo pa ang buhok ne'to.
"Oh buti naisipan mo pang magpakita sa amin." si Paul na lumapit para batukan si Macky.
"Ganun talaga kapag may lovelife, wala ka kasi nun kaya huwag kang bitter dyan." Bara ni Macky kay Paul.
"Sana makantahan ka ng hello singko, my sureball grade ni Dr. Ballesteros." Sagot ulit ni Paul sa kanya.
"Pasmado bibig mo pare."
Tumawa kami dahil mukhang talong-talo si Macky. Nakakatakot naman talagang makantahan 'nun lalo na kapag si Dr. Ballesteros. Malaking kalaban talaga sa College of Engineering 'yun lalo na sa Civil Engineering Department. Pinagpatuloy na lang namin gumawa ng plates namin. Nag-decide silang dito na lang matulog sa dorm kaya kailangan naming kumuha ng slip para sa kanila.
Five o'clock nang nakita kong dumating sila Ailyn. Lumapit ako sa kanila para kamustahin ang lakad nila.
"Kumusta lakad niyo?" ngumiti ako sa kanya.
"Okay lang. May dala pala kaming foods para sa inyo." Sabi niya sabay pakita ng dalawang box ng Rafael's na pizza.
"Para sa amin ba 'yan? Approve na approve kana talaga sa aming maging jowa ni Nigel. Kahit walang suhol, pero sana more foods to come." si Macky na lumapit na lumabas din kasi may kukunin sa motor niya. Naglabas din siya ng Marsha's brownies na dalawang boxes.
Inabot niya kay Ailyn 'yung isa, "Pinamimigay ni Nicole."
"Thank you, suhol din ba 'to para bantayan kita?" asar ni Ailyn kay Macky.
Umiling siya at bumalik na rin sa loob. Hawak-hawak na niya ang pizza'ng dala nila Ailyn at 'yung Marsha's brownie na dala niya.
"Tapos na kayo?" tanong niya sa akin.
"Oo pero mag-aaral pa para sa long exam ulit sa major."
"Fighting." Ngumiti siya sa akin.
Naging busy ako sa training para sa varsity kaya hindi kami masyadong nagkikita ni Ailyn. Ang training kasi namin ay from 5pm hanggang 10pm. Hanggang text lang kami ngayon dahil busy din siya sa preparations ng Sirmata para sa coverage nila sa university games. 10 pm na natapos ang training namin ngayon dahil bukas ay simula na ng university games.
To: Ailyn
Done. Nakauwi kana?
From: Ailyn
Nope. Nasa office pa.
To: Ailyn
Hintayin na kita
From: Ailyn
Huwag na, you're tired. Tsaka maaga pa parade bukas. Una ka nang umuwi. Papahatid na lang ako.
To: Ailyn
I'll wait, nasa labas na ako.
From: Ailyn
What? Wait.
--
Lumabas siya ng office nila, nasa labas ako ng PE Department kasi dinaan ko 'yung mga bola sa coach namin.
"Kumusta practice?"
"Nakakapagod." I chuckled.
"Kumain ka na?"
"Oo pero kanina pa. Ikaw?"
"Tapos na kami, gusto mo ba 'yung natira kong food? Ayaw ko kasi nung ulam kaya di ko nakain, kaya lang tira na lang 'yun."
"Sige, gutom na din kasi ulit ako."
Lumabas siyang dala 'yung naka-box na pagkain, may paksiw na okra doon at may kagat nang fried chicken. Mayroon din red ribbon na cake doon, tsaka isang bottled water.
"Here. Kain ka muna, gusto mo bang pumasok na lang sa office? Para makakain ka ng maayos."
"Dito na lang, bumalik ka na dun baka pagalitan ka pa."
Kinain ko na 'yung binagay niyang pagkain sa akin. Hindi ko din namalayang nakatulog ako sa paghihintay sa kanya.
"Hey, wake up. Uwi na tayo." Tapik ni Ailyn sa akin.
Tumayo na ako. Dahil hindi ako nagdala ng motor ngayon, maglalakad kami pauwi ng dorm. Mabuti na lang may guard ang mga dadaan naming college pati main library tsaka maliwanag naman. Tahimik lang si Ailyn na naglalakad sa tabi ko.
"Nood ka bukas a."
"Tingnan ko kung available ako, anong oras ba?"
"3pm, CTE kalaban namin."
"Hindi ko sure pero ita-try ko. May coverage kami tapos may org activity pa."
"Sige." Malungkot kong sagot sa kanya.
Napansin niya siguro na matamlay ako kaya tumigil siya sa paglalakad, "CTE pa lang naman kalaban niyo. Nood ako kapag college na namin kalaban niyo."
"First game 'yun, para sana may inspirasyon tsaka may crush ka lang na player sa college niyo kaya ka manonood e."
Tumawa siya, "Ang hot kaya maglaro ni Vidad, worth it panoorin."
"O di siya na panoorin mo." Masungit kong balik sa kanya.
Mas lalo lang lumakas ang tawa niya, "Wow, mood swing at it finest."
"Bahala ka dyan."
Nagmadali akong maglakad para maiwan siya. Nasa part pa naman kami na maraming kahoy na daan pauwi ng dorm kaya medyo madilim.
"Hoy Laxamana, hintayin mo ako. Kapag ako namatay dito. Ikaw una kong mumultuhin."
Tumigil ako para maabutan niya ako, "OA ka sa mamamatay ha, hindi pa nga tayo. Huwag muna."
"Nanliligaw ka ba?"
"May iba pa bang meaning 'tong mga ginagawa kong pagsundo at paghatid sayo? Yung mga texts ko, hindi pa ba nanliligaw sayo 'yun?"
"Actions without words are pointless."
"Action speaks louder than words." Balik ko sa kanya.
"Don't assume unless otherwise stated." She said with finality.
Nagkamot ako ng ulo, "Tama nga si Justin, pinaninindigan niyong mga business students' ang rule na 'yan."
Nakarating na kami ng dorm. Napagalitan pa kami sa guard dahil wala kaming slip na mali-late kami ng uwi ngayon. Na-issue pa kami na iba ang ginawa sa labas kaya late kaming nakauwi pero hindi na lang kami nakipag-argue dahil baka mas humaba pa ang usapan. Hinatid ko na muna siya sa building nila. Hinawakan ko ang kamay niya bago siya pumasok sa building nila.
"I'm courting you, okay? Pwede mo nang bigyan ng ibang meaning ang mga actions ko para hindi na sila pointless para sayo."