Baixar aplicativo
79.03% 3:02 Times Up / Chapter 49: 48

Capítulo 49: 48

Lifting

Third

Nang bumagsak si Riri sa katawan ni Bluce ay agad niya itong inalalayan at tumingin sa kanila naamoy rin nito ang amoy nitong beer

"Sige hatid ko na siya!"tumango naman sila pero bago pa iyon ay sumabat si Elaine dito

"Hoy!Ingatan mo yan si Riri check ko yan mamaya kapag wala yan papakulong kita!"ani nito na may kalansingan na sa boses nakaka-anim na bote na kasi ito ngumiti na lamang sa kanya si Bluce at binuhat na si Riri

Kung paano nalamang ni Bluce na nandun siya ay coincidence lamang dahil nandun pupuntahan sana nito si Slate sa Coffee shop na iyon

Nagulat siya ng gumalaw si Riri at pilit itong bumaba sa bisig ni Bluce binaba rin naman siya nito tumingin si Riri kay Bluce may katangkaran si Bluce at maliit naman si Riri kaya nahihirapan din silang mag-usap

Bumaba ng kaunti si Bluce para ddi mahirapan si Riri sa pagtingala dito.Kita ni Bluce ang mga mata ni Riri na gusto ng pumikit pero binubuksan pa rin niya ito para makita siya

Ganun na lamang ang gulat niya ng paluin ni Riri sa ulo si Bluce

"Bad ka!Nang-iiwan ka!Lagi akong pinapagalitan kung bakit may isang kotse duon nawawalan daw ng space yung ibang may-ari nung condominium!"ani nito natawa na lamang si Bluce at tumingin sa ibang direksyon tumingin naman sa kanya si Riri at tumawa

Umikot si Riri at hinawakan ang balikat ni Bluce at biglang sumakay sa likod niya ito mabuti na lamang ay nahawakan niya ang legs nito at kung hindi para pareho silang natumba

"Tara na Mr.Kumag!"tuminngin si Bluce sa ibaba at ngumiti na lamang ito

"Pero diba dapat mag-kotse tayo?"tanong nito at naramdaman niyang umiling ng mabilis si Riri dito

"HINDI!Lakarin mo yan Kumag!Parusa mo yan ikaw kasing kumag ka wag kang mang-iwan!"ani nito at natulog ulit sa balikat ni Bluce ngumiti na lamang si Bluce dito at nagsimula ng maglakad

'Kung iyan ang makakapag pagaan ng loob mo sige!Lalakarin ko ang Ortigas hanggang sa Makati.'

Nagsimula na siyang maglakad ng pagkahaba-haba habang pasanin ang dalaga di nito alintana ang pagod para sa babaeng kanyang unang minahal

Habang naglalakad ito ay nagsasalita kahit di naman rinig ng dalaga dahil tulog ito

"Alam mo Riri di ko alam kung bakit di mo ko magustuhan?Panget ba ako?"tanong niya habang nakatingin ng diretso sa daan

"Bakit si Vaigan pa kasi?"tanong nito pero di na ito nagsalita pa ulit dahil di naman ito masasagot ng dalaga

Ilang oras lang ay nakarating na siya sa condominium ng dalaga at pinindot na nito ang floor niya pero mukhang may problema ito batid niya na tulog na ang mga kaibigan nito kaya paano sila makakapasok sa loob ng condo nito?

"Sana naman may finger print na pwede ano?"tanong niya sa sarili habang pataas ang elevator tumunog ang elevator at lumabas na siya sa loob nito

"Hmm?"narinig ni bluce ang ungol nito sa totoo lamang ay nangangalay at napapagod na rin ito sa pagbuhat sa dalaga dahil may kabigatan rin naman ito kahit papaano

"Ang liit mo na nga mabigat ka pa."ani ni bluce at mas lalong nadagdagan ang problema nito dahil di niya alam ang condo unit nito

"Ang mga malilit kasi wag ng uminom mabilis kasing mapuno yang maliit niyong stomach ha!?Riri!"narinig niya itong nagsabi ng "hmm" at umiling na lamang siya

Sinimulan niyang gisingin ito

"Hey maliit anong unit mo!?"

"Hmm?"

"Unit mo kamo?"

"Unit?Sa puso mo ayieee!"nagawa pang bumanat ng dalaga sa kabila ng kalasingan nito di alam ni bkuce kung kikiligin siya o ibabagsak niya na lang si Riri

"Ano nga!?Banat-banat pa di naman nakakakilig."inis na sabi nito piningot naman ni Riri ang tenga nito at napa-sigaw naman si Bluce dito

"Ikaw!?Ang kumag mo talaga unit 367!"agad na tumungo si Bluce duon at humarap siya sa pinto na iyon

"Anong passcode nito?"tanong niya

"14324."bulong nito at tinipa naman ni Bluce ang passcode nito at nabuksan niya ang condo nito at nang makapasok ay agad niyang sinara ang pinto at ni-lock

Dumeretso siya sa kwarto nito at nilapag siya duon agad na nahiga si Riri duon at tumagilid ito nailing na lamang sa kanya si Bluce at kinumutan bago lumabas

Sa kabilang kwarto na lamang ito matutulog.Nang pumasok ito ay agad niyang hinubad ang sapatos nito at umupo sa kama naramdaman niya ang sakit ng kanyang paa at kanyang mga binti

Ngumiti na lamang siya at natulog na rin kalaunan

Maagang nagising si Riri naramdaman nito ang kaunting hang-over pero kaya pa naman niya pumasok siya sa loob ng banyo at naligo na

Habang naliligo ito ay di niya alam kung paano ito napunta sa kanya kwarto naisip na lamang niyang siguro na dinala siya dito nila Ivy

Nang lumabas siya ay agad itong nag-bihis ng kanyang office dress at lumabas na pra mag-almusal ng makita niya ang isang taong pamilyar sa kanya

"B-bluce paano ka nakapunta rito?"tanong niya at sinenyas naman nito ang pinto napa-roll eyes na lamang ito sinenyasan siya nito na umupo inalok naman nito ang pagkain na kinakain ngayon ni Bluce

"Paano ka nga napunga dito?May ginawa ka noh?"tanong nito at mabilis na niyakap ang sarili tumawa naman ang binata dito

"Para saan yang kabilang kwarto ha?"tanong niya napatingin naman duon si Riri at ngumuso na lamang ito at kinain ang pandesal na pinalaman ng pancit

"I-ikaw ba naghatid saakin dito?"tumango naman sa tanong si Bluce at natawa nagtaka naman sa kanya si Riri

"Bakit?"

"Alam mo ba mga sinasabi mo kagabi?"tanong niya rito at natawa pa lalo kaya naman hinampas ni Riri ng kutsara ang binata sa kamay nito kaya napatigil si Bluce sa pagtawa

"A-ano i-iyon?"tanong niya ng nauutal dito

"May utang ka sakin!"nagtaka naman ito sa kanya kinagatan ni Riri ang pandesal niya at tumingin naman sa kanya si Bluce

"Pinaglakad mo ako mula Makati hanggang Ortigas."ani nito napatigil naman sa pagkagat si Riri sa sinabi nito at tinuro ang sarili na parang sinasabing "siya?"

"Oo kesyo mang-iiwan ako kaya yun ang parusa ko tss."napapikit naman si Riri duon at napadilat ng may maalala

"Eh bkit hindi ka nagkotse?"

"Diba nga parusa?KUMAG!?"diniin pa nito ang salitang 'KUMAG'

"Talagang nilakad mo iyon?"tumango naman si Bluce dito at kumuha ng pandesal at nagsalin ito ng pansit

"M-may sinabi pa ba ako?"natawa ulit si Bluce ng maalala nito ang sinabi niya kaya sinamaan niya ito ng tingin

"Tinanong ko kung anong unit mo sabi mo."tumikhim muna ito bago magsalita at nagsimulang magpa-cute ng boses

"Unit?Sa puso mo ayieeeee!"gayang-gayan nito ang katagang binigkas ni Riri at si riri naman ay namula at napatakip ng mukha

"Ayos lang yan Riri cute ka naman eh."tumawa ito ng malakas tumayo ito at umalis na para iwan si Bluce sa loob ng Condo nito

'Nakakahiya ka Riri!'

Labis ang hiyang nararamdaman nito dahil sa mga nangyare kagabi at mas lalong naguilty ito ng marinig na pinaglakad pa niya ito

"Kasalanan din naman niya sinunod niya ako eh."ani nito at hinawakan ang kamay na naka-angat naramdamang niyang nakatingin sa kanya ang mga tao tumingin ito sa paligid pero inignore na lamang niya iyon

At dumukot ito sa kanyang kamay at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya dahil

"Naiwan ko pala yung bag ko!"ani nito at nahihiya ng sobra at bumalik kaagad sa condo niya at binuksan nito ang pinto at nagualt siya ng makita si Bluce duon

"Ay butiki kang kumag ka!"tumawa lang si Bluce at inangat ang nasa kamay nito

"Hahaha naiwan mo ata ang bag mo!Maliit!"agad na kinuha ni Riri ang bag nito at umalis na iling iling lamang na sinara ni Bluce ang pinto

"Itong maliit na toh!"


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C49
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login