"What do you mean?! Marami kayong pwedeng gawin!" sigaw ko kay Dean Basillia, nandito kami ngayon ni Rhia sa office ni Dean at sinasabi naming hanapin na nila si Dexter dahil tatlong araw na siyang hindi pumapasok sa klase namin.
Nag-aalala na kaming lahat sa kan'ya, hindi naman ganito si Dexter. Palagi niyang pinapaalam sa 'min kapag may kailangan siyang puntahan dahil ayaw niyang mag-alala ang buong klase sa kalagayan niya.
"Calm down, Vice President Alhena Avis, walang magagawa ang pagiging mainitin ng ulo mo," mariin na sabi ni Dean. Napahinga na lang ako nang malalim at umupo na sa tabi ni Rhia. "Kumalma kayong dalawa, hindi naman pwedeng magpadalos-dalos lang tayo. Paano kung wala namang nangyaring masama sa kan'ya? Hindi ko hahayaan na masira ang pangalan ng eskwelahan na 'to dahil lang sa simpleng pagkakamali."
"Pero, Sir Basillia, hindi po gano'n si President Dexter," wika naman ni Rhia, pinipigilan ko ang sarili ko na h'wag sumabat sa usapan nila dahil baka mapikon na ako kay Dean. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at suntukin ang mukha niya.
"We can't do anything about it. We just have to wait," mariin na sabi ni Dean Basillia, nabalot na ng katahimikan ang buong office ni Dean, magsasalita na sana ako ngunit sabay-sabay na lang kaming napatingin sa pintuan nang may biglang pumasok.
"Dean! You need to see this!"
Nagkatinginan kami ni Rhia tsaka sabay na tumango. Dali-daling tumayo si Dean at lumabas sa office, agad naman kaming sumunod sa kan'ya.
Masama ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon, mukhang may emergency dahil hindi ko pa nakita na naging ganito ang mga eskpresyon nina Dean.
Napunta kami sa school grounds, maraming mga estudyante at mga teachers na nando'n, hindi na namin makita kung ano ang pinagguguluhan nila dahil sa dami ng mga tao, pero mukhang hindi lamang itong simpleng bagay dahil may nakita akong iilang estudyante na umiiyak.
"Tumabi kayo! Nandito na si Dean Basillia!" sigaw ng isang teacher kaya unti-unti nang lumuwag ang daan. Nakasunod lang kami ni Rhia kay Dean, pero mukhang big deal na ito sa ibang estudyante. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa amin, panay din ang bulungan nila sa isa't-isa.
What the heck is happening here?
"A-Alhena..." tawag sa akin ni Rhia, napatingin ako sa harap namin ngayon dahil sa pagtawag niya.
Parang binuhusan ng napakalamig na tubig ang katawan ko nang nakita ko kung ano ang nasa harapan namin ngayon.
Nasa harapan namin ngayon ang katawan ni Dexter na wala ng buhay, puno ng sugat ang buo niyang katawan. Sobrang putla na ng kan'yang mga labi, punit-punit na rin ang damit niya na suot niya nang gabing huli kaming nagkita.
Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa katawan niya, hindi ko pinansin ang pagpipigil sa akin ni Dean Basillia at ng iba pang mga teachers. Hinawakan ko ang malamig niyang pisngi, unti-unting umagos ang mga luhang ilang araw kong pinigilan.
Ayoko sanang umiyak dahil alam ko na sa sarili ko na mangyayari 'to, at ayoko ring makita ng ibang tao kung gaano ako kahina pagdating sa mga bagay na 'to, pero hindi ko mapigilan.
"Vice President Alhena, let the police handle this mess," wika ni Dean habang nakahawak sa balikat ko.
Nakaramdam ako ng galit dahil sa sinabi niya. So, ang tingin niya talaga sa nangyayari ngayon ay isa lamang napakalaking kaguluhan? The hell with this! Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Dexter. Kung hindi sana ganito ang pamamalakad sa eskwelahan na 'to, hindi sana namatay si Dexter. Sana nandito pa siya sa tabi namin at ngumingiti!
"Vice President Alhena, kailangan mo na pong bitawan si President Dexter. Nandiyan na po ang mga pulis," sabi sa akin ni Chloe, na kaklase rin namin.
Tiningnan ko ang mukha ni Dexter, bakas na bakas sa maputla niyang mukha ang sakit na naranasan niya sa loob ng tatlong araw niyang pagkawala. Siguradong nasa eskwelahan lamang na 'to ang may gawa nito kay Dexter, hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya si Dexter at hindi rin ako papayag na hindi ko malaman kung ano ang totoong pakay ng Lethal High sa mga estudyanteng tulad namin.
Hinding-hindi ko hahayaan na magtagumpay silang lahat sa mga masasama nilang plano.
"Class D Vice President Alhena Avis," sabi ni Dean Basillia. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang binitawan si Dexter, pinunasan ko muna ang mga luha ko bago tuluyang hinarap si Dean Basillia tsaka siya tiningnan nang diretso sa kan'yang mga mata.
"Tandaan mo 'to, hindi ako papayag na mawala sa lahat ang pagkamatay ni Dexter," malamig kong sabi. Hindi naman nakakibo si Dean ngunit alam kong nasindak siya sa sinabi ko.
Akam kong may alam siya, pero dapat malaman ko kung ano ang alam niya. Dapat malaman ko ang lahat ng alam niya.
"A-Alhena, ano na a-ang gagawin n-natin?" nauutal na tanong sa akin ni Rhia habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kan'yang mga luha.
Gustong-gusto kong umiyak kasama siya, gusto kong sabihin sa kan'ya na hindi ko na rin alam kung paano kami magsisimula, pero ayokong magmukha kaming kawawa sa harap ng napakaraming tao. Ayokong isipin ng ibang klase na sobrang hina na namin.
"We will find a way to get through this, Rhia. Don't worry," mahina kong sabi habang hinagod-hagod ang likod niya.
Sana nga makayanan namin 'to. Sana nga.
° ° °
"Ms. Avis, nakikinig ka ba sa 'kin? Naiintindihan mo ba kung ano ang sinasabi ko?" Napakurap ako at tiningnan si Dean na ngayon ay nakatingin din sa 'kin habang nakataas ang isa niyang kilay.
"I'm sorry, what were you saying?" tanong ko uli, tiningnan naman ako ni Rhia, halatang-halata ang pag-aalala sa mga mata niya. Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Dean.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang mamatay si Dexter, at mamaya ang huling pagkakataon na muli naming makikita ang mukha niya dahil ililibing na siya mamayang hapon. Dahil sa pagkamatay niya, nawala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. Napapaisip ako na ganito pala ang pakiramdam ng namamatayan ng mahal sa buhay, ganito pala ang pakiramdam ng mga pamilyang naging biktima ng mga magulang ko. It sucks.
"As I was saying, since na walang president ngayon ang Class D, ibibigay ko na sa 'yo ang posisyon na 'yon. Ngayon, sabi ni Ms. Rhia, mas gusto niyang manatili na lamang bilang secretary. Kailangan niyong magkaroon ng vice president sa lalong madaling panahon dahil siguradong mahihirapan kayong mag-manage ng klase niyo."
Tama ang sinabi niya, hindi namin kakayanin na kaming dalawa lang ni Rhia ang mamalakad sa Class D, sobra kaming mahihirapan niyan.
Okay lang sa akin na pipili na naman kami ng isang estudyante na deserving maging officer, pero hindi ayos sa akin na si Dean Basillia pa mismo ang pipili ng magiging vice president bamin. Wala akong tiwala sa kan'ya.
"Payag ako sa suwestiyon mo, pero isa lang ang hinihingi ko mula sa 'yo, Dean Basillia," sabi ko habang diretsong nakatingin sa kan'yang mga mata.
"Ano 'yon?"
"Hayaan mo kaming pumili ng magiging vice president ng klase namin," suwestiyon ko. Muling nabalot ng katahimikan ang buong office, nanatili lang siyang nakatingin sa akin hangga't sa matawa na nga siya. 'Yung nakakainsultong tawa.
"Who do you think you are, Ms. Avis?" nakataas-kilay niyang tanong habang natatawa pa rin. Hindi na lang ako kumibo. Alam kong posibleng hindi siya pumayag dahil sino nga naman ako? But I need to take the risk. "Fine, fine. Pwede kang pumili ng sarili mong vice president."
Tumayo na kami ni Rhia at nag-bow sa kan'ya.
"Maraming salamat, aalis na po kami," pagpapasalamat ni Rhia habang ako naman ay hindi na lang nagsalita. Hindi ko kasi alam kung dapat ko nga ba talaga siyang pasalamatan.
Tumalikod na kami at lalabas na sana ng office nang bigla na namang nagsalita si Dean.
"Ms. Avis, don't disappoint me." Nanatili akong nakahawak sa door knob, ayokong tingnan siya dahil kapag ginawa ko 'yon, makikita niya kung gaano ako naapektuhan ng mga katagang sinabi niya.
"I won't," maikli kong sabi at binuksan na 'yung pintuan. Tuluyan na kaming nakalabas ni Rhia, ayoko nang bumalik sa office niya, sobrang bigat sa pakiramdam kapag kasama ko siya sa iisang kwarto.
"Alhena, let's go. Malapit na 'atang magsimula." Tumango na lamang ako bulang tugon.
Sumakay kami ni Rhia sa taxi para makapunta sa bahay nina Dexter, malaki ang bahay nila, marami ring taong nag-attend sa huling araw ni Dexter. Halatang palakaibigan talaga siya, nakita ko rin si President Koji na kinakausap ang mga magulang ni Dexter. Gusto ko sanang magpakilala sa mga magulang niya ngunit nahihiya ako. Pakiramdam ko, may kasalanan din ako. Alam kong nanganganib ang buhay ni Dexter pero wala man lang akong ginawa.
I should've known better. I should've been better.
Pumunta kami ni Rhia sa may kabaong niya at taimtim na pinagmasdan ang maputla niyang mukha. Parang natutulog lang siya, pero ang pinagkaiba ay hindi na kita ang saya sa mukha niya. I hate to admit this but I miss his smile. Na-miss ko kung paano niya kontrahin ang mga sinasabi ko.
"Vice President Alhena, or should I call you... President Alhena?" Napalingon ako sa tabi ko nang narinig ko ang boses ni President Koji, kasama niya rin ngayon ang vice president at secretary ng klase nila.
"May alam ka ba sa nangyari sa kan'ya?" tanong ko, ayoko kasing pag-usapan ang pagiging president ko. Hindi ako komportable.
"None. Wala siyang sinabi sa 'kin. Kung sino man ang gumawa nito sa kan'ya, siguradong magbabayad siya. Sobrang hirap ng pinagdaanan ng kaibigan natin sa loob ng tatlong araw na 'yon. Inalis ang mga kuko niya, kinuryente siya, at kahit ano pa. He was tortured to death!" singhal niya. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa sakit na naranasan ni Dexter. Walang awa ang gumawa nito sa kan'ya, hindi ko alam kung tao pa ba 'yon.
"Kailangan nating malaman kung sino ang gumawa nito," sabi ko, sinulyapan ko si President Koji at nakita kong mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya tsaka tumango.
Hindi ko naman siya masisisi, he lost a precious friend. Siguradong sobrang sakit no'n sa pakiramdam, nasasaktan na nga ako nang sobra kahit na ilang buwan pa lamang kaming magkasama, paano na lang kaya sila na ilang taon nang naging magkaibigan?
"Hija?"
May kumalabit sa akin mula sa aking likuran kaya nilingon ko 'yon. Nakita ko ang mga magulang ni Dexter kaya agad akong yumuko bilang paggalang. "Ikaw ba si Alhena Avis?"
"Opo, ako po 'yon. Pasensya na po at hindi ako nakalapit sa inyo kanina," paumanhin ko, ngumiti na lamang silang dalawa at umiling. It must be tough for them too, mahirap mawalan ng anak, sigurado akong hindi sila papayag na hindi mahanap ng mga pulis kung sino ang totoong gumawa nito.
Nakita kong may inilabas ang ama ni Dexter ang maliit na box mula sa likuran niya at ibinigay ito sa akin.
"Bago mawala ang anak namin, sinabi niyang ibigay namin 'to sa 'yo. Alam naming malapit nang magsimula ang oras ng libing niya pero hindi na kami makapaghintay. Naniniwala kami na kaya mong bigyan ng hustisya ang anak namin, dahil alam naming espesyal ka, at 'yon din ang sabi sa 'min ni Dexter," nakangiting sabi ng mama niya. Ngumiti naman ako at pinunasan ang mga luha ko tsaka tiningnan 'yung kahon.
I wish you were here, President Dexter Morones.
— — —
Deuteronomy 31:6
Be strong ang courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the Lord, you God goes with you; He will never leave you nor forsake you.