Baixar aplicativo
12.5% Lethal High: School for Sinners / Chapter 2: Prologo

Capítulo 2: Prologo

"Matteo, sigurado ka na ba rito sa plano? Madadamay ang mga anak natin, payag ka bang madamay si Alhena rito? Hahayaan mo na lang ba ang lahat?" sunod-sunog na tanong ni Gina sa kan'yang asawa.

Huminga naman nang malalim si Matteo at tiningnan nang diretso sa mga mata si Gina, kahit na ayaw niyang madamay ang kanilang anak sa sarili nilang gulo, kailangan pa rin nilang isagawa ang plano para sa kaibigan nilang si Astaroth.

"Ginagawa natin ang lahat ng 'to para sa kaibigan natin, Gina, ginagawa rin natin 'to para sa lahat ng magiging estudyante ng Lethal High, hahayaan na lang ba natin na mawala na lang sila? Tayo ang mas nakakaalam ng lahat tungkol sa eskwelahan na 'yon kaya kailangan nating gawin ang lahat."

Magsasalita pa sana si Gina ngunit hindi niya na ito natuloy nang may biglang kumatok sa pintuan ng kanilang opisina sa loob ng bahay.

"Pasok."

Tumambad sa kanila ang mukha ng isa pa nilang kaibigan na si Chester.

"Matteo, Gina," tawag ng lalaki, tumango na lang si Matteo kaya tuluyan na siyang pumasok. "Namarkahan ko na ang anak ko."

"Mabuti naman, kailangang makausap natin si Asmodeus mamaya, kailangan niyang malaman ang lahat ng gagawin," wika ni Matteo, tumango naman si Chester tsaka umupo sa upuan na nakahanda na sa tapat ng working table ni Matteo, habang si Gina naman ay mukhang hindi pa rin mapakali sa gagawin nilang plano, hindi niya kayang isakripisyo o ilagay sa panganib ang kanilang sariling anak.

"Nakuha ko na rin ang kanilang mga pekeng birth certificates at iba pang mga papeles para maayos ang pagpasok nilang lahat sa Lethal High, mabuti na lang at nagkaroon tayo ng pagkakataon na palitan ang mga pangalan natin noon," balita ni Chester.

Patuloy lang sila sa pagkuwentuhan tungkol sa isasagawa nilang planong pagpabagsak sa Lethal High, hindi nila napansin na nagising na pala si Alhena sa kan'yang mahimbing na tulog. Kakarating niya pa lamang at nakasilip na siya ngayon sa pintuan, hindi maisaisip ng batang si Alhena ang lahat ng nangyayari ngayon.

Kitang-kita sa kan'yang mga mata ang pagtataka at ang takot, pati na rin ang galit.

"Paano kung hindi natin ma-control ang sitwasyon?" tanong ni Gina.

"Handa akong pumatay uli, ginawa natin ang pagpatay bilang kabuhayan, ngayon, ibabalik naman natin sa kanila ang itinuro nila sa 'tin," saad ni Matteo. Hindi na nga napigilan ni Alhena na lakihan ang bukas ng pintuan, hindi na rin matigil ang patuloy na pagbuhos sa kan'yang mga mata.

Gulat ng gulat ang mga mukha nilang lahat habang nakatingin kay Alhena. Nabalot ng galit ang puso ng bata, nakasarado na rin ang kan'yang magkabilang taenga sa mga paliwanag ng kan'yang mga magulang at ng kan'yang tito.

Bata pa lamang si Alhena ngunit marami na siyang alam, namana niya ang talinong taglay niya sa kan'yang mga magulang.

"Mamamatay tao kayo! Wala akong magulang na mamamatay tao!" sigaw niya tsaka tumakbo papalabas sa opisina, sinubukan pang habulin ni Gina ang kan'yang anak ngunit pinigilan siya ni Matteo.

"Gina, hayaan muna natin si Alhena, bigyan natin siya ng oras para makapag-isip. Matalino siya, tsaka panahon na rin siguro para malaman niya ang totoong pagkatao natin," pagpipigil ni Matteo, napahilamos si Gina sa kan'yang mukha tsaka napabuntong-hininga.

"Paano ba tayo humantong sa ganitong sitwasyon?"

Inilagay ni Chester ang kan'yang kanang kamay sa balikat ni Gina para pagaanin ang loob nito.

"H'wag kang mag-alala, matatapos din ang lahat ng 'to. Mapapabagsak din ng mga anak natin ang Lethal High-ang eskwelahan ng makasalanan."


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login