Baixar aplicativo
29.03% The Dieties Heiress / Chapter 9: Chapter 9: Death

Capítulo 9: Chapter 9: Death

Fleariza's POV

"Asaan si Martha!"galit kong sabi sa mga katulong sa Palasyo. Dama ko ang takot na nararamdaman nila ngayon dahil sa galit ko.

"Hindi namin alam, Mahal na Reyna."sagot ng isa sa mga ito. Nilapitan ko ito atsaka ko hinawakan ang pisngi nito gamit ang isa kong kamay.

"Anong silbi ninyong lahat kung hindi ninyo alam kung saan nagpupunta ang Prinsesa!"sigaw ko sakanilang lahat habang pinanggigigilan ko ang pisngi nito.

Binitawan ko ito at itinulak ko dahilan upang matumba ito sa sahig.

Tinitigan ko ang isang katulong na asa gilid ko atsaka ko ito tinitigan ng masama dahilan upang lumabas ang aking kapangyarihan at naging isa itong abo.

Natakot ang lahat sa ginawa ko.

"Hanapin ninyo ang Prinsesa kung ayaw ninyong maging abo kayong lahat!"utos ko sa mga ito.

"Magsilayas kayong lahat sa harap ko!"dagdag ko pa sa mga ito. Agad naman silang nagsilayasan sa harap ko.

Lumapit ako sa isa sa mga mandirigma ng palasyo.

"Samahan mo ako kay Mizore."ani ko dito.

"Masusunod, mahal na reyna."sagot nito saakin.

Dali dali kaming nagtungo sa Palasyo ni Mizore. Malakas ang kutob kong nasa sakanya si Martha. Hindi ko alam kong bakit ko pa hinahanap ang anak kong iyon, napakawala namang silbi saakin ng batang iyon.

Nang makarating ako sa Palasyo ng babaeng iyon ay agad akong hinarang ng mga sundalong puno nito.

"Walang hiya ka, Mizore! Asaan ang anak ko!?"sigaw ko dito. Agad namang gumilid ang mga ito at lumabas naman agad si Mizore.

"Asaan ang anak ko?!"galit kong tanong dito. Itinapon naman nito sa harap ko ang isang malaking sako.

Sinenyasan ko naman ang mandirigma ko upang buksan ang sako.

Pagkabukas nito ay tumambad dito ang putol na katawan ng aking anak.

Nilapitan ko ang tadtad na katawan ng aking anak saka namin pinagtulungang pagsunusunurin ang katawan nito.

"Anong ginawa namin saiyo at ganito ang ginawa mo?!"galit kong sabi dito. Ngumisi naman ito saakin.

"Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin noon? Hindi ka sumunod sa usapan at biglang ganti, buhay ng iyong anak ang aking kinuha."wika nito saakin saka ito humalakhak ng napakalakas.

Tumingin ako dito ng masama at nilabas ko ang kapangyarihan ko.

"Saakin galing ang kapangyarihan mo, Fleariza. Maaring sa isang iglap maging abo ka kaya huwag mong tangkain na paslangin ako. Mahika ang bumubuhay sa katawan mo, hindi katulad ng sa kakambal mo."ani nito na lalo ko pang ikinagalit.

Oo na. Maraming taon na ang nakalilipas ng humingi ang aking ina at ama ng tulong kay Mizore na magkaroon sila ng anak.

Ang isa ay tunay na katawan ng tao, ang isa ay binubuhay ng mahika dahil sa ginawa ng itim na sorceress na ito.

Tumalikod ito saakin at naglakad na papalayo. Niyakap ko ang ulo ng aking anak habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

"Tipunin lahat ng narito sa Damnivia, ikalat sa lahat ang nangyari sa Prinsesa!"mariin kong utos sa mandirigmang kasama ko. Tumango naman ito upang tugon sa aking iniutos.

"Magbabayad ka, Mizore! Magbabayad ka!"sigaw ko sa labas ng kanyang palasyo.

Matapos ang ilang araw ng paglalamay sa katawan ng aking anak ay agad kong iniutos sa iba't ibang nilalang na mula sa Damnivia ang paghanap sa nawawalang Prinsesa.

Kailangan kong makuha ang kapangyarihan ng isang iyon upang matalo ko ang kapangyarihan ni Mizore.

Batid kong tanging kapangyarihan lang nito ang magiging sagot ko sa pag ganti ko kay Mizore.

"Ina. Nahanap ko na siya."dinig kong tinig sa kung saan.

"Sino ka!?"sigaw ko saaking silid. Hinanap ng aking mata sa kahit saang sulok kung saan nang gagaling ang boses na iyon ngunit hindi ko ito makita.

"Ina. Ako ito. Si Maverick."sagot nito.

Paanong si Maverick iyon? Ako mismo ang pumaslang sa anak kong iyon. Kitang kita ko kung paano ito malagutan ng hininga sa harap ko.

"Sa mundo ng mga tao ina. Asa mundo siya ng mga tao."wika pa nito.

"Anak ko, lumabas ka!"utos ko dito ngunit ni anino nito ay hindi lumabas.

"Maverick!"sigaw ko sa kanyang pangalan ngunit wala talaga ni isang lumabas sa aking silid.

Agad naman bumukas ang pinto ng aking silid dahil sa pagsigaw ko.

"Mahal na Reyna, ano pong nangyayari sainyo?"tanong saakin ng isang kawal na sinundan pa ng iba pang mga kawal.

"Magsilayas kayo saaking silid!"sigaw ko sakanila dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

Paanong buhay si Maverick? Pinaslang ko na siya.

"Maiwan ka Lizard."utos ko sa isang kawal ng Palasyo bago ito makalabas ng aking silid ng tuluyan.

"Ano po iyon, mahal na reyna?"agad namang tanong nito. Basang basa na ako ng kawal na ito mula noon hanggang ngayon dahil ito ang pinakamahusay sa lahat ng mandirigma ng palasyo. Alam na nito na kapag siya ang aking ipinaiwan sa harap ko ay importante ng lubos ang aking ipagagawa sakanya.

"Tipunin mo lahat ng pinakamakapangyarihan nilalang sa labas at loob ng Damnivia dalhin mo ang mga ito saakin." sabi ko dito.

"Masusunod, mahal na reyna."sagot naman nito saka yumuko sa harap ko. Lumakad ito paatras saka ito tumalikod saakin at tuluyan ng lumabas ng aking silid.

Magbabayad ka sa ginawa mo, Mizore. Hindi mo dapat pinaslang ang aking anak.

Naghulma ako ng hugis ibon gamit ang aking mga kamay.

Maya maya pa ay naging tunay na ibon nga ito na lumilipad at nag iingay sa harap ko.

Ginawa ko itong tao upang makausap ko ito. Tao na walang kamay kundi ang pakpak.

"Anong nais niyo saakin, Mahal na reyna?"tanong nito saakin.

"Kailangan ko ng iyong tulong. Nais kong dalhin mo saakin ang Prinsesa."utos ko dito.

"Ngunit batid ng lahat na patay na si Martha, mahal na reyna."sagot nito saakin kaya naman lumapit ako dito at agad siyang sinakal.

"Hindi si Martha kundi ang kakambal ni Morioka."wika ko dito kasabay nun ang panggigigil ko sa leeg nito.

"Hanapin mo ang amoy ni Morioka sa mundo ng mga tao. Tiyak mahalimuyak ang amoy ng Prinsesang iyon sa edad niya ngayon."dagdag ko dito saka ko binitiwan ito.

Kumahol ito ng kumahol na para bang aso dahil sa pagkakasakal ko. Napakaarteng nilalang samantalang ako ang bumuhay dito.

"At huwag na huwag kang babalik dito hangga't hindi mo siya nahahanap!"sigaw ko muli dito.

"Masusunod, mahal na reyna."ani nito saka dali daling umalis sa harap ko.

Hindi dito nagtatapos ang lahat, Mizore.

Kapag napasaakin na ang kapangyarihan ng kakambal ni Morioka, maaring sa pagkakataong iyon ay ikaw naman ang aking mapapaslang.

Humanda ka.

A/N: Hai guys! Do some comments naman po oh 🥺 Para alam ko iimprove ko po sa story or yung susunod na magaganap. Thank you! Don't forget to vote, share and comment guys! I love you!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C9
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login