Chapter 22:
Abby's POV:
Just what the hell is he doing here? My gosh!
"Uhh nagluluto? Hindi ba halata?" Ani Rigel habang nakataas ang kilay at saka ibinalik ang tingin sa kaniyang niluluto.
"Alam ko naman na nagluluto ka. What I mean is, bakit ka nagluluto dito mismo sa opisina ko?" Masungit na sabi ko.
Ni hindi man lang niya ako pinansin sa sinabi ko, bagkus ay pinatay niya ang electric stove at saka nagsalin sa mangkok ng sinigang.
"As far as I remember Mr. Petterson, wala kang appointment sa akin ngayon. So entering someone's place without his or her permission is trespassing, alam mo bang pwede kitang kasuhan?" Sinusundan ko siya habang naglalakad siya dala-dala ang pagkain na niluto niya papuntang lamesa na napagigitnaan ng sofa.
Nang mailapag niya sa lamesa ang mga pagkain ay tumingin siya sa akin. "Okay." Bukod tanging sabi niya at saka bumalik sa storage room. What the?!
"Ano'ng okay do'n? Sabihin mo nga Mr. Petterson, dahil para sa akin ay hindi 'yon okay."
"I'll explain it to you later Miss Dizon. So for now, just keep your mouth shut and eat." Binibigyan niya ako ng kutsara at tinidor, pero hindi ko ito tinanggap. But he suddenly held my hand, at pwersahang inilagay sa aking palad ang mga ito.
"Gutom ako, kaya kakain ako. Ikaw bahala kung ano ang gusto mong gawin. Pwede kang kumain, at pwede ring hindi. Nasa'yo ang desisyon." Tinalikuran niya ako at dumiretso sa hapag.
Wow, just wow Rigel.
Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko, kaya imbis na magpakipot pa ay nagtungo na rin ako sa hapag at saka kumuha ng pagkain. Damn, amoy pa lang ng sinigag ay nakakapang-laway na.
Pero imbis na saluhan ko siya ay sa sarili kong lamesa ako pumunta pagkatapos kong kumuha ng pagkain. Itinabi ko ang laptop at mga documents na nakapatong dito para hindi matapunan ng pagkain.
Hindi kami close ni Rigel para saluhan ko siya sa iisang lamesa.
Tahimik lamang kami habang kumakain. Tanging ang tunog ng kubyertos ang maririnig sa loob ng opisina.
Napangisi ako, bigla ko kasing naalala yung unang pagkakataon na lumitaw sa tapat ng pinto ng bahay namin si Rigel. It's like a deja vu.
"What a great smile you have there, Miss Dizon." Muntik pa akong mabilaukan nang biglang sabihin ito ni Rigel.
"So? Masama bang ngumiti? And could you please mind your own business." Inirapan ko siya pero ningisian niya lang ako.
Ni isa sa amin ay wala ng nagbalak magsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Saka na lang ako nagsalita nang nagliligpit na siya ng pinagkainan niya.
"Ilagay mo na lang sa sink sa storage room ang pinagkainan mo at ako na ang maghuhugas ng mga 'yan, pagkatapos ay pwede ka ng umalis. 'Wag kang mag-alala, I will not sue you sa pag-trespass mo. Just take it as a thank you for the food, nabusog ako." Ani ko habang hindi nakatingin sa kaniya.
Sinimulan ko na agad ang pagtipa sa laptop para maaga akong matapos. Inaantok pa rin ako kahit na nakatulog na ako. Kailangan kong makauwi ng maaga nang maaga rin akong makatulog mamaya sa bahay.
Pero makalipas ang sampung minuto ay hindi ko pa rin naririnig ang pagbukas ng pinto ng opisina.
"When do you plan to leave Mr. Petterson?" Casual ba sabi ko pero may bakas ng kaunting pagkairita. Nagtitipa pa rin ako sa laptop habang sinasabi ko ito.
"I don't want."
Agad napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Tapos na ang oras mo dito. Bakit ayaw mo pang umalis?"
"Eh sa ayaw ko eh. May magagawa ka ba?" Seryoso ba siya?
"I'll call the guard kapag nanatili ka pa dito."
"Then go, ipatawag mo lang."
Bumuntong hininga ako. "As you can see Mr. Petterson, I'm a busy person, so please..." Nagtitimpi kong sabi. Pati ang pagpindot ko sa keyboard ay ang diin na rin.
"Okay, fine. If that's what you want." Tumayo ito at saka naglakad papuntang pinto.
Hindi pa man siya nakakarating sa tapat ng pinto ay nagsalita ulit siya. "I'll just leave this office of yours for now, but remember this, I'm not leaving you anymore, not again Miss Dizon."
Agad itong tumalikod at dumeretso sa pinto at lumabas.
Sa wakas, makakahinga na rin ako ng malu--
"Oh before I forgot, please don't be mad with your secretary. Wala siya nang pumasok ako dito." Pahabol ni Rigel bago niya pihitin pasara ang pinto.
Letse!
Letse!
Letse!
Mabilis akong nag-martsa at agad nagtungo sa tapat ng pinto saka inilock ito.
Napasandal ako sa pinto, at dahan-dahang dumausdos pababa dahil sobrang panlalambot ng katawan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mabilis ang aking paghinga, habang pawis na pawis. Damn, fully-airconditioned naman itong office pero bakit sobra akong pinagpapawisan?
Damn, what just happened?
Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko noong una naming pagkikita, at naulit nanaman ngayon.
Hindi ito maganda.
Ano nanamang pinaplano mo Rigel? Please lang, may kanya-kanya na tayong buhay, huwag mo na akong guguluhin. Huwag mo ng guluhin ang sistema ko.
To fully calm myself, naisipan kong tawagan si Nich.
Unang ring pa lang ay agad na niya itong sinagot. "Yes babe?" Ani Nich mula sa kabilang linya, halatang kakagising lang.
"Good morning babe, sorry nagising kita." Napakagat labi ako.
"No worries babe. I'm glad that your voice is the first thing that I heard this morning." My heart flutter, kainis, kinikilig ako. Tama 'yan Abby, kay Nich ka lang. Si Nich lang ang mahal mo, at wala ng iba.
"Hmm, umagang-umaga Nich."
"What? Ikaw talaga, alam ko naman na kinikilig ka. Hindi mo na ako kailangang sungitan."
"Kasi naman... Che! Bahala ka diyan. Oo nga pala, kamusta ang tulog mo?"
"I actually had a bad dream, but thanks to you, naging maganda ang gising ko."
"Sus, ano naman ang napanaginipan mo?"
"Secret!"
"Pasecret-secret ka pa. Ano na kasi 'yon babe?"
"Sikreto nga kasi."
"Ano nga kasi 'yon? Don't tell me, wet dreams 'yan tapos nabitin ka kaya bad dream."
"What? Babe naman, it's not like that." Halata sa boses niya na nagulat siya sa sinabi ko. "Eh basta, masamang panaginip. Ayaw ko munang ikwento kasi masama talaga."
"Oh sige, ikaw bahala." Cold kong sabi.
"Babe naman eh, ayan ka nanaman. Galit ka ba?" Hindi ako galit, gusto lang kitang asarin haha.
"Nope."
"Eh bakit ang cold ng boses mo? Nilalamig ako."
"Hindi ako cold. Ang hot ko nga eh."
"Aaaargh, you're frustrating me babe. Heto na, heto na, sasabihin ko na kaya 'wag ka na magtampo." Bingo! Hindi talaga ako matitiis ni Nich eh.
"Hindi, okay lang. Kung hindi mo pa kayang sabihin, ayos lang. Hindi naman kita pinipilit." I maintained my cold voice. Syempre, kunwari pakipot muna.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya.
"Maghiwalay na tayo babe."
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.