Chapter 8:
Napangiti ako ng makapasok ako sa classroom, sinalubong kasi ako ng maaliwalas na mukha at ngiti ni Kelvin. Yes, nakangiti na siya ngayon sa akin. At dahil wala pa naman ang kaibigan ko, siguradong nakikipag-harutan pa iyon sa boyfriend niya, ay sa tabi muna ako ni Kelvin naupo.
"How was your date? Did you enjoy his company?" Napahinto ako sa tanong niya.
I literally stopped not because of his question, hindi ko lang ini-expect na siya ang mag-uumpisa ng conversation ngayon, nasanay lang siguro ako na palaging ako ang nagkukuwento tapos siya ay tahimik lang.
"Why? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong pa nito ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.
Napangiti ako. "Nah, I just love staring at your face. Lalo na kung ganitong nagseselos ka."
"Who said I'm jealous?" Tanong nito sa akin habang nilalapit ang mukha niya. "At, pwede mo namang tignan ang mukha ko ng ganito kalapit diba?" Pilyo itong ngumiti sa akin.
Pinigilan kong ipakita sa kanya ang kilig na nararamdaman ko. Pero hindi iyon naitago ng malapad kong ngiti at pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko.
"How cute, you're blushing."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon. Hindi na ako nagsalita pa, ayaw ko ngang mautal sa harapan niya. Nakakahiya.
Mas lalo pa akong nabigla ng hawakan niya ang ulo ko at ihiga iyon sa balikat niya. Tuwa at kilig ang nararamdaman ko ngayon, sino ba namang hindi kikiligin gayong dating pangarap ko lang na maging ganito kami ngayon abot kamay ko na. Sobrang saya ko lang.
Pero lahat ng sayang nararamdaman ko nagkaroon ng matinding lungkot na kapalit.
Hinihingal ang isa kong kaklse nang lumapit ito sa akin, hindi pa ito makapagsalita ng maayos.
"Steph, y-yung kaibigan mo, si Shean, nahulog sa hagdan."
Halos gumuho ang mundo ko ng marinig iyon, agad akong tumayo at wala sa sariling tumakbo kung nasaan ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kaba, pag-aalala at takot para sa kaibigan ko.
Halos manghina ang buong katawan ko ng makita ko ang kaibigan ko na buhat ni Yohanne habang walang malay at tumutulo ang dugo mula sa ulo nito.
Nakita ko din si Kurt na nasa tabi ni Yohanne at puno rin ng pag-aalala ang mga mga mata nito. Mabilis nilang naisakay si Shean sa kotse, sasama sana ako sa loob ng hawakan ni Kurt ang kamay ko at pigilan ako.
"Sa akin kana sumakay." Maikli niyang sabi at tumakbo papunta sa pwesto ng kotse niya. Sumunod nalang ako.
I kept on praying and crying na sana ayos lang ang kaibigan ko. Walang ibang laman ang utak ko kundi ang kaibigan ko, hindi ko kayang makita siya na nasa ganoong sitwasyon.
"Shh. Everything will be alright." Paninigurado sa akin ni Kurt.
Mabilis kaming nakarating sa hospital kung saan dinala si Shean. Nakita ko agad si Yohanne na hindi rin mapakali habang nagpapabalik balik sa labas ng ER.
"Yohanne, anong nangyari? Kamusta si Shean?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"N-nasa ER pa siya ngayon, hintaying nalang natin ang doctor." Mahinahon ngunit punong puno ng pag-aalalang tanong niya.
Kung alam ko lang na magkakaganito, na hahantong sa ganito sana, sana hindi ko pinabayaan ang kaibigan ko.
"Anong nangyari? Bakit nagkaganito, Yohanne?" Hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Ang sabi ko sa kanya, hintayin niya ako. Pumunta lang ako sa comfort room, tapos... " Huminto siya at huminga ng malalim. "Sana... Sana hindi ko nalang siya iniwan. Sana, hinatid ko muna siya hindi sana nangyari ito. Ang tanga ko, sobrang tanga ko. " Siya man ay umiiyak na din.
Pero paanong nangyari na nahulog ang kaibigan ko sa hagdan? Kilala ko siya, maingat na tao ang kaibigan ko kaya nakakasigurado ako na hindi aksidente ang pangyayaring ito. Hindi ito nagkataon lang.
"W-wala ka bang nakitang kahina hinalang tao nung binalikan mo siya?" Puno ng kuryosidad kong tanong.
"Wala. Ang nakita ko lang siya at yung nga taong pinalilibutan siya." Sagot nito.
Hindi na ako nagtanong pa, siguro ay wala nga siyang alam. Hindi parin ako mapakali habang naghihintay sa doctor, maraming laman ang utak ko at lahat iyon umiikot lang sa kung anong nangyari sa kaibigan ko. Hindi naman kasi dapat nangyari ito.
"S-Steph!" Napatingin kami sa babaeng humahangos papunta sa pwesto ko.
Naka-uniform pa ito gaya namin kaya alam kong schoolmate namin siya. Hindi ko nga lang siya kilala dahil hindi ko naman ito kaklase.
"Steph, h-hindi aksidente ang nangyari." Nahihirapan nitong sabi, napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Nakita ko a---"
"ANONG NANGYARI?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsigaw.
Galit ako, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Galit ako dahil sa nangyari sa kaibigan ko at kung sino man ang may kagagawan nito, hindi ko papalampasin.
"Habang papaakyat siya lumapit si Janah at Kyla sa kanya, nag-away sila dahil kay... " Napahinto ito at tumingin kay Yohanne. "Sa'yo, oo dahil sa'yo hindi kasi matanggap ni Janah na kayo na, pagkatapos tinulak ni Janah si Shean da---"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin, galit na ang nararamdaman niya ngayon.
Tama ang hinala niya na sinadya iyon, at si Janah ay may kagagawan. Ang laiitin nila ako, matatanggap ko pa, pero ang gawin nila ito sa kaibigan ko, hindi na ako makakapayag pa.
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Yohanne at Kurt kahit sundan niya ako ay wala akong pakaelam. Haharapin ko ang babaeng nanakit sa kaibigan ko.
Agad naman akong nakapara ng taxi kaya hindi na ako napigilan pa ni Kurt. Wala din akong planong magpapigil pa dahil sa sobrang galit ko. Pinapakalma ko ang sarili ko sa loob palang ng taxi pero hindi ko magawa, pilit na pumapasok sa utak ko ang itsura ng kaibigan ko habang duguan.
Nang makarating ako sa classroom ay nahagip agad nang mga mata ko si Janah habang prenteng nakaupo at nakikipag-usap sa kaibigan niya.
Lalong lumala ang galit ko sa kanya dahil sa nakita ko. Ang kapal naman ng mukha niya.
"ARAY!" Reklamo niya ng hablutin ko ang braso niya dahilan narin para matigilan ang lahat.
"ARAY? Sa ginawa mo sa kaibigan ko, kulang pa iyan. Hayop ka. Ang kapal ng mukha mong tumawa tawa diyan na parang wala kang kasalanan, samantalang si Shean, ayon tulog, knock out dahil diyan sa kalandian mo. Alam mo ang dapat sa'yo? Ito!" Nanggagalaiti kong sigaw habang nginungungod siya sa lamesa.
Sinubukan pa akong pigilan ni Kyla pero itinulak ko siya palayo. Nanginginig ako sa galit, gusto ko silang saktan.
"Aray ko. Tulong! Tulungan niyo ako." Lalo ko siyang nginungungod sa lamesa. "Ano ba, Steph? Wala ak---"
"TANGINA ka!" Malutong kong mura sa kanya. "Ano wala ka na naman kasalanan? Feeling Santa kang hayop ka. Tara dito."
Kinaladkad ko siya patungo sa may hagdanan kung saan niya tinulak ang kaibigan ko. Nagsunuran naman ang mga kaklase namin.
"Ano ba, Steph? Bitawan mo nga ako." Reklamo pa nito.
"Bitawan mo ang kaibigan ko."
"Hoy, isa kapa." Dinuro ko si Kyla. Wala ng respeto kung wala, wala rin naman siya no'n.
"Nakikita mo iyan, Janah? Tignan mo! Gusto mong bitawan kita, para magaya ka sa kaibigan ko?" Pinakita ko sa kanya ang medyo mataas na hagdan kung saan din niya tinulak si Shean.
"Ano bang problema mo? Kung hindi sana niya niland---"
"IKAW ANG MALANDI." Tinignan ko siya sa mata, konti nalang gustong gusto ko na siyang ihulog. "Dahil kay Yohanne, kaya mo siya tinulak? Tangina ka! Mauubusan ka nang lalaki, para itulak ang kaibigan ko ng dahil lang do'n?" Gigil kong tanong sa kanya.
Naiiyak narin ako dahil sa galit, hindi ko na kayang pigilan pa ito.
"Kelvin... Kelvin, hel---"
Sinampal ko siya. "Kelvin? Tangina mo. Kanina tinulak mo ang kaibigan ko dahil kay Yohanne, tapos ngayon si Kelvin naman? Likas ka talagang malandi." Sigaw ko.
Hindi ko siya tinigilan, hawak ko parin ng mahigpit ang braso niya habang pinipigilan ko ang sarili kong itulak rin siya sa hagdan.
"Tama na, Steph." Mahinahon niyang sabi. "H-hindi ko naman sinasadya eh. Parang awa mo na, bitawan mo na ako, nasasaktan na ako."
Tinignan ko siya ng masama, "Kulang pa iyang sakit na sinasabi mo kumpara sa ginawa mo sa kaibigan ko. Dapat sayo hinuhulog na eh." Nagsigawan ang mga tao ng akmang ihuhulog ko si Janah, pero hindi ko ginawa, mabait pa ako.
"Steph." Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin, si Kelvin.
"Kelvin, Kelvin nandit---"
"Manahimik ka kung ayaw mong ihulog kita." Sumunod naman siya.
"Steph, what are you doing?" Tanong ni Kelvin sa akin.
"Ginagawa ko? Tinuturuan ng leksyon ang malanding ito. Alam mo kung anong ginawa niya? Siya ang dahilan kung bakit nasa hospital ang kaibigan ko." Nanggagalaiti kong sabi. Tila nakalimutan ko kung ano siya sa akin.
"Steph, wait. Calm down."
Tinignan ko siya sa nga mata at nakita ko ang pag-aalala nito sa akin. Pero hindi ako natinag ng galit ko.
"Calm down? Paano ako kakalma kung itong babae na ito ang dahilan kung bakit walang malay ang kaibigan ko?" Nilabanan ko ang malamig niyang titig sa akin.
"Steph, look hind---"
"Janah, Kyla and Stephanie, pinapatawag kayo sa Principal's office." Napatigil kami ng dumating si Mrs. Shierra.
Tinignan ko ng masama si Janah at Kyla bago ako sumunod kay Mrs. Shierra. Kahit si Kelvin ay sinabayan ako sa paglalakad.
Nang makapasok ako sa loob ng principal's office ay nanduon na si tita, nanay ni Shean. Umiiyak ito, agad ko naman siyang niyakap ng makita ko.
"Steph, h-hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling may mangyaring masama sa anak ko." Umiiyak niyang sabi habang nakayakap sa akin.
"Shhh. Papanagutin natin ang may gawa nito, magiging maayos si Shean, Tita. Kaibigan ko iyon eh." Paninigurado ko sa kanya.
Nang dumating ang mga demonyita ay nagkagulo, nanduon din ang mga magulang nila na pilit silang dinidepensahan.
Alam ba nang mga ito kung anong klaseng babae ang mga anak nila dito sa campus?
"Hindi magagawa ng anak ko ang binibintang ninyo. Bakit may pruwe---"
"Bakit hindi natin tignan ang CCTV ng magkaalamanan tayo?" Panghahamon ko sa kanila. Bigla namang natahimik si Janah.
Naramdaman ni tita ang paghawak sa kamay ko.
"Bakit ba sabat ka ng sabat? Sino kaba?" Taas kilay na tanong sa akin ng nanay ni Janah.
"Ako? Ako lang naman ang matalik na kaibigan ng babaeng tinulak ng anak ninyo." Sagot ko dito.
"At paano ka naman nakakasiguro na tinulak nga ng anak ko ang kaibigan mo?"
"Mrs. Ronquillo and Mrs. Assuncion, here's the copy of our CCTV, panuurin niyo nalang po." Mahinahong sabi ni Mr. President.
Pinanuod namin ang CCTV at gano'n nalang ang panggagalaiti ng magulang ni Janah ng mapanuod iyon, sinampal niya pa ito sa harap naming lahat gano'n din kay Kyla. Malulutong na mura ang natanggap ng dalawang demonyita mula sa nga magulang nito.
Huminto lang ang mga ito ng suwayin sila ng Principal.
"Ikinalulungkot ko, Mrs. Ronquillo and Mrs. Assuncion, ngunit kailangan namin i-expel ang anak ninyo." Mahinahong sabi ng Principal.
"What? No. No. Mr. Principal, pwede bang ayusin nalang natin ito? Mahinahong pakiusap nang mga ito, gano'n ding ng mga magulang.
Ang gagaling umarte ng mga babaeng ito ngayon. Parang mga tunay na anghel kung umasta ngayon samantalang kanina todo tanggi pa sa kasalanan.
"I'm sorry pero kung mapapakiusapan niyo si Mrs. Enrile.
"Steph, Mrs. Enrile, baka na---"
"Sige, hindi kayo ie-expel pero kailangan ninyong magpagulong gulong sa hagdan, kailangan ninyong magaya sa sitwasyon ni Shean." Matapang kong sabi sa kanila.
" What? No! Mommy!"
"Shut up! Kasalanan mo ito kaya magdusa ka." Suway ni Mrs. Assuncion sa anak niyang si Kyla.
"Hindi kami tanga para gawin ang pinapagawa mo." Mataray na sabi ni Janah. Nasobrahan sa kakapalan ng mukha ang babaeng ito ah?
"Edi tapos ang usapan, anak ko ang nasaktan dito kaya wala kayong karapatan na magmataas. Excuse me, Mr. Principal, kailangan napo naming mauna, kailangan kami ni Shean." Paalam ni tita kay Mr. Principal. "I want them out to this campus." Huling sabi pa nito bago kami tuluyang lumabas ng Principal's office.
Matapos ang nakakapagod na araw ay bumalik kami sa hospital ni tita, nanduon din si mama na agad akong niyakap nito ng makita ako.
Ayos na naman daw ang kaibigan ko at im-monitor nalang nila ang kalagayan nito kapag gumising na. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
"Steph!" Napalingon ako sa tumawag sa akin---si Kurt. "Buti naman ayos ka. Inabutan ako ng traffic kaya hindi kita naabutan sa campus, nakita nalang kita kasama ang isang babae na pabalik na dito. Kamusta ka? Nakipag--"
" Ayos lang ako, huwag mo akong alalahanin. Sila Janah lang iyon, kayang kaya ko sila." Proud kong sabi.
" Si Kelvin nakita ko, mukhang hinahanap ka."
Tila nabingi ako ng marinig ko ang pangalan niya. Shit! Nasigawan ko nga pala siya kanina dahil sa galit ko. I should apologize to him, ang tanga ko talaga. Siya na nga itong tumutulong sa akin, nasigawan ko pa.
I fished my phone in my pocket and dialled his number. Sinabi ko rin kung nasaan ako at nag-apologise narin. Agad naman niya akong maintindihan na ikinangiti ko.
Maswerte narin ako sa kanya, he's my perfect husband material for me.