Baixar aplicativo
7.4% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 6: CHAPTER FIVE

Capítulo 6: CHAPTER FIVE

(Kensington High School, next day)

(Kath Rence's POV)

PAGKATAPOS kong ilagay ang mga gamit ko sa locker ng classroom namin ay lumabas ako saglit at pumunta sa basketball court. Napatingin ako kay Jackson na nag-wa-warm up muna sandali bago mag-praktis at halos mapangiti ako dahil ang sarap niyang titigan at panoorin sa ginagawa niya.

Palabas na sana ako ng gym nang bigla akong madapa, dahilan para matumba ako at pagbalingan ng atensyon ng lahat. Pinagtinginan din ako ng mga players at nagulat ako nang nilapitan akong bigla ni Jack.

"Kath Rence, okay ka lang ba?!" ang nag-aalalang tanong niya.

Nang masulyapan ko ang mukha niya ng malapitan ay kulang na lang ay bumaligtad na ang mundo ko sa sobrang gulat at pagkakilig.

Dahil...ang guwapo-guwapo pala talaga niya sa malapitan. Parang saglit akong natulala nang makita ko siya.

Shet! Ang guwapo talaga ng crush ko.

"Ahm Kath, are you alright?"

Bigla akong natauhan sa sinabi niya kung kaya naman dali-dali akong napatayo pero nang maglalakad na ako ay nadapa ulit ako at noong tignan ko ang tuhod ko ay may sugat iyon at dumudugo pa.

"Kath Rence!" sabay alalay niya sa akin patayo. "Look, you're not okay. C'mon at dadalhin kita sa clinic." at aalalayan na sana niya ako nang biglang sumalubong sa amin si Satchel. At halatang galit na galit siya kay Jack.

Waah! Naku naman! Kasalanan ko naman kasi eh! Tatanga-tanga ako! Nagalit tuloy si Satchel!

"Bumalik ka sa court at ako na ang bahala kay Kath. As the captain of this team, responsibilidad kong managot sa anumang masamang nangyari sa mga nanonood dito." ang utos ni Satchel kay Jack.

"P-pero..." ang sabi pa ni Jack pero nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Satchel palayo kay Jack.

"DAMN, BABALIK KA SA COURT O HINDI?!" ang galit na galit nang sabi ni Satchel sabay tulak niya kay Jack.

"Sorry Captain." at bumalik na si Jack sa court.

Bigla naman akong nanlumo kasi sandali ko lang nakausap si Jack.

Haay, ang lungkot ko.

Pero kahit ganun ang nangyari ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nakausap at natitigan ko siya.

Kahit sandali lang...

Ang problema ko nga lang ay kung paano ako makakaalis dito sa gym. Iika-ika na sana akong lalakad palayo nang bigla akong nilapitan ni Satchel at binuhat niya ako tulad sa isang bride na bagong kasal.

"Ako na ang bahala sayo, Kath." he whispered in my ears habang palabas na kami ng gym.

Habang tinutumbok namin ang main corridor papuntang clinic ay medyo naiilang ako, hindi lang dahil guwapong nilalang na kasama ko ngayon, kundi dahil sa tuwing dadaan kami ay may napapatingin sa amin, mostly girls. At halata sa mga mukha nila ang insecurity, pagkainis at selos. Aba't pano namang hindi, eh isa sa mga campus heartthrobs ng Kensington High ang kasama ko.

(School Clinic)

(Kath Rence's POV)

NUNG nasa clinic na kami ay tinignan ng nurse ang sugat ko at agad na nilapatan ng lunas. Very attentive si Satchel sa akin at paulit-ulit niyang binibilinan si Nurse Elle na dahan-dahan lang silang gamutin ang sugat ko.

Nang matapos na akong magamot ni Nurse Elle ay medyo nakakapaglakad na ako. Inalalayan pa rin ako ni Satchel palabas ng clinic.

"Ahm...S-Satchel..."

Shet! Ba't kaya nahihiya na ako sa lalaking ito?!

"Why Kath? Any problem?" he said sweetly. "Masakit pa ba ang sugat mo?"

"H-hindi. Hindi na masyadong masakit ang tuhod ko. Ahm s-salamat nga pala kanina ah. Nakaabala pa ako tuloy sa inyo. Pasensya na. Pero sana, di mo na lang sinigawan si Jack." ang mapagkumbabang sabi ko sa kanya.

"You're welcome Kath. Pasensya na lang sa ginawa ko, medyo pasaway kasi ang taong yun eh. Anyways, okay ka na ba?"

"Oo. Okay na ako."

"Ihatid na kita sa classroom." ang yaya niya sa akin pero tumanggi ako.

"H-Hindi na. K-Kaya ko na ang sarili ko."

"Are you sure?"

"Oo. Sige na, bumalik ka na sa court at baka hinahanap ka na ng mga teammates mo." ang sabi ko pa sa kanya. "Mamaya na lang tayo magkita kasi tuturuan pa kita ng basics sa trigonometry, okay?"

"O-okay. Sige. See you around." at lumakad na siya palayo.

Noong wala na siya ay naglakad na rin ako papasok sa classroom nang may bigla na namang humarang sa akin sina Riri. Ugh, ano naman ang kailangan ng mga 'to sa akin?

"Ba't ka kasabay ni Prince Satchel kanina?!" mataray na tanong ni Riri.

"Huh?"

"Sino ka para sumabay sa Prince Satchel namin?!" - Yarra.

"Ha? W-wala. Sinamahan lang niya ako sa clinic."

"Huh!? Unbelievable! Ang isang panget na tulad mo, sasamahan niya!" and they laughed.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuluy-tuloy na lang ako sa paglalakad pero hinawakan ni Femme yung braso ko nang napakahigpit. Sina Riri naman ay pinaligiran kami.

"A-aray....."

Naku! Mukhang ibu-bully na naman ako ng mga 'to!

Waaah!

Satchel...help me...

Nang biglang...

"Excuse me Riri."

Napalingon sila dun sa nagsalita at bigla naman akong binitawan ni Femme. Napatingin ako dun sa nagsalita at kulang na lang ay mabalatan ako ng buhay sa sobrang gulat..

Pagkat si Jack ang may-ari ng boses na yun.

"P-Prince Jack!" ang gulat na gulat na sabi nila.

"Let her go, or else malalagot kayo kina Leonard at Rhian." ang pananakot ni Jack sa kanila.

Mabilis pa sa alas-kwatrong umalis sina Riri sa takot na baka isumbong sila ni Jack sa kuya ko at kay Rhian.

"Halika na." at hinila na niya ako palayo sa corridor.

Habang naglalakad kami sa ay medyo nahihiya akong tumingin kay Jack, pano kasi...

NAKAKAILANG SIYA!

"S-salamat J-Jack...t-tinulungan mo na naman ako." ang pasasalamat ko sa kanya.

"Walang anuman yun Kath." ang sabi naman niya sabay ngiti niya sa akin.

GRABE...

NAKAKATUNAW ANG NGITI NIYA!

"Okay ka na ba. Hindi na ba masakit ang sugat mo?" tanong niya sa akin.

"Ah...h-ha...eh...o-oo. O-okay na ako."

Pakshet! ba't ako nauutal?!

Kath Rence! Relax ka lang! Okay, relax ka lang!

* inhale *

* exhale *

* kalma *

"Ahm...J-Jack, ba't ka pala n-nandito? B-baka hinahanap ka na ni Satchel..." ang nahihiya kong sabi sa kanya.

"Wag kang mag-alala, nagpaalam na ako dun." he said.

"Ah sige mauna na ako sa room, baka may klase na kami." at kumaway pa ako sa kanya bago umalis nang bigla niyang hawakan niya ang braso ko.

"Bakit Jack?" ang nagtataka kong tanong sa kanya.

"Mag-ingat ka palagi ha. At eto nga pala." sabay abot niya sa akin ng isang pulyeto. "Mobile number ko. Just text me if your totally okay na huh! Bye!"

"Bye." ang mahina kong sabi sabay tanaw ko sa kanya na papalayo sa corridor.

WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!

SWERTE!

Haha!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C6
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login