Chapter theme song : Kay Tagal by Mark Carpio
KABANATA 60 (WAKAS)
Makalipas ang isang taon. . .
Maiksing panahon lang ang isang taon kung susumahin, pero sa loob ng labing-dalawang buwan na 'yon, marami ang nagbago sa akin. Pero sa pagkakataong 'to, gusto ko na ang pagbabagong 'yon. Dahil mas maganda siya at mas naging masaya pa ako. Hindi ko nga rin akalaing may mas isasaya pa ako matapos ang lahat ng nangyari sa buhay ko.
Mula sa leeg ko ay bumaba hanggang sa pendant ng kwintas ko ang kamay ko. Ito pa rin ang kwintas na regalo sa akin ni Itay noong 16th birthday ko. Kahit ano'ng mangyari, hinding-hindi ko iwawala ang kwintas na 'to. Kahit pa nga may mga mamahaling alahas na ako.
Pagkatapos noon ay ngumiti ako sa salamin. Gawain ko na yata 'yon. At nang ayos na ako sa hitsura ko ay kinuha ko na ang clutch ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis ng bahay ko. May dinner date kasi kami ngayon ni Apollo sa Ocean Dip.
"Ma'am, may reservations po?" tanong naman sa akin ng bantay doon sa pintuan pagkapasok ko.
Tumango naman ako. "Apollo Lorenzino."
"A, sige, Ma'am. Dito po," sabi ng babaeng may hawak ng listahan at iminuwestra sa akin ang daan.
Napatango naman akong muli at ngumiti bago magtungo doon. May isang babae pa na lumapit sa akin para samahan ako papunta sa table kung saan nandoon si Apollo. As usual, naka-polo na naman siya, kaya akala mong pormal na pormal na date ito. Mabuti na nga lang at nag-dress ako.
Pagkalapit ko sa table ay kaagad siyang tumayo at humalik sa pisngi ko. Pinamulhanan naman ako ng pisngi, dahil alam kong may ibang tao sa paligid namin. Ito talagang si Apollo, e!
"Beautiful as ever," komento pa niya sabay ngiti sa akin.
Kunwari ay napairap naman ako. "Binola mo na naman ako!"
Natawa lang naman siya pagkatapos ay kinuha ang bouquet na nasa upuan na dapat ay para sa akin. Iniabot niya 'yon sa'kin habang may matamis na ngiti sa kanyang mukha.
"Happy anniversary, Love," bati niya sa akin.
"Happy anniversary," bati ko naman pabalik habang halos umabot na sa tenga ko ang ngiti ko.
Matapos 'yon ay inaya na niya akong umupo. Pangdalawahan lang talaga ang table na 'yon at magkatapat naman ang aming mga upuan. Ilang sandali pa'y nagdala na rin ng mga pagkain ang mga waiter nila. As usual, mga nakakatakam na seafood na naman ang inihain nila.
"Grabe, Love, hindi ko akalaing isang taon na tayo," sabi pa niya habang kumakain kami.
Nabitin naman ang tinidor kong may hipon at kinunot ko siya ng noo. "Ang drama mo talaga. Akala ko, ako ang mas madrama sa'tin."
"Di," pagtanggi naman niya. "Mahal na mahal kasi kita."
Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil doon. Isang taon na simula nang tuluyan kong sagutin si Apollo, pero kahit kailan ay hindi nawala ang pagiging malambing niya. Parang araw-araw pa rin niya akong nililigawan. At syempre, isa 'yon sa mga dahilan kung bakit masayang-masaya ang buhay ko ngayon.
"Alam mo, ako rin naman. Hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako na binigyan kita ng pagkakataon," sabi ko sa kanya sabay ngiti. "Kasi hindi ko alam kung sasaya ba 'ko nang gan'to kung wala ka."
"Aba, ako dapat ang magpasalamat dahil sinagot mo 'ko," giit pa niya. "Ang tagal na rin kitang gustong makuha no'n, e."
Napatawa na lang ako. "Hay nako. Kumain na nga lang tayo! Hindi na 'ko artista. 'Wag na tayong mag-dramahan dito."
Napailing na lang siya habang nakangiti at nagpatuloy sa pagkain. Gano'n din naman ako, pero may mga pagkakataong mapapatingin ako sa kanya at mahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. Magpapalitan lang naman kami ng matatamis na ngiti na parang nagkakaintindihan na kami sa mga paningin namin.
"Wait lang, a? Punta lang ako sa comfort room," mayamaya ay sabi niya. Tumango-tango naman ako habang nakangiti.
At dahil tapos naman na kaming kumain ay inabala ko ang sarili ko sa pagpo-post ng mga litratonsa Instagram account ko. Pero ilang sandali pa ay napukaw naman ang atensyon ko nang tumunog ang phone niya. Kaagad ko naman 'yong hinanap at nakita ko 'yon sa ibabaw ng mesa.
"Si Apollo talaga oh." Napailing na lang ako at kinuha 'yon. "Iwan ba naman dito 'yung phone niya."
Kaagad namang napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan na nasa screen. Nizzandra. Kung hindi ako nagkakamali, it was his ex-girlfriend. Iyong gustong-gusto ng nanay niya sa kanya noon. 'Yung nakasama niya sa iisang university noon. Nagkakausap pa pala sila?
Sinagot ko ang tawag na 'yon at medyo nanginginig na itinapat sa tenga ko.
"Apollo! Thank God, you answered! Guess what? I have a good news for you! I'm pregnant!" tuloy-tuloy na sabi ng babae sa kabilang linya.
Ano daw? S-She's pregnant? Napatakip na lang ang bibig ko nang marinig 'yon. Para bang pinipilipit na naman ang puso ko dahil sa narinig kong 'yon. Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit siya tumawag kay Apollo para ibalitang buntis siya? At bakig tuwang-tuwa pa siya?
"H-Hello? Apollo? Are you there?" tanong pa ng babae sa kabilang linya.
Sa inis ko ay ibinaba ko na lamang ang phone ni Apollo at pinatay ang tawag. Kasabay din noon ay may luhang tumakas mula sa mga mata ko. I know, hindi pa 'ko sigurado, pero pa'no kung naloko na naman ako sa oras na 'to?
Ayoko na! Ayoko nang maranasan ulit 'yon!
"Ang tagal ko ba? Sorry."
Nanlilisik ang mga matang napaangat ang tingin ko kay Apollo nang dumating siya. Hindi naman niya iyon napansin dahil naging abala siya sa pagbalik sa upuan niya. Humugot naman ako ng malalim na hininga bago iabot sa kanya ang phone niya.
"Phone mo. Kung saan-saan mo iniiwan," may bahid ng inis na sabi ko sa kanya.
"Oh thanks—" Napatigil siya nang magtama ang mga paningin namin. "Wait, a-are you mad?"
"Someone called you. Check it," sabi ko na lamang sa kanya.
Kunot-noong tumingin siya sa akin ng ilang segundo, pagkatapos ay binusisi ang phone niya.
"Nizzandra," saad niya at muling napatingin sa akin. "Wait, you didn't think we still have something, right?"
"You know what she said? She's pregnant. And the way na sabihin niya 'yon, mukhang excited na excited siya," kwento ko pa sa kanya habang nagtatagis na ang mga bagang ko. "How about you? Are you excited, too?"
Takang-taka pa rin naman siya habang nakatingin sa akin. "So, ano'ng kinakagalit mo do'n?"
"Who is the father of her baby?" tanong ko habang nangingilid na naman nag mga luha ko. "Tell me! Who?!"
"Wait, wait. . ." Napaawang ang mga labi niya at parang napagtanto na ang gusto kong iparating. "Maureen, no! I'm not the father! Hindi 'yon katulad ng iniisip mo. Please, maniwala ka naman, o?"
"And how would I believe you? Pa'no kung kagaya ka lang din ng kapatid mo?" tanong ko naman sa kanya.
"Love naman. . ." Sinubukan niyang kunin ang kaliwang kamay ko, pero mabilis ko 'yong inalis sa ibabaw ng mesa. "Maureen, Love, can't you just believe me?"
"Alam mo kung ga'no kahirap sa'kin ang magtiwala, Apollo. But I trusted you!" giit ko pa sa kanya.
"At kahit kailan hindi ko sinira ang tiwala mo," seryoso at mariing saad niya. "Kung ayaw mong maniwala, tawagan natin si Nizzandra ngayon din."
Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niyang 'yon. Salubong ang kilay niya habang idina-dial ang numero ni Nizzandra sa smartphone niya. Mayamaya ay narinig ko rin ang tunog ng phone niya at mabilis naman 'yong sinagot ni Nizzandra.
"Oh, hello, Apollo?" bungad nito.
"Nizzandra, so you said, you're pregnant?" tanong naman ni Apollo.
"Yes!" Tumawa pa si Nizzandra. "What can you say? Nakakatuwa, 'di ba?"
"So, who's the father?" tanong naman ni Apollo.
Pigil-hininga naman akong nag-abang ng isasagot ni Nizzandra. Sana hindi. . . Sana mali lang ang akala ko. Sana masyado lang akong napapraning.
"Are you crazy?" Tumawa nang tumawa si Nizzandra. "Of course, it's Randy! My boyfriend!"
Napaawang naman ang mga labi ko habang nakatitig kay Apollo. Unti-unti ay napangiti naman akong parang tanga. Para bang may naalis na tinik na nakatusok sa puso ko nang marinig ko 'yon. Thanks God it wasn't Apollo! Dahil kung siya nga 'yon, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
"Okay, thank you, Nizzandra. 'Yung girlfriend ko kasi nakausap mo kanina. She misunderstood," paliwanag naman ni Apollo. "Anyway, I'm happy for you two. Congrats!"
"Oh, gano'n? I'm very sorry. I'm just too excited with the news! Don't worry, one day kayo na rin ang magbabalita sa'kin." Nasundan pa ng tawa ni Nizzandra. "Sige na, bye!"
Nang matapos naman 'yon ay ibinaba na ni Apollo ang phone niya sa mesa at diretsong tumingin sa akin. Nahihiya naman akong tumingin pabalik sa kanya. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon sa kapraningan ko! Masyado lang pala akong malisyosa at tamang hinala!
"Now, naniniwala ka na ba sa'kin?" tanong pa niya.
Tumango-tango naman ako. "S-Sorry, Love. You know, I'm. . . I'm just afraid I might lose you too."
Imbis na sumagot ay iniusad niya ang upuan papunta malapit sa kaliwa ko, para mas maging malapit siya sa akin. Pagkatapos ay saka niya hinawakan ang kaliwang pisngi ko at masuyong tumingin sa akin.
"Love, there's nothing to be afraid of. Now, tomorrow, and even after that, I'd still be with you. Remember that, okay?" pangako naman niya sa akin.
Tumango-tango naman ako. "Sorry, a? Masyado kasi akong praning."
Hinawakan naman niya ang likod ko para mas ilapit ako sa kanya at nang bahagya niya akong mayakap.
"It's okay! I understand you, Love," sabi pa niya.
Wala naman akong nasabi pa. Bagkus ay napangiti na lang ako habang dinadama ang bisig at ang dibdib niya. I really thought I would lose him tonight. Mabuti na lang at hindi! Mabuti na lang, totoo talaga siya sa akin. Akala ko kasi, mauulit na naman 'yung nangyari noon.
"I love you," naibulong ko na lang habang nakahilig sa dibdib niya.
"I love you too, Love," tugon naman niya sabay halik sa buhok ko. Mayamaya naman ay tinapik niya ang kanang braso ko. "Nga pala, Love, I have a proposal."
Kaagad akong napahiwalay sa kanya dahil doon. "Anong proposal?"
"Don't worry!" Natawa naman siya. "It's not a wedding proposal. It's business proposal."
"Business proposal? For what?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Well, to celebrate our love?" pabirong sagot niya saka ngumiti muli. "Well, naisip ko lang kasi, 'di ba, nagku-culinary arts ka. Bakit 'di ka magtayo ng bakery?"
"Itinatabi ko pa kasi 'yung pera ko, Love," sagot ko naman.
"Oo nga. Kaya nga bibigyan kita ng capital," giit naman niya.
Napaawang naman ang mga labi ko at mabilis na umiling. "Love, that's too much! It would you cost you a hundred—e-even a half million!"
"It's alright, Love," sabi naman niya at hinawakan pa ang dalawang kamay ko. "Para naman sa'yo, e."
"Pero, Love. . ."
"Love, let me. Please? Ito sana ang gift ko sa'yo," pagmamakaawa pa niya sa akin.
Napangiti naman ako at binawi ang isa kong kamay sa kanya para mahawakan ang pisngi niya.
"Thank you so much for everything, Love," punong-puno ng pagmamahal na sabi ko.
"Anything for you, Love. Anything," tugon naman niya at mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.
* * *
Makalipas ang ilang buwan ay tuluyan na rin naming naipatayo ang bakery namin. Wala na yata akong hihilingin pa kung hindi ang sana ay maging successful ang business namin na 'to. I know, magiging proud sa'kin si Itay, pati na rin ang pamilya ko kay Mommy. Mas lalo silang magiging masaya para sa buhay na pinili ko.
Panay ang pag-check ko sa mga tauhan ko kung maayos ba ang mga bagay-bagay, dahil grand opening namin ngayon. Mayamaya naman ay lumapit sa akin si Apollo at tinapik ang balikat ko.
"So, how do you feel?" tanong niya sa akin.
"Beyond grateful," sagot ko naman sabay ngiti nang malawak. Pagkatapos ay tumingkayad pa ako para mahalikan siya sa pisngi. "Thank you, Love."
"Anyway, Love, Celestia's outside," sabi pa niya sa akin.
"Oh, nandito na siya?" tanong ko pa. Sabi kasi niya, pupunta siya dito para i-vlog ang grand opening ng bakery ko. Sana nga isama din niya sina Mommy.
Tumango naman si Apollo, kaya't nagpaalam ako sa kanya para salubungin ang kapatid ko. Malayo pa lang ako ay natatanawan ko na ang kapatid kong abala sa pagba-vlog.
"So, right now, I'm here at Ate Mau's bakery, because today is their grand opening. Asan na ba si—" Napalingon siya sa akin at kaagad naman niya akong nakita. "Ate!"
"You came!" sabik na saad ko naman at mabilis siyang niyakap.
"Of course!" tugon naman niya. "Ate, can you tell us something about your bakery? By the way, congrats nga pala."
"Thank you," sagot ko naman. "Uh, here in Heart of Dough, we will offer you the warmest, the softest, and the sweetest bread you'll ever taste. Tsaka, open 'to sa lahat ng tao. Mayaman o mahirap. Kahit sino!"
"Ooh! That's witty, Ate, ha!" komento pa niya at saglit na tumingin sa'kin, pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa camera. "Mamaya, titikman natin 'yung mga bread na ino-offer ng bakery nila. Pero ngayon, pasok muna tayo para makita natin 'yung loob."
"Napakita mo na ba 'tong labas?" tanong ko naman sa kanya.
"Oh, not yet! Oo nga. Sorry, Ate," sabi naman niya at kaagad na inilipat ang camera sa facade ng bakery.
Nakalagay doon ang pangalan ng bakery; Heart of Dough. At sa ilalim naman no'n ay ang tagline naming "the warmest, the softest, the sweetest".
"Ayan! Oh 'yan pa lang, nakakatakam nang kumain, 'di ba?" sabi pa ni Celestia. "Now, let's go inside!"
Pagpasok naman namin ay kaagad akong lumapit kay Apollo. Si Celestia naman ay itinapat sa amin ang camera.
"Nga pala, this is my boyfriend Apollo. Tinulungan niya 'ko sa bakery na 'to," sabi ko pagkatapos ay tumingin sa kanya. "Thank you ulit, Love."
Pagkatapos noon ay kung saan-saan pa nag-tour sa loob si Celestia. Wala namag pagsidlan ang tuwa at galak sa puso ko nang mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko, kumpletong-kumpleto na talaga ang buhay ko.
At habang pinagmamasdan ang mga taong naroon ay isa-isa namang bumabalik sa alaala ko ang mga pinagdaanan ko sa loob ng ilang taon. Napagtanto ko na sa buhay, hindi talaga natin maiiwasan ang mga mapapait na karanasan. Sabi nga nila, kakambal na 'yan ng kapalaran ng tao.
Pero kahit ilang ulit tayong wasakin ng malulupit na pangyayari sa buhay natin, dapat marunong pa rin tayong bumangon. Dapat handa pa rin tayong hilumin ang mga sugat na naiwan sa puso natin. Dapat hindi tayo takot na pawiin ang lahat ng sakit sa ating mga puso. At mangyayari lang 'yon, kung handa tayong magpatawad at lumimot, at humarap sa bagong umagang puno ng pag-asa. Dahil kahit ga'no man kawasak ang puso natin, mabubuo at mabubuo pa rin pala ito.
WAKAS
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação