Baixar aplicativo
88.33% Ruined Heart / Chapter 53: Kabanata 53

Capítulo 53: Kabanata 53

Kabanata 53

"Oh my! S-So he is— Oh my gosh." Napatakip pa sa bibig niya si Ate Mercedes at napailing dahil sa labis na pagkagulat. "I thought he has another woman! But didn't expect this!"

"No one ever expected this," tugon naman ni Apollo sa kanya. Pagkatapos ay humarap muli sa gawi nina Mommy, Uncle Fred at Lola Adel. "Ma'am, Sir, again, sorry po sa gulong ginawa ko."

"Ah, it's okay, hijo. Naiintindihan na namin," malumanay na sagot naman sa kanya ni Mommy at napangiti. Well, she's always calm.

"Pero hindi mo pa rin dapat basta-basta dinala sa Doña Blanca ang anak ko," sabi naman ni Uncle Fred na mukhang hindi pa rin palagay ang loob kay Apollo.

"S-Sorry po. Hindi na po mauulit." Napayuko naman si Apollo na halatang hiyang-hiya sa kanila ngayon.

"Dapat lang," tugon pa ni Uncle Fred.

"Fred. . ." sita naman sa kanya ni Mommy sabay haplos sa ibabaw ng palad niya.

"Belle, I'm just protecting our daughter," sagot pa ni Uncle Fred na akala mo naman ay totoong-totoo ang sinasabi. Pakiramdam ko naman, deep inside, kinamumuhian pa rin niya ako. Hindi na lang ako nagsalita.

"Anak. . ." Bumaling naman sa akin si Mommy. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Bakit naman hindi ka nagsabi sa amin?"

"Mommy, magsasabi naman po sana 'ko sa inyo, e. Kaya lang, hindi pa po kasi sure 'yung sa'min ni—ni Zeus," pag-amin ko naman. Of course, hindi naman ako magtatago ng sikreto kay Mommy. Kaya lang, wala pa naman kasi talaga kami ni Zeus. Hindi ko pa sigurado kung ano'ng meron kami.

"Mabuti na nga rin 'yon!" komento naman ni Ate Mercedes, kaya naman napatingin kami sa kanya. "Look! Pa'no na lang kung mas tumagal pa 'yan? I told you naman kasi, e!"

Nakita ko namang bumulong si Celestia, pero hindi umabot sa pandinig namin, dahil may kalayuan sila. Ngunit kitang-kita ko naman ang pagkalukot ng mukha ni Ate Mercedes at tila pinagagalitan pa siya. Sa huli naman ay napayuko na lang si Celestia. Kinuha ko naman na ang pagkakataon na 'yon para muling tumingin kay Mommy.

"M-Mommy, sorry. . ." pabulong na sabi ko. Hiyang-hiya talaga ako sa katangahang ginawa ko. Kung 'di ako gano'n kabilis nagtiwala kay Zeus, hindi sana mangyayari 'to. At kung sana, kinausap ko siya nang maayos noon pa man, baka hindi na 'ko nalinlang nang ganito.

"No, don't be sorry, Anak," tugon naman ni Mommy sabay hawak sa balikat ko at binigyan pa ako ng matamis na ngiti. "Wala kang kasalanan. If there's someone who should be sorry, si Zeus 'yon."

Napatango-tango naman ako at tipid na ngumiti. "I'll be more careful po next time."

"Yes, you should be, dahil mahirap magtiwala sa panahon ngayon," sagot pa niya, pagkatapos ay bumaling naman kay Apollo na nasa likuran ko."Apollo, maraming salamat sa'yo, hijo."

Napatingin din tuloy ako sa kanya. Kapansin-pansin ang pag-aliwalas ng mukha niya dahil sa pagngiti sa kanya ni Mommy.

"Wala po 'yun, Ma'am," sagot pa niya.

"Ma'am! Ma'am, kakain na po ba kayo?" biglang tanong ng isang katulong na halatang galing sa kusina.

"Yes, please," sagot ni Lola Adel. "Maghanda na kayo."

"Uh, sige ho, uuwi na ho ako," saad naman ni Apollo sabay tayo.

"Teka lang! Bakit 'di ka muna kumain dito?" alok naman ni Mommy sa kanya.

"Hindi na po," nahihiyang tugon naman ni Apollo.

"Naku, 'wag ka nang mahiya," pamimilit pa ni Mommy, ngunit napailing lang siya.

"Hindi na po talaga." Bahagya pang napangiti si Apollo. Uh, next time na lang po siguro?"

"Oh, may next time pa," tila nanunudyong saad naman ni Ate Mercedes. Nang mapatingin naman ako sa kanya ay nginitian niya lang ako.

"Sayang naman," may pagkadismayang sambit ni Mommy. "Pero 'di bale, next time na nga lang."

"Sige po," sabi ni Apollo at mabilis kaming pinasadahan ng tingin. "Aalis na po ako. Sorry po ulit sa gulong ginawa ko."

Maayos namang nagsipaalam ang mga kamag-anak ko sa kanya. Kung kanina'y kulang na lang ay saktan nila ito, ngayon naman ay parang magaan na ang loob nila dito. Pwera kay Uncle Fred na seryoso pa ring nakatingin sa kanya.

Papalabas na sana siya ng bahay namin nang pigilan ko siya.

"Sandali!" kaagad kong sabi sabay tayo mula sa kinauupuan ko.

Kaagad naman siyang napatingin sa akin na parang nagtataka. Napangiti naman ako sa kanya.

"Samahan na kita sa labas," sabi ko naman. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya ihahatid kahit hanggang do'n lang sa kotse niya. Nasanay na akong gano'n tumanggap ng bisita.

Napaawang naman ang labi niya habang pinagmamasdan akong lumapit sa kanya. Hanggang sa makarating ako sa harapan niya ay nakatunganga lang siya sa akin.

"Tara na." Nang sabihin ko 'yon ay saka lang siya natauhan at napagalaw. Bahagya naman akong natawa dahil sa kilos niyang 'yon.

"Thank you for defending me," pasasalamat ko sa kanya nang makarating na kami sa gilid ng kotse niya.

"Sinabi ko lang naman 'yung talagang nangyari," tugon niya at naisipan pang magbiro. "Nakakatakot pala 'yung tatay mo 'no?"

Bahagyang nawala ang ngiti ko sa sinabi niyang 'yon. Nagsusumigaw ang utak ko na hindi ko siya tatay, at kailanman ay hindi 'yon mangyayari. Hindi niya kailanman mapapalitan si Itay sa puso ko, at kainlanman ay 'di rin naman niya ako ituturing na tunay na anak.

"Oh, pa'no? Uwi na 'ko," paalam niya nang mapansing hindi na 'ko nagsasalita. Tinapik-tapik pa niya ang kaliwang balikat ko. "Ingat ka."

"Ikaw ang mag-ingat," sabi ko naman. "Sige. Pasensya uli sa abala."

"Wala 'yun. Kahit ako siguro 'yung nasa katayuan nila, gano'n din ire-react ko. Tsaka. . .I'm always willing to do anything just for you," sinserong sabi pa niya sabay pakita ng magaganda niyang mga ngipin.

"Uh, Apollo. . ." halos pabulong ko namang sambit. Nailang kasi ako bigla sa sinabi niya sa'kin.

"Don't worry. Naiintindihan ko," sabi naman niya sa'kin na parang alam na ang ipinahihiwatig ko.

Napangiti naman ako. "Salamat."

"Sige na," sabi niya at tuluyang sumakay sa kotse niya.

Naiwan naman akong nakatayo doon habang sinusundan ng tingin ang sasakyan niya. Nang malayo na ito sa paningin ko ay saka ko lang naisipang pumasok ng bahay namin. Kaagad naman akong sinalubong ni Mommy.

"Oh, halika na. Kumain na tayo," pagyaya niya sa akin habang todo-todo ang ngiti. Siguro, masaya siya ngayon dahil kumpleto ulit kami. Minsan lang kasi mangyari 'to dahil ng sa mga trabaho namin.

Pero wala akong magagawa kung hindi ang tumanggi. Wala kasi ako sa kondisyong kumain ngayon habang kasabay sila. Gusto ko munang mapag-isa. Masyadong magulo ang isip ko dahil sa mga nangyari at kailangan ko ng sandaling katahimikan.

"Uh, mamaya na lang po siguro ako. Pagod pa po kasi ako, e," mahinang pagtanggi ko.

"G-Gano'n ba?" Nawala ang ngiti ni Mommy at napabuntong-hinga pa siya. Pero kaagad din siyang napangiti. "Oh sige, umakyat ka muna."

Hinayaan na lang ako ni Mommy na tahimik na pumanhik sa kwarto ko. Pagkapasok doon ay napasandal na lang ako sa pintuan at nasapo ang dibdib ko. Masyadong maraming nangyari; nakakabigla at mahirap tanggapin. Akala ko dahil 'di na ako bata, hindi na ako masasaktan. Ang sakit pa rin pala. Ang hirap tanggapin na taliwas sa mga bagay na inaasahan mo ang nangyari.

Parang gusto kong sisihin na naman ang tadhana. Akala ko noon, madaya siya dahil pinaglayo niya kami ni Zeus. May titindi pa pala sa bagay na 'yon; isang katotohanan na kahit kailan ay hindi ko na mababago pa. Oo, ngayon mayaman na rin ako. Nababagay na ako sa mundo nila. Pero ang masakit, hindi ako ang gusto niyang makasama sa mundo niya.

* * *

"Maureen, what happened to you? Where have you been?" magkasunod na tanong sa'kin ni Madam nang makita ako.

I hate it when responsibilities come at the time you hated it the most. Kagaya na lang ngayon. Wala ako sa kondisyon, pero kailangan kong magtrabaho. One of the struggles of artists. Ang nakakainis pa, lahat na lang na makakapansing 'di ka okay ay tatanungin ka. E, ayaw mo pa namang pag-usapan ang topic na 'yon, dahil hangga't maaari, ayaw mo na munang alalahanin pa 'yon.

"Wag mo nang problemahin 'yon, Madam. Okay na po," matamlay na sagot ko.

"But, Maureen, of course, I have to know it! I'm your handler," katwiran naman niya.

Napabuntong-hininga tuloy ako. "Si Eunice na lang po muna ang tanungin n'yo."

"Wait, are you sick? Kaya mo ba talagang magtrabaho ngayon?" tanong pa niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. Thankfully, kayang takpan ng make up ang mugtong mga mata ko. Pero sa tanong ni Madam, mukhang hindi pa rin pala nito pagmukhaing okay ako.

"Opo, Madam. I can manage." Tahimik na lang din akong umupo at kaagad na binasa ang script ko, para makondisyon ko na din ang sarili ko. Hindi na rin naman ako inabala pa ni Madam o ni Eunice. Pero nang lumayo sila sa akin ay nahulaan ko nang pag-uusapan nila kung ano'ng nangyari sa akin.

Marami ang kumausap sa'kin habang 'di pa kami nasasalang sa eksena. Pero lumilipad ang utak ko sa kung saan-saan. Minsan, tatango na lang ako sa sinasabi nila, dahil wala akong ganang magsalita. Minsan naman ay nagpapanggap na lang akong 'di sila naririnig. And I keep on telling myself that I am not Maureen, because I need to. I have to be my character who's happily in love with Gio's character.

Nakakatawa 'no? How could I do that? Heartbroken, pero kailangan mag-feeling in love at masaya sa eksena? Kaya 'di na rin ako nagulat nang biglang sumigaw ang direktor habang nasa kalagitnaan kami ni Gio ng eksena.

"Cut!" Umalingawngaw ang sigaw nito, kaya't agad kaming naghiwalay ni Gio. "Maureen, hindi ko makita sa mata mo 'yung dapat na emosyon ni Marissa! She's supposed to be happy! Pero sa ginagawa mo, ang tamlay-tamlay ng kinakalabasan!"

Napayuko na lamang ako dahil sa hiya sa ibang taong nandoon. Hindi na rin ako lumaban pa o humingi ng tawad. I knew it would only make our director angrier.

"Sige! Break muna!" sigaw ni pa ni Direk. "Maureen, pag-aralan mong mabuti 'yang eksena mo."

Marahan lang akong napatango. Unti-unti nang nagsialisan sa paligid ko ang mga staff at mga kaeksena ko. Pero nanatili lang akong nakatayo doon. Hanggang sa si Madam Rhonda na ang lumapit sa akin at inabutan ako ng tubig. Hindi ko naman 'yon pinansin.

"Maureen, kaya mo ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Madam Rhonda. "We can tell them you are sick."

"Hindi. Kaya ko," mariing sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Maureen. . ."

"I am an Olivarez. Kaya ko," dagdag ko pa.

"Oh, sige, pero inumin mo muna 'to," giit pa ni Madam Rhonda kaya walang imik na kinuha ko na lamang ang basong inaabot niya sa'kin at uminom mula doon.

Nakailang take pa ulit kami pagkatapos noon, but I didn't give up. I have to do this right. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan kong masira lang ng baklang 'yon ang image ko. Isa pa, I've worked hard already just to be worthy of their trust. Hindi ko hahayaang basta-basta ko na lang sayangin lahat nang 'yon.

But the following days were like torture to me. Nakaya ko naman nang i-handle ang emosyon ko. Nakaya ko naman nang ngumiti at magmukhang masaya sa mata ng iba. But after all the acting sessions, pagkauwi ko at nasa kwarto na ako mawawala lahat ng lakas ko. I was totally fine outside, but was shattered inside.

Vincent told me I should do vlogs para malibang, pero parang hindi ko pa kaya. So instead, I just watched Celestia's vlogs at kahit paano ay naaaliw naman ako. Nasa ganoong kalagayan ako nang may kumatok sa kwarto ko. At nagulat naman ako sa nakita ko nang buksan ko 'yon. It was Uncle Fred.

"U-Uncle. . ." saad ko.

"Let's go outside. Gusto ko lang kitang kausapin," walang emosyong sabi niya, kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang tahimik na sumunod sa kanya. Hanggang sa ilang sandali ay nakarating kami sa garden.

Sa loob ng ilang segundo ay nanatili lang siyang nakatayo. Gusto ko sanang itanong kung bakit niya ako gustong makausap, pero parang wala akong lakas na magsalita. Kaya hinayaan ko na lang na balutin kami ng nakakailang na katahimikan.

"So I've heard napagalitan ka raw ni Direk James?" tanong niya mayamaya.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. So, pagagalitan niya ako dahil sa katangahang ginawa ko? Dahil sa nagkamali ako at madadawit ko na naman ang pangalan nila?

"S-Sorry. Hindi na po mauulit," paghingi ko na lamang ng paumanhin.

"No, Maureen. I'm not mad for that," saad naman niya, kaya gulat na napaangat ang tingin ko sa kanya. "I am actually worried about you."

Napakurap-kurap ako habang nakaawang ang mga labi ko. Natural nang intimidating ang dating ni Uncle Fred. Kahit pa magfi-fifty na siya, makisig pa rin ang dating niya. And right at this very moment, hindi ko masabi kung talaga nga bang nag-aalala siya sa'kin o acting lang 'to.

I mean, he had never been good to me.

"It's true, Maureen. Alam kong nasaktan ka dahil sa nalaman mo. Who wouldn't?" sabi pa niya at muli ay hindi naman ako nakasagot. "I know I've hated you for years. Hindi mo naman ako masisisi dahil masakit talaga ang ginawa sa'kin ng Mommy mo noon. Nagmarka na 'yon dito, e."

Itinuro pa niya ang puso niya at napabuga ng hangin. He really sounded like a hurt man, kaya unti-unti ay nakumbinsi na niya akong totoo ang sinasabi niya. Besides, bakit pa siya magkukunwari kung wala namang camera sa harapan namin?

"But you know, 'di ko rin maiwasang maawa sa'yo. Lalo na no'ng bago ka pa lang dito. You were a lost kid. Walang matakbuhan. At dahil ginamit mo na rin ang aplido ko, siguro dapat na nga rin kitang ituring na anak," madamdaming sabi niya sa akin. Nanatili lang naman akong nakikinig sa kanya, dahil wala akong masabi sa labis na pagkagulat.

"You know, it's just really hard for me to show it. Siguro, malaki ang galit mo sa'kin everytime I made you feel that you're not worthy of our surname. And for all our wrong judgments. But you know what, matagal naman nang nangyari 'yon, e. So. I thought maybe we should start anew?" Napatingin pa siya sa akin na parang humihingi ng sagot sa tanong niya.

Saglit naman akong nag-isip. Kung alam lang din ni Uncle Fred na matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na 'to; na sa kanya na mismo manggagaling na parte na ako ng pamilya nila. And now that it finally happened, it just felt so right. Na para bang may isang tinik na nabunot mula sa puso ko.

Instead of saying a word, I just found myself hugging him as if he was my real father who had been resurrected. I just knew inside that I craved for this feeling—the warmth of a father's arms. Ang tagal kong hindi nakaranas nang ganito at ngayon, hindi ko maipaliwanag kung ga'no kasaya ang pakiramdam. Lalo na nang marahan niyang haplusin ang likuran ko.

"Uncle Fred, thank you. Thank you for finally accepting me," maluha-luha kong sabi nang humiwalay ako sa kanya.

Napangiti naman siya sa akin. "Daddy. For now on, you should call me Daddy. Kahit wala tayo sa harap ng camera."

Pagkatapos noon ay pinunasan pa niya ang takas na luha mula sa mga kanang mata ko. Wala naman akong magawa kung hindi ang mapangiti dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman ko nang mga sandaling 'yon.

"And from now on, karamay mo na rin ako sa lahat," dagdag pa niya.

"U-Daddy. . ." Pareho kaming napangiti nang sambitin ko 'yon. Para bang ang simpleng salitang 'yon ay nagkaro'n ng mas malalim pang kahulugan.

"Yes. . . Anak?"

"Nasasaktan pa rin po ba kayo 'pag naiisip n'yo 'yung kasalanan ni Mommy?" tanong ko naman sa kanya.

"Of course. It still hurts a little. Hindi naman kasi talaga gano'n kadaling makalimot," pagtatapat niya sa akin.

"P-Pa'no n'yo po nalampasan 'yung matinding sakit? How were you able to forgive and to love again?" tanong ko pa sa kanya.

Napangiti naman siya bago sumagot, "You know what? Happiness is not just something you feel; it is a choice you make. Kung pipiliin mong habangbuhay na malungkot, aba, e, 'di ka talaga sasaya."

Kasunod naman noon ay itinuro niya ang isang bahagi ng garden namin. "Nakikita mo 'yung mga bonsai na 'yon?"

Tumango-tango naman ako.

"Not all the time, they are at their perfect shape. Kaya kailangan siyang i-trim ng mga trabahador natin. Just like them, we have to eliminate everything that would ruin our perfect shape. Sure, eliminating them would hurt. But the outcome would always be beautiful," paliwanag niya sa akin.

Matapos marinig ang lahat ng sinabi niya, para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Na parang sa bawat salitang sinasabi niya ay may tinik siyang binubunot mula sa kalooban ko. At tama naman siya sa lahat ng sinabi niya. His every word give me hope.

"Kaya ikaw, choose to be happy. Choose to forgive," payo pa niya sa akin.

Napangiti naman ako at napatango-tango. Mayamayanay may narinig kaming dumarating. Nang lumingon kami ay nakita namin si Mommy na masayang nakatingin sa akin.

"Ang cute n'yo namang tignan," komento pa niya, kaya't natawa na lang kami.

Itutuloy. . .

//sorry unedited. Pinost agad pagkasulat.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C53
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login