Baixar aplicativo
70% Ruined Heart / Chapter 42: Kabanata 41

Capítulo 42: Kabanata 41

Kabanata 41

"Let's all welcome the gorgeous, the very talented and stunning Maureen Olivarez!"

Muli ay nasilaw ako ng napakaraming mga ilaw sa paligid ng set. Pero hindi katulad noon, wala na ang kaba at takot sa puso ko. All I have now is gratefulness and confidence, and I was very sure they would see it through my smile.

"Hi there, Maureen, sweetie! I'm glad to see you today," malambing na bati sa akin ni Miss Reanna Salazar, isang dati ring sikat na sikat na aktres. Pero ngayon, mas focus na siya sa pagho-host.

"Good morning po, Tita Rea," bati ko naman sabay beso pa sa kanya.

Tita Rea's show "What's In" is just one of my guesting, actually. Sa sobrang dami nga ng gustong mag-guest sa akin, at sa mga kumukuha sa akin bilang endorser at model, halos wala na rin akong kapahi-pahinga. And this is all because of my first-ever lead role in "Replica". First week pa lang nito, nataasan na kaagad nito ang ratings ng ibang show.

"So how are you today?" paunang tanong sa akin ni Tita Rea.

"Of course, I'm very grateful as always. Grateful for all these people who supports me. Thank you, guys!"

The crowd cheered as I waved at them. Nakita ko rin sa monitor na ipinokus sa mukha kong tuwang-tuwa ang camera. Pagkatapos noon ay inilipat naman sa audience na may hawak na mga banners at tarpaulin para sa akin. Grabe, hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nangyayari lahat ng ito. People are now celebrating me as if I am a goddess.

"Syempre naman. Who wouldn't? I mean, you're very, very beautiful. And aside from that, kitang-kita naman namin sa teleserye mo na napaka-talented mo," sagot naman sa akin ni Tita Rea. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Thank you po, Tita Rea." Pinagdaop ko ang mga palad ko habang nakangiti at bahagyang yumuko.

"Maureen, kwento mo nga sa'min, how did you get this role?" Another question.

"Well Tita actually I've been acting for like three years? Acting and modeling. Pero kahit po gano'n, never ako napunta sa ganitong spotlight—I mean I never got this very, very big attention," panimula ko.

Totoo naman kasi 'yon. Siguro nga umingay ang pangalan ko noong ipinakilala ako ng mga Olivarez. Papaano ba naman kasing hindi, e, nakasubaybay nga ang mga tao sa lahat ng pangyayari sa buhay nila? Kaunting galaw lang yata ng mga kapatid ko, ibabalita na. Gano'n sila kasikat.

But after that, I lived in their shadows again. Kasama lang nila sa mga events, pero hindi masyadong pinagtutuunan ng mga pansin. Pa-extra-extra lang—supporting roles. I had never been like my sisters, not until today.

That time, I felt very helpless. Ibinigay ko lahat ng makakaya ko just to make my Mommy proud, at para na rin matanggap ako ng mga Olivarez. But none of my efforts was appreciated. Si Mommy lang ang natutuwa sa mga maliliit kong achievements. But the Olivarez family? Never. They never stopped treating me like a trash.

That's why I told myself, someday, they would also be proud of me na kahit hindi ako totoong Olivarez, magkukumahog silang angkinin ako bilang miyembro ng pamilya nila.

"Then nagkaro'n nga po ng audition para sa Replica. At first po, ayoko po talagang mag-audition, kasi I had so many fears and doubts po. Kasi matalo man po ako or manalo, I know may masasabi at masasabi na masakit ang mga tao," pagpapatuloy ko pa.

Tita Rea looked at me with sympathy in her eyes. Parang nai-imagine ang paghihirap na dinanas ko noon. Alam ko noon, kung matatalo ako, ipapamukha na naman nila sa akin kung gaano ako kawalang-kwenta. At ayoko ng pakiramdam na 'yon. Ayoko ng maramdaman 'yon.

"Pero, pinilit po ako nang pinilit ng manager ko, na baka nga raw po this is my chance," dagdag ko pa. Pagkatapos ay kumaway ako sa camera na nakatutok sa'kin. "Hi, Madamsh!"

Madamsh or Madam Rhonda, my manager, deserves the acknowledgement. Just like my mom, siya rin ang naging kakampi ko all those years at magpahanggang-ngayon. Trinato niya rin akong isang anak. She believed in me when I can't even believe in my own self.

Napangiti naman si Tita Rea nang ginawa ko 'yon. Pagkatapos ay sinabi sa'kin, "Buti na lang pala pinilit ka ng manager mo, 'no?"

"Yes po," sang-ayon ko. "Kaya nga po sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa kanya."

"So 'yon, nag-audition ka, and then what's next?"

"Uhm, luckily, napili po ako ni Direk kasi sobrang na-impress daw po siya sa'kin. Pero syempre po, hindi po naiwasan 'yung comment ng iba na kaya lang daw po napili kasi Olivarez," kwento ko pa.

"So, akala nila palakasan lang 'no?"

Tumango-tango ako, "Opo. Pero 'yon po 'yung ginamit kong inspiration para mas galingan ko pa po sa role ko. I want them to see that I am where I am today, not just because I am an Olivarez, but because of my hardships and efforts as well."

Bahagyang pumalakpak si Tita Rea pagkasabi ko noon. Ginantihan din niya ang malawak na ngiti ko.

"Oh, that's great! At kitang-kita nga namin, ginalingan mo nga sa role mo bilang Marissa and Clarissa, ano? Palagi pa kayong trending sa twitter."

"Yes po," sagot ko. "Actually, dapat kasama ko rin po dito si Gio, kaso may mall tour po siya sa Algodon, e."

"Aww, sayang naman," may pagkadismayang sabi ni Tita Rea. But, maybe next time! 'Di ba?"

Nilingon pa niya ang mga fans at nagsi-sigawan naman ang mga ito. Bahagya na lang akong natawa dahil sa labis na saya. Nakakataba talaga ng puso na marami ang sumusuporta sa akin ngayon—sa amin ni Gio, na ka-loveteam ko.

"Speaking of Gio, hmm, ano nga ba ang real score sa inyong dalawa? I mean, fans are wondering, kung saka-sakali, ha? May pag-asa ba si Gio sa'yo?"

Napaawang ang labi ko habang nakangiti pa rin. Hindi ako makapaniwalang deretsahang itatanong sa akin ni Tita Rea 'yon! Pero well, ano pa nga bang bago? This is showbiz industry.

"Oh my gosh, Tita Rea!" reaksyon ko pa. Then I looked at the fans who were cheering and waiting for my answer. "Well, sorry to disappoint you, but as of now, Gio and I are just friends."

I know, sabi nila noon sa akin, mas dadami ang susuporta kung magiging real-life couple kayo ng on-screen partner mo. Kaya hindi na rin bago ang dayaan sa industriyang 'to. But no, not me. I know I had to do it for fame, but what about my feelings?

Kinailangan ko na ngang magsinunangaling tungkol sa pamilya ko, magsisinungaling pa rin ba 'ko tungkol sa buhay-pag-ibig ko? Kaya no, hindi ako gagawa ng kwento para lang sa ikakasaya ng iba. I believe, susuportahan pa rin naman nila kami no matter what, e. Unless, they're not true fans.

"Aww, sorry fans!" pakikisimpatya ni Tita Rea sa mga fans na nawasak ang puso dahil sa pag-asang magiging kami ni Gio.

I know Gio has affairs and flings on his own, kaya alam ko sa sarili ko na malabo talaga.

"Pero malay natin!" dagdag pa ni Tita Rea, kaya muling nagwala ang mga fans. Napangiti na lang ako.

Well, sorry. I don't wanna be involved with a guy like Gio. He's a playboy. I know that.

"E, pero single ka ngayon, Maureen?" tanong ni Tita Rea.

"Yes po, Tita Rea. Single po ako ngayon," sagot ko.

"Wala ka pa bang balak?"

"Wala pa po. I think, mas okay pong mag-focus po muna ako sa work ko."

"Sa bagay, you're just 19 pa lang naman."

Tumango-tango ako at 'di na ulit nagsalita. May nag-cue kasi na magko-commercial break na. Kaya humarap na si Tita Rea sa iba pang camera.

"Alright! Mamaya, pagbalik natin, kikilalanin pa natin lalo si Maureen, so 'wag po kayong maglilipat ng channel!" magiliw na sabi ni Tita Rea. Pagkatapos ay binanggit pa niya ang tagline ng show niya. "Wag magpapahuli at laging maki-in, dito sa What's In!"

Nang mag-commercial break na ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagbigyan ang mga fans na gustong magpa-picture sa akin. Sa dami nga nila ay hindi ko na mapagbigyan ang iba. Halos mapudpod din ang kamay ko sa kaka-kamay sa kanila.

Nang 5 minutes na lang ay mage-ere na uli ang What's In ay bumalik na ako sa kinauupuan ko at muling umayos ng upo. Naghintay na lamang din ako na matapos ang commercial break.

"And now we're back!" masiglang bati ulit ni Tita Rea sa mga manonood. "At ngayon, mas kikilalanin pa natin si Maureen Olivarez, na mas kilala ngayon sa role niya bilang Marissa sa Replica."

Marami pa kaming napag-usapan ni Tita Rea tungkol sa buhay ko. Mga hilig ko, mga iba ko pang karanasan, at kung paano ako nag-adjust sa piling ng mga Olivarez. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sagutin ng puro kasinungalingan ang huli.

Pero isang taong ni Tita Rea ang talagang hindi ko inasahan na siyang halos magpatulala sa akin.

"So, may balak ka bang bumalik sa Doña Blanca for a show or like vacation, gano'n?"

Aaminin kong natigilan ako sa tanong niyang 'yon, pero nanatili pa rin akong nakangiti. Doña Blanca. Kahit sa pangalan lang ng lugar na 'yon, bumabalik na sa'kin lahat ng mga alaala ko doon. And just the thought of it gives me different emotions—pero mas nangingibabaw ang inis ko sa kanila.

Peke akong ngumiti. Iniisip kong nanonood sa akin ngayon ang mga taong nang-api sa'kin noon. At gusto ko, kapag nakita nila ang ngiti ko ngayon, maiinis sila sa'kin. Kagaya ng inis na nararamdaman ko sa kanila hanggang ngayon.

"Oh, Tita Rea. I would 'love' to go back there. I missed the place and the people! So, why not?" sagot ko naman na sa totoo lang ay sobrang plastic.

Well, it's true din naman. Gusto ko rin naman talagang bumalik doon. Naiisip ko rin naman kasi sila Danica at Jacob. Kamusta na kaya sila? Miss na miss ko na rin sila. And I am hoping na sana nasa mas maayos na kalagayan na sila ngayon.

But aside from that, may isa pa akong gusto at 'yon ay ang makaharap ang mga Lorenzino. I wonder how would they react if they see me again? Well, sa bagay, sigurado naman akong alam na nila kung nasa'ng sitwasyon ako ngayon.

But I never knew their reaction and that. . . is what I wanted to see.

"So, Maureen, last, ano'ng gusto mong sabihin sa mga fans mo?" tanong pa ni Tita Rea.

Tumingin naman ako sa camera na nasa gitna at saka sinagot 'yon. This time, syempre, totoo at galing na talaga sa puso ko ang sagot ko. Syempre, mga taga-suporta ko ang pinag-uusapan dito. Kulang ang thank you ko para pasalamatan sila. Dahil kung wala sila, wala rin ako dito ngayon.

"Sa lahat ng mga taong sumusuporta sa'kin,  maraming-maraming salamat po sa pagbibigay sa'kin ng courage at inspiration para magpatuloy. Sana hindi po kayo magsawang suportahan ako," sinserong sabi ko. Muntik ko pang makalimutang i-promote ang show ko, kaya naman idinagdag ko, "At syempre, 'wag n'yo pong kakalimutang manood ng Replica. Monday to Friday; 7:40 to 8:30 pm!"

Matapos 'yon ay nag-end na ang show. Nagkaroon ako ulit ng pagkakataon na makipag-interact sa mga fans. Pero saglit na saglit lang din 'yon dahil pinapasok na ulit ako ng mga staffs sa backstage.

* * *

"Eunice, ano'ng next sa schedule ko today?" tanong ko sa P. A. ko habang naglalakad kami palabas ng building.

"Uh, Ma'am wala na po," sagot naman niya kaagad.

Tumango na lang ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Agad kong hinanap ang number ni Madam Rhonda at kaagad itong tinawagan. Paglabas din naman namin ni Eunice ay nandoon na ang van namin, kaya pumasok na lang ako kaagad sa loob, at umalis na kami.

"Oh, hello, Maureen!" bati sa akin ni Madam Rhonda. "Napatawag ka? Did something happen in the interview?"

"Wala po," sagot ko at umiling pa, na akala mo naman nakikita niya ako. "May gusto lang sana akong sabihin."

"Hmm. What is it?"

"I'm ready, Madam. I'm ready to go back to Doña Blanca. So please, don't decline their offer now," diretsong sagot ko habang matalim ang tingin sa tinatahak naming daan.

"Oh. Are you sure?" paninigurado pa ni Madam Rhonda.

"Oo, Madam. Sure na sure na," matapang na sagot ko naman.

Simula no'ng magsimula akong mag-artista, sinusubukan na ng mga officials ng Doña Blanca na arkilahin ako para sa Seafood Festival nila. Pero palagi ko iyong tinatanggihan. Hindi ko pa kaya. Hindi pa 'ko gano'n katapang at wala pa akong masyadong napapatunayan noon. Baka sa huli, ako lang ulit ang masaktan.

And I think now is the perfect time. Matunog na ang pangalan ko, marami na akong endorsements, at sikat na sikat ang palabas ko. I've waited for this chance na matapang na akong makakaharap sa kanila. At sila naman ang walang mukhang maihaharap sa akin.

Itutuloy . . .


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C42
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login