Baixar aplicativo
30% Ruined Heart / Chapter 18: Kabanata 17

Capítulo 18: Kabanata 17

Kabanata 17

Muntik na rin akong abutin ng antok doon sa kwarto ni Sir Apollo. Mabuti na nga lang at nalabanan ko ang antok, kung hindi, patay talaga 'ko. Ano na lang ang iisipin ng mga tao dito sa mansyon? Lalo na si Ma'am Helen! At. . . At si Sir Zeus!

Dala na rin siguro ng sakit ay nakatulog naman na si Apollo. Minabuti ko nang lumabas nang masiguradong tulog na nga siya. Pero bago 'yon ay kinuha kong muli ang bimpo sa laundry basket. Hindi naman 'yon nadumihan.

Hinugusan ko ulit 'yon, pinigian, at inilagay sa noo niya. Hindi ko alam kung totoo bang nakakagaling 'yon, pero kapag ginagawa 'yon ni Itay sa'kin, mabilis na nawawala ang lagnat ko.

Kinabukasan, maaga rin kaming nagising ni Danica para maghanda sa pag-uwi sa bahay namin. Sabado na naman kasi ngayon, kaya day off ulit namin. Minsan tumutulong muna kami sa paghahanda ng almusal. Pero dahil puyat ngayon ang mga Lorenzino, hindi na kailangang maghanda nang maaga.

"Teka, dito ka muna. Naiihi na 'ko, e," sabi sa'kin ni Danica. Lalabas na kasi kami ng mansyon.

"Ano? 'Di ba makakapaghintay 'yan?" inis kong tanong sa kanya at pumameywang pa ako. Uwing-uwi na kasi ako.

"Hindi talaga, e!" sabi niya na nakangiwi na. "Dito ka lang!" At dali-dali na siyang tumakbo patungo sa banyo.

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaba ang bag na dala ko sa sofa ng mga Lorenzino. Naupo na lang din ako do'n habang hinihintay ang magaling kong kaibigan.

Mayamaya naman ay dumarating si Jacob na mulang kakagising lang. Ni hindi pa nga siya nakasuot ng uniporme niya.

"Oh? 'Di pa pala kayo umaalis?" tanong niya sa'kin.

"Si Danica kasi! Ang dami pang ano, e," reklamo ko.

Natawa naman siya. "Di ka na nasanay." Tumabi naman siya sa'kin at muling nagsalita. "Nga pala, ikamusta mo ako kila Nanay, a? At kala Princess."

Tumango-tango ako. "Sige ba! Pero wala akong maibibigay 'pag humingi 'yon ng pasalubong ah?"

"Naku, ano ka ba?" Natawa na naman siya. "Sabihin mo sa sweldo na lang kamo."

"E, para namang 'di ka uuwi bukas," sabi ko naman.

"May trabaho rin kasi ako, e. Do'n na rin ako didiretso bukas," sagot naman niya sa'kin na labis kong ikinabigla.

"Aba! Baka naman nasosobrahan na 'yang katawan mo? Magpahinga ka rin, Jacob!" sermon ko sa kanya. Ito talagang kaibigan ko na 'to! Nasobrahan sa kasipagan.

"Kaya ko naman 'no. Tsaka 'di naman gano'n kabigat ang mga gawain ko dito. Okay lang ako," sabi naman niya sabay ngiti pa sa'kin, para ipakitang ayos lang siya.

"Sa'n na naman ba ang trabaho mo bukas?" tanong ko na lang.

"Doo'n sa hacienda. Panahon ng mangga, 'di ba? E, nagkukulang daw sila sa trabahador do'n," paliwanag naman niya sa'kin. Ang tinutukoy niyang hacienda ay ang hacienda ng mga Zaldivar. Doon din siya nagtrabaho noon bago siya mapunta dito.

"Basta, mag-iingat ka na lang," sabi ko na lang sa kanya. Ayoko rin naman na siyang pigilin pa. Alam ko naman kasing higit pa sa'kin ay kailangang-kailangan niya ng pera. Pito kasi silang magkakapatid. Iniwan pa sila ng tatay niya.

"Maureen! Buti nandito ka pa!"

Kapwa kami napatingin kay Monet na nagmamadaling bumababa ng hagdan. May dala itong basong walang laman.

"Bakit?" takang tanong ko naman.

"Tinatanong ka kasi ni Sir Apollo," sagot niya nang makalapit na siya sa amin. Napatayo naman ako dahil doon.

"At bakit?"

Magkahalong pagtataka, pagkagulat, at inis ang nararamdaman ko ngayon. Sabi na nga ba't maling desisyon na inalagaan ko pa siya kagabi! Sana'y pinasa ko na lang pala kay Danica, o kaya ay kay Ate Bella.

"Ewan!" Nagkibit-balikat si Monet. "Baka magpapasalamat sa'yo. Ikaw daw kasi ang nag-alaga sa kanya kagabi."

"Trabaho naman natin 'yon. 'Di na kailangan pang magpasalamat," komento naman ni Jacob.

"Oo nga! Tama si Jacob. Ginagawa ko lang naman ang trabaho natin," segunda ko pa kay Jacob. Mabuti nga at sinabi niya 'yon, e. Pero itong si Monet, sadyang mapilit din.

"E, Jacob, hayaan mo na. Ikaw din, Maureen. Gusto lang namang magpasalamat ni Sir Apollo, e. May masama ba do'n?" sabi pa ni Monet.

Napalingon naman ako kay Jacob na nakaupo pa rin sa sofa. Parang nanghihingi ako sa kanya ng saklolo sa pamamagitan ng tingin. Pero mukhang 'di niya nakuha ang gusto kong iparating, dahil tumango na lang siya sa akin.

"Sige na, Maureen. Hayaan mo na," sabi pa niya.

Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako at wala na akong nagawa kung hindi ang umakyat at magtungo sa kwarto ni Apollo. Nadatnan ko siyang nakaupo sa paanan ng kwarto niya at tahimik na nakayuko.

Sakrakstiko akong napatawa, kaya napatingin siya sa akin. "Mukhang magaling ka na, a?"

"Masama pa rin ang pakiramdam k—"

"Hindi halata," pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya. Ewan ko ba, pero kapag sa kanya, awtomatikong nagiging bastos ang bibig ko. Bakit? E, gano'n din naman siya sakin, a! Siya 'tong unang nambastos at nanghamak sa'kin.

"Pero mas mabuti na kaysa kahapon. Salamat sa'yo," pagpapatuloy niya. Ngumiti pa siya bago magpatuloy. "Alam mo? Never ginawa sa'kin ni Mom 'yon. Konting lagnat lang kasi, hospital na agad—"

"Nasabi mo na ang salamat. Pwede na siguro akong umalis?" Muli ay pinutol ko ang sinasabi niya. Wala naman kasi akong balak makinig sa drama niya sa buhay.

Napangiti siya nang mapait, pagkatapos ay may kinuhang papel sa kama, sa may tabi niya. Nang makuha niya 'yon ay pinilit niyang tumayo at lumapit sa pwesto ko, sa may tabi ng pintuan. Doon lang ako tumayo dahil ayokong lumapit sa kanya.

"Gusto ko lang sanang ibigay 'to sa'yo," sabi niya habang papalapit sa'kin.

"Hindi ko tatanggapin 'yan," mariing sabi ko bago pa man din siya makalapit sa'kin.

"Maureen, please, tanggapin mo 'to. Pangko, ito na ang huling beses na guguluhin kita," pakiusap pa niya sa'kin, kaya medyo natahimik ako. Nagsalita naman siya ulit at nakinig na lang ako. "Tanggap ko na rin naman na. Kahit pa walang Zeus d'yan sa puso mo, hindi mo ako magugustuhan. Dahil nga parang kuya mo na ako."

"Mabuti naman naisip mo 'yan," tugon ko sa kanya.

Nagulat naman ako dahil hinawakan niya bigla ang kamay ko. Hindi ko na 'yon kaagad na nabawi sa kanya. Kaya nagtagumpay siyang ipahawak sa akin ang papel na kanina'y hawak niya.

"Tanggapin mo sana ito. Kahit ito lang. 'Wag na ang pag-ibig ko," sabi niya pa sa akin.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang papel na 'yon at pinagmasdang mabuti. Kung dati'y halos 'di pa tapos ang sketch, ngayon nama'y kumpletong-kumpleto na iyon, at may kulay pa. Halos kuha niya talaga ang hitsura ko.

"Hindi ko 'to matatanggap," malamig kong sabi at basta na lang ibinalik sa kanya ang papel. Ginamit ko na rin 'yon para matulak siya palayo sa'kin.

"P-Pero, Maureen. . ." daing pa niya sa'kin.

"Kung iniisip mong baka may makakita nito, e-edi itupi mo!" sabi pa niya. Kusa na rin niyang itinupi 'yon nang ilang beses para maging maliit. "Ito oh!"

"Bakit ba napaka-mapilit mo?" inis kong tanong sa kanya.

"Maureen, sabi ko nga, 'di ba? Ito na ang huling pangungulit ko sa'yo. Pagkatapos nito, katulong ka na lang ulit sa paningin ko. Pangako!" paliwanag pa niya sa'kin.

Ilang segundo ko pa siyang tinignan nang masama, bago ko inis na kinuha sa kanya ang papel na 'yon. Kaagad ko rin 'yong binulsa at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto niya.

Nagulat naman ako nang paglabas ko ay saktong paglabas din ni Sir Zeus sa kabilang kwarto. Napaawang ang labi ko. Ngayon ko lang siya ulit nakita simula kahapon. Ano kayang nangyari sa debut kagabi?

Siya naman ay halata ring nagulat. Pero napaiwas din kaagad siya ng tingin at dali-daling bumaba.

Ewan ko kung nag-iilusyon lang ba ako, pero pakiramdam ko ay masama ang loob niya. Bakit naman kaya? Naku! Baka mamaya kung ano'ng naisip niya dahil lumabas ako sa kwarto ng kuya niya!

Pero sandali, kung gano'n nga ang naisip niya, bakit naman sasama ang loob niya. Wala naman siyang gusto sa'kin, 'di ba? Baka may problema lang siya ulit, o baka naman iniisip ko lang talagang masama ang gising niya?

* * *

Habang pauwi naman kami ni Danica ay salubong ng kilay niya. Panay din ang reklamo niya sa'kin tungkol ka Jacob at kay Monet.

"Bakit naman kasi ang tagal mo do'n sa kwarto ni Sir Zeus?" Sa inis niya'y naibunton pa niya sa'kin ang galit niya.

Hindi naman kaagad ako nakasagot. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lahat. Tutal, titigil na rin naman na si Apollo, 'di ba? Kaya sa huli ay iniba ko na lang ang usapan para mawala ang atensyon niya sa tanong niyang 'yon.

"E, ano ba kasing kinaiinis mo kay Jacob at kay Monet?" tanong ko at sinundan ko pa 'yon ng isang mainit na tanong. "Nagseselos ka ba?"

"H-Ha? Hindi 'no! N-Nakakainis lang kasi talaga. P-Parang ano, nakakalimutan na tayo ni Jacob kasi!" pautal-utal na sagot niya. Panay din ang pag-iwas ng tingin niya sa'kin, kaya natawa na lang ako sa kanya.

"Talaga ha?" tanong ko pa.

"Tsk," sagot na lang niya.

Mayamaya rin naman ay nakita naming tumatakbo ang kapatid niyang si Buknoy. Daniel talaga ang pangalan ng pitong-taong gulang niyang kapatid na 'to, pero nakasanayan na naming Buknoy ang itawag sa kanya.

"Ate Nica!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa amin.

"Buknoy!" Nang makalapit sa amin si Buknoy ay kaagad siyang binuhat ni Danica. "Na-miss mo ba si Ate Nica na napakaganda?"

Napailing na lang ako. Ito talagang si Danica, napakaraming kalokohang tinuturo sa kapatid niya.

"Uy, una na 'ko ah? Maya na lang!" paalam ko naman.

Nang tumango si Danica ay dumiretso na ako sa bahay namin. Pagpasok ko ay naabutan ko naman si Itay na naghahalo ng kapeng dala niya.

"Oh, sakto nand'yan ka na pala," puna niya sa akin.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at bahagya siyang hinagkan. "Magandang umaga, Itay!"

"Oh, ayan, pandesal lang muna almusal natin," sabi naman ni Itay sabay nguso sa supot ng pandesal na nandoon sa mesa.

"Ayos lang, Itay!" sabi ko naman. Dali-dali naman akong lumapit sa papag namin para ilagay doon ang dala kong bag.

"Sandali, ipagtitimpla kita ng kape," dinig ko pang sabi ni Itay.

"Naku, Itay! Ako na lang po," sagot ko.

Ngunit pagharap ko naman sa kanya ay nagtitimpla na siya ng kape doon sa malapit sa lababo. Napailing na lang akong lumapit sa mesa at naupo sa bangko roon.

"Si Itay talaga oh, ang kulit!" natatawang sabi ko. Narinig ko rin naman ang tawa niya.

"Hayaan mo na't ikaw na lang naman ang pinagsisilbihan ko ngayon," sabi niya. Ilang sandali rin ay lumapit na siya ulit at iniabot sa akin ang kape.

"Salamat po," sabi ko at inilapit 'yon sa akin. Kumuha na rin ako ng pandesal, kumuha ng kapiraso noon, at isinawsaw sa kape.

"Gusto mo ba ng keso? Bumili ka na lang d'yan kay Aling Diony," sabi pa ni Itay.

Napailing naman ako. "Okay na 'ko dito, Itay." Sumubo pa ako ng tinapay na isinawsaw sa kape at nagpatuloy, "Wag kang mag-alala, 'Tay, 'pag yumaman tayo, lahat ng klase ng palaman, bibilhin ko para sa'yo."

Mayamaya naman ay narinig naming bumukas ang pintuan namin. Sabay kaming napatingin doon ni Itay at nakita namin si Tita Oli, ang nanay ni Jacob. Naka-clam lang ang magulo niyang buhok. Ang kulay pulang damit ay kupas at maluwang sa kanya. Ang short naman nito ay sira-sira ang laylayan.

Sanay na kaming makita sa ganoong ayos si Tita Oli. Ikaw ba naman ang mag-alaga sa limang maliliit pang mga anak. Pagkatapos ay wala pang tigil ang paglalabada niya dahil 'yon lang ang pinagkakakitaan niya. Kung minsan naman ay pagma-manicure. Mabuti nga at katulong niya si Jacob sa pagtatrabaho. Ang sumunod naman kay Jacob na si Kyla ay nag-aaral ng high school.

"Ah, magandang umaga, Jose, Maureen," bati niya sa amin. Sa bati pa lang niyang 'yon at sa hitsura niya'y alam ko na ang pakay niya. Tiyak na manghihiram siya ng pera.

Tumango ako at ngumiti kay Tita Oli.

"Oh, anong sadya mo?" tanong naman ni Itay kay Tita Oli, at pagkatapos ay humigop pa ito ng kape.

"Ah, e, alam kong nakakahiya, baka sabihin mo, e, na naman, e, pero—"

"Sabihin mo na, Oli. 'Wag ka nang mahiya," pagputol ni Itay sa paligoy-ligoy ni Tita Oli. Katulad ko ay sanay na rin si Itay dito.

"E, manghihiram sana ako ng pera. Isandaan lang naman. Pambili lang namin ng ulam. isosoli ko na lang pag-uwi ni Jacob bukas," sabi ni Tita Oli. Noon din ay naalala ko ang bilin sa akin ni Jacob.

"Tita! Nga pala, baka raw po sa hacienda dumiretso si Jacob bukas. May trabaho daw po kasi do'n, e," sabi ko kay Tita Oli.

Wala naman sigurong kaso kung sumingit ako sa usapan nila, 'di ba? Hindi pa naman nagsasalita si Itay. Tsaka kailangan ko talagang sabihin kay Tita Oli, e.

"Oh, ayan pala, Jose. Sakto, may iba pang raket si Jacob bukas. Pangako, isosoli ko rin sa'yo," sabi pa ni Tita kay Itay.

Napatango-tango naman si Itay. "Oh, siya, siya. Naiintindihan naman kita, Oli. Sandali, at kukuha ako."

Tumayo si Itay para kuhanin ang wallet niya sa maliit na bag niyang itim na dala niya sa tuwing pumapasada siya. Kumuha siya doon ng pera at inabot kay Tita Oli.

"Maraming salamat, Jose, ah? Pasensya ka na't wala talaga kaming pera," sabi pa ni Tita Oli.

"Sus. Ano ka ba? Wala 'yon," tugon naman ni Itay sa kanya.

"Oh, siya, sige. Mauna na 'ko ah?" paalam naman ni Tita Oli. Siguradong marami pa siyang aasikasuhin.

Tumango na lang si Itay, kaya umalis na rin si Tita Oli. Pagtalikod naman dito ni Itay ay napahawak siya sa gilid pintuan at sinapo ang ulo niya. Napapikit pa siya nang mariin at napangiwi. Dahil sa gulat at kaba ay dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya.

"I-Itay? Ano pong problema? A-Ayos ka lang po?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

Ilang segundo rin siyang nanatiling nakayuko, hanggang sa nag-angat na ulit siya ng tingin sa akin. Saka siya sumagot sa akin, "A-Ayos lang ako."

"Sigurado ka po, Itay?" tanong ko pa habang nakasunod sa kanya na papalapit ulit sa mesa.

"Oo, ayos nga lang ako," sagot naman niya sa akin. Pagkaraan ay kinuha niya ang tasa niya at nilagok ang natitira niyang kape. "Dala lang siguro ng init 'to."

Nabato naman ako sa kinatatayuan ko, dahil labis pa rin ang kaba ko. Totoo kayang ayos lang si Itay? Parang napaka-kirot ng ulo niya kanina, e!

"Sandali, 'Tay!" pagpigil ko nang makitang isinuot niya ang jacket niya. "Papasada pa kayo? 'W-Wag na muna kaya!"

"Ano ka ba? Ayos nga lang ako," sagot pa niya sa akin sabay suot ng bag niya. Isinunod pa niya ang sombrero niya.

"P-Pero, 'Tay. . ." Ewan ko ba at 'yon na lang ang lumabas sa bibig ko. Gusto kong pigilan si Itay, sabihan siyang magpahinga na lang, pero alam kong magpupumilit pa rin siya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin!

Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala, hmm?"

"Basta, Tay. . . Uminom ka po ng ano ah? Ng gamot!" paalala ko na lang. Tumango naman siya bilang tugon. Sabi na't hindi ko mapipigilan si Itay. Talagang mapilit siya.

Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako habang sinusundan ko siya ng tingin. Ang Itay ko. . . Ang kawawang Itay ko. . . Kailangan ko talagang magsikap—mag-aral! Para maiahon ko sa hirap si Itay. Para 'di na siya nahihirapan nang ganito.

Isinarado ko na lang ang pintuan at nang pabalik na ako sa mesa ay napabulsa ako. Doon ko naman nakapa ang isang papel sa bulsa ko. Agad ko 'yong inilabas at tinignan.

Napatigil naman ako nang maalala kong iyon nga pala ang bigay ni Apollo sa akin. Sa katunayan, maganda naman talaga ang obra niyang 'yon. Medyo nakakahinayang nga na nalukot dahil sa pagkakatupi. At aminin ko man o hindi, may parte sa akin na natutuwa dahil dito sa papel na 'to. Dahil ito ang unang pagkakataong may nagbigay sa akin ng regalo bukod kay Itay at kay Maureen at Jacob. Kahit pa nga sabihing hindi ko naman kaarawan.

Kaya sa huli, itinago ko na lang din ang papel na 'yon sa alkansya kong lata lang na lalagyan ng biskwit.

Itutuloy . . .

//Doña Blanca is a fictional place, pero probinsya ang dating niya.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C18
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login