Baixar aplicativo
18.33% Ruined Heart / Chapter 11: Kabanata 10

Capítulo 11: Kabanata 10

K a b a n a t a 1 0

"Gusto kita, Maureen."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bagamat may suspetya na ako ay 'di ko pa rin naiwasan ang magulat. Para bang 'di ako makapag-isip nang maayos. Hindi maproseso sa utak ko 'yon kahit pa Tagalog naman ang sinabi niya.

"Gusto talaga kita, Maureen," giit pa niya.

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya na ipagpatuloy ang sinasabi niya.

"Siguro, iisipin mo na nahihibang ako—nababaliw. Pero hindi! Totoo ang nararamdaman ko sa'yo, Maureen. Unang beses palang na makita kita dito sa mansyon. At wala akong pakialam kung—"

"Bitawan mo po ako!" protesta ko at pilit na kumawala sa hawak niya. Pero ayaw niyang mapatalo. Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa'kin.

"—Kung mahirap ka lang at pitong taon na mas bata sa'kin," pagpapatuloy pa niya.

Ang tanging nararamdaman ko lang ng mga sandaling 'yon ay pagkainis sa kanya. Hindi rin alam kung bakit ba ako naiinis. Dahil ba sa natatakot ako sa kanya o dahil sa siya ang may gusto sa akin at hindi si Zeus?

Pero nang mga oras na 'yon ay naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng sulok ng mata ko. Parang gusto ko ring manginig sa inis at takot sa kanya.

Galit akong humarap sa kanya. "Tigilan mo po ako, pwede ba? Gusto lang magtrabaho nang payapa dito!"

Nagsalubong ang kilay niya at sinalubong ang matatalim kong tingin sa kanya. Mas matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Kitang-kita ko rin ang panggigigil niya base na rin sa pagngangalit ng ngipin niya.

"Payapa huh? Pa'no kaya kung si Zeus ang nasa harapan mo ngayon? Magiging iba kaya ang reaksyon mo?" makahulugang sabi niya sa akin habang kitang-kita ko pa rin ang pagtitiim ng panga niya.

Bigla akong nanghina sa sinabi niya at unti-unting nawala ang kanina'y inis ko sa kanya. Napalitan 'yon ng gulat at mas matindi pang takot. Alam niya. . . Alam niya na gusto ko si Zeus! Ano pa ba ang alam niya at ano pa kayang gagawin niya? Ilalaglag ba niya ako kay Zeus? Kay Ma'am Helen?

Unti-unting umangat ang dulo ng labi niya. "Oh ano? Nawalan ka yata ng kibo?"

"W-Wag niyo nalang po akong guluhin. . . P-Pakiusap!" depensa ko at muling nagpumiglas sa hawak niya. Sa pagkakataong ito ay pinakawalan na niya ang braso ko. Ngunit mas lalo naman akong nagulat nang hawakan niya ako sa dalawang balikat ko.

"Sasabihin ko lang sa'yo. . . 'Wag mo nang pangarapin ang kapatid ko! Hindi siya katulad ko. Hinding-hindi siya magkakagusto sa tulad mong dukha!"

Lalo akong nabalot ng pangamba dahil sa nakakatakot niyang hitsura. Galit na galit siya sa akin at nasasaktan na rin ako sa hawak niya sa balikat ko. Akala ko pa naman ay mabait siya, pero mas mukhang demonyo pa pala siya kay Zeus!

Mayamaya rin ay binitawan niya ako at lumayo sa akin. Hindi ko pa rin naman makuhang huminga nang maluwag. Natatakot pa rin ako sa pwede niyang gawin ano mang oras. Lalo pa at wala naman akong magawa kung hindi ang tahimik na manginig dito sa isang sulok.

"Sige, matulog ka na. Ako na'ng bahala dito," malamig niyang sabi habang nakatalikod sa akin.

Wala na akong pinalampas na sandali. Ang nasa isip ko lang noon ay gusto kong makalayo sa kanya. Kaya naman dali-dali akong nagtungo sa kwarto namin habang gulong-gulo ang utak ko dahil sa nangyari.

Balisa ako nang isarado ko ang pintuan ng kwarto namin. Napasandal ako doon habang hawak ang dibdib ko. Hinga lang ako nang hinga na para bang nakipaghabulan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Patay na ang ilaw at mukhang natutulog na sila. Mabuti naman at baka magtanong pa sila kung ano'ng nangyari at bakit ganito ang hitsura ko ngayon.

* * *

"Maureen! Uy, gising na, Maureen!"

Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Danica habang nakapikit pa ako. Naiinitan na rin ang mukha ko na nadadampian ng sinag ng araw.

"Uy, umaga na! Baka mapagalitan pa tayo n'yan ni Manang!" sabi pa ni Danica, kaya't unti-unti ko nang iminulat ang mata ko.

Hindi pa rin naman ako matakayo dahil ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Anong oras na ba ako natulog kagabi? Ang natatandaan ko lang ay hindi ako dinalaw ng antok dahil ang daming mga bagay na naglalaro sa isip ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Medyo naalarma ako nang makita ko ang mukha ni Ate Regine na nagtatanong sa akin. Nakabihis na siya ng uniform namin.

Sinikap ko naman ang bumangon at maupo sa higaan. Ngunit nasapo ko pa rin naman ang noo ko dahil sa sakit ng ulo ko.

"M-Medyo masakit lang po ang ulo ko, Ate," sagot ko naman.

Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mukha nila ni Danica. Lumapit sa akin si Ate Regine at sinalat ang leeg at noo ko. Hinayaan ko nalang na gawin niya 'yon, dahil halos wala pa rin akong lakas.

"Wala ka namang lagnat." Kunot ang noong bumalik siya sa maayos na pagkakatayo. "Puyat lang siguro 'yan. Bumangon ka na at nang makakain ka. Inuman mo lang ng gamot 'yan, mawawala 'yan."

"Halika na," mahinang sambit naman ni Danica at tinulungan akong tumayo.

"Mauna na ako. Hindi pa naman bumababa si Ma'am Helen," paalam naman ni Ate Regine.

Napatango nalang ako bilang sagot.

"Dalian niyo," bilin pa niya bago tuluyang lumabas.

Inalalayan pa ako ni Danica patayo dahil alalang-alala siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. Madalas mang loka-loka 'tong kaibigan ko, maalalahanin di naman.

"Kaya ko na," sabi ko. "Salamat."

"Sigurado ka ah?" tanong pa niya. Tumango-tango naman ako at ngumiti.

Hindi naman na ako nagkumot kagabi, kaya wala na akong dapat tiklopin. Mainit pa rin kasi kapag gabi dahil nga tag-init. Kinuha ko nalang ang uniform ko at ang twalya at dumiretso sa banyo para maligo. Nasa tabi lang naman ng kwarto namin 'yon.

Habang nagbibihis ako sa banyo ay 'di ko naiwasan ang mapatingin sa salamin. Lumapit pa ako at pinagmasdan ang sarili ko doon. Ngayon ko lang yata nagawang tignan ang bawat detalye ng mukha ko.

Noon pa ma'y marami ang nagsasabing maganda raw ako. Hindi nga raw ako mukhang anak-mahirap eh. Maputi rin kasi ako na para bang hindi babad sa init ng araw. Pero kahit kailan, hindi ko pinansin ang mga papuri nila na 'yon. Ano naman kasi ang mapapala ko sa mukha ko? Kung pwede ko lang sana itong ibenta at pagkakitaan.

Napahawak pa ako sa salamin na para bang mahahawakan ko ang sarili kong pisngi. Ngayon ay naiinis ako sa hitsura ko. Alam ko naman kasing ito lang ang nagustuhan sa akin ni Sir Apollo. At kung wala sana 'to ay 'di niya ako magugustuhan.

'Pa'no kaya kung si Zeus ang nasa harapan mo ngayon? Magiging iba kaya ang reaksyon mo?'

Naalala ko naman ang sinabi niyang 'yon. Parang gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko, dahil sa isip-isip ko'y alam kong tama siya. Na kapag si Sir Zeus ang nagtapat sa akin, baka magdiwang pa ako.

"Maureen! Matagal ka pa ba d'yan? Pababa na si Ma'am Helen!"

Natinag ako nang marinig ang boses ni Danica. Oo nga pala! Dapat nga pala'y nagmamadali ako, pero heto at nagdadrama pa ako dito. Mukhang mas lalo nang magugulo ang isip ko dahil sa nangyari.

"O-Oo! Sandali lang," sagot ko na lamang at nagmamadaling nagbihis ng bestida naming uniform.

Halos sabay lang kaming dumating ni Sir Zeus sa kusina nila. Napayuko nalang tuloy ako dahil sa hiya ko kay Ma'am Helen at kay Manang Guada.

"Bata ka! Sa'n ka ba galing?" tanong ni Manang Guada sakin na pabulong lang.

"Pasensya na po, Manang. Tinanghali po kasi ako ng gising," paghingi ko naman ng tawad sa kanya.

"Manang, medyo masama lang po ang pakiramdam," pagtatanggol naman sa akin ni Ate Regine.

"Wag na sanang maulit 'yan ha?" paalala pa ni Manang Guada. Marahan naman akong tumango-tango.

* * *

Pagkatapos din ng umagahan ay nagmamadali nang umalis si Sir Zeus. Nakasuot siya ng T-shirt na asul at kupas na maong. May suot din siyang sumbrero na pares sa rubber shoes niyang itim.

"Oh, sa'n ang tungo mo?" usisa ni Manang Guada sa kanya.

Kasalukuyan akong nagwawalis noon sa labas ng mga kwarto sa taas. Matapos ko kasing uminom ng gamot ay medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Dala lang talaga siguro ng hindi maayos na tulog ko kaya sumakit ang ulo ko.

"Mag-e-enroll po."

"Gan'on ba? E, mag-ingat ka ha?"

"Yes, Manang."

Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis kay Manang. Siguro ganoon talaga sila kalapit sa isa't isa. Kung sa bagay, matagal nang naninilbihan si Manang dito, kaya siguro napalapit din ang loob niya. E, sa ibang katulong kaya, mapapalapit din ang loob niya?

'Hinding-hindi siya magkakagusto sa tulad mong dukha!'

Bigla ko namang naalala ang sinabi na 'yon ni Apollo kaya't napayuko na lamang ako at nagpatuloy sa gawain ko. Nasasaktan ako sa salitang 'yon ni Apollo dahil pakiramdam ko'y sinasampal ako ng katotohanan. Isang katotohanang 'di ko na kayang baguhin pa.

"Nga pala, Manang, sa labas ako magla-lunch. So, 'wag na po siguro kayong magluto.!

"Oh, siya, sige. Kasama mo ba sila Marquita? Ah, e, kamusta na pala kayo ni Blake?"

"Sasamahan ako ni Marquita. And about Blake, gan'on pa rin po, e."

"Maaayos niyo ring tatlo 'yan."

"Sana nga po. Sige, Manang. I gotta go."

Hanggang doon lang naman ang narinig ko, pagkatapos ay umalis na siya. Hindi siya sumakay sa kotse at nagpa-drive kay Junard. Bagkus ay tunog ng isang motorsiklo ang narinig ko.

* * *

Ganoon pa rin naman ang naging gawi namin kahit wala rin si Sir Zeus sa bahay. Nagluto pa rin kami ng tanghalian naming mga katulong dito. Sabay-sabay na rin kaming kumain.

"Manang Guada, nasa'n po si Sir Zeus?" usisa ni Danica.

Hindi pa nga pala kami nagkakausap pa, kaya 'di ko rin nasabi sa kanya. Isa pa'y nawala na rin sa isip ko, dahil sa dami ng gumugulo sa utak ko.

"Nag-enroll," sagot ni Manang Guada habang naghihimay ng ulam naming pritong tilapia.

"Ah!" Napatango-tango si Danica at pasimple akong tinignan. Kaagad din namang bumalik kay Manang ang tingin niya. "Manang, may iba pa po bang kaibigan si Sir Zeus?"

"Ba't mo naman tinatanong?" kunot-noong tanong ni Jacob.

Inirapan lang siya ni Danica. "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko."

"Tama na 'yan. Masama ang nagtatalo sa harap ng pagkain," suway sa kanila ni Manang Guada.

"Pasensya na po," hingi naman ng tawad ni Jacob.

Napatango lang si Manang Guada, pagkatapos ay muling bumaling kay Danica. "Si Marquita at si Blake lang ang naging kaibigan niya dito sa Doña Blanca. 'Yung mga lalaking kasama niya dito noon, mga kaklase 'yon ni Blake."

Tumango-tango naman si Danica. "Salamat po sa pagsagot! Napaisip lang po ako."

"Ewan ko lang kung may kaibigan siya doon sa Maynila. Palagay ko naman, e, meron," dagdag pa ni Manang Guada.

"Bakit ba tanong ka nang tanong tungkol kay Sir Zeus?" muli ay iritadong tanong ni Jacob.

"Nako, hindi pwedeng magkagusto sa alaga ko ah?" may tonong sambit ni Manang Guada.

Napayuko naman ako at nawalan ng imik. Pagkatapos ay muli na namang bumalik sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Apollo.

"Ah, hindi po, Manang. Chismosa lang po talaga ko, e," sabi naman ni Danica.

"E, kung gan'on, bakit 'di ka magtanong din tungkol kay Sir Apollo?" tanong naman ni Monet.

"Hmm. Okay lang po ba, Manang?"

Natawa at napailing naman si Manang Guada sa tanong ni Danica. "Ikaw bata ka."

Akala ko naman ay 'di na magkukwento si Manang Guada tungkol kay Apollo—Sir Apollo. Sa totoo lang, ayoko na sanang marinig ang kahit na anong sasabihin ni Manang tungkol sa kanya. Lubos ko na siyang kinamuhian simula kagabi.

"Sa totoo lang, e, mas mabait talaga 'yang batang 'yan kaysa kay Zeus," panimula ni Manang.

Para bang nawalan ako bigla ng gana. Alam ko naman kasi kung ano ang totoo. Masama talaga si Apollo! Mali ang akala ni Manang sa kanya!

Kaya lang, hindi ko pa nauubos ang pagkain ko. Bilin sa akin ni Itay na 'wag magsasayang ng pagkain, kaya kailangan ubusin. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang manatili sa kinauupuan ko kahit ayoko na sa pinag-uusapan. Pwede bang si Zeus nalang uli ang pag-usapan? Ay, hindi. Wag na rin pala.

"Nakakalungkot nga. Naghiwalay na pala sila ni Ma'am Nizzandra. Kaya lang, sa bagay, si Ma'am Helen lang naman talaga ang may gusto no'n, e," dinig ko pang sabi ni Manang Guada. Pinipilit ko ngang huwag nalang makinig, kaso hindi ko naman maiwasan ang marinig ang boses ni Manang.

Nakakainis. Nakakagalit! Naalala ko na naman 'yung nangyari kagabi. Dahil doon ay minadali ko na ang pagsubo at nang makaalis na kaagad.

". . . Pero wala namang problema kay Ma'am Nizzandra. Napakabait no'n at ang talino pa—"

Napalingon silang lahat sa'kin nang bigla akong tumayo. Dinig na dinig din kasi ang pag-usad ng upuan ko.

"Oh, Maureen? Tapos ka na kaagad?" tanong ni Danica sa akin.

"Manang, pwede pong magpahinga po muna ako?" tanong ko naman kay Manang Guada. Gusto ko munang mapag-isa.

Alam kong hindi ito tama, dahil nandito ako para magtrabaho. Pero sobrang gulong-gulo na talaga ang isip ko dahil sa mga nangyayari. Lalo na nang dahil sa pag-amin ni Sir Apollo.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang Guada.

Kahit alam kong maayos naman na talaga ako ay tumango-tango nalang ako. Marahil ay maayos nga ang pakiramdam ko, pero ang damdamin ko ay hindi. Sa dami ng sinabi sa akin ni Apollo, hindi ko alam kung alin ba do'n ang tunay na nakakapagpabigat ng puso ko.

"Ah. Mabuti pa nga'y magpahinga ka muna. Oh siya, sige," sagot naman ni Manang.

"Salamat, Manang."

Tumalikod na ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto namin. Doon ay natulala lang ako habang pilit na iniintindi ang mga nangyayari.

Gulong-gulo na nga ang mundo ko nang magkaroon ako ng pagkagusto kay Sir Zeus. Pagkatapos ay dadagdagan pa nitong si Apollo!

Itutuloy. . .


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C11
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login