"Zaphiel's POV"
Ang pagpalit anyo bilang tao a isang bagay na ikinaiinisan ni Zaphiel. It was never easy, in fact it was very painful. Ikinuyom na lamang niya ang mga palad, hinihintay na mawala ang hindi kaayaayang pakiramdam na dulot ng pagpapalit anyo.
Ang silid na natagpuan ni Zaphiel ang kanyang sarili tila isang karaniwang silid for a twenty-first century humans. Mayroong isang sofa, isang hapag kainan, kusina, isang malambot na puting basahan, lahat maluwang at malawak, at sinumang tao ay tila pinahahalagahan ang kayamanan at marangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Zaphiel. He prefer a simple space.
Human niceties weren't something he much cared for. Gayun pa man, napansin niya ang windowline sa labas ng bintana. Nakita niya ito sa mga ulat at video, and was enough upang makilala niya ito, at maliwanag na ang apartment na ito nasa ay mataas na gusali. The skyscraper view tells it all.
"Metro City!," mahina niyang usal. Naglakad si Ramiel sa bintana na malapit, sinisiyasat ang mga kalapit na gusali at ang parke sa kalye, pagkatapos ay lumingon sa gawi niya at ngumiti.
"This city never gets old."
Pinigilan ni Zaphiel na irapan si Ramiel. Palaging nakikita ni Ramiel ang kagandahan sa lahat. Siya ay nabubuhay na may libu-libong taon na. Zaphiel has never figured out how Ramiel does it. Si Ramiel ay ngumiti lamang at wala nang sinabi pa. Ramiel never complained ever and contemplated things in every mission, Tila ba kontento sa mga bagay-bagay kaya hindi na ito nagtatanong pa.
Zaphiel was more of a chalice half-empty type kind of angel.
Si Ramiel at siya ay nagtrabaho na nang maraming beses sa mga Eons, and it did not go really well at inaamin yun ni Zaphiel. Sila ay masyadong magkaiba. Tulad ng gabi at araw: Si Ramiel ay sikat ng araw at rosas na bulaklak; Si Zaphiel ay kadiliman at tinik. Kung naiisip mo na ang mga anghel ay hindi maaaring magkaroon ng gayong malawak at iba't ibang mga personalidad, you are clearly wrong. They certainly do. At ang may magkakaibang personalidad ay dumating sa punto na hahantong sa hindi pagkakaintindihan.
Clash of personalities. Ito ang kinahantungan nilang dalawa ni Zaphiel at Ramiel. The tension, the push and pull, that instant irritation Zaphiel felt from being anywhere remotely near Ramiel could all be explained by a difference of personalities.
At iyon ang pinaniwalaan ni Zaphiel na dahilan kung bakit hindi naging maganda ang resulta ng huli nilang assignment. And that was a thousand years ago. Halos kalahati ng langit ay naapektohan ng pagkabigo nila noon sa kanilang mission. Kaya nakapagtataka ngayon at sila ang pinili ni Saint Peter upang magsama sa isang assignment. What got into his mind this time?
"Zaphiel," tawag ni Angel Michael sa kanya na tila makailang ulit na niya ito.
"Ha? Pasensya na." sagot ni Zaphiel na biglang itinuon ang pansin sa mga kasama sa silid.
"Kumusta naman ang human modification mo. Feel okay? Gaano na nga ba katagal since you last became human?" tanong ni Angel Michael.
Maingat na sumulyap ito sa mga balikat niya. Nanibago lamang siya sa pakiramdam ng katawang tao at sa pagkawala ng kanyang pakpak. "Wierd, pero lilipas din siguro ito."
Bumaling ang tingin ni Angel Maichael kay Ramiel at pabalik kay Zaphiel. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng archangel. Isa siya sa mga anghel na kasundo ni Zaphiel. And that was a good start. Although Zaphiel knows that this mission is very important and since Saint Peter is acting very odd that makes it even suspicious. Ni ayaw niyang mag share ng iba pang detalye patungkol sa mission. Isa pang nakakapagpahirap dito ay ang kapartner niya ay si Ramiel.
"Ano ba talaga ang emergency mission na ito Michael?" tanong ni Zaphiel.
Ngumiti si Michael at ngumiti sa kanila. "Well, maupo muna kayo." itinuro nito ang gawi papunta sa sofa.
Alisto na naupo kaagad si Ramiel pero si Zaphiel ay nagmarigas.
"I'd rather stand." sabini Zaphiel.
This mission wasn't going to be good. Not good at all.
Michael ignored Zaphiel and gave Ramiel a smile. Kumumpas ito sa harap and sa isang iglap and with some golden sparkles ay lumitaw ang dalawang folders kung saan naroon ang mga files ng mission nila.
Inabot nito ang isa kay Ramiel at isa sa kanya. But Zaphiel did not take it. Kaya umatras ang kamay ni Michael upang bawiin ang pag-abot nito ng mga file sa kanya. "Fine then." he smiled again. Pero halatang hindi niya gusto ang itinuran ni Zaphiel. Napabuntong-hininga ito.
"This mission is fix and not optional. So quit the drama. Wala akong oras para sa kaartehan mo ngayon."
"Oh, good Lord!" bulalas ni Ramiel.
Napalingon si Zaphiel sa gawi ni Ramiel just to see him looking at his files with shock.
"What's the fuzz?" inilahad niya ang kamay kay Michael para sa kanyang mga files. Ngunit ngayon ay tila si Michael naman ang may ayaw na iabot ito sa kanya. Da halip ay binuklat niya ang files ni Zaphiel. Gusto ni Zaphiel na tratuhin siyang isang bata kaya pinagbibigyan siya ngayon ni Michael. Nagsimula siyang magbasa.
"Zaphiel Angelus" pasimula nito. "Yan ang human name mo for this mission."
"Angelus? That means angel. Seryoso ba talaga ang Creative Department? Naubusan ng ideas?" sagot ni Zaphiel.
"Nagreklamo ka pa. Ako nga ang apelyido ko ay Hermoso. Which means a beautiful man in spanish." sabat ni Ramiel.
Inirapan siya ng tingin ni Zaphiel. "Tsk, because you are."
Hindi sila pinansin ni Angel Michael at nagpatuloy.
"Zaphiel, 31 years old. Bunso sa tatlong magkakapatid. Anak ni Yousef and Mary Angelus ng Bethlehem. Nakatira sa Metro City." pagpapatuloy nito.
"Oh, come on! Sino niloko nila? Bakit di nalang Joseph ang pinangalan nila sa tatay ko. Joke ba ito ha?" litanya ni Zaphiel.
"The Family of Angelus was the wealthiest family, so that can justify this appartment. Your family technically helped you get this place." sagot ni Michael. "Hindi nga lang sila masyadong naging masaya nang piliin mong maging isang guro ng mga bata."
"Teka, ano ulit yun?" tanong ni Zaphiel.
"A preschool teacher to be specific." pagkaklaro ni Angel Michael.
"No, no... No fluffing way!" "What? Ano to bakit hindi ako nakakapag mura?" tutol nito. At narealize din niya na hindi siya nkakapagmura kahit na gustuhin pa niya.
"Not Negotiable Zaphiel."
"A teacher? Of infant humans? Ff—" tumataas ba ang kanyang boses. Nanggagalaiti na siya sa galit.
Ipinagpatuloy lamang ni Michael ang pagbabasa, na tila hindi narinig ang mga sinasabi ni Zaphiel.
"Nag-aral ka sa Columbia University kung saan nakilala mo si Ramiel. Nag-aaral din guro ng mga bata. You guys dated dor six years and got married three years ago. Sa harap ng pamilya at mga kaibigan sa isang maganda at simpleng seremonya sa bahay ng iyong mga magulang." Sabi ni Michael ay pinaikot ang kanyang kamay at ang isang hanay ng mga larawan ay lumitaw sa aparador ng mga aklat. Hindi lamang kung anumang mga larawan, kundi mga larawan sa kasal nilang dalawa.
Zaphiel and Ramiel's wedding.
To each other.
"Oh, mercy bless!"
Binuksan ni Zaphiel ang kanyang bibig upang magprotesta sana. Ngunit biglang may pagsabog ng sakit na tila tumutusok sa kanyang utak, at ang kanyang tiyan ay sumakit din. Ang hangin ay naging biglang masyadong manipis upang suportahan ang kanyang katawang tao, at ang mundo ay biglang umikot. He felt dizzy, inilagay niya ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang ulo, at umungol. "Ano ito?"
Tiningnan siya ni Michael, tila hindi nag-aalala. "Naniniwala ako na tinatawag iyan na headache. Ito ay isang sakit ng tao kung saan ang mga daluyan ng dugo- "
"Patigilin mo to ngayon na!" utos nito kay Michael.
"Para ka namang bata, kaya mo yan. Para sakit lng ng ulo eh." sabi ni Michael. Umarte pa itong ayaw niyang tulungan si Zaphiel pero ipinitik naman nito ang kanyang mga daliri. And magically the pain was gone.
Napasandal na lamang si Zaphiel sa likod ng sofa upang mapanatili ang kanyang balanse. "So saan naba ako? Hmm.. Well, as I said you guys are happily married and you'll start working the day after tomorrow. At Metro Tower Learning Center just two blocks away from here." ngumiti ito bago muling nagsalita. "You two are the replacement teachers dahil nagkaroon ng aksidente ang dalawang guro nila. A two man team in charge of twenty 4 years old childrens."
Hindi makapaniwala si Zaphiel sa mga nalaman niya. No wonder na ayaw sabihin ni saint Peter ang ibang mga detalye parungkol sa mission. Dahil kapag nagkataon ay hinding-hindi ako talagang papayag.
A preschool teacher?Twenty four-year-old children? He put his hand to his forehead. Married?.. Ang mga noo ba ng tao ay palaging ganito?
"Parang nais ko nang maupo ngayon." Siya ay bumulong, pagkatapos ay tumunkod sa sofa habang siya ay lumakad paikot upang umupo, na parang ang sahig ay hindi matatag. Ibinaba niya ang sarili sa sofa. Gusto na niyang magwala ngayon pero isang malaking hadlang sa kanya ang kanyang katawang tao. "I promise, may depekto talaga ang katawang ito! Pwede bang mapalitan ito. Or at least do a diagnostic test first?"
"There's nothing wrong with your human body," sagot ni Michael at nagpatuloy sa pagbabasa. "Oh, I see now. That body is prone to anxiety. Na maaaring magmanifest as pananakit ng ulo at pagduduwal, mataas na rate ng puso, pagiging mainitin ang ulo, impending doom, that kind of thing." nakangiting sagot ni Michael.
"Why, why, why?"
"Wala akong kinalamn dito. This is Peter's doing. Pati na ang pagrerestrict sayo na magmura. Well, actually it was the Legal Department who added that. Magreklamo ka sa kanila after this mission."
"Talagang irereklamo ko sila. Uunahin ko sila sa mahaba kong listahan ng mga irereport. And to think tgis anxiety is not funny! This is awful! Nakakatiyak ako na ang katawan ng tao ay hindi dapat maging mainit at malamig ng sabay. Sigurado ka bang hindi mo mapalitan to or at least run diagnostic check- "
"Zaphiel, tymigil ka muna pakiusap lang." Inilagay ni Michael ang kanyang kamay sa harap ni Zaphiel. "Maaaring ang bata ay hindi iyo, ngunit ang iyong misyon ay ang matiyak ang kaligtasan ng isang bata sa iyong klase sa preschool."
Sa iyong klase sa preschool...
Tila lumubog na naman si Zaphiel sa kawalan ng pag-asa sa kanyang napagtanto. It's really happening. Siya ay isang guro sa preschool. Isang guro ng mga underdeveloped humans. Ang may sapat na gulang na namamahala sa isang silid na puno ng mga apat na taong gulang na bata. Bigla namang sumama ang pakiramdam niya sa mga isiping iyon. Naisip pa niya na wala nang mas malalang parusa na kanyang matatanggap mula kay Saint Peter. Ito pa lang ay tila mababaliw na siya.
"Ayoko na, I'll take my chances at the Hell Department. Ibalik nyo na lang ako sa impiyerno iba na pang kunin nyo for this job." bulalas ni Zaphiel. Saka ito ay tumayo sa kinauupuan.
"Sit down!" boses ni Angel Michael with like the power of heavens na nagpayanig sa sahig na kinatatayuan nila.
Nabuwal sa pagkakatayo si Zaphiel at pwersahang napaupo sa sofa. Napasimangot ito habang nakasukbit ang mga kamay sa braso nito. Noong akala niya na maayos siya ay biglang nagbalik ang pananakit ng kanyang sentido. Ngayon ay napapikit na siya at napahawak ang mga palad sa kanyang noo.
"Please make this stop!" daing nito.
Inilapit ni Michael ang palad sa ulo ni Zaphiel doing a simple diagnostic. "For the love of God Zaphiel, it's not even a migraine! Wag kang OA! Yan ang napapala ng hindi mo pagtanggap ng mga human missions." inilagay niya ang mission files sa kamay ni Zaphiel. "Masasanay ka din. Basahin mo na lang yan at aalis na ako." tumalikod na ito sa kanila. "Don't mess this one up!" seryosong boses ni Michael. "Or overseeing Hell will be the least of your problem." Nilingon nito si Ramiel. "Get him some pain relievers or something. O di kaya pasakan mo ng makakain ang bunganga niyan. If he won't take it, I suggest you knock him out to sleep."
With a snap of his fingers, he was gone in a spark of light, leaving Zaphiel and Ramiel alone. In their Metro City apartment. As humans. And husbands! And preschool teachers!...
"Oh, Kaawaan ako ng Langit." Hinaplos ni Zaphiel ang kanyang mga noo at sinilip si Ramiel.
"Alam mo ba ang tungkol dito?"
"Hindi," malumanay na sagot niya.
"Not even a little." Pinag-aralan niyang mabuti sa Zaphiel.
"Look, naiintindihan ko na hindi ito ang gusto mo."
Napaungol si Zaphiel habang bumalik ang pagkakahigpit sa kanyang tiyan. Idiniin niya ng kanyang kamay dito.
"Sa palagay ko talaga ay may mali sa katawang tao na ito."
Tumayo si Ramiel at naglakad papunta sa kusina. Binuksan niya ang ilang mga aparador; tila ang team ni Saint Peter ay namili na sa grocery. May nakita si Ramiel na isang crackers, kumuha siya ng ilan. Kumuha narin siya ng isang basong tubig, pagkatapos ay dinala ito kay Zaphiel. "Here, maybe you're just hungry."
"Gutom?" naiinis na napaisip si Zaphiel. "Ang pagkain ng mga tao ay kakila-kilabot!"
"Hindi naman lahat. And as of I know ay hindi ka na nakakain ng pagkain ng mga tao sa loob ng maraming taon. " ngumiti si Ramiel. "A thousand years perhapse."
"Not for . . . "
Nagsimulang sumagot si Zaphiel ngunit pinigilan ang kanyang sarili na tapusin ang kanyang sasabihin. "Not, for a while, no."
"The food has improved, at least a little." malambing na siabi ni Ramiel na nakaupo sa tabi niya. "Please eat. Pagkatapos ay kailangan nating ireview ang ating mga files, at. . . "
"At ano?" Sumubo si Zaphiel ng isang cracker, bahagyang nagulat na hindi ganoon kasama ang lasa nito. He didn't want to admit that it did make him feel a little better.
"We need to go grocery. Ang mga nandirito ay basic lang. We need more than this. And possible we go shopping, kaya dapat nating tingnan ang mga suggested outfits na maaari nating suotin. Hindi ako sigurado kung ang mga narito ay angkop para sa pagtuturo. We need to double check our covers. The mere fact na ngayon ka lang ulit nakabalik sa lupa, you need to catch up!"
"Catch up, on what?" tanong ni Zaphiel.
"World history."
Napaungol muli si Zaphiel after eating the second cracker, dahil hindi maganda ang ideya ng pamimili.
"Tsk! I'm a preschool teacher! Sigurado ako na ang lahat ng sa Langit ay nakatingin sa akin ngayon, at pinagtatawanan ako. Baka nagpustahan pa ang mga iyon kung hanggang kailan ko kakayanin iro."
Muntik nang matawa si Ramiel, ngunit binuksan niya ang kanyang file.
"Oh, may isang bagay pa na baka hindi mo rin magustuhan."
Huminto si Zaphiel sa pagsubo ng cracker. "Ano?"
"Ang malaking apartment na ito," sagot niya. "West Side of Metro City, modern and first class but. . ." napatigil si Ramiel. Well, for just a dramatic effect.
"Ano nga? Masyado ka namang cliff hanger jan eh." nainis na turan ni Zaphiel.
"But it's only got one bedroom." sagot nito.
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação