💙💙💙
"THIS ONE IS BEAUTIFUL." Itinuro ni Mommy Jenny ang isang wedding gown na cube type.
Gustong mapangiwi ni Anniza. Hindi kasi iyon ang tipo niyang damit. Mukha naman napansin ng ina ni Joshua dahil agad nitong inilipat ang larawan sa ibang pahina.
"How about this one." Itinuro nito ang isang damit na mahaba ang manggas. Hindi iyon balloon type pero pansin na pansin ang korte ng katawan niya.
Pinagmasdan iyon ng mabuti ni Anniza. She likes the dress. Simple lang iyon pero nang tingnan niya ang likod ng damit ay nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita kasi ang likod niya dahil may split iyon. Siguradong pansin na pansin ang maputi niyang likod kapag nagkataon.
"Ahmm... Pwede po kaya natin ibahin ang likod?" tanong niya kay Mommy Jenny.
"Of course, we can request it." Tumingin ito sa babaeng nasa kabilang bahagi ng mahabang sofa na kina-uupuan nila.
"Ashley, pwede ba namin baguhin ang likod ng wedding gown na ito?" Ibinigay ng ina ang catalog na hawak.
Ashley Samantha Elizabeth Cortez-Dela Costa is one of the famous wedding gown designers. Maliban pa doon ay sikat din itong fashion designer sa Paris. Nang galing din ito sa mayamang angkan sa bansa. Ang alam niya ay napakamahal magpagawa ng wedding gown dito. Iyong mga kilala at mayaman sa lipunan lang ang ginagawan nito ng damit pangkasal.
"Oo naman, Mrs. Wang. I will make a design that looks like this one but I will make it more like a personal." Ngumiti sa kanila ang babae.
Ngumiti ng maliit si Anniza. Nagdadalawang-isip siyang magpagawa ng damit dito dahil nga sa mukha itong maarte. Natatakot siya na baka hindi niya magustuhan ang gawa nito.
"Thank you, Ashley. Alam kong maasahan ka pagdating dito." Masayang sabi ni Mommy Jenny.
"Thank you for your trust, Mrs. Wang. Sisiguraduhin ko na ang asawa nitong anak niyo ang pinakamagandang babae sa kasal niya."
Tumingin sa kanya si Mommy Jenny. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "I prefer for you to called her my daughter. Anak ko na din naman itong asawa ng anak ko. They are already married and she been my daughter for years now."
Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza. Ilang taon na ba mula ng tanggapin siya ng magulang ni Joshua bilang asawa ng anak ng mga ito. Naging malapit din siya sa ina ni Joshua. Madalas kasi niya itong kasama sa galaan. Iyong hindi siya mahilig sa shopping ay naging ka-ugalian na niya. Kapag kasi wala siyang ginagawa sa bahay ay sinasama siya ni Mommy Jenny. Shopping, cooking and painting are both are their hobby.
"If you say so." Tumingin sa kanya si Ashley at ngumiti.
Pagkatapos nilang ka-usapin si Ashley patungkol sa detalye ng kasal nila ni Joshua ay niyaya na siya ng ina ni Joshua na pumunta ng Wangzi para dalawin ang asawa niya. Siyam na taon na rin ang lumipas at ang asawa na niya ang siyang CEO ng Wangzi. Tinanggap ni Joshua ang posisyon anim na taon na rin ang lumipas. Bumalik na rin sa dating estado nito ang Wangzi at masaya siya para sa asawa.
Pagdating nila sa main building ng Wangzi ay napatingin sa kanila ang lahat. Hindi nila iyon pinansin. Tuloy-tuloy sila hanggang sa elevator. Si mommy Jenny ang pumindot ng floor. Wala silang kasabay dahil kapag sumakay ang ina ng asawa ay dapat walang empleyado na sumasabay dito.
"May schedule tayo bukas sa cake maker?"
"Yes po. Si Maricar po ang gagawa ng wedding cake namin ni Joshua." Sagot niya.
Marami silang pupuntahan ni Mommy Jenny. Ito ang kasama niya sa pag-aasikaso ng kasal niya. Pitong taon ng delay ang church wedding nila. Hinintay pa kasi nila na maging maayos ang kalagayan ng Kuya niya bago nila pinagkasunduan ni Joshua na magpakasal. Noong nag-isang taon ng pagsasama nila ay nagkaroon ng sakit sa bato ang ina ni Joshua dahilan para di nila itinuloy ang planong kasal sa simbahan. At ng sumunod na taon naman ay na-koma ang Kuya Anzer nila. May pumalo sa ulo nito dahilan para hindi ito magising ng halos isang taon. Nang magising naman ito ay hindi ito nakalakad dahil sa may bali ang tuhod nito. Ayaw niyang maglakad papuntang altar ng hindi kasama ang Kuya.
At three years ago, his brother can finally walk. Kaya naman pinagpaplanuhan na nila ang kasal nila kaso nabuntis siya sa anak nila ni Joshua kaya hindi na naman natuloy ang plano nila. Ngayon ay tatlong taon na ang anak nilang si Peter Andrew. Natatawa nga siya dahil mas na-una pang ikinasal sa kanila si Kaze at Shilo na nagkabalikan last year. At si Ate Carila at Kuya Shan na muling ikinasal.
"Mukhang maayos na rin naman ang lahat ng schedule natin. Limang buwan mula ngayon ay kasal niyo na ni Joshua. Excited na akong makita kang naglalakad papuntang altar at makitang umiiyak sa saya ang anak ko."
Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ni Anniza ng marinig ang sinabi ni Mommy Jenny.
"Si Joshua po iiyak? Malabo po yatang mangyari iyon, Mommy," aniya.
"Oh common, umiyak nga iyon ng ayaw mong sumama sa kanya noong pinagbubuntis mo palang si Peter Andrew. Nakakaluka iyang anak ko. Talagang naglasing pa. Well, kasalanan naman niya. Nag-alala talaga kami kay Shilo ng malaman namin na na-ospital dahil nabangga. Iyon pala hindi naman totoo dahil pakulo niya."
Tumawa ng mahina si Anniza. Naalala pa pala nito ang nangyari noon. Gumawa kasi ng kalukuhan si Joshua, Shilo at Kuya Shan para lang makuha ang atensyon ni Kaze. Wala silang alam sa plano ng mga ito. Sinabihan lang siya ng mga ito na puntahan si Kaze at makipag-bonding dito. Hindi nila alam na gagamitin pala ng mga ito ang pagkakataon para gawin ang plano na magpanggap na nabangga si Shilo. Grabe ang pag-aalala nilang tatlo ng malaman ang nangyari.
Muntik na siyang manganak ng wala sa oras dahil sa pag-aalala dito. Iyon naman pala ay hindi totoo. Tapos kakutsaba pa ng mga ito si Cathness. Nang malaman niya ang nangyari ay umuwi siya sa bahay ng Kuya Anzer niya at ilang gabing hindi umuwi sa bahay nila mag-asawa.
"Nakakatuwa pala talaga si Joshua kapag nagmamaktol. Ngayon ko lang nakita na ganoon ang anak ko. Under na under mo siya." Natatawang sabi ni Mommy Jenny.
"Dapat lang naman niyang sundin ang gusto ko."
"At kung hindi ay outside the room siya. Mana siya sa ama niya na kapag may kalukuhan ay sa labas matutulog."
Tumawa si Anniza. "Mag-ama nga po sila."
Tumawa ng malakas si Mommy Jenny. Ganoon sila sa tuwing pag-uusapan nila ang kanilang mga asawa. They like to bully their husband. Kung si Joshua ay under niya, ganoon din si Daddy Zhel. Nang maging malapit siya sa ina ni Joshua ay doon niya nalaman na under ni Mommy si Daddy Zhel. Lahat ng gusto ni Mommy ay sinusunod nito. Hindi nito pwedeng tanggihan o kontrahin dahil paniguradong sa guest room ito matutulog.
Nang marating nila ang floor ng opisina ng asawa ay agad silang sinalubong ng sekretarya nito.
"Magandang hapon po, Mrs. Wang."
"Hi, Flake. Nasa loob na ang mag-ama ko?" tanong niya sa butihing sekretarya ng asawa niya.
"Nasa loob po sila at kasama po nila si Sir Zhel."
Tumaas ang kilay ni Mommy Jenny. "Nandito si Zhel?"
"Yes po, Madam. Kanina pa po nandito si Sir Zhel. Siya po ang nagbabantay kay Little Peter."
Nagkatinginan silang dalawa ng ina. Ang alam kasi nila ay magtatagal sa MDHGC si Daddy Zhel. Makikipag-usap kasi ito kay Tito Shawn patungkol sa expansion ng Mei Shoe Company. Kasama ng mga ito si Kuya Shan na siyang may hawak ng kompanya.
"Sige. Salamat, Flake."
Tumuloy sila sa opisina ng asawa. Hindi na siya kumatok pa. Tuloy-tuloy siya sa loob kaya naman nagulat ang dalawang lalaki. Napansin agad siya ng anak na mabilis na tumayo at patakbong lumapit sa kanya.
"Mommy, you are here."
Yumuko siya para mayakap ang anak at mabuhat na rin. Dalawang taon na ang anak at mabigat na rin ito pero masaya siya kapag ginagawa iyon sa munting prinsipe nila.
"Hon, tapos na meeting niyo kay Mrs. Dela Costa?" tanong ni Joshua.
Lumapit sa kanya ang asawa at binigyan siya ng halik sa pisngi.
"Yes, Airen. Madali naman kausap si Ashley." Naglakad siya palapit sa sofa at umupo doon. Umupo na rin si Mommy Jenny. Agad naman itong nilapitan ni Daddy Zhel.
"Kung ganoon ay pupunta na lang kami ni Patrick bukas para tumingin ng suit. Siguradong may ibibigay siyang design na babagay sa wedding dress mo." Umupo sa tabi niya si Joshua.
"I already told Ashley. Pumunta na lang kayo doon ni Patrick ng mas maaga."
Tumungo ang asawa. "Okay, mom." Hinalikan ni Joshua ang kanyang buhok.
That simple gesture touches her heart. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nga talaga nagbabago ang asawa. Sweet pa rin ito kahit na may little Peter Andrew na sila.
ABALA SI Joshua sa pagbabasa ng report ng may kumatok sa pinto.
"Pasok." Sigaw niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang sekretarya niya na si Flake.
"Sir, may dumating invitation para sa inyo." Lumapit sa kanya si Flake at inilapag sa harap niya ang isang maliit na sobre.
Tiningnan niya iyon. Nagtagpo ang kanyang mga kilay ng makita ang kulay noon. Pink. Pink ang kulay ng invitation at sa buong taon na pagiging CEO niya ng Wangzi ngayon lang siya nakatanggap ng invitation na ganoon ang kulay. Puti ang kadalasan na kulay ng sobre na natatangap niya.
"Thank you, Flake." Sagot niya.
"You're welcome, Sir Joshua." Tumalikod na ang sekretarya niya at lumabas ng kanyang opisina.
Iniabot niya ang sobre. Walang nakapangalan sa labas maliban sa isang litra na J.J. Binuksan niya at tiningnan ang nakasulat sa loob.
"Jamie Jenny Javier. It's a birthday party."
Lalong nagtaka si Joshua. Wala kasi siyang kilalang Javier. Alam niyang mayaman ang mga Javier at isa sila sa mayamang tao sa bansa pero kahit isang beses ay wala siyang nakaharap isa sa mga ito. Nakakapagtaka na pinadalhan siya ng invitation ng mga ito. Kinuha ni Joshua ang phone niya at tinawagan ang isa sa mga kaibigan.
"Napatawag ka?" tanong ni Patrick ng sagutin nito ang tawag niya.
"Do you know a Javier that associate with us before?" tanong niya sa kaibigan.
"Javier?"
"Yes. May nagpadala sa akin ng birthday invitation. Galing iyon sa mga Javier." Sumandal siya sa kanyang upuan at tumingin sa labas ng building.
"No. Never tayong nakipagkaibigan sa mga Javier. Masyadong pribato at masunurin ang mga Javier para makipagkaibigan sa atin noon. At kahit na parehong nasa business world ang ninuno natin sa kanila, hindi sila kailanman lumapit sa atin para makipagkaibigan."
"Kung ganoon ay may mga kakilala tayong mga Javier noon."
Kagaya ng sabi ni Patrick, pribato ang mga Javier kaya naman wala siyang kakilala kahit isa sa mga ito. Wala naman kasi siyang paki-alam sa mga ito noon. Kaya nakapagtataka ang biglang hakbang ng mga ito. Kahit ng magsimula siyang magtrabaho sa pamilya ay hindi parin nagtatagpo ang mga landas nila.
"Yes! Nasa iisang building lang tayo nila. May isang Javier na mas matanda sa atin. Matalino ang mga Javier pero hindi sila kagaya kasi natin na talagang kilala sa campus. Hindi sila sumasali sa kahit anong activity ng school. Pag-aaral lang ang inuuna ng mga ito."
"How did you know about this?" tanong niya sa kaibigan.
Tumawa si Patrick sa kabilang linya. Mukhang alam nito ang pinupunto niya. "Common, Joshua. Sa iisang tao lang ako nabaliw at sa asawa ko iyon. Mababait ang mga Javier pero nakakatakot silang kalaban. Oo nga at mas mayaman ang pamilya mo kaysa sa kanila pero mas matapang at mautak sila. Kung sa pasamaan lang ng ugali, mas masama ang ugali nila kaysa sa Cortez's cousin."
Tumaas ang kilay niya. It is really good to have a friend who knows everything. Patrick knows every family in the country. Malapit ito sa mga taong mayayaman pero iyong kaya lang nitong pakisamahan. Ilang buwan na ba ang lumipas ng malaman niyang malapit din pala ito sa mga Cortez. Ang pumapangalawang mayaman na tao sa bansa.
"Okay. Thank you sa info."
"You're welcome. Oo nga pala, sinabi mo sa akin na nakatanggap ka ng invitation sa kanila."
"Oh!" Muli siyang napatingin sa invitation na nakapatong sa kanyang mesa.
"I receive one too. And Asher called me earlier, he also got one. Hindi ko alam kung sino pa sa mga barkada natin ang pinadalhan nila pero mukhang kilala tayo ng taong nagpadala." May himig ng paghihinala ang kaibigan.
Pati din naman siya ay nagdududa.
"Pupunta ka ba at si Asher?"
"Yes, if you come."
Ilang sigundo siyang nag-isip. Hindi niya alam kung papatulan ba ang imbitasyon na iyon. Huminga siya ng malalim. He is also curious.
"Maluwag naman ang schedule ko ng gabing iyon. Maybe I will come with my wife." Sagot niya.
Wala naman masama kung pupunta siya. Nandoon din naman ang dalawang kaibigan niya. Nasisigurado niyang hindi siya pababayaan ng mga ito.
"Okay. Sasabihin ko kay Asher na pupunta ka. Isasama ko din ang asawa ko para may kausap si Anniza kung sakaling maging busy tayo sa pakikipag-usap sa mga businessman na nadoon."
Pakatapos ng pag-uusap nilang iyon ni Patrick ay nagpaalam na din siya sa kaibigan. Pinakatitigan niya ang invitation. Bakit parang mya kakaiba siyang nararamdaman sa invitation na iyon.
"YOU ALSO invitated?" tanong niya sa kaibigan na si MT.
Nasa labas sila ng hotel kung saan gaganapin ang birthday celebration. Nalaman niya kay Patrick na hindi lang pala silang tatlo ang pinadalhan ng imbetasyon kung hindi ang buong barkada. Kahit ang dalawang pinsan niya ay pinadalhan kaso hindi makapunta ang mga ito dahil sa mga anak. Mabuti na lang at nagpresenta ang kanyang ina na alagaan ang anak nila ni Anniza kaya nakapunta sila.
"Yes. Nagulat nga ako. Wala naman kasi akong kakilala na Javier." Sagot ni MT. Katabi nito ang asawa nitong si Grayson.
Napatingin siya sa mga kaibigan. Kumpleto ang kabanda ni MT at kasama ng mga ito ang mga asawa. Wilsy is with Veelrich na mukhang bored na agad. Si Grey Thec ay kasama si Magus na hindi binibitawan ang kamay ng kaibigan niya kahit na maraming tao ang tumitingin sa gawi nila. Si Quinn ay hindi isinama ang asawa nitong si Creamy Maggy. Si Prince na kasama si Lay.
Liam is with them also. Hindi lang nito kasama ang asawa na si Jas. Asher is also alone while Patrick is with Sasha. Nasa isang tabi ang mga asawa nila. Nag-uusap ang tatlong babae habang sila ay naka-abang. Hindi nila alam kung tutuloy ba sila sa conference hall kung saan nagaganap ang party.
"Sa tingin mo ba ay tamang pumunta tayo dito?" tanong ni Quinn na may pag-aalala ang boses.
"I have a bad feeling about this." Dagdag ni Wilsy.
"Hindi naman siguro gagawa ng masama ang mga Javier sa atin. Wala naman tayong ginawang masama sa kanila noong nasa kolehiyo tayo," ani ni Liam.
Sabay-sabay silang nagkibit-balikat. Wala siyang naalala na may ginawa siyang masama sa mga Javier. Sa huli ay nagdesisyon nila na pumunta ng conference room. Nang pumasok sila ay napatingin ang lahat ng mga tao na nandoon.
"Airen..." humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Anniza.
Kahit ilang taon na silang nagsasama ni Anniza ay hindi pa rin ito nasasanay sa mga ganoong pagtitipon. Anniza never associate with rich people. Kaya minsan ay hindi alam ng mga tao na may asawa na siya dahil hindi niya sinasama ang asawa sa mga ganoong pagtitipon. Pero kapag tinatanong siya ng mga tao kung kasal na ba siya sinasagot niya ang mga ito ng 'Oo'. He is proud to say that he is married and a father of Peter Andrew. Kinapa niya ang kamay ng asawa at hinawakan iyon ng mahigpit.
May ilang waiter na umalalay sa kanila papunta sa kanilang assign seat. Dalawang mesa ang ukupado nila. Inikot niya ang tingin sa lugar. May iilang kilalang tao sa lipunan ang nandoon. Kung ganoon ay hindi lang basta simpleng birthday celebration iyon.
"Joshua..." tawag ni Liam sa kanya.
Napatingin siya sa kaibigan. May itinuro ito kaya sinundan niya iyon ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Jackie, ang kapatid ni Jassie. Malayong-malayo na ang babae sa dati.
"Si Jackie ba iyon?" tanong ni Anniza sa kanya.
Of course, kilala ni Anniza ang babae dahil minsan na itong nakita ng asawa. Mabilis na maalala ng asawa ang isang tao lalo na kung may iniwan itong reaksyon kay Anniza.
"Yes." Sagot niya.
"Kilala siya ng mga Javier?" tanong iyon ni Asher.
"Sa tingin ko nga." Sagot niya.
Wala siyang balita kay Jackie simula ng malaman niyang namatay ang magulang nito sa isang aksidente . Nawala na parang bula sa mga mata ng mga tao ang dalaga. Hindi na rin siya naki-alam pa dahil tapos na ang kabanata ng mga ito buhay niya. Madalas lang siyang pumupunta sa puntod ng dati niyang mag-ina na siyang sinusuportahan ni Anniza.
"She looks different," sabi ni Anniza sa kanya.
Napatingin siya sa asawa. Kinapa niya ang kamay nito. Inilapit niya ang mukha dito.
"I love you, Hon." Bulong niya sa asawa.
Napansin niya ang pamumula ng mukha ng asawa. Hinampas siya nito sa braso. Napangiti siya. Gustong-gusto niya kapag ganitong ang reaksyon nito. Kahit na may anak na silang dalawa, ganoon pa rin ang nakukuha niyang reaksyon dito sa simpleng 'I love you' niya.
Umayos na siya ng upo ng magsimula ang inihandang programa. Isang magandang babae ang ipinakilala ng MC sa lahat. Ito pala ang may kaarawan.
"Everyone, I want you all to meet the future heiress of Javier International Corp. Ms. Jamie Jenny Javier."
Isang ilaw ang tumutok sa magandang babae na nakatayo sa gitna ng stage. The girl wears pink dress. Mukha itong prinsesa. Kung ganoon ay ito ang nag-iisang taga-pagmana ng JIC. Ang JIC ang isa sa kilalang kompanya sa bansa kung produktong pagkain ang pag-uusapan. Mula sa delata, ketchup, cooking oil, soy sauce at mga seasoning sa kusina. At hindi lang sa bansa binibinta ang produkto ng mga ito kung hindi pati narin sa ibang bansa.
Ibinigay ng MC ang microphone sa babae.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Alam kung ilan sa inyo ay hindi ako kilala kaya naman ginamit namin ng aking ina ang kaarawan ko para pormal akong magpakilala sa inyo. I'm Jamie Jenny Javier. My late step father is Jamie John Javier and my mother is Jamie Lee-Javier."
Nanigas sa kina-uupuan si Joshua ng marinig ang pangalan na binanggit nito. May dumaloy na dugo sa kanyang puso at parang tumigil sa pagtibok noon. Lalong namutla si Joshua ng makita ang babaeng umakyat sa stage kasama ni Jackie.
"Joshua..." narinig niyang tawag ni Liam sa kanya.
Nasisigurado niyang nakatingin din sa kanya ang mga kaibigan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng asawa.
"I want everyone of you to meet my wonderful mother, Jamie Javier and my loving Auntie, Jackie Javier-Qurino."
Nagpalakpakan ang lahat nang nandoon maliban sa kanilang grupo. A memory of past flows to his mind. What is happening? Bakit nakikita niya ngayon ang multo ng kahapon?"
"Like I said earlier, the father who raise me is my step-father. So, I want to get this opportunity to introduce my real father is..." tumingin sa kanya ang babaeng nagsasalita ngayon sa stage. "... Joshua Jhel Wang, the CEO of Wangzi Estate Inc."
💙💙💙
Ang mga pangyayari sa story na ito ay pagkatapos na ng mga pangyayari kina Carila at Shan.
HanjMie