Baixar aplicativo
68.42% BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED / Chapter 13: CHAPTER 12

Capítulo 13: CHAPTER 12

AN: Hello po sa lahat ng nag-aabang kay Bonita at Rius. pasensya na at matagal ang update nauubusan ng time si, author. Salamat pa rin po sa inyong lahat. 😌❤❤❤

==========================================

TIMOTHY P.O.V

"Andrie, kailangan nating mahanap si, Rius." hindi mapalagay na kausap ko 'kay Andrei na serysosong nakaupo sa upuan.

"Kung gano'n, bumaba tayo ng Maynila. Dahil malamamg nandoon sila at malakas ang pakiramdam ko na magkasama sila. At isa pa kailangan natin ilayo si Bonita sa dalawa, dahil alin man sa dalawang propesiya ang maganap 'ay ikakapahamak ng lahat." seryosong sagot naman ni, Andrei.

Napaisip naman ako bago nagsalita. "Pero alam natin na, hindi titigil ang mga alagad ni Darwin, upang makita at mapatay si, Bonita." malungkot na sagot ko.

"Ngunit, Timothy. Ang propesiya 'ay mangyayari pa rin . Kung sakaling mabago man ito, kailangan nating itago si, Bonita." muling sagot naman nito.

Naramdaman ko naman ko naman ang presenya ni Tandang Gani, ganon rin si Andrei.  Sabay na napalingon kami sa matanda na nasa pintuan at walang ibang kung hindi si Tandang Gani. Ang nakakaalam ng mga propesiya.

"Wala na kayong magagawa, dahil ang propesiya na mismo ang gagawa ng paraan upang matupad ito at alin man sa dalawa. Ang kailangan niyong gawin 'ay hintayin na mangyari ito at kung ano ang susunod na magaganap." seryosong paliwanag nito at naupo sa tabi ni, Andrei.

"Ngunit, paano kung manging halimaw ang isa sa kanila? Uubusin nila tayo?" nag-aalalang tanong ni, Andrei.

"Kung 'yun ang mangyayari wala tayong magagawa, dahil ang nakatakda sa kanila ang may karapatan kung mapapabago pa ito. Ngunit, maari niyong iligtas ang isa sa kanila, kailangan niyong maunahan sa lalong madaling panahon ang nakatakdang mangyari sa kanila." malalim na paliwanag ni, Tandang Gani.

"Anong ibig niyong sabihin?" nagtataka na tanong ko sa kanya, nagkatinginan lang kami ni, Andrei.

"Si Rius, o ang prinsipe? Maaari niyo silang pigilan na huwag mapalapit sa isa't-isa upang mailigtas niyo ang isa sa kanila. Tungkol naman sa babae, dapat natin siyang ilayo ngunit mangyayari lamang ito kapag naunahan niyo ang propesiya. " mahabang paliwang nito.

"Naalala ko 'yung sinabi mo na kapag nagsanib ang katawan nila doon mabubuhay? Ano po ba ang ibig sabihin niyo doon?" tanong ko sa dati niyang sinabi noon.

"Ang totoo niyan, si Rius at Bonita ang nakikita ko sa eksena na 'yon. Dahil mamahalin nila ang isa't-isa, ngunit hindi nila alam na may masakit na mangyayari sa kanilang pag-iisa ng katawan. Maaaring ikamatay ni Rius o ni Bonita." pagpapatuloy pa ni Tandang Gani.

Natahimik naman kaming dalawa ni Andrei at malalim na napasip sa mga narinig namin.

"Ito ang pinakamahirap sa lahat ng propesiyang dumating sa atin, dahil isang mortal laban sa immortal vampire. Dapat natin malaman kung saan nagmula si Bonita, dahil baka may lihim ang kanyang pagkatao. Dahil hindi siya puwedeng maging halimaw kung wala siyang dugong bampira." muling paliwanag ni Tandang Gani, habang nakatingin sa bintana.

"Tama! Maaaring may lihim sa katauhan ni, Bonita. Dahil hindi kayang pasukin ni Serio, ang buong pagkatao niya. Nangangahulugan lamang na may dugong bampira siya." napapaisip na paliwanag ko naman sa kanila.

"Pero diba si, Bonita. Kapag may nagbalak na siya'y kagatin namamatay?" tanong naman ni, Andrie.

"Mayroong lason ang dugo niya, at isang tao lamang ang alam kong may dugong gano'n. Si, David Santi."

Parehong natigilan kami dahil sa sinabi ni Tandang Gani, dahil si David Santi 'ay isang hari ng bampira noon. Ngunit naging taksil ito sa kanyang nasasakupan at kung kani-kanino siya pumapanig, pinagtulungan siyang paslangin at kabilang na dito ang immortal na bampira na si, Duken Hanal. Siya ang nakapatay rito kung kaya't naglaho na ito at kinalimutan na.

"Kailangan natin alamin ang buong pagkatao ni, Bonita." muling salita ni, Tandang Gani.

"Pero, maaari rin kayang may koneksyon sila ni, David Santi?" seryosong tanong ko na malalim ang iniisip.

"Thimothy, paaano naman  iyong mangyayari? Pero wala rin namang imposible dahil mautak 'yang si David Santi, narinig ko lamang." sagot naman ni, Andrei.

Muling natahimik kami at kapwa rinig namin ang bawat hinga namin.

"Tandang Gani, bukod kay Serio. Sino pa ba ang puwedeng pasukin ang nakaraan ni, Bonita?" muling salita at tanong ni, Andrei.

"Si, Duken Hanal. Maari niyang makita ito pero hindi natin masisigurado kung makikita niya ang lahat." sagot muli ni Tandang Gani.

Sa sinabi na 'yon ni Tandang Gani iisa ang naisip namin ang kausapin ng masinsinan si Duken Hanal.

------

Matapos ang pag-uusap na iyon bumaba na kami ng Maynila. Kailangan namin makausap si Rius, upang masabihan siya. Nahirapan rin kami hanapin ito dahil sa hirap kaming hagilapin ang presensiya niya.

Hanggang sa isang humaharurot na motor ang aming narinig at lumakas ang pakiramdam namin dahil sa kilala namin iyon. Rius! Humarang kaming dalawa ni Andrie sa daraanan nya at pasalamat kami dahil walang tao dahil sa may kadiliman pa.

Huminto naman ang motor dahil alam naming naramdaman niya ng nandito kami. Tinitigan niya kaming dalawa at nagtatanong ang mga mata.

"Bakit nandito kayo?" malamig ang boses na tanong niya.

"Rius, kailangan ka naming makausap." sagot ko naman sa kanya.

"Umalis kayo sa daraanan ko." muling salita nito at ini-start ang makina.

"Rius, pakinggan mo muna kami. Para ito sa inyo ni, Bonita." malakas na salita ni, Andrei.

"Para sa amin? o para sa inyo lang?" salubong ang kilay na sagot nito.

"Rius, hindi mo naiintindihan. Kung gusto mo pang mabuhay si Bonita, layuan mo siya at huwag na huwag kayong maglalapit. Nakita ni Tandang Gani na, iibigin niyo ang isa't-isa... Ngunit kapalit nito ang pagkasawi ng isa o pagiging isang halimaw." mabilis na paliwanag ko upang malaman niya agad.

Natahimik naman ito at tila nag-iisip dahil natigilan ito, ngunit pinaandar pa rin niya ang motor at halos lumipad kami sa lakas ng impact ng hangin sa mabilis na pag-andar nito.

"Andrei, kailangan natin siyang sundan dahil malamang pupunta siya 'kay, Bonita." salita ko at mabilis na tumakbo na katulad ng motor.

Nagtago kami sa isang pader kung saan huminto ang motor ni, Rius. Isang itong lugar na napakaraming taong tambay sa labas. Sinundan namin si Rius kung saan ito pumasok na eskinita.

Nang makita na namin kung saang bahay siya pumasok sumunod kami ni, Andrei.

"Talagang sinundan niyo pa ako." mahinang salita ni Rius na nakatalikod.

"Timothy?"

Napalingon naman kami sa pamilya na boses si Bonita, hindi makapaniwalang nakatingin sa amin habang katabi ang isang lalaki.

"Sino sila, Rius? Mga tropa mo ba iyan, sandali b-bampira rin sila?" nauutal na tanong ng isang lalaki na may edad na.

"Hindi ko sila kaibigan." sagot lang ni, Rius. "Sige na kunin niyo na siya." salita pa niyang muli.

Natigilan naman ako at napatingin sa nagtatakang si Bonita, dahil malamang naguguluhan siya at marami akong nabasang mga tanong sa isip niya..

"Sumama ka na Bonita sa kanila." muling salita ni Rius at naupo sa kahoy na bangko.

"P-Pero, b-bakit?" malungkot na tanong ni, Bonita.

"Bonita, saka na lang namin ipapaliwanag sa'yo. Kailangang sumama ka sa amin para narin sa kaligtasan niyo." seryosong salita ko sa naguguluhan na si, Bonita.

"P-Pero?" mahinang sambit niya.

"Sumama ka na, ayokong may mangyari sayong masama dahil lang sa akin." bigkas pa ni, Rius.

"Tara na, Bonita." aya naman ni, Andrei.

Tahimik na naglakad si Bonita na nakayuko at napansin ko ang tubig na nagbagsakan sa playwood na sahig. Alam kong umiiyak siya ngayon at ramdam ko ang pag-ibig sa puso niya para 'kay, Rius  Ngunit hindi talaga puwedeng mangyari 'yon.

Dinala na namin si Bonita at sa tulong ng aming kakayahan mabilis na nakarating kami sa papasok ng bundok. Ngunit napaatras ako at itinago ko si Bonita sa likod ko, naramdaman kong nandito si Darwin.

"Si Darwin, hindi talaga siya titigil." gigil na salita ni Andrie at lumitaw na ang matutulis na pangil nito.

"Sakto pala ang pagdaan namin dahil hindi na kami mahihirapang hanapin ang babae na iyan." nakangising salita ni Darwin at naglabasan ang ibang tauhan niya.

"Hindi mo siya puwedeng kunin, Darwin." seryosong sagot ko at hinawakan ng mahigpit si, Bonita.

Sumugod si Darwin kabilang ang mga kasama niya at nagsagupaan kami, walang nagpapatalo at talagang gamit ay lakas.

"Andrei, itakas mo na si, Bonita!" sigaw ko at binalingan muli si, Darwin. Ngunit nawala ito at nakasunod na ngayon kila Andrei at Bonita.

Hindi naman ako makahabol agad dahil sa apat na tauhan ni Darwin ang nakaharang, pilit na mabilis na nilabanan ko ang mga ito upang makasunod ako agad. Hanggang sa lahat sila 'ay naglaho na mabilis na tumakbo ako upang sundan sila, ngunit nanlambot ako ng makita ko si Andrie na duguan ang bibig.

"T-Timothy, g-ginawa ko ang lahat ngunit sadyang malakas siya." nanghihina at napapakit sa salita ni, Andrei.

Galit naman ang naramdaman ko para sa gahaman na si Darwin ang tumangay kay, Bonita. Kailangan kong mabawi ito dahil baka kung ano ang gawin nila dito.

------------


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C13
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login