Baixar aplicativo
48.88% Alice In The Mafia World / Chapter 22: Chapter 20

Capítulo 22: Chapter 20

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 20

"Ate totoo ba yung sinabi ni Kuya Saber?" biglaang tanong niya habang pinapakain ko siya.

Kumunot ang noo ko. "Na ano?"

"Na mahal ka niya." may biglaang kislap sa mga mata ng kapatid ko nang banggitin niya iyon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam ang totoong namamagitan sa amin ni Boss. At wala akong planong ipaalam sa kanya iyon. Dahil hindi pa kami maayos.

Kung sa tingin ni Saber ay okay kami. Well, he's wrong. Hindi kami magiging okay hangga't hindi niya babawiin ang sinabi niya tungkol sa pag-aalis niya sa akin sa Douglas.

"Nahihibang lang 'yon. Wag mong pansinin." sabi ko nalang bago siya muling sinubuan.

She ghosted a smile at me. Nabaling ang atensyon niya sa dalawang taong nasa carpeted na sahig na natutulog. Good thing itong pinakamalaking kwarto ang kinuha ni L. Nagmumukhang apartment dahil air condition, may set na sofa, maliit na refrigerator, tv, kusina at banyo. Hindi ko alam na may ganito pala sa hospital. It's like my sister is a VIP.

"Mabuti at tumahimik ang dalawang yan Ate." wika ng kapatid ko na nakatuon pa rin sa dalawa ang atensyon.

"Yeah." sang-ayon ko. "Pero mag-aaway na naman ay pagkagising lalo na't magkatabi silang dalawa." at sinulyapan si L at Boss na mahimbing na natutulog.

Pagkatapos kong pakainin ang kapatid ko, pinainom ko kaagad siya ng gamot. "Uuwi muna ako para kumuha ng damit. Ikaw nalang ang magsabi sa dalawa ha? At kung mag-aaway na naman sila paki-tawag ng mga nurse at ipadala sila sa morgue." paalala a5 paalam ko sa kapatid ko habang nililigpit ang kanyang pinagkainan.

Natawa naman siya.

"Okay po Ate. Ingat po." tumango ako at hinalikan siya noo. "Aalis na ako. Babalik din ako kaagad." sabi ko bago lumabas ng kwarto.

Habang nagda-drive ako pauwi sa condo, tinawagan ko si Mina para alamin kung nandoon pa ba sila.

"Hello, Alice." sagot ni Mina na nasa kabilang linya.

Kinonekta ko muna sa sasakyan ang tawag para hindi ako mahirapan bago nagsalita.

"Hey, nandiyan pa ba kayo sa condo?" tanong ko.

"Nagliligpit na kami para umalis. Bakit?" sagot ni Mina.

"I'm on my way back. Kukuha lang ako ng damit para sa amin. Tatlong araw pa kasi bago makalabas ang kapatid ko. You can stay there if you want, fro the meantime." suggest ko.

"Thank you but we have a work to do. We can't stay, Alice. You knowing us, hindi kami nanatili sa isang lugar." pabiro niyang tugon.

Nailing ako sa sinabi niya. "Yeah. Yeah." natatawa kong sabi.

"We'll just wait you then before we leave."

"Sure. Malapit na ako. Bye." paalam ko bago ibinaba ang tawag.

Papasok na ako sa parking lot nang may mapansing hindi pamilyar na itim na kotseng nakaparada sa di kalayuan sa elevator.

Kabisado ko lahat ang mga sasakyan ng mga nakatira sa building at ang isang 'to ay bago sa aking paningin. The car window was highly tinted the reason why I can't see if there's someone inside but I'm sure there is.

Hindi ko pinark ang kotse ko sa laging pinaparkingan nito instead itinabi ko iyon sa itim na kotse. I act normal as I stepped out in my car. Agad kong isinara ang pinto ng driver seat at saglit sumulyap sa katabing kotse at lumakad na parang wala lang.

Pinakiramdaman ko ang paligid habang naglalakad patungo sa elevator. Ramdam kong may nakamata sa akin. Nagkunwari akong walang napapansin sa hanggang nakarating ako sa harap ng elevator.

Napangisi ako.

Kahit maglakad pa kayo ng walang tunog nararamdam ko ang mga presensiya ninyo.

Piping sabi ko. Pinindot ko ang up botton at tumingala sa numerong nasa ibabaw kung saang floor na ang elevator.

20th floor.

Nanatili nakaharap sa elevator. I hummed and close my eyes while waiting them to attack. A crept smile on my lips when I feel a presence on my right side.

Minulat ko ang mga mata ko at kasabay non ang pagharap at ang pag sipa ko ng malakas sa taong nagmamay-ari ng presensyang iyon.

Napaatras ito at matalim akong tiningan. Nakasuot siya ng itim maskara na tanging mata lang niya ang nakikita. Sa kaliwang bahagi ng maskara sa ilalim ng mata niya ay may nakatatak na pamilyar na logo.

Pantasiz

Muli niya akong sinugod na magkakasunod sunod na suntok na agad ko namang naiilagan. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit itong isa lang ang sumugod. They were three. Nilibot ko ang aking mga mata hanggang humito ito sa dalawang lalaking nakatayo sa di kalayuan at pinagmasdan ang pagbubuno namin ng kasamahan nila.

He keeps attacking me. He's too fast but I won't let him hurt me. I waited him to get tired. Nang naramdaman kong humihina na ang kanyang mga atake napangisi ako. It's my turn.

When I saw a chance to attack him, I grab his head and smashed it on the nearest wall fully force. He groaned in pain but it didn't stopped me. I move my body up swiftly and ride on the man's both shoulder and wrapped my legs around his neck tightly.

"Kateveíte apó ména!" the man shouted and but I didn't understand what his saying.

Sinusubukan niyang tanggalain ang dalawang binti kong nakapulupot sa leeg niya pero mas lalo ko lang hinigpitan iyon. I punched his head non-stopped. When I saw that he pull a knife I quickly flipped my body together with his. Mabilis kong itinukod ang kamay ko para hindi ako masubsob sa sementadong sahig at binalanse ang sarili.

Narinig ko pang sumigaw ang isang kasama nila. "Ilíthie! Ti skéftesai? Min vlápsete tin prinkípissa!" mabilis tumayo ang lalaki at paika-ikang tumatakbo patungo sa kotse nila.

"Tell your Boss, fuck him! All of you! Son of a witch!" sigaw ko sa papalayong itim nilang sasakyan.

Nang makita kong kakabukas lang ng elevator agad akong pumasok. Ginagalit talaga nila ako. Sa susunod na makita ko yang sasakyan nila pasasabugim ko talaga. Mga bwesit sila.

Biglang tumunog ang cellphone ko pagkalabas ko ng elevator.

"Hello Ate. Nasaan ka na?" tanong ng kapatid ko na nasa kabilang linya.

"Nasa condo pa ako." sagot ko.

Napapikit naman ako ng marinig na naman ang dalawa na nagsisigawan.

"Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" rinig kong sigaw ni Boss.

"Bakit ba? Ang arte mo!" sigaw ni L.

"Yanna," tawag ko sa kanya.

"Po, Ate?"

"Pakisabi sa dalawa na kailangan pagdating ko diyan ay wala na sila kundi ipapa-imbalsamar ko na talaga sila ng buhay diyan sa hospital. Naririndi na ako." puno ng pagbabanta kong utos sa kapatid ko.

Agad namang sinunod ng kapatid ko ang sinabi ko na ikinatahimik ng dalawa at narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.

"Lumabas na po sila Ate." natatawang sabi ng kaptid ko. "Mabuti naman." tugon ko at nagpaalam na sa kapatid ko.

Pagkapasok ko sa unit ay naabutan kong nanonood ng t.v sina Mina at Rai. Sabay silang tumayo ng marinig ang pag-sara ng pinto.

"Alice, we saw what happened earlier." bungad ni Mina sa akin. Hindi na ako nagtaka.

Bumuntong hininga ako. "Yeah. I think we're not safe here anymore." at pabagsak na naupo sa sofa.

"So anong gagawin mo?" tanong ni Rai at inabutan ako ng isang basong tubig.

"Salamat." tumango lang siya. "Hindi ko pa alam dahil kahit saan pa kami pupunta para mawala sa landas nila masusundan at masusundan parin nila kami. Imagine they're from Greece, it's really too far from our country but look, they know that the princess that they were looking for is here. And fuck them, why are they chasing us? We don't even have a royal blood! They surely mistaken or something." frustrated kong sabi at sumandal sa sofa at pumikit ng mariin.

"What if you have?" iminulat ko ang mga mata ko sa biglaang tanong ni Mina na kasalukuyang tinutupi ang sinuot niya kanina na uniporme ng pulis.

"We don't, Mina. We don't." giit ko.

She just shrugged. I glance at Rai that is currently staring at me or I must say studying my features seriously. "What?" I asked wondering why he's staring at me intently.

Umiling siya. "Nothing. Ang ganda mo pala." biro niya.

"Hala. Isusumbong kita kay Boss." pabirong sabi ni Mina kaya sinamaan siya ng tingin ni Rai.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko sabay tayo.

"Alis na kami." paalam ng dalawa.

"Sige. Ingat kayo." paalala ko bago sila tuluyang lumabas.

Tinungo ko ang kwarto ng kapatid ko at kumuha ng damit na pang tatlong araw at inilagay sa bag pagkatapos ay sa kwarto ko. Kumuha din ako ng damit na sapat para sa tatlong araw na pananatili namin sa hospital.

Habang namimili ako ng damit ay nasagi ng mga mata ko ang isang box na nasa baba. Umuklo ako at hinawi ang nakasabit na mga damit. Kumunot ang noo ko, ito yung box sa na nakita ko na nasa kwarto ng magulang ko noon sa lumang bahay namin. Simula nung lumipat kami dito ay hindi ko ito pinakialaman o tinangkang buksan pa. Dahil siguro masakit parin sa akin ang pagkamatay nila. Pero ngayon tila may nag-tutulak sa akin na buksan ang box.

Inabot ko iyon bago naupo sa sahig at ipinatong ang box sa hita ko. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unting inaangat ang takip no'n para mabuksan.

Napatuwid akong upo nang makitang puro papel lang ang naroon at iilang mga nakatalikod na litrato. Dinamot ko litrato't papel para malaman kung ano ang laman no'n.

And my world stops. Ang papel na hawak ko ay hindi lang basta papel. It's all about me. Ang nakasulat sa papel ay tungkol sa akin. O ibang tao 'to. Dahil iba ang second name at surname na nakalagay.

Binasa ko ng maigi iyon bago binitawan at muling dumampot ny papel sa kahon. Tungkol naman iyon sa kapatid ko pero kagaya sa akin iba din ang apilyedo.

"What's the meaning of these?" naguguluhan kong tanong sa safili habang isa-isang binasa ang mga documentong naroon at tiningnan ang mga litrato.

What the fuck is this?! Bakit may ganito?

Kahit puno ng kaguluhan ang isip ko ay nagawa ko paring ibalik ang kahon sa kinalalagyan no'n. Nanghihina akong tumayo. Ilang minuto akong tulala sa kawalan dahil sa mga nalaman.

Ipilig ko ang ulo ko at kinalimutan ang mga nakita kanina. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng kakailanganin namin sa tatlong araw sa pag-stay sa hospital.

Matapos kong ilagay ang lahat ng dadalhin ko, mabilis akong pumasok sa banyo para maligo. I need to cool down my mind and forget what I found out. Hindi iyon totoo.

.

Pagkalabas ko ng banyo ay halos atakihin ako sa puso sa gulat nang makita kung sino ang nakaupo sa gilid ng kama.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.

Malapad siyang ngumiti at lumapit sa akin. "Sinundo ka. Kukunin kasi ng demonyong iyon ang kotse niya."

"So nagcommute kayo papunta dito?" kunot noong tanong ko.

"Malamang dinala mo yung kotse eh alangan namang maglakad kami papunta dito. Ano?" biglang sumulpot si L sa kung saan.

"Lumabas ka! Hindi ka pwede sa kwarto namin!" galit na sigaw ni Boss.

"Kwarto niyo? Kwarto niyo? Feelingero ka din ano?" nakangiwing sabi ni L kay Boss bago bumaling sa akin.

"Nasaan ang susi ng sasakyan ko?" tanong niya at hindi pinansin si Boss na halos umusok na ang ilong dahil sa presensiya niya.

"Nandoon sa sala, nasa ibabaw ng center table." sagot ko at hinagis ang ginamit na tuwalya sa basket na malapit sa pinto ng banyo.

Tumango si L at binelatan si Boss bago nagmamadaling umalis sa kwarto. "Papatayin ko talaga yon. Ginagalit niya talaga ako." nandidilim na mukha na sabi ni Boss.

"Pareho lang kayo." iling kong sabi.

Habang nasa byahe kami pabalik sa hospital ay kinwento ko kay Boss ang nangyari kanina sa parking lot. Dumaan muna kami sa isang Drive Thru na fast food para bumili ng haponan. Tahimik lang kaming dalawa matapos naming magpag-usapan tungkol sa nangyari kanina.

Alam kong pareho kaming dalawa na malalim ang iniisip. Ako na iniisip ang kapatid ko, ang dalawang Mafia—Pantasiz at Kopert, ang hinahanap na prinsesa, ang plano namin ni L at ang mga nalaman ko kanina. Hindi ko mapigilang mapahilot sa noo ko. Fuck this. Bakit ito nangyayari bigla?

"Okay ka lang?" tanong ni Boss na ikinalingon ko.

"Oo." sabay tango. Hindi na muli siyang umimik. Sumandal nalang ako at tumingin sa labas ng bintana dito sa loob ng kotse.

Napangiwi ako ng biglang sumakit ang ulo ko dahil sa sunod-sunod na pag-iisip. Tss. Ang dami kong konklusyong naiisip at hinala pero sana mali. Sana hanggang konklusyon at hinala lang ito dahil kong hindi baka sasabog ang utak ko kakaisip kung totoo man.

Nang makarating kami sa kwarto ng kapatid ko ay naabutan ko siya at si L na naglalaro ng chess. Hindi man lang sila sumulyap sa amin dahil pareho silang seryosong naglalaro. Mukhang kanina pa 'tong dalawang 'to ah. Natagalan kasi kami dahil traffic sa dinaanan namin.

"Check mate." ngising sabi ni L.

Nilapag ko ang binili namin na pagkain sa mesa habang ang bag na may lamang damit ay nilapag ni Boss sa gilid ng sofa. At nagtungo sa dalawang naglalaro.

Sumimangot naman si Yanna at ginulo ang chess. "Kuya L naman eh!" inis na sabi ni Yanna.

Napataas ang isang kilay ko at nagkatinginan kami ni Boss. "Kuya?" sabay naming sabi. Sumulyap sa amin si L sabay kindat.

"Ulit-ulit. But this time turuan mo ako." magiliw na sabi ng kapatid ko.

Akala ko ba ayaw niya kay L. Mukhang nag-iba ang ihip ng hangin.

Umangat ang tingin ng kapatid ko kay Boss. "Kuya Saber marunong ka bang maglaro ng chess?" nakangiting tanong ni Yanna.

Napatingin din ako sa kanya dahil curious sa kanyang isasagot. "Hindi eh." parang nahihiya niyang sabi at tumingin sa akin.

"Sabi ni Kuya L na ang mga taong magaling sa chess ay matatalino. Kaya nakakabilib si Kuya L, ang galing niyang mag-chess." inosenteng sabi ng kapatid ko. Tumatango-tango naman si L na ngayo'y nakangisi kay Boss na nandidilim ang mukha. Na parang handang pumatay na tao at ang taong 'yon ay walang iba kundi si L.

Mariin kong tinikom ang bibig ko para pigilang hindi matawa. Now, I know kung bakit naging mabait si Yanna kay L. "So anong ibig mong sabihin Yanna?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa.

"Bobo daw po si Kuya Saber sabi ni Kuya L dahil hindi marunong mag-chess. Pero kahit ganoon gwapo naman si Kuya Saber." sagot ni Yanna at may halong pagmamalaki sa huling sinabi niya.

Kumawala ang kanina ko pang pinipigilang tawa. What the hell? Bad influence talaga 'tong L na aso na'to pati kapatid ko dinamay pero hindi ko talaga mapigilang matawa.

Mabilis pa sa kidlat ang paglabas ni L at Saber sa kwarto kaya nagkatinginan kami ng kapatid ko at nakisabay sa pagtawa ko kahit naguguluhan siya kung bakit biglang naghabulan ang dalawa.

At bakit alam ni L na hindi marunong maglaro ng chess si Boss? There's something between this two that I didn't know. At dapat kong malaman 'yon.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C22
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login