Baixar aplicativo
57.14% 2099 / Chapter 4: Tristan Florence

Capítulo 4: Tristan Florence

CHAPTER 4

"Hoy babae! Ang haliparot mo talaga. Ilang araw ka pa lang sa Academy eh ang may gana ka na agad manlandi, at si Isaac pa. Marunong ka naman sanang mahiya. Kala mo naman eh ang ganda-ganda mo. Wala ka pa sa kalingkingan ko. Nakakadiri ka" hindi ko nalang pinakinggan ang pang-umagang tilaok sa akin ni Blacky. Leche siya, ang sarap sarap ng tulog ko eh. Bahala siya jan. Kinuha ko nalang ang aking unan at tinaklob iyon sa aking muka.

"5 more minutes, dad. Inaantok pa ako" saad ko habang winawagayway ang aking kamay palayo. "Grrr! Anong 5 more minutes! I'm not your old man!" sigaw niyang muli at nagulat nalang ako sa sumunod niyang ginawa. Walang pag-aalinlangan niyang hinigit ang buhok ko.

"Let go of my hair or else you'll regret it" pananakot ko sa kanya pero natigilan lang siya ng ilang Segundo at mas hinigit pitan pa ang pagkakahawak sa buhok ko na nagdulot upang mapasigaw ako. "Sinong tinatakot mo ha? Kala mo matatakot ako sayo? Hindi mo kilala ang binubunggo mo. Don't you know who I am? I am the Great Brittany Meison. Anak ng isa sa mga makakapangyarihang mamayan dito sa Victoria. My parents cooperate with the government. My family is also one of the shareholders of the school. Kayang-kaya kitang patalsikin dito" at sa wakas ay natapos na din ang speech niya. Nagsasayang lang siya ng laway niya.

Binigyan ko lang siya ng bored na tingin. "Wala akong pake" bago pa niya hilahin ang buhok ko ay tinadyakan ko siya sa kanyang tiyan na nagdulot upang mamilipit siya sa sakit. I warned her.

"F-fuck yo-you…" hinanghina niyang saad. Awww… My dog is in pain. Lumapit ako sa kanya at pinat ang ulo niya. Bumalik ako sa may kama ko at kinuha ang aking bag. Mula dito ay kinuha ko ang dog bowl at dog food na binili ko noong isang araw. Inilagay ko iyon sa harap ng muka niyang lamutak na dahil sa luhang unti-unting dumadalay mula sa kanyang mga mata. Mahina naman pala ito. Puro lang salita. Naglagay ako ng ilang dog food sa bowl. Siguro ay nagugutom lang ang aso ko kaya masungit siya ngayong umaga. Napakairesponsable kong amo. Napailing nalang ako ng maisip ko ito.

"Kapag nagugutom ka, sabihin mo nalang agad. Hindi mo naman kailangang sabunutin ang amo mo. Tuloy, natadyakan pa kita. Alam ko namang naging iresponsable ako sa part na yon. Di bale, papakainin ko na ikaw araw-araw" ibinalik ko na ang dog food sa kanyang kinalalagyan at kumuha na ng damit at gamit panligo. Iniwan ko nalang siya doon, umiiyak sa sahig.

"I'll report this to the guidance. Humanda ka, bitch. I'll kick you out the Academy" rinig kong saad niya at maya maya pa ay kumalampag na ang pinto. Binalewala ko nalang ang mga salita niya at pinagpatuloy ang pagliligo. Sa tingin ba niya na natatakot ako? Tsk, kala lang niya iyon.

Matapos ang ilang minute ay natapos na rin ako sa pagliligo at pagbibihis. Napatingin ako sa orasan. Aba, maaga pa ah. 6:30 palang, samantalang ang klase ko ay mamaya pang 8 am. Normally, 7:30 ako nagigising o kaya ay 8:00. Buti nalang at ginising ako ni Blacky. Maganda din pala magkaroon ng pet sa dorm.

Pumunta ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. I have a long and straight hazel nut hair. Emerald eyes. Long lashes. Not too thin, not too thick but perfect Brows. Yeah, perfect. Pointed nose. Small pinkish lips. Natural blush. Well defined small face. In other words, I am beautiful. Drop dead Gorgeous. Napangiti nalang ako dahil sa napakagandang pigura na nakikita ko sa harap ng salamin. At dahil maaga pa naman, kinuha ko ang brush ko at pamuyod at dahan dahang tinalian ang buhok ko. It was a simple loose single braid na may ilang strands ng buhok na hindi kasama sa pagtirintas. Yung pauso lang na may tira tiring buhok na hindi pinupuyod. And oh, have I mentioned na may bangs ako. Yes, bangs. Yung bored na bored ka kaya nagdecide kang magbangs. Yun yun. And to my surprise, it turned out just fine.

Matapos ayusin ang sarili, lumabas na ako ng aming room at dumeretso sa cafeteria. Hindi ako nakakain kahapon dahil sa pagmamadali—or maybe not. Tapos hindi din ako kumain nung break naming. My ghad. Papayat ata ako dito. Kahit mayroon kaming kusina sa kwarto naming ni Blacky. Mas pinipili ko pa ring umorder at kumain dito sa cafeteria. Sa tingin ba nya na sinuswerte siya at magluluto ako't makikisalo siya? Aba-aba, bumili siya ng pagkain niya. Buti nga at binibigyan ko siya ng dog food. Malay ko ba kung saan kumakain ang haliparot na iyon.

Nang makarating sa cafeteria, tumungo ako sa counter at sinabi ko ang aking order. Masaya ko namang kinuha ang aking pagkain at nagtungo sa bakanteng upuan. Buti nalang at kokonti lang ang tao sa cafeteria. Siguro ay masyado pang maaga, o kaya ay sa dorm nila sila kumakain ng breakfast.

Sa halip na kumain agad ay kinuha ko ang aking cellphone at nagsurf sa net. Tsk, paulit-ulit nalang ang nakikita ko sa araw-araw. Issue's about the government. Yung iba nagpoprotesta, yung iba naman ay suportado ang gobyerno. Foolish people. Nagpapakabulag sila sa pagbabait-baitan ng gobyerno. Nakakaawa lang ang mga nagpoprotestang tao na sa halip na pakinggan ng gobyerno ang kanilang nais ipahatid, ang kanilang mga daing, paghihirap, mga suwestiyon at iba pa ay nasasaktan lamang sila. Kaya patagl ng patagal ay paunti ng paunti ang mga taong nagpoprotesta, sa takot na masaktan lamang sila at masayang ang paghihirap. Malaya naman tayong maglahad at sabihin ang ating nais. Malaya tayong magsalita para sa kapakanan ng ating sarili. Sabi sa akin ni dad, noon daw ay makabuluhan ang mga rally at mayroong napapatunguhan. Mapayapa at naayos ang pagkakamali ng gobyerno. Mgunit ngayon, ugh--- Walang wala na. Napakagulo na.

Thinking 'bout this makes me fraustrated. Kaya ibinaba ko muna ang aking cellphone at bagot na bagot kong nilamon ang aking pagkain. Stupid government. I hate them so much. Mga plastic na tao. Saad ko sa aking isipan at maring hinampas ang aking kutsara sa lamesa. Ang aga-aga, bad mood na agad ako.

"Aga- aga eh magkasalubong yang kilay mo. What's the matter, Athena?" inilapag niya ang kaniyang pagkain at tiningnan ako ng maigi. Tila ba concern talaga siya. "Wala. Di tayo close, wag mo akong kausapin" walang gana kong sagot sa kanya at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Not minding his presense.

"Huy. Masama ba makipagkaibigan? Sungit-sungit mo ah" saad niya habang sinusundot-sundot ang aking balikat.

"Stop it, Victor. Oo, masama makipagkaibigan. Kaya lumayas ka na. Pampadagdag ka lang sa pagkabagot ko eh" singhal ko sa kanya at kinuha nalang muli ang cellphone. Ididstract ko nalang ang sarili ko sa halip na magpakainis sa lalaking ito. Tutal maaga pa naman, titingnan ko nalang muna yung underground website ng school na ito. Baka may tsismis akong makalap laban kay Blacky.

Agad namang tumabad sa akin ang issue na kinagalitan ni Blacky sa akin. Oo nga pala. Dito niya siguro nalaman na magkasama kami ni Isaac kahapon. Napakamalisyoso naman ng mga tao. Ginusto ko bang makasama itong lalaking ito.

"Tayo yan ah. Number 1 trending tayo ngayon ah. Congrats, ilang araw ka palang sa Academy eh famous ka na agad. You're welcome nalang" wika niya at nginitian pa ako.

"Leche ka. Ikaw ang dahilan kung bakit unti-unting nasisira ang maliligayang araw ko dito sa Academy" inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagscscroll.

"Grabe ka naman. Ano namang pakielam mo sa mga tsismis na iyan" napairap nalang ako sa sinabi niya. Bahala na nga siya. Tinapos ko na ang aking pagkain at tumayo na upang pumunta na sa classroom.

"Hoy. San ka pupunta?" habol naman niya sa akin. "Wala ka ng pake dun" sagot ko naglakad na papunta sa pintuan na nagsisilbing exit at entrance ng café.

"Isaac, let's go" saad ng isang lalaki na sobrang familiar para sa akin. I think we've met before. Sa halip na umalis agad ay tumigil muna sa pinto at inalala ang kanyang pagkatao. Sino nga uli itong lalaking ito.

"Kausap ko pa si Athena eh" sagot naman ni Isaac. "We don't have anything to discuss" pagsabat ko sa kanilang usapan.

"Mister Vier wants to see us before class. Let's go" wala namang magawa si Isaac kaya tumayo nalang siya sa kaniyang kinauupuan. Naglakad siya palapit sa direksyon ng lalaking nasa tabi ko at tuluyan ng umalis. Ngunit bago pa man sila makapaglakad palayo, lumapit siya sa akin. Tinitigan ang aking mga mata. Wtf? Ilang Segundo lang ay ibinaling niya ang kanyang ulo sa may tenga ko at bumulong. "He's Tristan. The guy you met when you had an argument with Brittany, the first day. I think that might help your brainstorming" nginitian niya ako at sumod sa lalaki.

Tristan? Oh! I remember! Siya yung kinatatakutan ni Blacky. Yung nagpaalala sa akin 'bout my record. Siya pala yun. Nalimutan ko na--- At wala akong pake sa pagkatao niya. Nacurious lang talaga ako at pilit na inalala. Nilisan ko nalang ang lugar at tumungo sa aming classroom.

Nang makarating sa loob, hindi nakakapagtaka na wala pa ang teacher. 7:30 palang, mayroon pa kaming free 30 minutes. Ito ang unang beses na pumasok ako on time sa first period.

Umupo nalang ako sa upuan ko at binuklat uli ang cellphone. Ito nalanga ng alam kong atupagin kapag may free time ako. Nakita ko namang mayroon ng nakaupo sa aking harap. Aba, maaga pala pumasok si Blacky. Talo pa niya ang amo niya ah.

Kapansin-pansin ang malakas na bulungan ng mga estudyante, lalo na yung mga babae. Yep, malakas na bulungan. Hindi ko nga alam kung bulong pa rin ang ginagawa nila dahil dinig na dinig ko na ako ang pinaguusupan nila. Ang obvious naman na ako ang topic nila. Hindi man lang sila nag-effort hinaan ang kanilang tsismisan. Pinag-uusapan nila yung nangyari sa amin ni Isaac kahapon. Wtf lang talaga. Lahat ba ng nakakausap na babae ng ugok na yun ay pinagtsitsismisan ng mga tao. Ang kikitid naman ng utak nila. Akala ko ba ay mga elite ang pumapasok dito. Mga tsismosang magkakapitbahay lang pala itong mga ito.

Tinipa ko nalang ang cellphone ko at naglaro ng mga games. Maya maya pa ay napatigil ang lahat sa pag-uusap dahil sa pagpasok ng dalawang pigura. Napabitaw naman ako sa cellphone ko dahil sa pag-aakala na nandiyan na ang guro. Si Isaac at Tristan lang pala. Lakas nilang makapukaw ng atensyon ah. Wait, nandito din si Trsitan? So kaklase ko siya. Gulat naman ako ng Makita na umupo siya sa tabi ni Isaac. What the heck? Magkatabi lang pala sila? Bakit hindi ko agad iyon namalayan.

Nang makaupo sila ay binate naman ako ni Isaac. Agad na bumalik ang malalaks na bulungan ng mga tao. Suskupo.

"Ang lakas naman ng loob niya. Sa simula palang, alam ko na na masama ang intension ng babaeng yan. Salot yan sa school natin"

"Oo nga. Ilang araw palang siya dito, may gana na agad siyang manlandi. Subukan lang niyang targetin sunod ang bebe Tristan Florence ko. Makakatikim talaga yang babaeng iyan sa akin"

See? Pakinig na pakinig ko ang pansisira nila sa akin. Binalewala ko nalang ito. Pake ko ba sa kanila. So, famous pala ang dalawang ito sa Elite Academy. Napakaswerte ko naman at saktong katabi ko sila, or magkalapit. Hmmm… Tristan. Interesting…


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C4
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login