Azrael point of view
Nasa mansion na ko, kakauwi ko lang galing university, agad na dumiritso ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Hinubad ko ang uniform ko at agad na dumiritso ng bathroom, itinutok ko ang ulo ko sa shower at hinayaan ang tubig na umagos at mabasa ang buo kong katawan. Napapikit ako sa sarap ng init ng tubig na bumabasa sa buong katawan ko, im a cold blooded vampire kaya natural ang malamig kong balat, mas malamig pa sa yelo. Minsan hindi ko maiwasan na mainggit sa init na taglay ng katawan ng isang tao, they are really warm blooded human kaya sa tuwing nakakainom ako ng dugo nila kakaibang sarap ang nararamdaman ko.
Napadilat ako ng may maramdaman ako. Hindi na ko tumagal pa sa loob ng bathroom, paglabas ko agad na kinuha ko ang bath robe na nakasabit lang malapit sa pinto at sinuot ito.
"Why you're here??....napadalaw ka ata....."
"I'm not here to visit you....I need your help, Azrael...." sabi ni Loki na ikinagulat ko, parang nabingi ako sa narinig, Loki need my help?? That was a totally new to me. Napangiti ako ng mapagtanto ko na hindi ako nabibingi sa mga narinig ko kay Loki, gusto ko tuloy siya asarin.
"Sera is missing...." dagdag pa niya na ikinagising ng diwa ko.
"What??!!!....What happened??...."
Sera Shinto Bia point of view
Madilim ang paligid, wala ako makita puro itim lang ang nakikita ko. Nasaan ba ko? Anong nangyari? Iyong bata? Nailigtas ko ba siya? O baka naman....patay na ko? Puro tanong ang isip ko hanggang sa may narinig ako nagsalita.
"Ate ganda!!....wake up!!!...." boses ng isang bata, sino iyon? Kung saan na napunta ang tingin ko pero wala talaga ako makita, kulay itim lang ang nakikita ko.
"Ate ganda!!!....wake up!!!..." rinig ko ulit na sambit ng isang batang lalaki.
"Ate ganda.....gumising kana....."
"ATE GANDA, PLEASE WAKE UP!!!...."
"Let her be....." rinig ko naman na sabi ng isa pang lalaki, pero sa tono ng boses nito, hindi ito boses ng isang batang lalaki.
"Pero kuya gwapo....nagaalala po talaga ako kay ate ganda...."
"She's fine....don't worry to much...."
"Salamat po talaga, iniligtas mo po kami ni ate ganda...."
Narinig ko na napabuntong hininga ang kausap ng batang lalaki, "you already said that....and don't thank me kid, she's the one who help you...she's the reason why you still alive...."
"Pero kuya gwapo....totoo po ba na....oras ko na po?? Ayaw ko po kasi iwan ang mama ko, sigurado ako magiging malungkot siya pagnawala na po ako...." sabi ng batang lalaki na ikinataka ko, hindi ko maintindihan kung ano pinaguusapan nila.
"You have no choice kid....it was your fate....come here...."
"Wow!!! Ang galing niyo po, may superpowers po ba kayo kuya gwapo???....o baka po marunong po kayo magmagic?!!! Saan po galing iyong itim na bola?? Paano niyo po nagawa iyon???..." tuwang tuwa na sabi ng batang lalaki, halata sa tono ng boses niya ang pagkamangha. Pero, teka?!..ITIM NA BOLA??...Parang may nakita ako na ganun, kanina lang. Bigla ko naalala iyong batang lalaki na sinundan at hinabol ko kanina.
"This was your's.....naiwan mo, ibabalik ko saiyo...." rinig ko na sagot ng lalaki, hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari basta may narinig nalang ako na parang may kung anong bagay na gumugulong palayo sa pwesto ko.
"Take it kid!! You must get it!...." dagdag pa na sabi ng lalaki, hanggang sa may narinig nalang ako na parang may tumakbo palayo rin sa pwesto ko at ang sunod na narinig ko ang nagpagising ng diwa ko, tunog ng sasakyan na matulin ang takbo at humaharorot.
Agad na napabangon ako sa pagkakahiga, napadilat ang mga mata ko at agad na hinanap ng mga mata ko ang batang lalaki. Mabilis ako umalis sa pwesto ko at hinabol ang batang lalaki, pero may isang kamay ang pumigil saakin.
"Stop!!!....you should stop!!....." pagpipigil niya saakin, wala sa sarili na napatingin ako sakanya, pero dahil sa kagustohan ko na mailigtas ang batang lalaki, pwersahan ko tinanggal ang kamay ko sa mahigpit niyang hawak.
Halos maluha luha ako dahil sa takot na baka hindi ko na maabutan ang batang lalaki, agad na bumalik ang tingin ko sa batang lalaki na patakbong tumawid ng kalsada at ang humaharorot na sasakyan, malapit na sa pwesto niya. Bigla ako natalisod dahilan para madapa ako, pero kaysa maisip ko ang sakit sa pagkakadapa at pagtama ng mukha ko sa sahig, agad na tumayo ulit ako pero huli na, dahil sobrang lapit na ng sasakyan sa batang lalaki at mabubunggo na siya nito. Hindi ko napigilan mapasigaw at maiyak.
"HINDI!!!!....PAKIUSAP!!!!....." sigaw ko at napayuko, parang nabingi na ko at wala na ko marinig, iyak lang ako ng iyak, ramdam ko ang pagagos ng mga luha ko.
Pero isang yakap sa isang familiar na tao ang naramdaman ko sa sandaling iyon.
"Sera.....stop crying, nandito na ko...." sambit ng isang familiar na tao, pati ang boses niya ay sobrang familiar saakin. Napayakap rin ako ng mahigpit sakanya.
"Loki.....iyong bata, hindi ko siya....hindi ko.....hindi ko siya nailigtas...." humihikbing saad ko habang umiiyak.
"Don't worry....he's fine...." sambit niya with calm voice, pero hindi ko maintindihan dahil hindi malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya.
"Hey!!! Kid!!!.....Stop crying!!....Bakit iyak ka parin ng iyak diyan?!!...." sigaw ng familiar na boses. Napatingin ako sakanya at agad na nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung sino siya. Si Azrael. At kalong niya ang batang lalaki.
"Tsss....What the hell kid?? Hindi ko alam na ito pala ang gusto mo gawin, that's why bigla ka nalang nawawala, babysitting someone kid???...." asar na dagdag pa ni Azrael.
Sa sobrang tuwa ko na makita ang batang lalaki na ligtas at walang galos ay agad na lumapit ako kay Azrael at niyakap silang dalawa.
"THANK YOU!!!...."
Azrael point of view
Nagulat ako ng bigla siya lumapit saakin at niyakap ako. Hindi ko iyon napaghandaan kaya parang naging estatwa ako sa pwesto ko. Sobrang higpit ng yakap niya, ramdam ko rin na nabasa ang damit ko dahil sa luha niya sa mga mata. Ano ba iyan, ginawa pa ata niyang pamunas ang damit ko. Bagong ligo lang kaya ako, at saka limited edition pa iyong damit ko, mamahalin and branded.
"THANK YOU!!!..."
Gusto ko sana magreklamo sa ginagawa niya pero napatigil ako ng marinig ko ang sinabi niya. Sa buong buhay ko ngayon lang may nagsabi saakin ng dalawang salita na iyon. Ayoko magsinungaling, sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya. THANK YOU. Napangiti ako.
Napasinghot ako ng may maamoy ako. Amoy dugo.
"Sera.....are you ok??..." biglang singit ni Loki.
Napalingon si Sera sakanya, mabuti nalang tumigil na siya sa kakaiyak pero bakas sa pisngi niya ang mga bahid ng luha niya.
"Ok lang ako...."
"You're not.....Tignan mo ang mga tuhod mo at siko, may sugat ka at dumudugo...." ng marinig ko ang sinabi ni Loki agad na namula ang mga mata ko dahil sa amoy ng dugo.
Dugo pala ni Sera ang naaamoy ko kanina pa. Pero ang pinagtataka ko, magkapareho sila ng amoy ng dugo ni Ares.
Lumapit si Loki kay Sera at hinawakan ang panga nito. Lumapit rin ang mukha ni Loki sa mukha ni Sera, parang may tinitignan si Loki at sinusuri ang mukha niya, pero sa mga sandaling iyon parang may kurot ako naramdaman sa puso ko. What the?! Ano bang pinagsasabi ko?? Ang tanong may puso pa ba ako??? Ang alam ko kasi matagal na ko walang puso, ng mawala si Nyx sa buhay ko.
"Hey!!!....lumayo nga kayo sa isa't isa!!....masakit sa mata, ang pangit niyo tignan!!..." wala sa sarili kong sabi. Lumayo naman si Loki kay Sera.
"What???.....are you jealous???...." mapangasar na tono na tanong ni Loki. At halata rin sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala.
"What the f*ck!!! Loki!!!.....Bakit naman ako magseselos?? For what??....Tsss.....kung ano ano sinasabi mo, ano ba balak niyo dito sa batang bitbit ko??....I'm not here to be a babysitter, tsk!!...." inis na sabi ko.
Agad na lumapit saakin si Sera at kinuha ang batang lalaki na walag malay, kinalong niya ito at niyakap, samantalang ang ulo ng bata ay nasa balikat niya nakapatong.
"Ibabalik natin siya sa mama niya...." sabi niya sabay tingin sa likod niya, palinga linga siya na parang may hinahanap.
"What??....mukhang may hinahanap ka pa, ilang bata ba ang inalagaan mo simula ng mawala ka???...." asar kong sabi.
"Siya lang, Azrael.....Pero....." sabi niya sabay tumingin ulit sa paligid. "May kasama pa kami isang lalaki.....hindi ko siya kilala.....pero based sa narinig ko sa usapan nila kanina, siya ang nagligtas saamin....." dagdag pa niya.
"Sure ka Sera??....Ng dumating kami dito, ikaw lang nandito at ang bata...." sabi naman ni Loki.
"Sigurado ako.....nandito siya kanina, hinawakan niya ang kamay ko....pero ang hindi ko maintindihan kung bakit pinigilan niya ko iligtas iyong bata kanina, pero.....siya iyong nagligtas saamin dalawa ng mabubungo ma kami ng bus....." sabi ni Sera na halatang pagod na pagod na. Halata sa mukha niya ang pagod, namumutla narin siya at sobrang dry na ang pula niyang labi.
"Let's talk this later, Sera....You need to rest, let's go home, don't worry bukas na bukas rin ibabalik natin ang bata sa mama niya, but for now iuuwi muna natin siya sa mansion, nawalan siya ng malay dahil sa takot at gulat....and I know where his mom...." sabi naman ni Loki.
Tumango nalang si Sera biglang pagsang-ayon. Nakita ko na muli niya niyakap ng mahigpit ang batang lalaki. Kita sa mukha niya ang sobrang pagaalala sa batang lalaki.
Somehow....I feel like I want to hug her back and tell her, that everything will be alright....
Please comment guys!!! Thanks for reading!! ❤️