Baixar aplicativo
9.52% Wrong Bride / Chapter 2: Wrong Bride

Capítulo 2: Wrong Bride

Simula

"Congrats, Uncle." Mahigpit na kinamayan ni Cassius ang tiyuhing doctor, kapatid ng yumao niyang ama. Kasunod noon ang paghalik sa pisngi ng Tita Bella niya.

"Maraming salamat, iho. Mabuti't nakadalo ka. Kumusta si Mildred?" Ang mama niya ang tinutukoy ng Tita Bella niya.

"She's fine. Gustong-gusto nga niyang sumama sa akin, pero hindi ko pinayagan. Bago pa lang siyang nakaka-recover sa depression, ngayon lang ulit siya nakakatulog ng maaga. Pasensya ka na, Tita, ayoko munang puyatin si mama."

Kamamatay lang ng Papa niya at masyado iyong dinamdam ni Mrs. Mildred Gregorio.

"I understand, iho. That's very nice of you. Sana'y kaparis mo rin ang pinsan mong si Lyndon. Para kasing hindi siya nag-alala sa akin." Nagkibit ito ng balikat bago nagpatuloy.

"Mabuti pa ay tumuloy ka na sa loob, kumain kang mabuti."

"Thanks Tita."

Hindi na kailangang ituro kay Cassius kung saan kukuha ng pagkain. Halos sa bahay na iyon na yata siya lumaki. Masyadong close ang papa niya at ang uncle niya, dahilan para maging close din ang kani-kanilang mga asawa.

Dahil siya ang unang pamangkin at hindi kaagad nagkaanak ang mga Tita Bella niya, sa kanya nabuhos ang atensiyon ng mga iyon. Magpahanggang ngayong binata na siya. Kumain siya nang lumapit si Lyndon.

"Pinsan mabuti't dumating ka." Tapik nito sa balikat niya. "Join ka sa grupo mamaya. May kasamang chicks si Pareng Rene. Hanep sa wankata at mayaman. Gynecologist. Imagine mo na lang kung ilang beses siyang magcesarian sa loob ng isang

buwan."

"Ikaw talaga, mag-aasawa ka na't lahat, babae pa rin ang nasa isip mo. Pero maganda ba talaga?"

Nag-thumbs-up signal si Lyndon, pagkatapos ay tumalikod na ito habang sumesenyas na sumunod na lamang siya sa hardin. Bata ng halos sampung taon sa kanya si Lyndon, ngunit mag-aasawa na ito.

Ngayong gabi ang announcement ng engagement ni Lyndon at sa babaing napili ng mga magulang nito para sa kanya. Napili, pagkat purong Chinese ang grandparents ni Lyndon sa mother side.

Mula noon, hanggang ngayon, ganoon pa rin ang patakaran ng mga ito. Chinese mestiza rin daw ang babae at mas bata kay Lyndon ng limang taon.

Katatapos lamang nito ng kolehiyo.

Matapos kumain ay nakihalubilo nga si Cassius kina Lyndon. Tulad niya, mga professionals na rin ang mga naroroong kaibigan ng pinsan. At tama ito, maganda talaga ang Gynecologist.

At type niya ang pagiging outspoken ng babae, kahit tungkol sa sekswalidad. Para na rin niyang nakaharap si Margarita Holmes, sa katauhan ni Katerin Chavez.

"Nothing is wrong with a fellatio, as long as you're not forcing your partner into doing it. Kapag nagkaroon na ng pilitan, that's where the problem usually begins." Deklara ng gynecologist. Habang iba naman ang nasa isip ni Cassius.

"Gawin kaya niya sa akin ang sinasabi niya?" Tanong ng malikot nitong kukute. "Hindi na ako kailangan piliin, kusang loob akong papayag."

Kung papansining mabuti ay makahulugan ang ngiti at sulyap niya kay Katerin, ngunit walang nakakapasin sa kanya, pagkat lahat ng nasa grupo nila ay kay Katerin nakatingin, o sa cleavage nito na tila nangangako ng hindi maipaliwanag na kaligayahan.

Naputol ang paghabi ni Cassius ng kahalayan nang lumapit ang maid nina Lyndon. "Ser, dumating na po si Mrs. Ty." Anito kay Lyndon.

Napansin ni Cassius ang pag-asim ng mukha ng pinsan. "Pare, maiiwan ko muna kayo. May dumating lang na bisita si Mommy." Ani Lyndon at tumayo.

Nagtataka si Cassius sa kilos ng pinsan. Hindi tugma sa sitwasyon. Bakit hindi ito excited na malamang dumating na ang magiging misis niya?

Maya-maya pa'y naririnig na nila ang tinig ni Dr. Pedro Gregorio, ama ni Lyndon. Nasa gazebo iyon sa kabilang bahagi ng hardin.

Tumayo si Cassius upang saksihan ang pag-aannounce ng engagement ng pinsan. Gusto rin niyang makita kung anong hitsura ng mapapangasawa nito.

Nasa gazebo na rin ang Tita Bella niya, at sina Mr. and Mrs. Ty, ang mga magulang ng bride-to-be. Natatakpan ng mga iyon ang isang babae na nakapulkang bestida. Katabi ni Lyndon.

"Gusto kong ipaalam sa inyong lahat, in behalf of my wife, ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aking anak na si Lyndon..." Nagpalakpakan ang mga bisita. Nakipalakpak na rin si Cassius na nasa likod ng isang matron.

"At ni Kiona Ty!" Pagkasabi noon ay bahagyang tumabi si Dr. Gregorio upang ipakilala sa mga bisita ang mga manunugangin. Napuno na naman ng palakpakan ang buong hardin ng mga Gregorio.

Shock si Cassius. Hindi magawang pumalakpak. Tingin niya sa anak na iyon ng mga Ty ay disisais anyos, at malayo sa inaasahan niyang karaniwang itsura ng mga tsinita.

Hindi bilugan ang mukha ni Kiona, prominent ang cheekbones nito at matangos ang ilong. Tila nililok at kasing kulay ng bestida ang labi. At tiyak niyang hindi iyon likha ng lipstick.

Walang suot na make-up si Kiona. Lagpas lamang ng tenga ang one-length nitong buhok. Tantiya ni Cassius ay may limang piye at limang pulgada ang taas nito. Ngunit hindi nagawang patandain ito ng kanyang height.

"She couldn't be twenty." Bulalas niya.

Ang kainosentihan sa mga mata nito, ang tila nahihiyang pagkakatayo at panaka-nakang pagtungo, at mga tipid na ngiti, isang bago lamang na nagdadalaga ang tingin ni Cassius dito kay Kiona Ty.

Napuno na naman ng palakpakan at sigawan ang hardin ng isuot ni Lyndon ang engagement ring sa daliri ni Kiona.

Matapos ang seremonya na iyon ay nagbalik na sa kani-kanilang lugar ang mga bisita. Hinihintay ni Cassius na bumalik sa grupo nila si Lyndon, ngunit hindi na ito nakigrupo pa.

HETO si Lyndon, nasa gilid niya. Nakaupo sa gilid ng kama, at sapo ang ulo. Sa edad na beinte-singko, wala pang balak mag-asawa si Lyndon.

Pangarap niyang i-pursue ang career sa ibang bansa. Computers ang passion nito sa buhay at ang engagement na iyon ay para na ring pagpapatiwakal sa kanya.

Kung hindi nga lamang natatakot siyang atakihin ang mommy niya ay diretsahan itong tumanggi. Walang sakit sa puso si Mrs. Bella Gregorio, ang ikinatatakot ni Lyndon ay ang pagiging overacting nito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login