Baixar aplicativo
99% My Air to breathe / Chapter 100: Chapter 99 sleeping together

Capítulo 100: Chapter 99 sleeping together

"Pagkatapos kong kumain eh matutulog na ko dahil may pasok pa ako mamaya!" Ani Heshi kay Juno pagpasok palang nila sa apartment niya, "Pagisipan mo na kung paano mo pagkakasyahin ang katawan mo sa sofang yan dahil wala akong balak ipaubaya sayo ang napakaliit kong kama!" Sana naman eh na gets ng lalaking to na hindi kami pwedeng matulog ng magkatabi!

Inilapag ni Heshi ang mga biniling pagkain sa mesa niya, Pinili nyang buksan ang lasagna dahil kanina pa sya natatakam na kainin iyon.

"Alin ba sa mga iyan ang pwede kong kainin?" lumapit na rin si Juno sa tabi ni Heshi.

"Kala ko ba hindi ka kumakain ng hindi maayos na pagkain?" inabutan ito ni Heshi ng hotdog sandwich, "Yan nalang ang sayo!"

Tinanggap naman iyon ni Juno at tangkang kakaganatin na ng pigilan ito ni Heshi, "Wait, may dressing pa yan!" kinuha nya uli dito ang sandwich at nilagyan iyon ng mga dressing.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung sino yung kasama kong babae kanina?" hinila ni Juno ang isang upuan sa tapat ni Heshi.

Napatigil si Heshi sa ginagawa. "Hindi ko naman kailangang malaman kung sino sino ang mga taong nakakasama mo." nakangusong sagot niya. "tsaka mas interesado ako don sa gwapong lalaking sumundo don sa kasama mong babae!"

Si Juno naman ang napakunot ang noo, "Si Vince? Wag mo ng pag interesan yon dahil isang babae lang ang nakikita non!" kinuha nito ang sandwich sa kamay ni Heshi. Para naman syang nakoryente sa pagsayad ng mga daliri nito sa kamay niya,. "Masyado yung loyal sa kapatid ko kaya hindi yun titingin sa ibang babae!"

"Talaga ba? e bakit papatulugin nya yung babaeng kasama mo sa bahay nya kung talagang loyal sya sa kapatid mo?" di naniniwala si Heshi sa sinabi ni Juno.

"Yung babaeng kasama ko kanina?" success! sabi na nga bat don din pupunta ang usapang ito eh! itinaas ni Juno sa tapat ng bibig ang sandwich na hawak para maitago ang pagngiti niya. "Cielo is my younger sister!"

Napabitin sa ere ang kutsarang hawak nya, "Kapatid mo yung magandang babae kanina?"

"Yes!" tuluyan ng kinain ni Juno ang hawak ng sandwich.

"Kung kapatid mo sya e bakit hinahayaan mo lang syang matulog sa bahay ng ibang lalaki?"

"Hindi basta ibang lalaki lang si Vince! at wala akong dapat ipagalala sa kaligtasan ng kapatid ko dahil bahay ni Vince ang pinaka ligtas na lugar sa pilipinas para kay Cielo!"

"Ah!" napatango nalang si Heshi, ano pabang masasabi nya? Hindi nalang sya nagpahalatang kinikilig dahil nagkusa na si Junong ipaliwanag ang dahilan kung bakit ito may kasamang babae.

"Bilisan mo ng kumain at antok na antok na ako!" sabi ni Juno habang puno ang bibig nito ng kinakaing sandwich.

Tumalima naman si heshi at inilang subo lang ang kinakaing lasagna, kinuha niya ang dalawang pineapple juice sa ref nya at binigyan ito ng isa, "Matutulog na ako kaya ikaw na ang maglinis ng mesa!"

Naiwan naman si Juno sa mesa, kaya inubos nalang nya ang pagkain at tinabi sa ref ang mga natira, tiningnan niya ang makipot na sofa, siguradong hindi sya magkakasya roon!

Naramdaman ni Heshi ang pagalaw ng kama, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kumot na nakatabing sa katawan nya. "Bakit nandito ka sa kwarto ko? diba sabi ko sayo don ka sa sofa matutulog!"

"Ow common Heshi, aminin mo na! kung talagang hindi mo ako patutulugin sa kama mo e di sana inilock mo na yung pinto ng kwarto mo!" hindi naman nakasagot si Heshi, para syang nasukol na daga sa sinabi nito. "Just close your eyes at matulog kana, wag kalang masyadong malikot at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lapain ka!"

Whay the h! nilingon niya ang katabing binata nakapikit na ito at magkasalikop ang dalawang kamay na nakapatong sa tyan nito, "Baka nakakalimutan mong wala naman tayong relasyon kaya wala kang karapatang gawin sakin ang bagay na yon!" buti nalang at madilim sa kwarto niya, hindi makikita ng katabi ang pamumula ng pisngi nya.

Nagulat si Heshi ng biglang kumilos ang binata at sinapo ang kanyang nagiinit na pisngi, "Honey, wala ka sa posisyon para para pagbawalan ako dahil yung oras na pumayag kang matulog ako dito sa bahay mo ay para mo na rin akong binigyan ng karapatang gawin sayo ang gusto ko! kaya matulog kana habang nakakapagpigil pa ako!" inilapit pa nito ng bahagya ang mukha nito sa kanya.

Napapikit ng mariin si Heshi, Oo nga no! ang tanga tanga ko talaga! inalis niya ang kamay ni Juno sa pisngi niya. Bakit ba hindi ko naisip yun? hay Heshi! nasaan ba ang utak mo? kinuha nalang ni Heshi ang extrang unan sa ulunan niya at patalikod kay Junong niyakap iyon.

Pakiramdam ni Heshi ay nagtayuan lahat ng balahibo nya ng maramdaman ang pagyakap ni Juno sa bewang nya at bahagyang pagdait ng katawan nito sa likuran niya! "Goodnight hon!" bumulong muna ito sa kanya saka niya naramdaman ang malalim nitong paghinga. Sinong normal na lalaki ang makakatulog na may katabing babae? Kahit nahihirapan ay pinilit ni Heshing makatulog alang alang sa trabaho nyang nakaabang sa pagsikat ng araw.

Abot ang tunog ng alarm clock ni Heshi, pinilit nyang imulat ang mata kahit pakiramdam niyay bago palang syang nakakatulog, Alas siyete na! babangon na sana siya ng maramdaman ang kamay na pumipigil sa bewang niya!

Oo nga pala, may katabi nga pala akong natulog kanina! napangiti nalang si Heshi at bumaling paharap sa katabi para sana pagmasdan ang mukha nito pero bigo siya, dahil ang inaasahan niyang tulog pa ay nakatitig na sa kanya ngayun!

Naitakip ni Heshi ang kamay sa bibig niya dahil baka may panis na laway pa sya! pero tinangal lang iyon ng binatang katabi at bigla syang hinalikan sa labi.

Smack lang naman ang ginawa nito pero sapat na yun para gisingin ang lahat ng himaymay ng dugo at laman ni Heshi. "Good morning Hon!" bati nito sa kanya.

Good morning Philippines!!! ganon kasigla ang pakiramdam ni Heshi, parang hindi na niya kailangang uminom ng vitamins ngayung araw!


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C100
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login