Baixar aplicativo
73.07% Queen and the Nine Tailed Fox / Chapter 19: Chapter 19

Capítulo 19: Chapter 19

"G-gani..." Namimilog ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na bigla-bigla na lang niyang sinuntok si Leigh.

"Lapastangan!" Halos lumabas ang litid niya sa lakas ng sigaw niya kay Leigh na kasalukuyang hindi pa rin nakakabawi at nang mukhang susugurin na naman niya ito ay hinarang ko na kaagad siya.

Natigilan naman siya pero tinitigan ako nang matiim ng mga mata niyang sa fox nabibilang. "Huwag mo akong harangin Queen." maawtoridad niyang sabi.

Hindi naman ako nagpasindak sa kaniya. "Hindi ko hahayaan na saktan mo siya nang walang dahilan." may diin at seryosong-seryoso kong sabi habang nakadipa pa rin sa pagpoprotekta kay Leigh.

Hindi nakalagpas sa pansin ko ang pagbakas sa mga mata niya na nasaktan siya sa pagkampi ko na 'to kay Leigh.

"Hahahaha!" pagtawa ni Leigh sa likuran ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakaupo pa rin siya at pinunasan ang dugo sa pumutok niyang labi gamit ang likod ng kamay niya. "Ngayon Queen. Ano sa tingin mo ang totoo base sa reaksyon niya ngayon?" Sinilip niya pa sa pagkakaharang ko si Gani at nginitian ito.

Napabalik naman ang tingin ko kay Gani at ang talim-talim ng tingin nito sa kaniya.

Biglang hinablot ni Gani ang kamay ko. "Halika na!"

Hindi naman agad ako nagpahila. "Pero si Leigh—"

"Hihiwalay na tayo sa kanila sa paglalakbay!" Nagawa na niya akong mahila paalis. Nilingon ko si Leigh at nagokay sign siya sa'kin na sinasabing ayos lang siya.

Nang makalayo na kami ni Gani at narating ang isang mapunong lugar, pinilit kong alisin sa pagkakahawak niya ang kamay ko. "Bitiwan mo nga ako!" napabitaw ko naman siya. "Babalikan ko si Leigh!" sigaw ko sa kaniya. Nag-aalala pa rin kasi ako kay Leigh dahil ang lakas ng pagkakasuntok na natamo nito mula sa kaniya.

Hinarang naman kaagad niya ako at ang tiim tiim ng tingin niya sa'kin. "Nahulog na ba ang iyong loob sa mahinang maheyang iyon Queen?" mahinang tanong niya at halatang pilit niya lang tinatago na nasasaktan siya.

Nangunot naman ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo?"

Marahas naman siyang napahinga nang malalim na para siyang nakarinig ng isang malaking kasinungalingan. "Kung hindi ka talaga nahulog sa kaniya ay hindi ka susubok na hagkan siya!" malakas na sigaw niya sa'kin na puno ng pagseselos.

Namilog naman ang mga mata ko sa bintang niyang 'yon.

A-ako? Hahalikan si Leigh?

"Gusto mo bang mapatunayan na may gusto talaga siya sa'yo?"

"Ilapit mo ang mukha mo sa'kin. Pagkatapos n'on, magkakaalaman na kung ano ang totoo."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napasinghap pa ako. "W-wala akong balak na halikan siya! Ano 'ko? Hilo?"

Nagdududa pa rin ang tingin niya sa'kin kaya hindi ko naiwasang pagsuspetsahan siya. "Teka nga. Nagseselos ka ba? Nagbago na ba ang isip mo sa'kin dahil kay Leigh?" deretsahang tanong ko sa kaniya.

Bahala na kung mapahiya ako sa kaniya. Malapit na naman kami sa lagusan ng Sphynx kaya makakauwi na ako at matatakasan ang pagkapahiya ko sa kaniya.

Nangunot naman ang noo niya. "Anong nagbago na ang isip ko sa iyo? Hindi ko nais na basta-basta ka na lamang maggagawad ng halik sa ibang lalaki gayung naitalaga ka na bilang aking mapapangasawa Queen!"

Unti-unti namang bumagsak ang balikat ko sa pagkadisappoint. Maling-mali na umasa ako kahit kaunti sa sinabi ni Leigh na may gusto talaga 'tong si Gani sa'kin... dahil sa huli, ang label pa rin naming engaged sa tradisyon nila ang ipinaglalaban niya. "Dahil ba sa paghawak ko noon sa buntot mo? 'Yon lang ba talaga ang pinanghahawakan mo sa'kin Gani?" Nararamdaman ko na ang pag-init ng mga mata ko dahil sa pagbabadya ng mga luha ro'n.

Unti-unti naman siyang nakalma nang makitang papaiyak na ako. "Queen—"

"Napakasama mo talaga Isagani! Pagkatapos mong tanggihan nang walang pakundangan 'yung pagsasabi ko sa'yo na gusto kita noon, pinipilit mo pa rin akong itali sa'yo ngayon!" Naglandas na ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi.

Heto na naman ang pamilyar na sakit sa loob ng dibdib ko... pero mas makirot 'to ngayong kinokompronta ko na siya tungkol sa bagay na 'to.

Mas lalo namang nangunot ang noo niya at parang nalilito. "A-anong pagtanggi ko sa iyo ang iyong sinasabi? Sinabi mo na sa akin noon na... na gusto mo ako?" litong-litong talaga siya. "T-teka. Gusto mo ako Queen?"

Napatawa pa ako nang pakli sa pagkainsulto. "'Wag mong sabihing nakalimutan mo na kung anong nangyari ro'n sa may flower—"

"Iwika mong muli. Sigurado naman ako na hindi siya papayag."

Natigilan ako nang maalala ang huling sinabi sa'kin ni Rio nang habulin niya kami sa labas ng Leibnis. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang marealize na ang katotohanan.

Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Gani.

I-ibig sabihin... si Rio talaga 'yon... at hindi siya?

"Ano ba ang nangyari Queen? Hindi ko naiintindihan ang iyong mga sinasabi?"

Nakatulala lang ako sa kaniya at nang magsasalita ulit siya, bigla ko na siyang niyakap kaya 'di niya na naituloy ang sasabihin niya saka napangawa na ako na parang bata.

Sa wakas, ang hindi nakikitang mga pako na nakabaon sa puso ko ay isa-isa nang natatanggal at ang bigat sa dibdib ko ay nawala na rin dahil nalaman ko na rin na hindi talaga siya ang nagsabi ng masasakit na mga salitang 'yon sa'kin.

Nagulumihan naman siya sa bigla kong pag-atungal na 'to ng iyak at agad niya namang hinagod ang likod ko para patahanin ako. "Sandali Queen, ipaliwanag mo naman sa akin ang nangyayari dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka umiiyak nang ganito ngayon." alalang-alalang sabi niya.

Humiwalay na ako ng yakap sa kaniya habang hilam pa rin sa luha ang mga mata ko. "Tatanungin kita ngayon. mismo Gani. Alam ko naman na ikaw na talaga 'yan. Ayos lang ba sayo na may gusto—" natigilan ako saglit pero nang buo na ang desisyon ko. "—na mahal kita?"

Nanlaki naman ang mga mata niya at parang naging estatwa na sa pagkatuod ang katawan niya sa hindi pagkapaniwala.

"Mahal na mahal na kita Isagani Simeon at sobra akong nagpapasalamat sa'yo sa lahat ng pagkakataon na iniligtas mo ang buhay ko." sincere na sabi ko sa kaniya. "Sa mundong 'to, dinamitan mo ako, pinakain at pinatira sa bahay mo kahit hindi naging maganda ang pagtrato ko noon sa'yo sa mundo namin. Kahit naiinis ako sa'yo noon dahil ginawa mo akong alipin mo, marami naman akong natutunan dahil doon kaya ikaw ang dahilan kung bakit nabago ang ugali ko."

Tuod pa rin siya. Ni hindi kumukurap at parang hindi na rin siya humihinga na halatang napigilan na niya.

"Hindi mo alam kung gaano ako kathankful dahil sa tuwing kailangan ko ng tutulong sa'kin, lagi kang dumadating na para bang naririnig mo ang desperadong pagtawag ko sa pangalan mo kahit ga'no tayo kalayo sa isa't-isa. Bukod do'n, ang mga bagay na ginawa mo para sa'kin katulad ng mini-feast at bulaklak na naitapon mo dahil sa inis sa'kin... lahat ng 'yon, naaappreciate ko."

Nakatulala pa rin siya sa'kin.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" untag ko sa kaniya.

Doon naman ay napakurap-kurap na siya pero hindi pa rin nakakabawi. "T-totoo ba itong nangyayari ngayon? Hindi ba ito isang panaginip lamang?" Kinurot niya pa ang sarili niya sa braso at nang makaramdam ng sakit, hindi pa rin siya makapaniwala.

"Ayaw mo naman yata eh." Magwowalk-out na sana ako dahil hindi pa rin siya sumasagot sa mga sinabi ko pero agad naman niya naman akong hinarang ulit.

"Sandali Queen. Hindi pa lamang kasi maproseso ng aking isipan na iniibig mo rin ako."

Natigilan ako at ako naman ngayon ang nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. "Rin?"

Napangiti na siya pero imbis na sumagot, kinuha niya sa loob ng mahaba niyang sleeve ang isang goldeng pouch na tela. Binuksan niya 'yon saka kinuha mula roon ang dalawang kwintas na may mga transparent stone pendants at katulad 'yon ng kwintas na ipinakita ni Leigh sa'min. May gintong singsing din mula roon na nakilala kong ibinigay niya noon sa'kin bilang engagement ring namin.

Isinuot niya ang muli ang singsing na 'yon sa'kin na akala ko, hindi niya na ibabalik pa. "Hindi lamang naman dahil hinawakan mo ang aking buntot kaya nais kitang mapangasawa Queen. Ang totoo'y napakaespesyal mo sa akin na ikinatuwa ko pa nga nang lubos ang nangyaring iyon." Sunod naman niyang isinuot ang isa sa kwintas sa'kin.

"Para saan naman 'tong kwintas na 'to?" Hinawakan ko ang pendant n'on at tiningnan. May nakaukit doon na buong pangalan ko.

"Kwintas ito na magiging daan mo pabalik ng mundong ito kung iyong nanaisin. Nagpagawa muli ako ng sa akin at ang totoo ay balak kong sumama sa iyo sa mundo ninyong mga mortal." pagkatapos niyang isuot sa'kin ang kwintas ko ay isinuot na rin niya ang sa kaniya. "Isa ito sa dahilan kung bakit ako umaalis ng Leibnis noon."

"Isa sa dahilan? Eh ano ba 'yung iba?"

Napangiti naman siya. "Malalaman mo rin pagdating natin ng Frayam mamaya. Malapit na ang bayang iyon dito kaya doon mo iyon mababatid."

"Pero teka. Talaga bang sasama ka sa'kin sa mundo namin?" naninigurado kong tanong.

"Totoo iyon... dahil balak kong hingiin nang maayos ang iyong kamay sa iyong mga magulang pati na rin sa iyong kapatid na si Marco."

Ako naman ang natulala sa kaniya at kung takure lang ako, nag-uusok na ako ngayon nang sobra dahil sa overheat.

O.M.G. Kinikilig ako nang sobra!

Napapangiti ako pero pinipigilan ko lang. Syempre. 'Di ko naman pwedeng ipahalata na tuwang-tuwa ako.

Medyo pakipot syempre.

"Ngunit matanong ko lamang. Ano ang ibig sabihin mo kanina na umamin ka sa akin ng iyong nararamdaman sa malawak na bulaklakan sa Leibnis? Wala naman talaga akong natatandaan na naganap iyon." litong-litong tanong niya.

"A-ahhh... 'Yon? Wala 'yon." Patay ka sa'kin Rio pagbalik ko ng Leibnis! Kaya pala may pinapaulit ka sa'king maldita kang bata ka ha. Ito pala 'yon.

Ngiting-ngiti lang ako sa kaniya at wala akong balak isumbong sa kaniya si Rio dahil ako ang bahala sa malditang 'yon kapag bumisita ulit kami ni Gani rito sa hinaharap.

Nakahinga na ako nang maluwag dahil malinaw na ang lahat sa'kin ngayon.

Mas lumapit pa siya sa'kin saka ako niyakap. "Queen... mahal din kita. Mahal na mahal at hindi mo batid kung gaano ako pinasaya ng ipinaalam mong iyon sa akin." pag-amin ulit niya sa'kin na sincere na sincere.

Eto naman ako, ang lakas-lakas ng dugdug-dugdug sa loob ng dibdib.

Humiwalay na rin siya sa'kin at tinitigan ako na puno ng pagmamahal. Marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa'kin.

Fudge! Fudge! Nagpapalpitate na nang sobra ang puso ko kahit hindi naman ako nagkape dahil alam na alam ko na ang balak niyang gawin.

Napapikit na lang ako sa paghihintay ng susunod na mangyayari... at doon, naramdaman ko na ang pagdampi ng mga labi niya sa'kin.

Ang lambot-lambot ng mga 'yon at ang init na nagpapaalam sa'kin kung gaano niya talaga ako kamahal.

Hindi ko magawang maipaliwanag ang bawat sandali na magkahinang ang mga labi namin. Basta, ang tanging nagpop-up lang sa isip ko ay napakamagical ng sandaling ito.

Nang makuntento na kami ay pinakawalan na namin ang labi ng isa't isa.

Puno ng pagmamahal ang nababakas sa magkatitigan naming mga mata pero may napansin akong taong gumalaw sa likuran niya sa may kalayuan kaya naagaw n'on ang atensyon ko.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita na nagpakawala ng isang palaso mula sa pana ang karwaherong kasama namin at palipad na 'yon papunta sa nakatalikod doong si Gani.

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Panahon na para ako naman ang magligtas kay Gani para makabawi na ako sa pagliligtas niya parati sa'kin.

Doon, malakas ko siyang hinawi pagilid kaya napaupo siya sa lupa at ang kasunod n'on ay ang pagtarak ng palaso sa gitna ng dibdib ko. Nabasag pa ro'n ang pendant ng kwintas ko kung saan 'yon saktong tumama.

Para akong sinuntok nang napakalakas doon at ramdam na ramdam ko kung gaano kalalim ang inabot n'on sa loob ng katawan ko.

Natulala na lang ako sa kawalan at may tumagas ng dugo sa bibig ko.

"QUEEEEEEEEEEEEEEN!"

Ipagpapatuloy...


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C19
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login