Baixar aplicativo
85.71% (FILIPINO) Belle Feliz's Lollipop Boys / Chapter 60: Chapter Eleven

Capítulo 60: Chapter Eleven

TUTOK na tutok ang mga mata ni Iarah sa telebisyon isang tanghali. Ganoon din ang Ate Janis niya at si Peighton. Official debut ng Lollipop Boys sa isang noontime show.

Excited na excited siya. Gustung-gusto na niyang mapanood ang mga ito na nagpe-perform sa entablado. They would be great, she was sure of that.

Dumating ang pinakahihintay nila. In-introduce na ang Lollipop Boys ng host ng programa. Pigil-pigil niya ang kanyang hininga at hindi kumukurap.

All the boys were wearing white. They started to sing and dance. Tumaas yata ang lahat ng mga balahibo niya. They exceeded her expectations. They were the greatest!

Ang sarap-sarap panoorin ng mga ito. Lahat ng miyembro ay guwapo, walang itulak-kabigin. Pero siyempre, paborito niya ang nasa gitna—si Vann Allen.

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito habang nagpe-perform. Napakaganda ng rehistro nito sa TV. He looked fresh and gorgeous. Tila walang effort ang mga ginagawa nito. Napakanatural ng mga galaw nito.

Dinig na dinig niyang nagtitilian ang mga audience. Kahit siya ay gusto na ring tumili. She was so proud of him. Masayang-masaya siya para dito.

Pagkatapos ng performance ng mga ito ay nagsalita si Vann Allen. Nagkaroon ito ng close-up shot. "Good afternoon, Pilipinas! We are the Lollipop Boys." Nag-bow ang limang lalaki pagkatapos.

Isang masigabong palakpakan ang inani ng mga ito. Ang ilan sa audience ay napatayo pa habang pumapalakpak.

In-interview ang mga ito ng dalawang hosts pagkatapos.

Nagtubig bigla ang kanyang mga mata dahil sa sobrang ligaya. Tama ang ate ni Vann Allen. At tama siya na sinunod niya ito. Kikinang pang lalo ang bituin ni Vann Allen. Hindi niya ito maaaring hilahin pababa. Ang ganda-ganda ng bukas na naghihintay rito.

Magiging fan na lamang siya nito. Tahimik na susuportahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Hindi niya kailanman hahayaang masira ito nang dahil lang sa kanya.

SAPU-SAPO ni Vann Allen ang dibdib niya habang nakasalampak ng upo sa loob ng dressing room. Katatapos lamang ng number at short interview ng Lollipop Boys. Kabadung-kabado siya kanina. It took so much effort to smile and perform like he had been doing it for a long time. Hindi iisang beses na tila pakiramdam niya ay maninigas na lang siya bigla sa sobrang kaba. Hindi rin miminsang inakala niyang sasablay siya sa lyrics at steps.

Kahit nairaos na niya iyon, hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib niya. Sa katunayan, dapat ay nagbibihis na siya dahil may press conference pa sila. Kinaka-bahan siya na baka mamali siya ng sagot sa mga press people. Natatakot siya na baka kinabukasan ay pangit ang reviews na mailathala sa mga babasahin. Natatakot siyang hindi sila tangkilikin ng mga tao.

Tinapik ni Maken ang balikat niya. "We did great," nakangiting sabi nito.

Paglingon niya sa mga kasamahan niya ay may magandang ngiti rin sa mga labi ng mga ito. Huminga siya nang malalim bago ngumiti na rin. Maken was right, they did great.

Bakit ba siya natatakot? Hindi siya nag-iisa. May mga kasama siya. Grupo sila. Basta kasama niya ang apat na kaibigan niya, they would always give great performances.

Naibsan ang kaba sa dibdib niya. "We did great," aniya sa mga ito.

Nag-ayos na sila at sumalang sa press conference. Maraming naimbitahang press people. Halos masilaw siya sa kislap ng mga camera. Nag-umpisa na ang tanungan pagkatapos nilang isa-isang magpakilala.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. Iyon ang paraan niya upang pagtakpan ang kabang nadarama niya.

"So, ano ang kaibahan ninyo sa ibang boy band? Bakit kayo dapat suportahan ng mga tao? Ano ang maibibigay ninyong bago sa amin?" tanong ng isang kilalang showbiz critic. Kilala niya ito. May showbiz column ito sa tatlong tabloids.

Siya ang inudyukang sumagot. Dinampot niya ang mikropono at sumagot. "Mas guwapo at mas magaling kami sa kanila," walang pag-aalinlangang sagot niya. He flashed them a very charming smile. Magaling naman talaga ang grupo niya.

"Sigurado ka?" tanong nito. "Iyan naman lagi ang sinasabi ng lahat."

"Opo naman. Kung hindi kami magaling, hindi kami pagkakatiwalaan ng manager namin. I believe in my group. I believe we give great performances."

Ngumiti ito nang makahulugan. "Paano kung sabihin ko sa inyong sa palagay ko ay hindi kayo sisikat? Na katulad lang kayo ng mga kabataang biglang sikat at bigla rin ang pagkalaos? Paano kung sabihin ko sa inyong sa palagay ko ay malaking tsamba lamang ang hit commercial ninyo?"

"Wow, nosebleed," aniya sa nagbibirong tinig. Ang totoo, kasama sa mga sinabi nito ang napakaraming takot niya. "Ganito pala ang press conference, ano? Newbies kami. Dapat maging tender muna kayo sa `min. Hindi kaya ng powers ko `to. Akala ko, makukuha namin kayo sa charm at kapogian."

Natawa ang ilan sa mga sinabi niya.

Nagseryoso siya at sinalubong ang mga mata ng kolumnista, ang kanilang kritiko. "Watch us charm everyone."

Ngumiti ito nang makahulugan. "I sure will."

They answered some more questions before the press conference ended. Halos manghina ang tuhod niya nang wala nang mga taong nakatutok ang tingin sa kanila.

"Hindi kami nagkamali ng pagpili sa `yo bilang leader," ani Rob. "Kung ako `yon, speechless na ako."

"Grabe," tanging nasabi niya.

Umpisa pa lang iyon. Marami pa silang pagdaraanan pagkatapos ng araw na iyon. Sa puso niya, alam niyang kaya nila. Basta magkakasama sila, kakayanin nila.

HIRAP na hirap si Iarah sa pagbubuntis niya. Madalas, naiiyak na lang siya habang nakasalampak sa banyo pagkatapos niyang magsuka. Naroon naman palagi ang Ate Janis niya para sa kanya, ngunit hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya.

Madalas, mag-isa lamang siya sa bahay. Tumigil na siya sa pag-aaral. Ang perang gagamitin niya sa pagpasok ay iniipon na lang nila para sa paghahanda sa panganganak niya. Hindi na rin siya lumalabas ng apartment.

Masamang-masama ang timpla niya nang araw na iyon. Nasa sala lamang siya at nakahiga sa sofa at kanina pa umiiyak. Ramdam na ramdam niya ang kanyang pag-iisa.

"Ang tanga-tanga mo kasi," sabi niya sa kanyang sarili.

Naiisip niya kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon kung hindi siya nabuntis. Siguradong nag-aaral pa rin siya. Siguradong mahihirapan siya ngunit masaya pa rin dahil nakakapag-aral pa rin siya. She would enjoy her youth.

Magiging ina na siya. Ang bata-bata pa niya. Kaya ba niyang maging isang mabuting ina kung hindi niya nagawang maging isang mabuting anak sa mga magulang niya? Paano niya bubuhayin ang anak niya gayong hindi man lang niya natapos ang unang taon niya sa kolehiyo? Aasa na lang ba siya palagi sa mga magulang at kapatid niya?

Natigil siya sa pagluha nang may kumatok. Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago tumayo. Nagulat siya nang mapagbuksan niya si Vann Allen. Kahit nakasuot ito ng baseball cap at dark glasses ay nakilala pa rin niya ito. Ang ganda ng ngiti nito. Marami itong mga bitbit.

Biglang nabura ang ngiti nito nang matitigan siya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla siyang nahiya sa kanyang hitsura. Hindi pa siya naliligo. Magulung-magulo ang buhok niya. Siguradong mugto ang mga mata niya. Isang luma at kupasing oversized shirt ang suot niya.

Kung ikokompara sa fresh na hitsura nito, mukha siyang gusgusin.

Nilakihan niya ang awang ng pinto at pinatuloy ito. Ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita nang personal. Missed na missed na niya ito. Pinipigil niya ang kanyang sariling sugurin ito ng yakap. Nahihiya siya.

Sikat na sikat na ito. Sikat na sikat na ang Lollipop Boys. Ayon sa isang showbiz news na napanood niya, bawat sulok daw ng Pilipinas ay dumaranas na ng Lollipop fever. Nagtala pa nga raw ng record sale ang unang album ng grupo. Patuloy pa raw ang mga tao sa pagbili ng mga kopya. Ayon kay Frecy nang minsan itong dumalaw sa kanya, abalang-abala raw ang kuya nito. Lagare daw ang Lollipop Boys. Halos wala na raw tulog ang mga ito sa sobrang dami ng mga commitments.

Dumiretso sa kusina si Vann Allen. Nagtatakang sumunod siya rito. Inilapag nito sa mesa ang mga dala nito. Mga prutas at lutong pagkain ang mga iyon.

"K-kumusta?" tanong niya rito.

Inalis nito ang cap at dark glasses nito. Mas guwapo ito sa personal. Kahit madalas niya itong nakikita sa telebisyon, iba pa rin kung nasisilayan niya ito nang personal.

"Ikaw ang kumusta," tugon nito. "Bakit ang payat-payat mo?" May bahid ng inis sa tinig nito. Hinila siya nito at pinaupo sa harap ng hapag. Inilabas nito ang mga dala nitong pagkain at inilagay sa harap niya. "Hindi ka ba kumakaing maigi? Nag-almusal ka na ba? Kumain ka nga. At bakit namumula at namumugto ang mga mata mo? Umiiyak ka ba? Huwag ka ngang ganyan. Buntis ka. Nararamdaman din ni baby ang mga nararamdaman mo."

Na-touch siya sa concern nito. Masaya na rin siya dahil naroon ito sa tabi niya. Sana ay hindi ito umalis kaagad.

"Ang sabi ko, kumain ka. Bakit nakatitig ka lang diyan. Alam kong pogi ako. Kumain ka na. Kumain ka nang marami." Nilagyan nito ng plato ang harap niya at sinalinan iyon ng pansit. Naglagay rin ito ng puto at isang pirasong piniritong hita ng manok. Hindi humiwalay ang mga mata niya rito.

Ikinulong nito sa mga kamay nito ang mukha niya at hinagkan ang ilong niya. "Stop staring and eat," utos nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya. May malaking bahagi ng puso niya na masaya dahil hindi pa rin ito nagbabago sa pakikitungo sa kanya. Masaya siya dahil naroon pa rin ito at tila walang nagbago.

"Masama bang titigan ang isang taong sikat na sikat na?" tanong niya.

"Ako pa rin naman `to. Walang nagbago," anito habang umuupo sa tabi niya.

"Napakarami mo nang fans. Napakarami ng nagmamahal sa `yo. Hindi ko naman sila masisisi. Ang guwapo mo na, ang galing-galing mo pa."

"Binola mo pa ako," tila nahihiyang sabi nito.

Natatawang kumain na siya. Nailang lamang siya nang mapansin niyang nakatitig ito sa mukha niya. Nagbaba siya ng paningin. "Ang pangit ko na, `no?"

"Gaga," anito. "Saksakan ka pa rin ng ganda. `Kala mo ikaw lang ang may karapatang tumitig? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nalulungkot? Naaalala mo na naman ba si—"

Umiling siya bago pa man nito mabanggit ang pangalan ng ama ng anak niya. "Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil mag-isa lang ako rito. Iyon lang, Vann." Hindi na niya naiisip si Daniel. Bahala na ang lalaking iyon sa buhay nito.

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Tandaan mo, dalawa na kayo. Hanggang maisisingit ko sa schedule ko, dadalawin kita."

"Hindi mo kailangang gawin `to, Vann. Okay lang ako. Hormones lang `to. Ganito siguro ang mga naglilihi, nagiging masyadong emosyonal."

Yumuko ito at hinaplos ang tiyan niya. Muntik na siyang mapasinghap nang hagkan nito ang ibabang bahagi ng tiyan niya. May kaunting umbok na iyon.

"Enz, `wag mong masyadong pahirapan si Nanay, ha?" pagkausap nito sa baby sa loob ng tiyan niya. "Sorry din kung ngayon lang ako. Maraming trabaho, eh. Behave ka muna riyan, anak, ha?" Muli nitong dinampian ng halik ang tiyan niya.

Nais na naman niyang maiyak. Kahit tinanggihan na niya ito, patuloy pa rin ito sa pag-angkin sa anak niya. Ang suwerte-suwerte ng anak niya. May tatayong tatay na ito. Ang suwerte-suwerte rin ng magiging asawa't anak nito sa hinaharap.

NAGULAt si Iarah nang bisitahin siya ni Aling Sol isang araw. Lalo siyang nagulat nang yayain siya nitong magtungo sa ob-gyn niya. Kailangan na nga pala niyang magpa-check up uli. Maayos naman daw ang bata, ayon sa kanyang doktora.

Nagpasalamat siya at kasama niyang nagpa-check up ang nanay ni Vann Allen. Kung wala ito ay hindi niya alam kung paano siya kikilos sa loob ng klinika ng ob-gyn niya. Hiyang-hiya siya dahil ito pa ang nagbayad sa fee ng checkup niya. Ito rin ang bumili ng mga nakaresetang bitamina niya. Bumili pa ito ng gatas pangbuntis para sa kanya. Nagpakatanggi-tanggi siya ngunit nagpilit ito.

"Hayaan mo na akong makatulong kahit sa maliit na paraan lang, anak," anito sa kanya. "Tawagin mo na rin akong 'Tita Sol.'"

"Salamat po, T-Tita," aniya sa nahihiyang tinig.

Siguro ay naaawa rin ito sa kalagayan niya. Sadyang napakabait ng buong pamilya ni Vann Allen. At lalo niyang napatunayan ang kabaitan ng pamilya nito nang bumisita sina Frecy at Armie sa kanya isang Sabado. Naging malapit na sa kanya ang dalawa dahil itinuring na siyang kaibigan ng mga ito. Maraming dalang prutas ang mga ito para sa kanya.

"Labas tayo, Iya," yaya ni Frecy.

"Saan?" tanong niya.

"Sa mall," sagot ni Armie.

Umiling siya. "Kayo na lang," aniya. Wala siyang perang pang-mall. Baka may mga bagay siyang magustuhan sa mall para sa magiging anak niya, sasama lamang ang loob niya kung hindi niya iyon mabibili.

"Huwag ka ngang KJ," ani Frecy. "Sumama ka na sa `min. Sagot kita. Sumama ka na para naman makalabas ka rito sa lungga mo. Nakakulong ka na lang lagi rito."

"Oo nga," segunda ni Armie. "Sige na, `sama ka na. Minsan lang maging galante si Kuya."

"Ha?"

Pasimpleng siniko ni Frecy si Armie. "Nakatanggap ng malaking bonus si Vann dahil maganda ang sales ng album nila," paliwanag ni Frecy sa kanya. "Pati kami may bonus, siyempre. `Lika na, sumama ka na. Kakain lang tayo, `tapos, manonood ng sine. Kung may oras pa, mag-iikut-ikot tayo."

Pumayag na rin siya dahil hindi siya tinigilan ng mga ito. Hindi umalis ang mga ito nang hindi siya kasama. Nanood sila ng sine at kumain pagkatapos.

"Uy, ang ganda!" bulalas ni Frecy nang madaanan nila ang display ng isang maternity shop. May magandang maternity dress na nakasuot sa isang mannequin sa display window. Maganda ang pagkakagawa niyon.

"Bagay `yan sa `yo. Teka, bibilhin ko para sa `yo," ani Frecy sa kanya.

"Frecy—" Bago pa man niya ito mapigilan ay nakapasok na ito sa shop. Kinausap nito ang saleslady at itinuro ang damit sa display. Hinila siya papasok ni Armie.

Paglabas nila ng shop ay hindi lang isang paper bag ang bitbit nila. Hindi lang din isang maternity dress ang binili ng magkapatid para sa kanya. Lahat ng magustuhan ng mga ito para sa kanya ay binili ng mga ito.

Hindi siya makapiyok dahil nahihiya siya sa saleslady na nakasunod sa kanila at kumukuha ng mga dinadampot nina Frecy at Armie.

Ang sunod na pinasok nila ay isang baby shop. Lalong natuwa ang magkapatid sa pagpili at pagdampot ng mga gamit.

"Ang cute-cute!" ani Armie habang ipinapakita sa kanya ang isang blue na bib.

"Ito rin, o," sabi ni Frecy na hawak naman ang isang pink knitted socks.

Naluha siya. Natigilan ang magkapatid.

"Hoy, `wag kang umiyak dito. Nakakahiya. Iya, ano ka ba?" nababaghang sabi ni Frecy.

"Magsabi kayo ng totoo. Pakana ng kuya n'yo `to, ano?" aniya sa pagitan ng pagluha.

"Oo na," pag-amin ni Armie. "Binigyan niya kami ng pang-shopping. Pero huwag mong iisiping ginagawa lang namin `to dahil sinabi niya. Masaya kaming gawin `to para sa `yo. Excited kami riyan sa dinadala mo, eh. Ninang kami, ha?"

"Nakakahiya na masyado. Ang kuya n'yo talaga. Bakit ba niya inaaksaya ang pera niya sa akin? Sa inyo na dapat `yon." Nais niyang manliit at nais din niyang ma-touch sa ginagawa ni Vann Allen. Hindi siya nito nakakalimutan. Kahit ang mga maliliit na pangangailangan niya ay hindi nito pinapabayaan.

"Hayaan mo na't marami namang pera `yon," ani Frecy. "Loka, tumahan ka na at pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Masaya kami sa ginagawa namin. Hayaan mo na kami. Huwag ka nang mahiya. Maliit na bagay lang `to, walang kaso. Kung nagkapalit tayo ng kalagayan, gagawin mo rin sa akin ito, `di ba?"

Pinahid ni Armie ang mga luha niya.

"Salamat," aniya. "Pakisabi na rin sa kuya n'yo."

"Makakarating," sabay na sabi ng mga ito.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C60
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login