Baixar aplicativo
20% TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 8: Chapter 7

Capítulo 8: Chapter 7

Triton's Point of View

Malalim na paghinga ang ginagawa ko habang papasok ako sa paaralan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa kwento sa akin ni mama kagabi. Kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon niya nang sabihin ko ang tunay na pangalan ni Lei.

"Ma, anong problema?" tanong ko sa kanya nang maupo siya sa kama ko. "Okay ka lang po ba?"

Tumango ito, "Okay lang ako anak hindi lang ako makapaniwala sa sinabi mo."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. Anong ibig niyang sabihin?

"Kilala niyo ba si Lei?"

"Paano ko makakalimutan ang batang iyon kung saan muntikan na siyang mamatay kasama ang mga magulang niya sa isang aksidente." nagkaroon naman ng dalawang guhit sa noo ko sa sinabi ni mama. Anong aksidente ang tinutukoy niya?

"Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko kay mama.

"Twenty years ago nang makilala ko si Lei—ang mga magulang niya sa hospital..." panimula ni mama at saka napatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. "Naaksidente sila ng gabing iyon at isa ako sa mga nurse na umasikaso sa kanila sa hospital. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Duguan silang tatlo. Ang papa nito ay patay na nang makarating sila ng hospital habang sila ng kanyang ina ay nag-aagaw buhay." parang naging poste ako sa mga narinig ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Aksidente? A-anong aksidente?" tanong ko kay mama.

"Car accident."

Bakit hindi ito nakwento sa akin ni Lei? Ang sinabi niya lang sa akin wala na siyang mga magulang at ang Lola niya lang ang tumayo ng ama at ina nito.

"I can't believe that she's alive." tumingin sa akin si mama. "Ang pagkakaalam ko namatay ang batang iyon twenty years ago at ang tanging nakaligtas lang mula sa aksidente ay ang mama nito na si Lillia na siyang kaibigan ko."

"What? Her mother is alive?" tumango lang naman si mama. "But Lei told me that her parents is already dead kaya nga ang Lola niya ang nagpalaki sa kanya." paliwanag ko sa kanya.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang makadaan ako sa guard house. Agad akong lumingon sa babaeng nandoon habang kausap siya ng school guard.

"Kaano-ano ka ba ng apo ng principal, miss? Hindi ba ikaw na naman iyong nandito kahapon na nagpupumilit na ibigay ko iyong sulat sa batang iyon?" rinig kong tanong ni kuya guard sa babae.

Nakasuot ng pantalon at naka-jacket ang babaeng kausap ng guard. Nakasuot din ito ng cap at may mask sa kanyang bibig. Mukhang ayaw nitong ipakita ang kanyang mukha.

"Please kuya pakibigay po ito sa kay Lei. Kailangan niya po itong makita." nagmamakaawang sambit ng babae sa guard pero pinagtulakan lang siya ng guard pa labas ng gate.

"Miss umuwi ka na—Anong ginagawa mo?" galit na napatingin sa akin ang school guard nang makita niyang kinuha ko sa kamay ng babae ang hawak nitong brown envelope.

"Kaklase po ako ni Lei." pakilala ko sa babae. "Huwag po kayo mag-alala ibibigay ko po ito sa kanya." ngitian ko lang siya bago ako tuluyang umalis.

Nang makalayo ako sa guard house ay napalingon muli ako. Wala na doon ang babae mukhang umalis na rin ito. Napatingin naman ako sa hawak ko. Ano kayang laman nito? Sino kaya ang babaeng iyon?

"Hindi kaya iyon ang mama ni Lei?" bulong ko sa sarili ko. Agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at agad na tinext ang mama ko.

Pagkarating ko sa classroom ay napatingin ako sa upuan ni Lei. Wala pa ito mukhang ma-l-late na naman siya. Dumeretso naman ako sa upuan ko at binati si Apollo nang makita ko siya sa kanyang upuan.

"Ano iyan?" tanong nito nang makita niya ang hawak ko.

"Para kay Lei." Napa-ahh lang naman ito at saka muli nitong hinarap ang cellphone niya mukhang may ka-text ito.

Sa tuwing bumubukas ang pinto ng classroom ay lagi akong napapatingin dito. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang klase at wala pa rin si Lei.

Late na naman kaya iyon?

Napatingin muli ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang kaibigan ni Lei na si Shania. Nginitian niya naman ako bago ito umupo sa kanyang upuan.

"Rodriguez." tawag ko sa kanya kaya napalingon ito. "Si Lei?"

She just shrugged. "Baka late na naman siya? Hindi ka na nasanay sa babaeng iyon." pagkasabi niya iyon ay umupo na ito ng mabuti.

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Apollo na kumakain ng lunch.

"Hoy, kumain ka na kaya." Sabi sa akin ni Apollo habang itinuturo nito ang pagkain na nasa harap ko.

Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko. It's already 12 in the afternoon pero wala pa rin si Lei. Mukhang wala siyang balak na pumasok. Kanina ko pa siya tine-text pero ni isang reply mula sa kanya ay wala akong natanggap.

"Bakit kaya hindi siya pumasok?" tanong ko kay Apollo.

"Kasi umabsent siya?" sagot nito dahilan oara tapunan ko siya ng masamang tingin. Kahit kailan talaga may hangin ang utak nitong lalaking ito.

"Kung walang kwenta iyang sagot mo please lang Apollo huwag ka na magsalita." inis na saad ko sa kanya bago ako sumubo ng pagkain na nasa harapan ko. Narinig ko lang naman siyang tumawa. Bwisit talaga siya.

"Kumusta na pala kayo ni Lei?" natigil naman ako sa pagkain ko at napatingin sa kanya. Abala pa rin ito sa pagkain niya. "Malapit na siya mag-eighteen 'di ba? Ibig sabihin ba niyan official ka na talagang manliligaw sa kanya?" binitawan niya ang hawak niyang kubyertos at saka niya ako tiningnan.

"Okay naman kami ni Lei." sagot ko bago ako uminom ng tubig at muling nagsalita. "Iyon ang sabi niya sa akin noong grade seven kami e. Pwede ko lang daw siya ligawan pag eighteen na siya."

Napansin kong napabuntong hininga siya sa sagot ko.

"Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Wala naman, natanong ko lang." sagot niya at muli na itong kumain.

Napailing na lang ako bago ko tinapos ang pagkain ko. Nang matapos kaming kumain ni Apollo ay nagpaalam ito sa akin na pupunta siyang hospital kung nasaan nandoon ang pinsan niyang na-comatose. Bigla raw kasi siyang tinawagan ng tita niya. Mukhang gising na raw si Hades mula sa coma.

"Samahan na kita." habol ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Tawagan na lang kita pag okay na siya. Sige na, balik ka na sa classroom pa-excuse mo na lang ako. Emergency e." pagkasabi niya iyon ay tinapik niya lang ako sa balikat bago ito umalis ng campus.

Naglalakad naman ako ngayon pabalik sa classroom. Habang naglalakad ako ay nakatingin ako sa screen ng cellphone ko. Hinihintay ko kasi ang reply ni Lei.

"Wala kaya siyang load kaya naman hindi siya nag-r-reply?" tanong ko sa sarili ko.

Gusto ko sana siyang tawagan pero hindi ko ginawa dahil ayaw na ayaw niyang tinatawagan ko siya. Iyong una't huli kong tawag sa kanya ay noong grade seven pa lang kami. Iyon ang araw kung kailan binigay niya sa akin ang number niya. Galit na galit siya noong tinawagan ko siya kaya mula noon hindi ko na siya tinatawagan. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niyang tinatawagan ko siya.

Nagulat naman ako ng may isang kamay ang humila sa akin papasok sa isang silid habang ako'y naglalakad. Napatingin ako sa silid at sa taong humila sa akin. Hindi ko masyadong masilayan ang kanyang mukha dahil madilim sa loob. Mukhang nasa computer laboratory kami.

"Who are you?" tanong ko sa taong nasa harap ko. Hindi naman niya ako sinagot at nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari. Halos nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa.

She kissed me on the lips.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C8
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login